Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 32

4

EPP
Agrikultura
Unang Markahan-Modyul 6
Masistemang Pangangalaga
ng mga Tanim: Paggawa at
Paglagay ng Abono
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ika-apat na
Baitang Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 6: Masistemang Paraan ng Pangangalaga ng Tanim:
Paggawa at Paglagay ng Abono
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng KAGAWARAN NG EDUKASYON
Kalihim: LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Pangalawang Kalihim: DIOSDADO M. SAN ANTONIO
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Lorie Mae S. Dela Cru, Angelie Diane C. Pamplona
Noralita M. Bautista, Melanie A. Fabros
Jacqueline A. Feca, Elnora G. Pamplona
Editor: Beverly B. Abad
Tagasuri: Editha C. Madres, Genie P. Cubita, John Mark S. Anotonio
Aileen S. Guintibano, Jay Sheen A. Molina
Tagaguhit: Anna Lou C. Suyamin, Jobert C. Espino
Tagalapat: Arlene P. Norico
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo PhD, CESO IV : Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V : Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI : Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno : Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera : CLMD Chief
Arturo D. Tingson, Jr. : Regional EPS, In-charge of LRMS
Peter Van C. Ang-ug : Regional EPS, ADM Coordinator
Gilda A. Orendain : Regional EPS, TLE/EPP Coordinator
Lalaine SJ. Manuntag PhD : Division CID Chief
Nelida A. Castillo PhD : Division EPS In-charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz PhD : Division ADM Coordinator
Mila A. De Leon PhD : Division EPS, TLE/EPP Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825 / (083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.ph
4

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 6:
Masistemang Pangangalaga ng mga
Tanim:Paggawa at Paglagay ng Abono
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Baitang 4 ng Self-Learning Module (SLM) para sa araling
Masistemang Pangangalaga ng Tanim: Paggawa at Paglagay ng Abono.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Baitang 4
ng Self-Learning Module ukol sa Masistemang Pangangalaga ng Tanim: Paggawa at
Paglagay ng Abono.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad


ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay sinulat at binuo upang kayo ay


magagabayan sa inyong pag-aaral. Makatutulong ito upang
matutunan mo ng lubos ang tungkol sa masistemang
pangangalaga ng tanim.
Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop gamitin sa iba’t-
ibang sitwasyon. Iniakma rin sa kakayahan mo bilang mag-aaral
ang wikang ginamit dito para lubos mo itong maunawaan.
Ang mga aralin ay inayos mula sa simple o payak patungo
sa paksang nangangailangan ng mataas na pang-unawa ngunit
pwede mong baguhin ang pagkakasunod-sunod ng bawat paksa
sa pagbabasa o pagsagot ng mga Gawain batay sa aklat na iyong
ginagamit sa kasalukuyan.
Ang modyul na ito ay binubuo ng apat na mga aralin:
Aralin 1: Paggawa ng Organikong Pataba
Aralin 2: Paraan ng Paggawa ng Organikong Pataba
Aralin 3: Ibat’ ibang Paraan ng Paglalagay ng Abono
Aralin 4: Paggawa ng Organikong Pataba (Compost Pit,
Basket Composting at Vermi Compost)
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:
a. Natutukoy ang pinagmulan ng organikong pataba;
b. Nasusunod ang wastong paraan ng paggawa ng organikong
pataba;
c. Napahahalagahan ang mabuting dulot ng organikong pataba;
d. Naisasagawa ang wastong paraan ng paggawa ng organikong
pataba;
e. Naibibigay ang mabuting naidudulot ng tamang paraan ng
paggawa ng organikong pataba;
f. Naisaisip ang kahalagahan ng paggawa ng organikong Pataba;
g. Naisa-isa ang iba’t-ibang paraan ng paglalagay ng abono o
pataba sa halaman;
h. Napahahalagahan ang paglalagay ng abono o pataba sa mga
halaman;
i. Naipapaliwanag ang kahulugan ng bawat paraan ng paraan
paglalagay ng abono sa halaman;

1
j. Naisa-isa ang mga paraan sa paggawa ng compost pit;
k. Naisasagawa ang wastong paggawa ng compost pit;
l. Naisaalang-alang ang mga pamantayang pangkalusugan; at
pangkaligtasan sa paggawa ng compost pit.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na

