Professional Documents
Culture Documents
AP5 Q4 Mod5 Natataya Ang Partisipasyon NG Ibat-Ibang Rehiyon at Sector - v4
AP5 Q4 Mod5 Natataya Ang Partisipasyon NG Ibat-Ibang Rehiyon at Sector - v4
5
ARALING
PANLIPUNAN
Quarter 4 - Module 5
Araling Panlipunan- Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 – Module 5: Natataya ang Partisipasyon ng Iba’t-ibang Rehiyon at Sector
First Edition, 2020
FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.
Alamin............................................................................................................ 1
Subukin .......................................................................................................... 1
Suriin.............................................................................................................. 2-3
Pagyamanin ................................................................................................... 4-5
Isaisip ............................................................................................................. 5
Isagawa .......................................................................................................... 5
Aralin 2:
Balikan ........................................................................................................... 6
Alamin............................................................................................................ 6
Suriin.............................................................................................................. 7-9
Pagyamanin ................................................................................................... 9-10
Isaisip ............................................................................................................. 10
Isagawa .......................................................................................................... 10
Aralin 3:
Balikan ........................................................................................................... 11
Alamin............................................................................................................ 11
Suriin.............................................................................................................. 12-14
Pagyamanin ................................................................................................... 14-15
Isaisip ............................................................................................................. 15
Isagawa .......................................................................................................... 16
Naitanong mo ba sa iyong sarili kung ano ang naging buhay ng ating mga ninuno noon? May
kaibahan ba ang naging buhay nila noon at sa ngayon? Sa kasalukuyang panahon, naitanong din mo
ba na ikaw ay karapat dapat sa mga bagay na natatamasa mo ngayon lalo na ang kalayaan ? Sa
mga nakaraang aralin, napag alaman mo na may sariling kultura at paniniwala ang mga sinaunang
Pilipino ngunit maraming pangyayari na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas na nagpatibay at
nagpapatatag sa ating bansa sa kasalukuyan.
Bilang isang Pilipino, nararanasan nating mamuhay nang masaya sa ating sariling bansa.
Nagagawa natin ito sapagkat naninirahan tayo sa isang bansang malaya. Subalit sa kasaysayan ng
Pilipinas dumating din ang panahon na tayo ay nasakop ng iba't ibang bansa sa pangunguna ng
bansang Espanya.
1 Natataya ang Partisipasyon ng Iba’t-ibang Rehiyon at Sector
(katutubo at kababaihan) Sa Pakikibaka ng Bayan
AP5PKB—Ivf-4
Balikan
Natatandaan pa ba ninyo ang nakaraan nating leksyon? Tingnan natin kung
mayroon ba talaga kayang natutunan.
Panuto: Punan ang patlang kung sino ang tinutukoy sa bawat bilang.
_________________2. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral
Delgado ng sta. Barbara.
Alamin
PANIMULA:
. Sa loob ng mahabang panahon na pamamalagi ng mga Kastila sa Pilipinas,maraming
panukala ang kanilang inilunsad. Mayroon para sa paggawa, agrikultura,relihiyon at maging sa
pangangalakal. Maliban sa Pilipinas ay mayroon pa silangibang mga nasasakupan at ginamit nila ang
mga ito maging sa paglilipat at pagdadalang mga kalakal na siyang nagbunsad sa pagkakabuop ng
galyon at nang kalakalan sapagitan ng Pilipinas at ng Acapulco, Mexico.Sa araling ito, inaasahang:
1. Matatalakay ang kalakalang galyon at ang epekto nito sa bansa
1
Bakit nagkaroon ng partisipasyon
ang mga katutubo sa pag-aalsa sa
iba’t-ibang rehiyon
Suriin
Pag-aralan ang Tsart sa ibaba ibaba upang makita ang motibo ng pag-aalsa ng
mga Katutubong Pilipino at maging ang mga sektor na nanguna rito.
