Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 156

Sipat: Araling Pilipino

Wika, Edukasyon, Kultura at Midya

ELEONOR P. PALOMO
GURO SA FILIPINO
SC – Bulacan State University
Layunin ng pag-aaral ng Araling Pilipino

► * Paglinang ng mga kasanayan sa ika-21 siglo.


► * Paglinang sa mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng mga
nakalap na impormasyon, natukoy na suliranin at pagmungkahi
ng mga solusyon sa mga inilahad na sitwasyon.
► * Paghasa sa kakayahang komunikatibo na ginamit ang mga
kasanayang pangwika at apat na paraan ng pagpapahayag gaya
ng: paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay at pangangatwiran.
► * Pagpapahalagang pangkatauhan na nakapaloob sa mga aralin.
Panimulang Aralin

► A – kademikong disiplina
► R- eaksyon sa Kolonyalismo
► A- gham Panlipunan ► P – anlipunang Uri at Ekonomiya
► L – inang ► I – dentidad
► I – ndehinisasyon ► L - ahi at Etnisidad
► N – asyonalismo ► I – mperyalismo
► G – ender at Sekswalidad ► P – rogresibo
► I – nterdisiplinaryo
► N – agpapalaya / Kasarilan
► O – rganisadong Pananaliksik
► “Kung magiging propesor lamang ako sa aking
bayan, pag-iibayuhin ko ang mga pag-aaral
tungkol sa Pilipinas na maihahalintulad sa
nosce te ipsum (kilalanin ang sarili) na
nagbibigay ng totoong konsepto ng sarili at
nag-uudyok sa lahat ng bayan na gumawa ng
kadakilaan”. (Salin ni Rodriguez- Tatel) 
–Rizal kay Blumentritt, 1887
Kabatana I
* Araling Pilipino bilang General
Education
* Re-edukasyon ni B. Lumbera
* Makabayang Paninindigan
* Pagbuo ng Makabayang
Kultura, Edukasyon at Sining
* Pag-uugat sa Etnikong Sining
Perspektibang Araling Pilipino
Layunin:
* Mailalahad ang Araling Pilipino bilang disiplina.
* Mapahahalagahan ang re-edukasyong nangyari kay Dr.
Bienvenido Lumbera.
* Natutukoy ang mga batis na maaaring magamit bilang *
paksa ng paglalahad ng kultura at Pilipinong identidad.
* Nasusuri ang namamayaning kulturang kolonyal sa ating
kasalukuyang lipunan.
Pagpatay sa Asignaturang Filipino
SB 1987, Art. 14, Seksyon 6 - “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino, Samantalang nalilinang, ito ay dapat na pagyabungin at
pagyamanin pa sa salig na umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika”

2011 - Nailatag ang K to 12 kurikulum sa panahon ni dating Pangulong


Benigno Aquino.

2013 – Inilabas ang CMO 20. Series of 2013 hinggil sa pagtatanggal ng


asignaturang Filipino sa mga unibersidad at kolehiyo.
GEC – General Education Curriculum

Tanggol Wika - grupo na patuloy na nakikipaglaban sa pagbabalik ng


asignaturang
Filipino sa pangunguna ni Dr. David Michael San Juan at ng Pambansang Alagad
ng Sining na si Bienvenido Lumbera.

2018 naman inangat ang TRO at ibinibigay na sa diskresyon ng mga pamantasan


kung nais panatilihin at bigyang yunit ang Filipino bilang elektib.
Pedagohiya ng Pagka-Pilipino ng
Araling Filipino.

Ayon kay Paulo Freire (1984) ang isa sa mga


pangunahing iskolar na nagsaad ng delikadong dulog
sa edukasyon. Sa kanyang Pedagogy of the
Oppressed, sinabi niyang ang edukasyong
pagsasalaysay ay isa lamang paglalahad at walang
kritikal na pagtuturo. Ito ay isa lamang
pagdideposito ng kaalaman at sa halip na
magkaroon ng malalim at matalas na talastasan,
ang guro ay puro lamang pagtuturo at ang
mag-aaral ay tumatanggap lamang, isinasaulo at
walang konsepto ng pagkuwestyon sa anumang
itinuro ng guro.
Pedagohiya ng Pagka-Pilipino ng
Araling Filipino.
Ayon na rin kay Lumbera (2007), ang edukasyong kolonyal
ang sanhi ng mahabang pagkaalipin at nagbunga ng
maraming malalim na sugat sa ating kultura. Aniya ang
kasaysayan, politika at edukasyon ang tatlong puwersang
kailangan nating pagtuunan ng pansin upang maging
epektibo ang pagbaklas ng bahid ng Amerika sa Pilipinas.