2
tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
_______1. ________ ang nilalagay sa mga halaman upang tumaba
at maging sapat ang sustansyang taglay ng lupa
na kailangan ng mga halaman gamit ang ugat nito.
A. sikat ng araw B. abono C. tubig D. hangin
_______2. Anong uri ng pataba na gawa sa mga pinagsama
samang dumi ng hayop, mga bulok na pagkain katulad
ng prutas at mga damo?
A. organikong pataba C. di-organikkong pataba
B. complete fertilizer D. urea
_______3. Ito ay tumutukoy sa mga patabang nabibili sa mga
pamilihan at may halong kemikal.
A. organikong pataba C. di-organikkong pataba complete
B. fertilizer D. urea
_______4. Bakit mahalaga ang organikong pataba?
A. Nakadagdag kemikal sa lupa
B. Mabibili sa pamilihan at may kemikal
ito C. Lumiliit ang tubo ng halaman
D. Matipid, maaring mabawas ang dami ng kemikal na
abono.
_______5. Paraan ng palalagay ng abono o pataba na ikinakalat
sa ibabaw ng lupa.
A. broadcasting method C. foliar application method
B. side-dressing mehod D. ring method
_______6. Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong ugali sa
paggawa ng organikong pataba ng pataba?
A. Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain. B.
Ihanda ang mga mahalagang kagamitan o materyales
na gagamitin.
C. Magsigawan habang gumagawa.
D. Alamin ang mga paraan sa paglalagay ng abono.
_______7. Paano nilalagay ang Side-dressing Method?
A. Ikinakalat sa ibabaw ng lupa.
B. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng padidilig o pag-
iispray ng solusyong abono sa mga dahon ng halaman
C. Nilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat
ng halaman

3
D. Humukay nang pabilog sa paligid ng tanim na may
layong kalahati hanggang isang pulgada mula s puno o
tangkay.
_______8. Anong halaman ang ginagamitan ng broadcasting
method sa paglalagay ng abono?
A. okra B. talong C. palay D. kamatis
_______9. Ano ang ginagamit sa pag ispray sa Foliar Application
Method?
A. sprayer B.timba C. tabo D. plato
_______10. Kailan maaring maglagay ng Basal Method?
A. Kapag namumulaklak na ang
tanin B. Kapag malaki na ang tanim
C. Kapag kailangan ng anihin ang tanim
D. Kapag wala pang tanim ang lupa

4
Aralin
Paggawa ng
1 Organikong Pataba
Mga Layunin:
a. Natutukoy ang pinagmulan ng organikong pataba;
b. Nasusunod ang wastong paraan nang paggawa ng organikong
pataba; at
c. Napahahalagahan ang mabuting dulot ng organikong pataba.

Balikan

Panuto: Tingnan ang mga larawan at isulat sa patlang kung ito


ay Nabubulok o Di-nabubulok.

1._______________ 2._______________

3._______________ 4.________________

5.___________________

Tuklasin

Basahin at unawain ang maikling kuwento.


Ang Dalawang Magkaibigan
May dalawang magkaibigan na sina Lyka at Xia habang
naglalakad, may nakita silang mga nakakalat na cellophane,
mga tuyong dahon, natirang mga prutas, mga plastik na bote,
Styrofoam at iba pa.

5
Hindi namalayan ni Xia namumulot na pala si Lyka ng mga
tuyong dahon at natirang mga prutas na karga karga na niya.
Pinuna siya ni Xia at sabay tanong, “Bakit mo pinulot ang mga
yan,” Lyka? Ang dumi nyan!. Alam mo ba na malaki ang
pakinabang nito sa ating mga halaman at lupa. Sagot ni Lyka. Ano
ang gagawin dyan? Tanong ni Xia. “Pinulot ko to dahil gagawin ko
itong pang abono sa aking mga halaman upang ito ay lumago at
tumaba. Sagot ni Lyka.

Suriin

Batay sa kwentong binasa mo sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang masasabi mo tungkol sa mga kuwento?
2. Anong pataba kaya ang kanyang gagawin?

