Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAGPAPAAYOS SA MGA PALIKURAN SA PAARALANG

JOSE C. PAYUMO JR. MEMORIAL HIGHSHOOL ( JCPJRMHS )

Mula kay Angelika Diane Q. Pili

Barangay Naparing
Dinalupihan, Bataan
Ika-31 ng Oktubre, 2021
Haba ng Panahong Gugulin: Isang Buwan at Kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng paaralan ay ang palikuran. Dapat itong malinis at may
sapat na suplay ng tubig. Isa sa mga problemang kinakaharap ng mga estudyante sa JCP ay ang
kawalan ng malinis na palikuran.
Sa kawalan ng pondo ay napapabayaan ang pagpapanatili ng malinis na palikuran. Dahil
dito, madalas gumamit ng palikuran ang mga mag-aaral at nagtitiis na lang hanggang sila ay
makauwi sa kanilang mga tahanan. Kasama rin sa pagsasaayos ng mga palikuran ng paaralan ang
pagkukumpuni ng suplay ng tubig.
Sa ganoong paraan, mapanatiling malinis ang palikuran at hindi na kailangan magtiis ang
mga mag-aaral. Higit sa lahat, makakatulong ito upang maiwasan magkaroon ng komplikasyon
sa katawan at makakuha ng sakit dulot ng maruming palikuran. Layon itong ayusin, upang
mabigyan ng malinis na palikuran at maging komportable ang mga mag-aaral at iba pang
gagamit nito.

II. Layunin
Mapaayos ang mga palikuran kasama na ang pagkukumpuni ng suplay ng tubig, upang
maiwasan ang pagtitiis ng mga kailangan gumamit ng palikuran, at maiwasan ang pagkakaroon
ng komplikasyon sa katawan at makakuha ng sakit dahil sa maruming palikuran.

This study source was downloaded by 100000818295441 from CourseHero.com on 10-31-2022 02:51:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/128370066/PANUKALANG-PROYEKTOdoc/
III. Planong Dapat Gawin
1. Pagpapasa ng request sa nakakataas o principal ng paaralan. ( 3 araw)
2. Pag-apruba sa Badyet. ( 1 linggo )
3. Paggawa ng plano sa pagpapaayos ng palikuran ( 2 araw )
4. Paghahanap ng mga tao o mangongontrata sa paggawa ng mga palikuran at sa suplay ng
tubig. ( 3 araw )
 Kasama na rin dito ang mga kasunduan sa sweldo ng mga trabahador
5. Paghahanap ng sponsor o mga gustong tumulong sa proyekto. ( 1 buwan )
6. Pagpapaayos ng palikuran sa paaralan (1 linggo )

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

I. Mga materyales na gagamitin sa


Php 10,000.00
pagpapaayos ng palikuran

II. Mga gagamitin sa pagkukumpuni


Php 5,000.00
ng suplay ng tubig

III. Suweldo ng mga trabahador (tatlo) Php 10, 500.00

Ang kabuuang kakailanganin na pondo sa pagpapaayos ng palikuran ay aabot ng Php


25,500. Ang matitirang pera ay gagamitin para sa mga bibilhing suplay na gamit ng paglilinis
para sa palikuran, upang mapanatili ang kalinisan nito.

This study source was downloaded by 100000818295441 from CourseHero.com on 10-31-2022 02:51:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/128370066/PANUKALANG-PROYEKTOdoc/
V. Bepisyo ng Proyekto at Makikinabang Nito
Ang pagsasaayos ng mga palikuran sa paaralan ay magiging kapaki-pakinabang sa mga
mag-aaral, guro, at iba pang gumagamit nito. Sa paraang ito, mabibigyan nang maayos at
komportableng palikuran ang mga bawat gagamit dito. Hindi na nila kailangang maghintay
hanggang makauwi sa kanilang mga tahanan para lamang umihi. Higit sa lahat, sa magandang
supply ng tubig ang mga tagapaglinis ng palikuran ay hindi na mahihirapan. Sa gayon,
mapananatiling malinis ang palikuran dahil may sapat na tubig para dito.

This study source was downloaded by 100000818295441 from CourseHero.com on 10-31-2022 02:51:59 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/128370066/PANUKALANG-PROYEKTOdoc/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like