Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MALIKHAING PAGSULAT

KUMBENSYUNAL
- ITO AY nangangahulugang nakaugalian, tradisyunal, o matagal nang ginagawa
batay sa tanggap na mga tuntunin o pamantayan. Ang mga kumbensiyonal na anyo ng
tula kabilang ang diyona, tanaga, ambahan, at dalit, ay kapapansinan ng
pagkakahawig sa ilang anyo ng tula ng mga lahing mula sa lahing Austronesyano
tulad ng mga Pilipino, Indonesio (Indonesian), at Malay o (Malaysian)

DIYONA
Sa sinaunang panahon ang mga tula katulad ng Diona ay sila ring tinatawag na mga
awit.
Ito’y dahil ang mga katutubong dula katulad ng Diona ay inaawit ang pagbigkas.
Sa mga lumang diksyunaryo, sinasabing ang diyona ay awit sa kasal. Ngunit sa
paglipas
ng panahon, mapapansing hindi lubusang matatali sa kumbensiyon ang mga makabagong
makata. Dahil sa malikhaing imahinasyon, iba’t ibang paksang makabuluhan na may
iba’t ibang twist ang maaaring habiin ng makata sa diyona.

TANAGA
- ito ay tulang Tagalog na palasak na bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay may
mataas na uri. Matatawag na monorima o (a-a-a-a ang iskema ng tula) yung mga
unang tanaga. sa kabila ng kaiklian, dinamiko ang anyo nito ay maaaring
paghabian ng paksa temang sosyo-politikal. Ilang kritiko ang pumansin na ang
anyong ito ay may hawig sa pantun ng maláyo (ang pantun ay tradisyonal mula sa
malaysia Salita sa tula na may kahulugan sa mapunuring isipan ng mambabasa.
at sa tanka

DALIT
- ITO RIN AY tawag sa awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat.
Awit na inaalay sa Diyos. Nagpapakita o nagpapahayag ng pagdakila at pagsamba
- May mga pagkakataon ding nagagamit ang salitang dalit sa mga titulo ng
makabagong o kontemporaneong tula, ngnunit maaaring may malayang taludturan o
kung may kumbensiyonal mang sukat at tugma’y malaya sa bilang ng mga saknong.

AMBAHAN
- Tulad ng tanaga binubuo ang ambahan ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod.
Gayunman, ang bilang ng mga taludtod nito ay hindi limitado sa apat na taludtod
lamang, sapagkat maaari itong gamitin sa isang salaysay na patula.
Binibigkas ito nang paawit na walang determinadong melodiya at walang akompanya

SONETO
ay hindi basta tula lamang na binubuo na labing-apat na taludturan.
Ito’y kailangang may malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan.
Ito ay naghahatid ng aral sa mga mambabasa.

Sa unang walong taludtod ay inilalahad ang diwa, paghanga man o talinghaga,


at sa huli naman ang karagdagan o anumang kapupunan sa ikabubuo ng tula.

HAIKU
Tradisyonal na paksain sa haiku ang kalikasan at pagpapahiwatig ng panahon:
taglamig, tagsibol,
tag-araw, taglagas. Ngunit sa makabagong panahon at kapaligiran, maaaring paksain
dito ang mga isyung napapanahon, iba’t ibang larang, at bagay. Hindi na nilalagyan
ng titulo ang haiku, at opisyal at bihira lamang ang tugmaan dito.

MALAYANG TALUDTURAN
O FREE VERSE SA INGLES, ang tulang walang regular na sukat at tugmaan at
nakatakdang tuntunin Nakabatay ito sa normal na daloy ng mga salita at matural na
indayog ng mga parirala. Sa kabila nito, ang malaang taludturan ay mabisang anyo
ng makasining na pagpapahayag. Nagtataglay rin ito ng musika
(na kaiba sa regular na ritmo ng kumbensiyonal na anyo), sariling hubog,
at tayutay o talinghaga

URI NG TULA

TULANG LIRIKO
- ITO AY MAIKLI LAMANG AT SAPAT NA upang maipahayag ang damdamin ng manunulat.
KARAGDAGAN PA, Bukod sa mayamang damdamin, ang iginaganda ng tulang liriko ay ang
indayog ng mga taludtod at ang pagsising-isang tunog ng mga huling pantig bukod pa
ang paggamit ng maririkit na paglalarawan.
Ang halimbawa ng tulang ito ay ang Florante at Laura na isinulat ni Francisco
Baltazar

TULANG PANDULAAN
- DAGDAG PA ITO ay naglalarawan ng mga dulang pangyayari na karaniwang nagaganap
sa araw araw nating pamumuhay o nangyayari sa tunay na buhay at layunin nito na
maitanghal. Masasabing ang katangian nito ay nabibilang o patungkol sa dula at
ang kaanyuan at kayarian nito ay patula.

TULANG PASALAYSAY
-Ang tulang pasalaysay ay uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito’y kadalasang
ginagamitan ng boses ng tagapagsalaysay at ng mga tauhan; at ang buong istorya
ay nasusulat sa may sukat na taludtod

TULANG PATNIGAN
- karaniwang itong tinatawag na balagtasan kapag itinatanghal sa entablado.
DAGDAG PA ITONG TULA NA ITO AY ISANG URI NG PAGTATALONG PATULA NA GINAGAMITAN NG
PANGANGATWIRAN AT MATALAS NA PAG-IISIP.

URI NG TULANG PATNIGAN


KARAGATAN
- Kadalasan itong ginaganap sa namatayan o may lamay at may matandang tutula ukol
sa
paksa ng laro. Mayroon tabong papaikutin, at kung saan matatapat ang hawakan ng
tabo
ay syang sasagot sa tanong ng isang dalaga na may matalinhagang bugtong at
matalinhagang sasagot ang binata. Ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesa
na nahulugan ng singsing habang siya'y naglalakbay sa karagatan .
Kung sino man ang makakita ng singsing ay siyang mapapakasalan ng prinsesa.

DUPLO
- Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay
madalas laruin tuwing may lamay sa patay.
BALAGTASAN
- Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco "Balagtas" Baltazar"
Ang Ama ng Balagtasan". Pinatanyag ito ng "Hari ng Balagtasan" na si
Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).

You might also like