1. COMPOST PIT- ay isang hukay sa lupa kung saan


itinatambak o inilalagay ang mga nabubulok na bagay
upang gawing organikong pataba.
2. BASKET COMPOSTING- ang pagkokompost na nagbibigay
ng isang mura, maginhawang opsyon ng pagkokompost
para sa malago at matabang harding lupa.
3. VERMI COMPOST- abonong produkto mula sa bulate na
Vermi. Ito ay pinakamabilis na paraan sa paggawa ng
organikong pataba.

Pagyamanin

Gawain 1.1
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang organikong pataba?
2. Ano ang tatlong uri ng organikong pataba?
3. Ano ang pinagkukunan ng organikong pataba?
B. Panuto: Lagyan ng tamang bilang 1-7 ang tamang
pagkasunod-sunod ng paggawa ng organikong pataba.

6
____1. Hukayin ito ng dalawang metro ang haba, luwang at lalim.
____2. Humanap ng medyo mataas na lugar.
____3. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok at
baka.
____4. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang
nabubulok at mga pinagbalatan na gulay at prutas.
____5.Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng damo, nabubulok
na basura, dumi ng hayop, abo, lupa hanggang sa mapuno
ang hukay.
____6. Sabugan ito ng abo at patungan ito ng lupa.
____7. Patagalin ng tatlong buwan o higit pa upang mabulok bago
kunin.

Isaisip

Gawain 1.2
Panuto: Ibigay ang wastong pamamaraan sa paggawa ng
organikong pataba. Isulat sa iyong sagutang papel.

Isagawa

Gawain 1.2
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong.
Magbigay ng paliwanag o opinyon dito.
1. Ano ang benepisyong makukuha kung ang basurang
nabubulok ay hindi susunugin, bagkus ito ay pabubulukin
at gagawing organikong pataba?
2. Ano ang iyong gagawin upang mamulat ang iyong
kapitbahay sa kahalagahan ng paggawa ng organikong
pataba at tamang pagtatapon ng basura?

Aralin
Ang Mga Paraan ng Paggawa
2 ng Organikong Pataba
7
Mga Layunin:
a. Naisasagawa ang wastong paraan ng paggawa ng
organikong pataba,

b. Naibibigay ang mabuting naidudulot ng tamang paraan


ng paggawa ng organikong pataba, at
c. Naisaisip ang kahalagahan ng paggawa ng organikong
pataba

Balikan

Panuto: Sagutan ang mga tanong.


1. Naalala mo pa ba ang ating aralin sa nakaraang araw? Ano
ano ang iyong natutuhan?
2. Paano ito gagawin?

Tuklasin

Panuto: Susuriin ng mga mag-aaral ang bawat larawan.

Larawan A Larawan B Larawan C


Ano- ano ang iyong nakikita sa mga larawan A? Larawan B?
Larawan C? Alin sa mga sumusunod na larawan ang organikong
pataba? Bakit? Aling larawan naman ang di-organikong pataba?

Suriin

8
Ang mga tamang pamamaraan sa paggawa ng
Organikong pataba
1. Humanap ng medyo mataas na lugar.
2. Hukayin ito ng dalawang metro ang haba, luwang at lalim.
3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang
nabubukok at mga pinagbalatan ng gulay at prutas.
4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka.
5. Sabugan ito ng abo at patungan ito ng lupa.
6. Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng damo, nabubulok
na basura, dumi ng hayop, abo, at lupa hanggang sa mapuno
ang hukay.
7. Patagalin ng 3 o higit pa upang mabulok. Kunin ang mga
compost sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang
metal screen na maliliit ang mga butas.

Pagyamanin

Gawain 2.1
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Nasunod mo ba ang tamang pamamaraan ng paggawa ng
organikong pataba? Ano ano ang iyong ginawa?
2. Bakit natin kailangan pahalagahan ang gawaing ito?
3.Ano ang mabuting naidudulot sa ating pang araw araw na
gawain?
B. Panuto: Isulat ng patalata ang mga hakbang sa paggawa ng
organikong abono o pataba.