Pag-aalsa Ni/Nina Dahilan Sektor na Nagsagawa o
Nanguna
Lakandula personal at pampolitika pinuno/mga katutubo
Diego Silang at Gabriela pampolitika at pangkabuhayan mga katutubo/kababaihan
Silang
Francisco Maniago pampolitika at pangkabuhayan mga katutubo
Andres Malong pampolitika at pangkabuhayan mga katutubo
Juan Dela Cruz Palaris pampolitika at pangkabuhayan mga katutubo
Pag-usapan Natin
Ang mga pangunahing dahilan ng mga
nangyaring pag-aalsa:
* Personal na dahilan
* pampolitika
* pang-ekonomiko o pangkabuhayan
* Pangrelihiyon
* Pang-aabuso
Ito ang mga dahilan kung bakit nag-aalsa ang mga katutubong Pilipino. Hindi matagumpay
ang ilan sa kanilang pag-aalsa dahil wala silang pagkakaisa at kulang sa kakayahan kung papaano
makipaglaban at higit sa lahat wala silang sapat na mga kagamitang pagdigma.
2
Pag-aralan ang nasa larawan at alamin kung anu-anong mga rehiyon ang sumanib sa pag-aalsa.
Gabuat, M. A. et. Al.,”Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa”, Vibal Group, Inc (2016)
3
Pagyamanin
Gawin A
Isulat ang/ang mga dahilan ng pag-aalsa sa mga sumusunod na pinunong katutubo
1. BaylonTamblot=______________________________
2.Francisco Dagohoy=___________________________
3. Sultan Kudarat=______________________________
4. Gabriela Silang=______________________________
5. Andres Maniago=_____________________________
Gawain B
Anu-anong mga rehiyon na sumapi sa pag-aalsa ng mga katutubong
Pilipino . Isulat ang mga ito at bumuo ng semantic web.
Mga rehiyong
sumanib
sa pag-aalsa
Subukan Mo
Gawain C
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang sagot sa loob nga kahon
Kulang sa paghahanda
kagamitangatpandigma/
armas Armas Mayaman sila
4
1. Ang itinuturing na pangunahing dahilan ng pagkatalo ng mga Pilipino sa mga labanan
ang _________________
2. Ang mga Pilipino ay kulang sa ____________ para harapin ang mga mananakop.
Isaisip
Isagawa
5
2 Matatalakay ang kalakalang galyon at ang
epekto nito sa bansa
Balikan
Panuto: Isulat sa tama ang mga pangalan ng mga namumuno sa pag-aalsa laban
Espanyol sa mga dahilan ng kanilang pag-aalsa
Dahilan ng Pag-aalsa/Rebelyon
Pampolitika Panrelihiyon Pang-aabuso
Alamin
Sa loob ng mahabang panahon na pamamalagi ng mga Kastila sa Pilipinas, maraming panukala ang
kanilang inilunsad. Mayroon para sa paggawa, agrikultura, relihiyon at maging sa pangangalakal.
Maliban sa Pilipinas ay mayroon pa silang ibang mga nasasakupan at ginamit nila ang mga ito maging
sa paglilipat at pagdadala ng mga kalakal na siyang nagbunsad sa pagkakabuop ng galyon at nang
kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ng Acapulco, Mexico.
Sa araling ito, inaasahang:
1. Matatalakay ang kalakalang galyon at ang epekto nito sa bansa
6
Ano ang nakikita nyo sa larawan?
Naranasan nyo na bang sumakay ng barko?
https://www.google.com/search?q=SHIP&tbm=
:
Suriin
Ano-ano kaya ang nagging epekto ng kalakayang Galyon sa ating Bansa? May mabuti
kaya itong naidulot sa buhay n gating mga ninuno noon?
Pagmasdan ang larawan sa ibaba, may makikita pa ba tayong ganitong barko sa ngayon?
https://www.google.com/search?q=barkong+gallon&safe=active&rlz=
7
ANG KALAKALANG GALYON AT ANG EPEKTO NITO SA BANSA
Napakalaki ng naging epekto sa pamumuhay ng ating mga ninuno noon ang kalakalan sa
pagitan ng Pilipinas at ng Mexico na nagtagal mula 1565 hanggang 1815.Ito ang tinatawag na
kalakalang galleon o kalakalang Maynila-Acapulco (Mexico).Nagkaroon ng palitan ng produkto sa
pagitan ng Asya, Mexico at Amerika.
