Professional Documents
Culture Documents
Fil6 Pretest Newly-Edited
Fil6 Pretest Newly-Edited
Fil6 Pretest Newly-Edited
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
Paaralang Sangay ng Iloilo
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.
Para sa bilang 5-11, basahin ang pabula at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Isang araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya
iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig
na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing ang aso nang ubod-lakas.
Umangil ang aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil. “Magpasalamat ka, at
naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka
napahamak,” wika ng aso na wari pang nanunumbat.
Laylay ang balikat na umalis ang pusa sa pag-aakalang bibigyan siya ng gantimpala
ng aso matapos niya itong tulungan.
5. Anong ugali ang ipinakita ni aso sa pahayag niyang ito, “Magpasalamat ka, at naipasok mo
ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak.”
A. walang utang na loob C. makasarili
B. mayabang D. mapagmataas
6. Paano nahikayat ang pusa na tulungan ang aso na alisin ang bikig nito sa lalamunan?
A. Tinakot ng aso ang pusa.
B. Naawa ang pusa sa aso.
C. Tumanaw ng utang na loob ang pusa sa aso.
D. Nangako ang aso na magbibigay ng gantimpala.
11. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa pabula batay sa mga larawan sa ibaba.
1 2 3 4
A. 2 4 1 4 C. 4 3 2 1
B. 2 3 4 1 D. 2 1 3 4
12. Inatasan ni Gng. Santillan ang kanyang mag-aaral na magsaliksik ng iba pang pabula. Sinabi
niyang iulat ito sa susunod nilang pagkikita. Aling sanggunian ang maaaring gamitin ng mga
mag-aaral?
A B C D
Para sa bilang 13-14, tukuyin ang wastong gamit ng panghalip upang mabuo ang
pangungusap.
14. Ilan sa mga lumalahok sa mga kompetisyon sa Asya at maging sa mga torneong pandaigdig
ay sina Eugene Torre, Joey Antonio, at Nelson Mariano. Di-matatawaran ang kakayahan sa
chess ng mga kababayan ____________.
A. tayo C. kanila
B. natin D. kaniya
15. Nahulog sa imburnal si Roy. Puno ng putik ang buong katawan niya. Dali-dali siyang
____________ sa poso. Ano ang angkop na pandiwa upang mabuo ang pangungusap?
A. naligo C. naliligo
B. maliligo D. liligo
Para sa bilang 16-20. Basahin ang sanaysay at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Source: sanaysay-filipino.blogspot.com
16. Ayon sa sanaysay, paano mababago ang isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng
masaganang ekonomiya? Dapat ____________.
A. magkaroon ng mataas at matibay na edukasyon ang mamamayan
B. magpatayo ng maraming matataas na paaralan
C. mag-impok sa bangko ang lahat na kabataan
D. pag-aralan ang Mathematics, Science at English
17. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa pag-aaral na
pormal? Ang pag-aaral ay ___________.
A. mga karanasan sa buhay
B. nagaganap sa paaralan
C. natutuhan sa tahanan
D. nakukuha sa internet
Para sa bilang 20-23. Basahin at unawain ang seleksiyon. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
25. ___________ (ng) ama si Mang Isidro. Hindi niya iniinda ang anumang hirap at pagsubok sa
buhay.
a. Dakila c. Matalino
b. Masaya d. Listo
26. ______________ ni Mang Isidro ang pag-uwi ng maraming huling isda. Tiyak na malaki ang
kikitain niya rito.
A. Ikinalungkot C. Ikinagalit
B. Ikinatuwa D. Ikinabahala
Para sa bilang 27-30, basahin at unawain nang mabuti ang seleksiyon. Sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.
Ang batang matapat ay hinahangaan at kinalulugdan. Siya ang batang palaging nagsasabi
nang totoo. Kapag tinatanong hindi siya nagdadalawang-isip na sabihin ang tunay na nangyari.