Isaisip

Gawain 2.2

9
Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Isulat ang
iyong mga sagot sa sagutang papel.
Sa paggawa ng organikong pataba ay makapagbibigay ng 1.____
upang lumago ang mga pananim. Ang 2. ______ gawa sa mga
nabubulok na basura tulad ng dumi ng hayop, dahon, balat ng
prutas, gulay. Samantalang ang 3.__________ pataba tulad ng
4.________(46-0-0) at 5. ______ (14-14-14 ) patabang may halong
kemikal.

Isagawa

Gawain 2.3
A. Panuto: Isa-isahin ang paggawa ng organikong pataba.

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Nasunod mo ba ang tamang pamamaraan ng paggawa ng
organikong pataba? Ano ano ang iyong ginawa?
2. Bakit natin kailangan pahalagahan ang gawaing ito?
3.Ano ang mabuting naidudulot sa ating pang araw araw na
gawain?

10
Aralin
Iba’t-ibang Paraan sa
3 paglalagay ng Abono
Mga Layunin:
a. Naisa-isa ang iba’t-ibang paraan ng paglalagay ng abono o
pataba sa halaman;
b. Napahalagahan ang paglalagay ng abono o pataba sa mga
halaman; at
c. Naipapaliwanag ang kahulugan ng bawat paraan ng paraan
ng paglalagay ng abono sa halaman.

Balikan

Natalakay natin ang tungkol sa paggawa ng organikong


pataba. Gawin ang mga sumusunod at isulat ang iyong mga
sagot sa sagutang papel.
1. Magbigay ng dalawang (2) paraan sa paggawa ng
organikong pataba.
2. Ano- ano naman ang mga hakbang sa paggawa ng compost
pit?

Tuklasin

Larawan A Larawan B
1. Ano ang napansin mo sa larawan A? Larawan B?
2. Ano ang ibig ipahiwatig ng dalawang larawan?
3. Bakit may halamang mataba o malusog?
4. Bakit may halamang payat o hindi malusog?
5. Ano kaya ang dapat gawin upang maging malusog o
malago ang mga halaman?

11
Suriin

Tingnang mabuti ang mga larawan at sagutin ang mga


sumusunod na katanungan.

➢ Tingnan ang larawan paano nilalagay ang abono?


➢ Sa anong mga halaman o tanim kaya ito pwedeng gamitin?
➢ Bakit ito ginagamit sa palayan at maisan?
Ang paglalagay ng abono sa malawak na lupain na kinakalat sa
ibabaw ng lupa ay tinatawag nating Broadcasting Method. Ito ay
ginagawa sa mga palayan at maisan.

➢ Tingnan ang larawan paano nilalagay ang abono?

➢ Sa anong mga halaman o tanim kaya ito pwedeng


gamitin? Bakit?
Ang paglalagay ng abono na ilalagay sa lupa na hindi
gaanong malapit sa ugat ng halaman ay tinatawag nating
Side-dressing Method. Ito ay kadalasang ginagawa sa mga
halamang nakatanim ng pahilera at paisa-isa.

➢ Tingnan ang larawan paano nilalagay ang abono?

➢ Sa anong mga halaman o tanim kaya ito pwedeng


gamitin? Bakit?

12
Ang paglalagay ng abono sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-
iispray ng solusyong abono sa dahon ng halaman ay tinatawag
nating Foliar Application Method.

➢ Tingnan ang larawan paano nilalagay ang abono?

➢ Sa anong mga halaman o tanim kaya ito pwedeng


gamitin? Bakit?
Ang paraan na humukay muna nang pabilog sa paligid ng
tanim na may layong kalahati hanggang isang pulgada, mula sa
puno o tangkay ay tinatawag Ring Method.

➢ Tingnan ang larawan paano nilalagay ang abono?