Noong 1576, naging matatag ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco,Mexico. Ang mga
produkto mula sa Asya tulad ng rekado, telang seda, bulak mula saIndia, at mantas na tawag sa telang
mula sa Ilocos ay dinadala sa Mexico. Iniluluwasdin sa Mexico ang mga palamuti sa katawan na yari
sa iba’t ibang bato, perlas,pamaypay, suklay, relos, mga mineral tulad ng tanso at ginto.
Nakarating naman sa Pilipinas ang iba’t ibang uri ng prutas at halaman, tul;adng chico, avocado,
cacao, maguey, bayabas, cactus, mani, pinya, calachuchi, ipil-ipil,at marami pang uri ng halaman. Sa
Mexico din galling ang mga hayop tulad ngtandang, kabayo, at baka. Mga imahen tulad ng Black
Nazarene at Birhen ng Antipolo,gayundin ang pagtatanghal ng moro-moro at Moriones ay pawing
nagmula saMexico.
Tumagal nang may halos 250 na taon ang kalakalang galyon hanggang ipagutos ng hari na itigil
ito noong 1813. Noong una, naging maganda ang takbo ng kalakalang galyon. Nagdiriwang ang mga
taga-Maynila sa aalis o babalik ang galyon.
Ito ang barko na naglalaman ng mga produkto mula sa Maynila. Nagtutungo saMaynila ang
maraming pinunong bayan tulad ng mga alcalde at gobernadorcilloupang tiyaking maisasama sa
galyong ang kanilang mga produkto. Dahil dito,napabayaan nila nag kanilang mga nasasakupan. Ang
mga lupain ay ginamit para sapagtatanim ng mga produktong kinakailangan para sa pangangalakal
na dadalhin nggalyon. Nawalan ng laya ang mga magsasaka na magpasiya kung anong produkto
ang nais nilang itanim.
Ang Kalakalang Galyon ay naging monopolyong kalakalan na ang nangasiwaay ang
pamahalaan. Ito ay bilang pagsunod sa utos ng hari ng Espanya. Ang kautusang ito’y isinagawa upang
protektahan ang mga mangangalakal na Kastila saCadiz at Seville na humina ang negosyo nang mga
panahong iton. Mula 1583 yaonlamang mga sasakyang-dagat ang makapagdadala ng mga produkto
sa Pilipinaspatungong Mexico at pabalik sa Pilipinas.
Nagtakda pa ang kota na halagang P250,000 ang mga produktong mailuluwas ng mga
mangangalakal sa Acapulco, Mexico. Yaon namang mga produktong maipapasok sa Mexico ay
pinatwan ng taripa. Ang mga produktong maaaring ipadala sa Maynila mula saMexico ay
nagkakahalaga ng P500,000.Sa ganitong patakaran, napayaman nang husto ang mga prayle sa
pangangalakal. Naakit sila nang husto sa nakukuhang pakinabang sa Kalakalang Galyon kung kaya’t
minabuti nilang manatili sa Maynila at iniwan ang kanilang gawain sa lalawigan. Nakilahok na
lamang sila sa Kalakalang Galyon kung kaya’t napabayaan nila ang kani-kanilang tungkulin.
Nakatulong ang mga prayleng Kastila sa pakikipagkala-kalan nang panahong iyon. Hindi ito
nagbigay ng magandang imahe sa tunay nna tungkulin nila sa pagpapalaganap ng pananampalataya.
Bunga tuloy nito ay nakilahok din ang mga biyuda at ulila ng mga namatay na opisyales ng
pamahalaan. Hindi lamang mga produkto ang paroo’t paritong iniluluwas sa Maynila at
ACAPULCO. Maging ang tulong na pinansyal ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas na tinatawag na
situado real o tulong na royal ay dala-dala rin nito. Hindi kasi makasapat na matustusan ng
pamahalaang kolonyal sa Pilipinas ang mga gugulin sa pagpapatakbo nito. Taun-taon, dalawang daan
at limampung pisong tulong ang tinatanggap ng Pilipinas bilang situado real.
Dala-dala rin ng Galyon ang mga kasulatan, batas, kagamitan at mga pinuno at kawal na Kastila
mula sa Espanya. Ganito nang ganito ang naging kalakaran mula noong 1565 hangggang 1821.