Hindi niya ito dinaragdagan o binabawasan. Kapag nabasag niya ang plorera, ipinagtatapat niya
ito sa kanyang magulang. Humihingi siya ng tawad at tinatanggap ang pagkakamaling
nagawa.Tuwing may pagsusulit, sinasagutan nya ito nang buong katapatan. Hindi siya nandaraya
kailanman. Hindi niya pinipilit ang mga bagay na sa palagay niya ay mali.
Ang batang matapat ay nagtatapon ng basura sa tamang lalagyan, may nakamasid man
o wala. Ang batang matapat ay hindi malikot ang kamay. Ibinabalik niya ang sobrang sukli ng
tindera sa tindahan, kapag mali ang naibigay nitong pera.
Ang batang matapat ay walang itinatago sa kanyang mga magulang, guro, kaibigan, at
kaklase. Siya ang batang kinalulugdan ng lahat.
27. Ano ang mahihinuha sa nabasang teksto?
A. Ang batang matapat ay hinahangaan at kinalulugdan.
B. Ang pagiging matapat sa lahat ng oras ay nagdudulot ng kabutihan.
C. Binibigyan ng karangalan ang sinumang nagsasabi ng katotohanan.
D. Kinalulugdan ng Diyos ang mga batang nagpapakita ng katapatan sa lahat ng
pagkakataon.
28. Ang batang matapat ay hindi malikot ang kamay. Ano ang kahulugan ng idyomang may
salungguhit sa pangungusap?
A. nangungupit C. malambot
B. magaspang D. nangangati
Para sa bilang 32-33. Piliin ang angkop na pandiwa na bubuo sa bawat sitwasyon.
32. Nadulas sa tulay na kawayan ang magkaibigang Ana at Lina. Nasugatan ng pako si Lina. Siya
ay _____________ habang ginagamot ni Ana.
A. umiyak C. iiyak
B. umiiyak D. iiyakin
33. Biglang nasagi ng walis ang mamahaling plorera ni Aling Lisa. Basag at durog na sa sahig.
_____________ si Aling Lisa nang ito ay makita. Alin ang pandiwang nasa pokus sa aktor?
A. Gumalit C. Ginalit
B. Nagalit D. Nanggalit
Para sa bilang 34-36, suriin ang ang mga datos na naklahad sa graph. Sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.
900
800
700
600
500
1 2 3 4
A. 2 1 4 3 C. 2 4 3 1
B. 2 4 1 3 D. 2 4 3 1
42. Ang mga mag-aaral sa Ikaanim na Baitang ay inatasan ni Bb. Hipolito na magsaliksik
tungkol sa proseso ng water cycle. Aling sanggunian ang maaring gamitin ng mga mag-
aaral?
A. Almanac C. pahayagan
B. Encyclopedia D. aklat
Para sa bilang 43-44, buuin ang patalastas gamit ang wastong kaantasan at
kayarian ng pang-uri.
Para sa bilang 45-46, piliin ang angkop na panghalip para mabuo ang diwa ng
pangungusap.
45. Matalik na magkaibigan sina Emong at Danilo. Parang tunay na kapatid ang turing
____________ sa isa’t isa.
A. niya C. kanila
B. sila D. nila
48. Hindi ba’t nawala ang pagod mo dahil sa lilim ng mga dahon nito? Ang pahayag na ito
ay pangungusap na ______________.
A. patanong C. pautos
B. pasalaysay D. pakiusap
Para sa bilang 49-50, suriin ang mga salitang magkakaugnay ayon sa hinihingi ng
sitwasyon.
50. Damang-dama ng mga mag-aaral ang pag-awit ng pambansang awit habang taas-
noong nakatingala sa watawat at ipinagmamalaki ang pagiging Pilipino. Tukuyin ang
mga salitang magkaugnay batay sa lokasyon.
A. awit, himig C. Pilipino, mag-aaral
B. watawat, tagdan D. taas-noo, nakatingala