➢ Sa anong mga halaman o tanim kaya ito pwedeng


gamitin? Bakit
Ang paglalagay ng abono sa pamamagitan ng paghahalo ng
pataba sa lupa bago itanim ang halaman ay tinatawag nating
Basal Application Method. Kapag ang halaman naman ay
itatanim sa paso, ang pataba ay inihalo muna sa lupa bago
itanim ang halaman.
Paano maglagay ng abono?
Meron tayong dalawang klase ng pataba ang patabang
organiko at patabang di-organiko. Ang patabang galing sa mga
bulok na mga bagay tulad ng dumi ng hayop at mga bulok na
dahon, gulay at prutas ay ginagawang compost pit upang
magkaroon tayo ng organikong pataba at inihalo lamang ito sa
lupa. Ang paglalagay naman ng di-organikong pataba ay
nakasulat sa balot nito ang mga paraan ng paglagay nito sa mga
halaman.
Kailan maaaring maglagay ng abono?

13
Ang abono o pataba ay maaaring ilagay bago magtanim,
habang nagtatanim o pagkatapos magtanim. Ngunit ang
pinakamagandang panahon sa pagolalagay ng abono o pataba ay
habang maliliit pa ang mga tanim bago ito mamunga. Sa
panahong ito, kailangan ng tanim ang sustansya mula a lupa.

Pagyamanin

Gawain 3.1
A. Panuto: Isulat sa table o tahanayan sa ibaba ng iyong sagot.
Paraan nang Kailanilagay ang Anong halamang
paglagay abono abono pwede lagyan nito
Broadcasting
Method
Side-dressing
Method
Foliar Application
Method
Basal Application
Method
Ring Method
B. Panuto: Itugma ang hanay A sa tamang sagot na naaayon sa
larawan sa hanay B. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
A B
1. Foliar Application a

2. Basal Application Method .


3. Broadcasting Method b
.
4. Ring Method c
.
5. Side-dressing Method d
.
e
.
Isaisip

14
Gawain 3.2
Panuto: Ibigay ang iba’t ibang paraan ng paglalagay ng abono o
pataba sa mga halaman at ilarawan ito gamit ang parirala. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Isagawa

Gawain 3.3
Panuto:Punan ng tamang sagot ang bawat pahayag. Isulat ang
iyong mga sagot sa sagutang papel.
_____________1. Ang paglalagay ng abono sa pamamagitan ng
Paghahalo ng pataba sa lupa bago itanim ang
halaman.
_____________2. Ang paglalagay ng abono sa malawak na
lupain na kinakalat sa ibabaw ng lupa.
_____________3. Ang paraan na humukay muna nang pabilog
sa paligid ng tanim na may layong kalahati
hanggang isang pulgada, mula sa puno o
tangkay.
_____________4. Ang paglalagay ng abono sa pamamagitan ng
pagdidilig o pag-iispray ng solusyong abono
sa dahon ng halaman.
_____________5. Ang paglalagay ng abono na ilalagay sa lupa
na hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman.

Magaling! Tiyak kong handa kana sa susunod na aralin.

Aralin Paggawa ng Organikong Pataba

4 (Compost pit, Basket


Composting at Vermi Compost)
15
Mga Layunin:
a. Naisa-isa ang mga paraan sa paggawa ng compost pit;
b. Naisasagawa ang wastong paggawa ng compost pit, at
c. Naisaalang-alang ang mga pamantayang pangkalusugan
at pangkaligtasan sa paggawa ng compost pit.

Balikan

1. Magbigay ng mga paraan sa paglalagay ng abono sa halaman.


2. Ano ang ibig sabihin ng mga sumusunod:
a. Broadcasting Method-
b. Foliar Method-
c. Side-dressing Method-
d. Ring Method-
e. Basal Application-

Tuklasin

Pag-aralan Natin:
Panuto: Tingnan ng mabuti ang nasa larawan at suriin ang mga
ito.

Suriin

1. Ano ang mga nasa larawan?


2. Saan ginagamit ang mga kagamitang ito?
Ang Paggawa ng Compost Pit
1. Pumili ng angkop na lugar.

16
a. patag at tuyo ang lupa
b. may kalayuan sa bahay malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa
at iba pa.
2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang
metro ang lalim at dalawang metro ang lapad.
Patagin ang loob ng hukay at hayaang
makabilad sa araw upang hindi mabuhay ang
anumang uri ng mikrobyo.
3.Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng
tuyong damo, dahon mga balat ng prutas at iba
pa. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay
hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.
Haluan ng 1 hanggang 2 kilo ng abono urea ang
inilagay na basura sa hukay.

