Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Kapangyarihang Taglay ng Tao

ni Anne Bernadette Yaoto


Tagapagsalaysay: May apat na magkakapatid na biniyayaan ng kapangyarihan nang sila’y
isinilang. Kinokontrol ni Hailey ang lupa, si Sky sa hangin, si Mira sa tubig, at
si Aidan sa apoy. Ilang taon rin silang nabuhay ng payapa, ngunit hindi
kayang dalhin ng katawan ng tao ang kanilang napakalaking kapangyarihan
ng matagal.
Mira: (umiiyak habang hinahawakan ang kamay niya)
Hailey: Mira…
Aidan: (tumakbo papasok ng kusina)
(hinihingal) Anong nangyari?
Hailey: Parang nasunog yung balat niya nung nahawakan niya yung tubig.
Aidan: Pero paano? Bakit?
Hailey: Naaalala mo pa ba yung kuwento ni mama sa atin nung bata pa tayo?
Aidan: Yung tungkol ba sa mga Diyos na pinarusahan ang mga tao dahil kinuha nila
ang kapangyarihang di naman dapat sa kanila?
Hailey: Oo. At base sa totoong istorya yun. Hindi dapat kinokontrol ng tao ang
kapaligiran dahil kapaligiran ang kumokontrol sa tao. Kaya ngayon ay
pinaparusahan tayo ng kalikasan. Ang dati nating kapangyarihan ay ang
lasong makapatay sa atin ngayon.
Aidan: Ano na ang gagawin natin ngayon?
Mira: (humandusay sa sahig)
Hailey at Aidan: MIRA!!!
Hailey: Dalhin mo si Mira sa kwarto niya. Puntahan ko si Sky para maipaliwanag niya
kay mama ang nangyari at maiuwi siya ng mabilis.
(tumakbo palabas ng kusina)
Aidan: (binuhat si Mira)
Mira: (nanghihina) Dan?
Aidan: (paiyak) Ano yun?
Mira: (pabulong) Alam mo ba na ang katawan ng tao ay binubuo ng 60% na tubig?
Aidan: (namutla at halos patakbong dinala si Mira sa kuwarto niya)
(hiniga niya si Mira na walang malay sa kanyang kama)
Hailey: (patakbong pumasok ng kuwarto)
(hinihingal) Papunta na sina mama. Kamusta siya?
Aidan: (umiiyak) Ang katawan ng tao ay binubuo ng 60% na tubig, Hailey. Nilalason
si Mira ng kanyang katawan.
Hailey: (umiiyak din) Akala ko pa naman ay makakasama pa natin ang isa’t isa
hanggang sa pagtanda. Tapos ganito pa ang nangyari kay Mira.
Sky at Sofia: (tumakbo papason ng kuwarto ni Mira)
Sofia: (pinalabas ang tatlong magkakapatid habang chinecheck-up niya si Mira)
Sky: (niyakap ang dalawa niyang kapatid)
Hindi ko sasabihing magiging okay ang lahat dahil alam kong hindi ito
kalianman magiging okay. Pero nandito tayo para sa kanya hanggang sa
huli… at nandito rin tayo para sa isa’t isa.
Sofia: (lumabas ng kuwarto)
Mga anak…
Hailey: (humihikbi) M-mama, kamusta si M-mira?
Sofia: Gising na siya ngayon, pero hindi ko alam kung gaano katagal pa siya
mabubuhay.
Aidan: May magagawa pa ba sa kanya?
Sofia: (malungkot na ngumiti) Wala na, Aidan. At wala na din akong magagawa sa
inyo kapag dumating ang panahon ninyo.
(umiiyak) Wala akong ibang magagawa kundi manatili lamang sa tabi niyo at
ipaalam na nandito ako sa inyo hanggang sa huli.
Hailey: (biglang yumakap kay Sofia)
Aidan at Sky: (sumama sa yakap)
Hailey: Yun lang ang gusto namin, mama. Ang makasama kayo hanggang sa aming
huling hininga.
Sky: Alam naming nahirapan ka sa pagpapalaki sa amin simula nang mamatay si
papa. Pero laking pasasalamat naming dahil hindi ka sumuko sa amin.
Sofia: Salamat, mga anak. Gusto niyo ba akong samahan kay Mira, o gusto niyong
dito na lang kayo?
Aidan: Sasamahan po namin kayo, mama. Gusto po naming malaman ni Mira na
nandito po kami para sa kanya.
Sofia: (nalungkot na ngumiti at pinapasok ang tatlo sa kuwarto)
Mira: (nanghihina) M-mama, H-h-hailey, Aid-dan, S-s-sky…
Sofia: (hinawakan ang kamay ni Mira) Nandito kami, Mira.
Mira: P-patawad, mama.
Sofia: Bakit naman?
Mira: K-kasi mahi-mahina ako. Ako yung unang mamamat-t-tay sa atin. Y-yung di
import-tante.
Hailey: (umiiyak) Mira, importante ka. Ikaw yung dahilan kung bakit magkakabati
tayong lahat. Ikaw yung dahilan kung bakit napaka-close nating lahat.
Aidan: (pabulong kay Mira) ‘Wag mong sabihin sa iba pero ikaw yung pinakapaborito
kong kapatid. Ikaw kasi yung pinaka-close sa akin.
Mira: (pabulong din) S-sa ak-kin rin. ‘W-wag mo ak-kong kak-kalimut-tan Aidan, h-
ha?
Aidan: (umiiyak) Pangako, Mira.
(hinalikan ang noo ni Mira)
Sky: (umiiyak) Mahal ka namin, Mira. Tandaan mo ‘yan.
Mira: M-mahal k-ko rin k-kayo.
(namatay)
Tagapagsalaysay: Ang pagkamatay ni Mira ay simula lamang ng katapusan sa buhay nilang
magkakapatid. Sumunod na namatay si Sky na nalagutan ng hininga, tapos si
Hailey na nilamon ng lupa, at huling huli si Aidan.
Aidan: (umiiyak sa sakit at di makahinga)
Mama, di ko na kaya…
Sofia: Shh, konting tiis na lang, makikita mo na ang mga kapatid mo.
Aidan: (pabulong) Pero mama, paano ka pag wawala ako?
Sofia: (umiiyak) Hindi ko alam, anak. Pero huwag mo na akong problemahin. Okay
lang si mama.
Aidan: M-m (napa-aray sa sakit)
Sofia: (mas lumakas ang iyak) P-pag nakita mo ang papa mo at ang mga kapatid
mo, sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila, ha?
Aidan: M-mama, naririnig k-ka nila. Iniint-tay nila ak-kong s-sumama sa k-kanila.
Sofia: Sige lang, anak. Sumama ka na sa kanila. Okay lang si mama.
Aidan: (pabulong) Mama?
Sofia: Ano yun?
Aidan: M-mahal kita, mama.
Sofia: Mahal din kita, Aidan.
Tagapagsalaysay: At doon natapos ng kuwento ng apat na magkakapatid na biniyayaan ng
kapangyarihang hindi dapat nila dinadala. Ilang lingo matapos mamatay si
Aidan ay sinundan ito ni Sofia na namatay dahil sa depresyon. Kaya’t sa
kabilang buhay, may isang pamilyang ubod ng kaligayahan dahil matapos
ang mahigit limang taong pagkakahiwalay ay sa wakas, magkakasama na
sila.

You might also like