Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Buhay ng Manunubos

Taon-taon, naging tradisyon na natin mga kristiyano ang pagdiriwang ng mahal na araw bilang
pag-aalala sa kamatayan at muling pagkabuhay ng ating panginoong Hesukristo. Bukod pa rito, ito rin
ang nagsisilbing panahon upang magbalik-loob sa pagsasagawa ng mga ispituwal na gawain tulad ng pag-
aayuno, pagsisimba, pagdarasal, at palaspas. Bilang isang kristiyano at estudyante, ang ganitong
tradisyon ay mahalaga para sa akin sapagkat dito sumasalamin ang aking pananampalataya at kung paano
ko pinapahalagahan ang aking pagiging kristiyano. Kaya nais kong ilathala kung ano ang aking ginawa
noong mahal na araw, ako'y nanood ng The Life of Jesus sa aming telebisyon. Ito'y isang napakagandang
panoorin kung saan mabubuksan ang iyong puso at isipan patungkol sa buhay ni Kristo.
Base sa aking pagkakatanda, magsisimula ito sa mensahe ni anghel Gabriel patungkol sa
kapanganakan ni Juan Bautista ang tagapagbawtismo. Kasama rin dito ang mensahe sa pagdadalang tao ni
Maria sa pamamagitan ng espiritu santo, ang kanyang anak na lalaki ay tatawagin emmanuel o Jesus. Siya
ay nanganak sa Bethelem; ang salita ay ganap nang naging tao. Matapos ito, tinuli si Jesus sa ika-walong
araw at dinala siya sa templo ng kanyang mga magulang pagkatapos ng 40 na araw. Tumakas sila at
nagtungo sa iba't ibang lugar dahil sa nais ipapatay ni haring Herodes si Jesus. Sa edad na 12 anyos,
nagsimulang magtanong si Jesus sa mga guro na nasa templo.
Natuto siyang magkarpintero at nagsimulang mangaral sa iba't ibang lupain kasama ang kanyang
labindalawang apostol matapos siyang mag-ayuno at mabautismuhan. Sila ay nagpaggaling ng mga may
sakit, nagpalayas ng mga demonyo, at nangaral. Bagamat nagplano ang mga saserdote at eskriba na
patayin si Jesus. Siya ay nagpakasakit kay Pontio Pilato, ipinako sa krus at namatay sa pahirapang tulos.
Sa ikatlong araw siya muling nabuhay at nagpakita sa kanyang mga alagad. Gayunpaman, sa ika-40
niyang araw ay ganap siyang umakyat sa langit.
Napakahirap man ng dinanas ng ating panginoon, lahat ng ito'y may dahilan kung bakit ito
nangyari na dapat hindi natin makalimutan. Ginawa niya ito hindi lang dahil sa ito ay nararapat o nasa
propesiya—ang pagkamatay ni Hesukristo ay nangyari upang tubusin ang sangkatauhan mula sa ating
mga kasalanan at upang mabuksan ang pintuan ng langit.
Para sa akin, ang mga ganitong palabas ay mahalaga sapagkat ipinapakita nito ang kasaysayan at
tunay na buhay ng panginoong Hesukristo. Naglalaman ito ng iba't ibang aral na maaari natin magamit sa
pang araw-araw na buhay. Matapos ko itong mapanood mas nalinawan ako kung bakit nga ba tayo
nagdiriwang at nagsasagawa ng mga ganitong gawain. Hangad ko na huwag sana natin malimutan ang
ginawang sakripisyo at ibinigay na walang hanggang pagmamahal sa atin ng panginoong Hesukristo.
Ilaan natin ang mga natitirang oras at mga araw upang makapaghanda sa kanyang pagdating, upang ang
susunod na pagkabuhay at paghahari ng manunubos na si Jesus ay maging masayang pagdiriwang para sa
lahat.

You might also like