LP Filipino Grade 6 - October 24, 2022 - Module 1 - Review

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

School: LIWAYWAY Grade 5

ELEMENTARY Level:
DAILY
SCHOOL
LESSON PLAN
Teacher: REJANE D. CAYOBIT Subject: Filipino
Teaching Date: October 24, 2022 Quarter: 1st

I. Objective
a. Content Standards Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
pagunawa sa napakinggan
b. Performance Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang
Standard isang isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan
c. Learning Inihahanda ang mag- aaral para sa pagsusulit ng Unang Markahan
Competency
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang
pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan

KBI: Nauunawaan ang kahalagahan ng pagsisipag at pag- iimpok


II. Content Pabula
Integration: ESP
a. Learning Resources Modules, Images, Printer Ink, Bond Paper, MELC p. 165
III. Procedure (4 A’s,
etc.)
a. Activity A.
1. PAGSASANAY
Langgam Tamad
Tipaklong Tulong
Masipag Kaibigan

2. PAGGANYAK

1. Ano ang inyong napapansin sa larawan?


2. Ano ang ating nakikita sa larawan?

3. PAGHAHAWI SA BALAKID
1. Langgam- Ito ay insektong palaging naghanap ng pag-
kain.
2. Tipaklong- Ito ay insketong palaging nagsasaya.
3. Masipag- Palaging ginagawa ang tungkulin
4. Tamad- Hindi ginagawa ang tungkulin
5. Tulong- pagbgibigay ng suporta sa nangangailangan
6. Kaibigan- Taong nahihingan ng tulong
4. PAGTATALAKAY
Si Langgam at si Tipaklong
Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang
ay gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos,
lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang
butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang
bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

“Magandang umaga kaibigang Langgam, bati ni Tipaklong.


Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi
maghanap at mag-ipon ng pagkain?”

“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang


panahon”, sagot ni Langgam.

“Tumulad ka sa akin kaibigang Langgam, wika ni Tipaklong.


Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay
lumukso, tayo ay kumanta.”

“Ikaw na lang kaibigang Tipaklong, sagot ni Langgam. Gaya nang


sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon ako ay
maghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may
makain pagsumama ang panahon.”

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa


umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating
ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin
kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong.


Naalala niyang puntahan ang kaibigang si Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni


Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla
ng masayahing si Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.

“Aba! Ang aking kaibigan, wika ni Langgam. Tuloy ka. Halika at


maupo.”

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na


naghanda siya ng pagkain.

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang


magkaibigan.

“Salamat kaibigang Langgam, wika ni Tipaklong. Ngayon ako


naniwala sa iyo. Kailangan nga pa lang mag-ipon habang maganda
ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom.”
Mula noon, nagbago na si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at
habang maganda ang panahon ay kasama na siya ng kanyang
kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang
mag-impok.

Unang Gawain
Panuto: Basahin ng mabuti ang kwento at sagutan ang mga tanong.

______1. Ano ang pamagat ng kwento?


______2. Sino ang mga tauhan sa kwento?
______3. Ano ang katangian mayroon si Langgam?
______4. Ano ang katangian mayroon si Tipaklong?
______5. Ano ang ating natutunan sa kwento?

Pangalawang Gawain
Panuto: Pumili ng isang tauhan sa kwento at iguhit ito sa inyong
kwaderno at isulat kung bakit siya ang iginuhit mo.
b. Analysis Batay sa kuwento dapat ba tayo mag sipag sa ating mga Gawain?
Bakit?

Nararapat ba na mag impok tayo para sa ating kinabukasan?


c. Abstraction Ano ang natutunan natin sa kwentong binasa?
d. Application Bilang isang mag- aaral, Anong gagawin mo para makapagtapos ng
pag-aaral?
IV. Assessment Panuto: Isulat ang T kung Tama ang pangungusap at M kung mali
ang pangungusap.
1. Si Langgam ay palaging naghahanap ng pagkain.
2. Hindi tinulungan ni Langgam si Tipaklong.
3. Si Tipaklong ay nagsaya lamang at hindi nkapaghanap ng
pagkain.
4. Hindi natuto si Tipaklong sa kanyang pagkakamali.
5. Si Langgam ay masipag kaysa kay Tipaklong.
V. Homework/ Panuto: Magsulat ng tatlong (3) pangungusap tungkol katangian
Assignment Langgam.Isulat ito sa inyong kwaderno.

Prepared by:
REJANE D. CAYOBIT
Substitute Teacher

Checked by:
ELAINE ALDABA
MT-1

Noted:
CRISTOPHER R. CUA
School Head

You might also like