4.Patungan ito ng mga dumi ng hayop


hanggang umabot ng 15 sentimetro ang kapal
at lagyan muli ng lupa, abo o apog. Gawain ito
ng paulit-ulit hanggang mapuno ang hukay.

5.Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa


pamamagitan ng pagdilig araw-araw. Tiyakin
hindi ito babahain kung panahon nama ng
tagulan, makabubuting takpan ang ibabaw ng
hukay ng ilang piraso ng dahon ng saging
upang hindi bahain.

6.Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang


buko at may butas sa gilid. Itusok ito sa
nagawang compost pit upang makapasok ang
hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng
mga basura.

7.Bunutin ang mga itinusok na kawayan


pagkalipas ng tatlong linggo. Haluing mabuti ang
mga pinagsama-samang kalat at lupa.
Pagkalipas ng dalawang buwan o higit pa ay

17
maaari na itong gamiting pataba ayon sa mabilis
na pagkakabulok ng mga basurang ginamit.

Mga hakbang sa paggawa ng basket commposting.


1.Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na
sapat ang laki at haba. May isang metro ang
lalim.
2.Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-
patong na tuyong dahon. dayami, pinagbalatan ng gulay at
prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng compost pit
hanggang mapuno ang sisidlan.
3.Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang
kawayan upang mabulok kaagad ang basura.

4.Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang


sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang
peste.

5.Alisin ang mga pasingawang kawayan at


haluin ang laman ng sisidlan upang magsama
ang lupa at nabubulok na mga bagay
pagkalipas ng isang buwan.

Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

18
A. Maglista ng mga kagamitan na ginagamit sa paggawa ng
compost pit, basket composting at vermi compost.
B. Itala ang mga maayos na paraan sa paggawa ng compost
pit, basket composting at vermin compost.

Isaisip

Gawain 4.2
Panuto:
1. Ano-ano ang mga kagamitang ginagamit sa paggawa ng
compost pit?
2. Paano ang pagsasagawa nang maayos na compost pit?
3. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang bilang pamantayang
pangkaligtasan at pangkalusugan sa paggawa ng compost
pit?

Isagawa

Gawain 4.3
Gumawa ng simpleng compost pit sa inyong bahay at ibahagi
ang inyong karansan sa paggawa nito. Isulat at ibahagi ang
inyong karanasan sa paggawa sa pamamagitan ng isang sa
sanaysay.

Tayahin

Post-Assessment
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

19
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong ugali sa
paggawa ng organikong pataba ng pataba?
A. Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain.
B. Ihanda ang mga mahalagang kagamitan o materyales
na gagamitin.
C. Magsigawan habang gumagawa.
D. Alamin ang mga paraan sa paglalagay ng abono bago
magsimula.

2. Paano nilalagay ang Side-dressing Method?


A. Ikinakalat sa ibabaw ng lupa.
B. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng padidilig o pag-
iispray ng solusyong abono sa mga dahon ng halaman
C. Nilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat
ng halaman
D. Humukay nang pabilog sa paligid ng tanim na may
layong kalahati hanggang isang pulgada mula sa puno
o tangkay.

2. Anong halaman ang ginagamitan ng broadcasting method sa


paglalagay ng abono?
A. okra B. talong C. palay D. kamatis

4. Ano ang ginagamit sa pag ispray sa Foliar Application


Method?
A. sprayer B.timba C. tabo D. plato
5. Kailan maaring maglagay ng Basal Method?
A. Kapag namumulaklak na ang tanin
B. Kapag malaki na ang tanim
C. Kapag kailangan ng anihin ang tanim
D. Kapag wala pang tanim ang lupa

6. ________ ang nilalagay sa mga halaman upang tumaba at


maging sapat ang sustansyang taglay ng lupa na kailangan ng
mga halaman gamit ang ugat nito.
A. sikat ng araw B. abono C. tubig D. hangin

20
7. Anong uri ng pataba na gawa sa mga pinagsama samang
dumi ng hayop, mga bulok na pagkain katulad ng prutas at
mga damo?
A. organikong pataba C. di-organikkong pataba
B. complete fertilizer D. urea
8. Ito ay tumutukoy sa mga patabang nabibili sa mga pamilihan
at may halong kemikal.