Nangailangan ng malaking halaga bilang puhunan ang nais makilahok sa kalakalang galyon. Dahil
dito ay napilitan ang mga mangangalakal na mangutang sa Obras Pias.
8
Ang halagang naipon ng Obras Pias na nakalaan na mangutang sana sa kawanggawa ay
naipautang sa mga mangangalakal. Pinatungan ito ng malakinginteres o tubo. Yaong nangutang sa
Obras Pias ay mga kalahok sa kalakalang galyon.Naubos ang pondo ng Obras Pias dahil di nakabayad
ang mga nangutang bunga ngpagkalugi ng mga ito. Pagsapit ng ika-19 na siglo, unti-unting lumiit
ang kita mula sa kalakalang galyon. Mahigpit na kasi ang kompetisyon sa pagitan ng mga bansa na
nagdadala ngmga kalakal sa Mexico. Bukod dito, madalas ang paglubog ng mga galyon sa karagatan.
Ang mga dahilang ito ang nagging sanhi ng pasiya ng hari na itigil na ang kalakalang galyon.
Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Isulat ang mga kalakal na natanggap ng
Pilipinas mula sa Acapulco na dati rati ay wala sa Pilipinas
HALAMAN HAYOP
Subukan Mo
Gawain B
Isulat kung Tama sa patalng kung sang-ayon ka sa pangungusap sa bawat bilang at
Mali naman kung hindi.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Isaisip
Isagawa
A. Sagutin:
1. Sa iyong palagay, ano ang pinakamagandang epekto ng
kalakalang galyon? Bakit?_____________________
2. Alin naman ang pinakamasamang epekto nito? Bakit?
_____________________________
B. Sa iyong kwaderno isulat ang natutunan mo sa araling ito.
10
2 Pag-usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang
Pag-Aalsa
Baikan
Sagutin:
1. Ano ang Kalakalang Galyon?
2. Magbigay ng dalawang halimbawa ng produkto na mula sa Asya?
Alamin
Mula pa man ng unang dumating nag mga Espanyol sa Pilipinas ay hindi na buo ang nagging
pagtangggap sa kanila ng mga Pilipino. Bagaman may ilang bukas palad buong puso silang tinanggap
at marami rin naman ang hindi sumang-ayon sa kanilang mga kagustuhan at pawang lumaban sa
kanila tulad ni Lapu-Lapu.
Marami pang iba na lumaban sa mga Kastila sa loob ng mahabang panahon ng kanilang
pamamalagi sa Pilipinas. May iba’t ibang kadahailanan ang bawat pagaaklas na inilunsad ng mga
Pilipino mula sa iba’t ibang mga lugar sa bansa. Ang ilan ay nagtagumpay sa kanilang layunin ngunit
kalimitan sa kanila ay hindi.
Ang lahat ng mga ito ay siyang naglunsad upang unti – unting mabuo ang malayang
kamalayan ng mga mas makabagong Pilipino ng kanilang panahon. Ito ang kanilang nagging daan at
paraan upang ang kalayaang matagal na nilang inaasam ay kanila nang makamit matapos ang
maraming taon ng mahirap at madugong pakikidigma.Sa araling ito, inaasahang:
Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa mga mahahalagang
pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol.
Anu-ano kaya ang naging dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang mga pag-
aalsa ngmga Pilipino laban sa mga Kastila? Papapaano nila napagtagumpayan ang
mga balakid na ito upang makamtan ang kalayaan ng bansa?
11
Suriin
Basahin Mo
Marami at magkakaiba ang dahilan na nagbunsod sa mga P{ilipino upang ang mga Espanyol
ay kanilang kalabanin. Muling pag-aralan ang nasa tsart sa ibaba. Unawaing mabuti upang makasagot
sa mga tanong
Pawang nabigo ang mga inilunsad na mga rebelyon sanhi ng iba’t ibang kadahilanan. Unang
dahilan ang kawalan ng pagkakaisa. Wala pa sa kamalayan noon ang mga Pilipino na silang lahat ay
nagmula sa isang lahi lamang, kaya’t nararapat na sila ay magtulungan.
Magkakaiba ang kanilang dayalekto, kaya hindi nila maunawaan ang isa’t isa. Naging madali
para sa mga Espanyol na gamitin ang taktikang “divide et empera” o divide and rule”. Upang supilin
ang pag-aalsa ng isang lalawigan, hindi na kailangan ang mga puwersang espanyol mula sa Maynila.
Nakakukuha sila ng mga tulong mula sa mga karatig na pook. Nang inilunsad ni Tamblot ng Bohol
ang kaniyang pag-aalsa, 300 mandirigmang Cebuano ang nakuha ng mga Espanyol para tumulong sa
kanila
Pangalawang dahilan ng pagkabigo ng mga rebelyon ay ang kakulangan ng mga armas na
siyang gagamitin sa rebolusyon. Kadalasan ang gamit lamang nila sa kanilang mga pag-aaklas ay ang
kanilang mga tabak, itak, sibat at pana na pawing walang kalaban-laban sa mga baril at kanyon na
dala at gamit ng kanilang mga kalaban.
12
Pangatlong dahilan ay ang kawalan nila ng maayos na estratehiya at pagpaplano. Ang mga
pag-aaklas ay agad-agad na inilulunsad nang walang isinasagawang mahusay na pagpaplano. Ang
ilan sa kanilang mga lider ay wala ring kasanayan o pagsasanay sa paghawak ng mga armas
kungkaya’t sila ay hindi handa sa oras na sila ay mapalaban. Ang ilan naman ay hindi mahusay ang
pamamahala sa mga kasapi ng kanilang pangkat o grupo.
Pang-apat na dahilan ay ang pagiging maliliit ng kanilang mga grupo. May mga pag-aalsa na
isinasagawa lamang nila para sa kanilang mga pansariling kadahilanan, kung kaya’t binubuo lamang
ito ng maliit na bilang ng mga mandirigmang kasapi nito. Naging madali para sa mga Espanyol ang
pagsupil sa kanila.
Pagsilang ng Nasyonalismo
Sa unang dalawang siglo ng pnanakop ng mga Espanyol, tahimik na tagasunod lamang ang
mga nakararaming mga Pilipino. Bagaman may mga rebelyong naganap sa simula pa lamang ng
pagdating ng mga Espanyol, hindi ito nakatulong upang mapag-isa ang mga Pilipino.
Ang pagdating ng huling siglo o ika-19 na siglo ay nagging saksi sa mga maraming pangyayari
na nagulot ng maraming mga pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ang siyang nagbukas daan sa
pagsilang ng damdaming nasyonalismo o diwng makabansa ng mga Pilipino.
Noong 1868, napatalsik sa kaniyang trono ang pinuno ng kaharian sa Espanya, si Reyna Isabel
II. Pumalit ang isang pamahalaang republika kaya ang naipadalang gobernador-heneral sa Pilipinas
ay may liberal ding pamamaraan ng pamumuno. Siya ay si Carlos Maria dela Torre.
Napamahal siya sa maraming mga Pilipino. Nakikipag-usap siya sa mga Pilipino Ipinagbawal
niya ang paggamit ng dahas, ang labis na buwis at ang sapilitang paggawa. Ilan sa mga nakinabang
sa kaniyang pamamahala ay ang mga paring secular at ang mga manggagawa sa arsenal ng armas ng
Cavite.
Sa maikling panahong itinagal ni dela Torre sa Pilipinas, naranasan ng mga Pilipino ang ilang
kalayaan na dati-rati ay kailanman ay hindi nila natikman. Tatlong taon lamang ang inilagi ni dela
Torre bilang gobernador-heneral ng bansa dahil noong 1871, nakabalik sa kaniyang kapangyarihan
si Reyna Isabela II. Lumisan si Carlos Maria dela Torre at pinalitan siya ni Rafael de Izquierdo. Ang
lahat ng mga kalayaang tinamasa ng mga Pilipino ay muling binawi ng bagong gobernador-heneral
sa kaniyang pamumuno sa Pilipinas
13
Isyu ng Sekularisasyo
Ang isyu ng sekularisasyon ay isang matinding isyu sa kaparian noong ika18 na siglo. Ang
sekularisasyon ay ang pagbibigay ng karapatan sa mga paring Pilipino ng karapatan na magkaroon
ng sarili nitong parokya.