A. organikong pataba C. di-organikkong pataba B.


complete fertilizer D. urea
9. Bakit mahalaga ang organikong pataba?
A. Nakadagdag kemikal sa lupa
B R D H S H L O A F F A
A R F H K L U I O S R B
A H O V J S H B J K I A
P O B A S A L U R W N V
X C M H D B F D B Y G D
F Q W E R C P O Y T E E
H K L F C V A M B I U T
F O L I A R A S H L Q W
P I H G B M C D T A F D
F B J L G Q N O S I G Z
L N F R A U E J K A N A
S I D E D R E S S I N G
B. Mabibili sa pamilihan at may kemikal
ito C. Lumiliit ang tubo ng halaman
D. Matipid, maaring mabawas ang dami ng kemikal na
abono.

10. Paraan ng palalagay ng abono o pataba na ikinakalat sa


ibabaw ng lupa.
A. broadcasting method C. foliar application method
B. side-dressing mehod D. ring method

Karagdagang Gawain

21
A.Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salita sa loob ng
crossword puzzle ang mga paraan ng pag-aabono.

B.Panuto. Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan.


1. Magbigay ng dalawang paraan ng paglalagay ng abono at
iguhit ito.
2. Magtanong sa mga magulang ng iba pang mga halaman
na ginagawa ang paraan ng paglalagay ng abono tulad ng
Broadcasting, Side-dressing Method, Foliar Application
Method, Ring Method at Basal Application Method at
isulat ang kahalagahan ng paggamit nito sa halaman.

22
Susi sa Pagwasto

.6 43.

A.10 A .5
A.9 D .4
C.8 C .3 77. 34.
C.7 A .2 65. 21.
.6 C B .1 56. 1.B2.
SUBUKIN Rubrics.A sa pagpapaliwanag

GAWAIN 11.

sa Sagutang Papel Sumangguni


Papel
Sumangguni sa Sagutang
GAWAIN 12. 13. GAWAIN

complete fertilizer .5
Papel
Sumangguni sa Sagutang
GAWAIN 21.

urea .4
di-organikong pataba .3
GAWAIN 2.3 organikong pataba .2
matabang lupa .1
Sumangguni sa Sagutang Papel
GAWAIN 22.

D .5 Basal Application Merhod .5

Ring Method .4
E .4 Foliar Application Method .3
A .3 Side-dressing Method .2
D .2 Broadcasting Method .1
B .1 GAWAIN 32.
GAWAIN 31.

23
Side-dressing Method .5

basket composting at vermin compost


Foliar Application Method .4 Paraan.B sa paggawa ng compost pit,
Ring Method .3 pgulay , prutas atbp
Broadcasting Method .2 hayopp,patpat na kawayan,bulok na
Application Method .1 .A Kalaykay,pala,tuyong damo,dumi ng
GAWAIN 33. GAWAIN 41.

Sumangguni sa Sagutang Papel Sumangguni sa Sagutang Papel

GAWAIN 4 2. GAWAIN 43.

E.10 C .5

pagpapaliwanag
.B Rubrics sa pagguhit at
I.9 J .4
F.8 G .3 dressing
D.7 A .2 Broadcasting,.A basal, ring,foliar,side-
.6 B H .1
TAYAHIN KARAGDAGANG GAWAIN

24
Sanggunian
Aklat:
Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., and Rondina, J.
2015. Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan IV.
Vibal Group, Inc.

Website:
"Direct Seeding - IRRI Rice Knowledge Bank".
Knowledgebank.Irri.Org, 2020.
http://www.knowledgebank.irri.org/step-by-step-
production/growth/planting/direct-seeding.

"LR Portal". Deped LR Portal, 2020.


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17915.

Geraldmayolthesecond.Files.Wordpress.Com, 2020.

https://geraldmayolthesecond.files.wordpress.com/2014
/09/03_mga-hakbang-sa-paggawa-ng-compost-1.pdf

25
PAHATID LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin naihanda at tugunan ang pangangailangan
sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competecies (MELC’s) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII
simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang
ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendsyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email

Address: region12@deped.gov.ph

You might also like