Noong ua, ang mga pari sa Pilipinas ay nahahati sa dalawang grupo – ang mga paring secular
at ang mga paring regular na pawing mga Espanyol. Dahil sa pagganda ng buhay ng mga Pilipino,
marami sa mga magulang ang nagnaisa na ipasok sa seminary ang kanilang mga anak na lalaki upang
maging pari. Gayunpaman, mababa ang pagtingin ng mga paring Espanyol sa mga paring Pilipino,
kaya katulong lamang sila ng mga ito
Dahil sa paglaki ng mga parokya at paglisan ng mga Heswita sa Pilipinas, nagkaroon ng
kakulangan sa mga pari. Itinadhana ng hari ng Espanya ang pagpapatupad ng dikring 1774 na
nagbigay sa mga Pilipinong pari ng karapatan na magkaroon na rin ng kanilang sariling parokya.
Nang magbalik ang mga Heswita sa Pilipinas, maraming Pilipinong pari ang natanggalan ng
katungkulan at posisyon sa kani-kanilang mga parokya. Nagkaisa ang mga Pilipinong pari na
ipaglaban ang kanilang karapatan na pamunuan ang kanilang sariling parokya.
Isa sa mga nangunang mga pari sa pagtatanggol ng kanilang mga karapatan ay si padre Pedro
Pelaez. Kabilang siya sa grupo ng mga Espanyol na creoles o insulares. Tubo siyang Pagsanjan,
Laguna. Kinilala siya bilang lider ng mga Pilipinong pari. Naging maikli ang kaniyang
pakikipaglaban. Namatay siya noong 1863 sa loob ng gumuhong Katedral ng Maynil dahil sa lindol.
Pinalitan siya ni Padre Jose Burgos na isa naming mestizong Pilipino. Tubo siyang Vigan,
Ilocos Sur at kinilala bilang isang matalino at mahusay na pari. Ipinagpatuloy niya ang nasimulan ni
Padre Pelaez..
Kamatayan ng GOMBURZA
Nang mahirang si Rafael de Izquierdo bilang kapalit ni dela Torre sa pagiging gobernador-
heneral, ipinagkait niyang muli ang mga karapatang tinamasa ng mga Pilipino. Kabilang sa mga
naapektuhan nito ay ang mga nagtatrabaho sa Fort Felipe sa Cavite na isang arsenal ng armas.
Pinagbayad silang muli ng buwis. Noong Enero 20, 1872, pinamunuan ni Sarhento La Madrid ang
pag-aalsa ng mga Pilipino sa nasabing arsenal ng armas. Napatay nila ang maraming Espanyol sa
loob ng moog, ngunit nasupil din sila agad. Apatnapu’t isa sa mga nag-aklas ang napatay,
samantalang ang iba ay nakakulong. Pagkaraan ng ilang araw, ang labingtatlo pang nag-aklas ay
ipinapatay na rin.
Sa sumunod na mga araw, marami ang hinuli at ikinulong. Kasamang idinawit sa nasabing
pag-aalsa sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ang layunin ng pagdawit sa
kanila ay upang takutin ang mga paring Pilipino at huwag nang isulong ang isyu ng sekularisasyon.
Idinaos ang mabilis na paglilitis sa kanila. Ang kanilang kamatayan ay nagpaalab sag alit ng mga
Pilipino. Inialay ni Jose Rizal ang kaniyang ikalawang nobela na El Filibusterismo sa tatlong pari
Pagyamanin
Gawain A: Magtala ang mga dahilan kung bakit ang mga pag-aalsa at mga rebolusyong
sinimulan ng mga Pilipino ay kadalasang hindi nagtatagumpay?
1. _________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
3._________________________________________________________________________
4._________________________________________________________________________
5._________________________________________________________________________
14
Gawain B
Magbigay ng halimbawa sa mga dahilan ng pag-aalsa na nasa ibaba. Tukuyin ang pinag-
ugatan ng kanilang pag-aalsa
A. Relihiyon
1.____________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________
3.____________________________________________________________________
Subukan Mo
Gawain C
Iguhit sa patlang ang kung tama ang pahayag at naman kung hindI.
____1. Isa sa dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyonginilunsad ng mga Pilipino ay ang kanilang
hindi pagkakaisa.
____2. Ang mga heneral ng mga kilusan ng rebolusyon ay pawang bihasa at magagaling sa
paghawak ng armas.
____3. Maliban sa mga kalalakihan ay may mga kababaihan din na kasapi ng katipunan at kasama
rin sa mga pakikidigma.
____4. Nakapagpapalakas ng loob ng iba pang rebolusyonaryo kapag nalalaman nila na
nagtagumpay ang iba pang rebolusyonaryo sa mga karatig bayan.
____5. May mga rebolusyong naging matagumpay ang mga Pilipino.
Isaisip
*Ilan sa mga dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyong inilunsad ng mga Pilipino
ay ang mga sumusunod:
Pagkakaroon ng magkakaibang diyalekto
Hindi pagkakaisa o Kawalan ng Nasyonalismo
Nabubuo lamang ng maliliit ng pangkat at watak-watak
F Makasariling mithiin at adhikain sa pakikipaglaban
Kakulangan sa armas at kasanayan sa paggamit ng mga ito
*Maka,lipas ang mahabang panahon ng pakikibaka laban sa mga Espanyol ay unti-
unting nabuo ang Nasyonalismo sa mga Pilipino
* Ang mga nagbunsod ng pagkakabuo ng pagkakaroon ng Nasyonalismo ng mga
Pilipino ay ang mga sumusuno:
Ang pagbubukas ng Suez Canal o Ang paglaki
pagdami ng nabibilang sa Middle Class
Ang pagdating sa Pilipinas ni Gobernador Heneral dela Torre
Ang isyu gng Sekularisasyon o Ang pagbitay sa 3 Paring Pilipino na
sina Padre Mariano
15
Isagawa
Gawain D
Gawain E
1. Tama ba ang pag-aalsang ginawa ng mga katutubong Pilipino Bakit? Bakit hindi?
Sagot:
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
________________________________________________________________.
16
Susi sa Pagwawasto
ARALIN
Balikan Natin
1. Teresa Magbanua 3. Melchora Aquino 5 Gliceria Marella de Villacencia
2. Patrocinio Gamboa 4.Gregoria de Jesus
Gawain A:
1. Panrelihiyon
2. Panrelihiyon
3. Panrelihiyon/Pampolitika
4. Pampolitika/Pangkabuhayan
5. Pampolitika/Pangkabuhayan
Gawain B:
Cagayan, Bohol, Samar, Batangas, Cavite, Cebu, Cotabato, Panay
Ilocos, Isabela
Gawain C
1. Walang pagkaisa
2. kulang sa kagamitang pandigma/armas
3. Makapangyarihan at mayaman sila
4.Magkaiba ang kanilang panindigan , paniniwala at dayalekto
5. dahilan ng pagkatalo
ARALIN 5.1
Balikan Natin
DAHILAN NG REBELYON/PAG-AALSA
PAMPOLITIKA PANRELIHIYON PANG-AABUSO
Francisco Maniago Bancao Andres Malong
Juan Sumuroy Tamblot
Magat Salamat Tapar
Sulayman
Lakandula
17
Gawain A
HALAMAN HAYOP
Avocado cactus Tandang
Pinya mani Kabayo
Maguey cacao Baka
Bayabas ipil-ipil
Gawain B
1. mali
2. tama
3. mali
4. mali
5. mali
Gawain C
1
2. X
3.
4.
5.
ARALIN 6
Gawain A
1. walang pagkakaisa
2. kakulangan sa armas
3. kulang sa stratehiya at pagpaplano
4. maliit ang kanilang grupo
5. magkakaiba ang kanilang dayalekto
Gawain B
1.Tinanggal ang karapatan na magkaroon ng sariling
nilang parokya.
2.Tinaggihang maging pari dahil siya ay isang Pilipino
18
Talasanggunian:
Gabuat, M. A. et. Al.,”Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa 5”, Vibal Group, Inc (2016)
https://www.google.com/search?q=SHIP&tbm=
https://www.google.com/search?q=barkong+gallon&safe=active&rlz=
Lydia N. Agno, et.al, Araling Panlipunan I High School Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas
s( 2016).
19
For inquiries and feedback, please write or call:
Telefax: (088)545-09-90
Website: deped1miz@gmail.com
20
21
22
23