Wikang Ingles ng Amerika ang pinakamatibay na patunay


ng ating pagkakadena ayon kay Lumbera. Ito raw ang
wikang nagluklok sa mga mapang-abusong politiko,
apolitikal na intelektwal, matinding burukrata at
-edukasyon.
Pedagohiya ng Pagka-Pilipino ng
Araling Filipino.
Ang mal-edukasyon ng mga Pilipino naman ay
malinaw na nakaugat sa maling sistema ng
edukasyon (Constantino, 1982). Ito ay dahil sa
patuloy nating pagsasawalang bahala sa ating
nakaraan, kalinangan at lipunang Pilipino.
Edukasyong dulot pa rin ng kolonyal na Amerikano
ang pangunahing puna ni Constantino sa paglayo
natin sa ating kaluluwa bilang Pilipino. Tila naging
direktang kopya tayo ng mga kolonisador. Ganuon na
lamang daw ang pagyakap natin sa kanilang kultura
at ideolohioya.
Dagdag Kaalaman: Panoorin ang bidyo ni Dr. Bienvenido Lumbera na may
pamagat na “Kung Paano Iniligaw Ako ng Wikang Ingles at Paano Ko Natuklasan
ang Aking Sarili Bilang Pilipinong Manunulat” . Matatagpuan ang bidyo sa link
na ito;https://www.youtube.com/watch?v=n3hMcGgUUCw
Re-edukasyon at Makabayang Paninindigan
► “Inihantong ako ng aking re-edukasyon sa mga
karanasan nang ako’y magsimula ay hindi ko
inakalang kakayanin kong pasukan. Mula sa
pananaliksik tungkol sa panulaang Tagalog, naging
mapusok na tagapagbandila ako ng wikang
pambansa sa mga pagtitipon ng mga guro sa
kolehiyo at pamantasan. Hindi naglaon ay nasubo
naman ako sa pag-oorganisa ng mga manunulat na
iba’t iba ang ugali at kalooban. Sa dakong huli,
napasalang ako bilang manunulat at editor sa loob
ng kilusang lihim laban sa diktaduryang Marcos.
Maraming kaalaman ang kinailangan kong iwaksi at
marami ring bago akong natutuhan sa panahon ng
aking re-edukasyon.”
utak

Pagbuo ng Makabayang Kultura,


Edukasyon at Sining
“Kailanma’y di magiging pangkalahatang wika ng
bansa ang Kastila, hindi ito gagamitin ng mga
mamamayan, sapagkat ang kamalayang nasa
kanilang isip at ang damdamin sa kanilang mga
puso’y di maipapahayag sa wikang iyon... Anong
gagawin n’yo sa Kastila, kayong iilan na
gumagamit nito? Paslangin ang inyong pagkatao,
ipailalim ang inyong kaisipan sa utak ng iba, at
sa halip na palayain ang inyong mga sarili, tunay
ngang kayo’y nagpapaalipin!... Tinatangka
ninyong wasakin ang inyong pagkamamamayan!”
J. Rizal, El Filibusterismo
Paano ba bumuo ng
makabagong kultura?
► Kung tutuusin, daang taon nang
nababasa ng mga Pilipino ang nobela
ni Rizal ngunit talaga bang naunawaan
natin ito? Kung naunawaan ay
isinabuhay ba natin? Paano maging
makabayan? Maraming tanong na
masarap pagnilayan sa ating
katapatan sa Bayan. May nabago ba sa
iyong pananaw at pagkatao?
Ayon kay Renato Constantino (1982) sa
kanyang ‘The Miseducation of the Filipinos’
sa pamplet na ito malinaw niyang sinaad
na:

► “Ang edukasyon ay
mahalagang sandata ng
sambayanang nagsisikhay
makamtan ang kalayaan sa
ekonomiya at politika, at
muling pagsibol sa
larangan ng kultura” (1)
Ayon kay Lumbera sa kanyang librong ‘Writing The
Nation’ na mahalaga ang gampanin ng mga paaralan
sa pagpapalaganap ng makabayang Kultura:
‘More concretely, the building of a
nationalist culture will involve institutions
and organizations that have a direct hand in
the production, distribution and
consumption of art and literature. The
school has a key role in reorienting the
teaching of art and literature and in
fostering the growth of a liberative and
democratic new culture.’
► Sabi ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
Bienvenido Lumbera na ang pambansang kalayaan mula
sa kolonyalismo ang magbibigay sa sambayanang
Pilipino ng daan tungo sa makabayang kultura.
Kailangang umanong palayain ang pag-iisip sa kultura
ng mga kolonyalista. Batid nating marami-rami ring
kulturang kastila ang nananatili sa atin matapos ang
higit 300 daang taong kolonyalismo, gayundin ang apat
na dekadang pananatili ng Estados Unidos at kahit
maikli ay mayroon ding bakas ang mga hapon. Sa
paglaya at pagtatamo ng demokrasya, ayon kay
Lumbera, ay madidiskubre natin ang sensibilidad na
magpapabago sa ating sarili at kalaunan ay
sambayanan.
Pag-ugat sa Etnikong Sining: Daan sa
Pagpapatibay ng Kultural na Identidad
Ayon kay Guillermo, may tatlong salik na nakaapekto sa hindi
pagkakapantay-pantay ng lipunang Pilipino pagdating sa
sining—

1. Pagkakaiba ng lungsod at probinsya. Sa urban na lugar sa


palakad ng gobyerno ay konsentrado ang maraming bagay para
sa sining gaya ng museo, galeriya, paaralan at mayamang
palitan ng kultura dahil sa umiiral na multikultural na
estadong mayroon sa ilang urban na lugar, samantalang sa
rural naman ay nananatiling mga gawaing agrikultural ang
pangunahing pinagkakaabalahan ng tao. Ngunit sa kanilang
pamumuhay ay mayaman din ang sining na mayroon sila sa
kanilang tradisyon depende kung anong produkto ang kanilang
ibinibida.
 
► Sa panahon ng globalisasyon na
malabnaw na ang hangganan ng
impluwensya ng makapangyarihang
bansa, at pagiging lalong industriyalisado
ng Pilipinas. Aniya Lumbera, “ang ating
kultural na identidad ay nanganganib
malimot o masapawan nang higit
malalakas na kultura mula sa labas o
mula sa impluwensya ng ibang bansa.
Kaya mahalagang pangalagaan, balikan
at pagyamanin ang ating etnikong sining
sa panahon ng globalisasyon.”
Pag-ugat sa Etnikong Sining: Daan sa
Pagpapatibay ng Kultural na Identidad

2. Estado sa lipunan at ang pagkakaiba ng edukasyon


at oportunidad na dahil sa limitadong edukasyon ng
mga ordinaryong manggagawa sa lipunan. 

3. Pluralistikong karakter ng lipunang


Pilipino.Dahil tayo ay binubuo ng maraming
pangkat etniko na mayroong mayamang
kasaysayan, kultura at sining napanatili ng
ilan ang kanilang identidad at sa dami ng
mga ito ay mayroong iba’t ibang
pagpapahalaga sa kani-kanilang sining. Sa
kabuuan, malaki ang epekto ng estado sa
lipunan at heograpikong lokasyon sa
pagpapahalaga ng sining sa bansa.  
Pag-ugat sa Etnikong Sining: Daan sa
Pagpapatibay ng Kultural na Identidad

2. Estado sa lipunan at ang pagkakaiba ng edukasyon


at oportunidad na dahil sa limitadong edukasyon ng
mga ordinaryong manggagawa sa lipunan. 

3. Pluralistikong karakter ng lipunang


Pilipino.Dahil tayo ay binubuo ng maraming
pangkat etniko na mayroong mayamang
kasaysayan, kultura at sining napanatili ng
ilan ang kanilang identidad at sa dami ng
mga ito ay mayroong iba’t ibang
pagpapahalaga sa kani-kanilang sining. Sa
kabuuan, malaki ang epekto ng estado sa
lipunan at heograpikong lokasyon sa
pagpapahalaga ng sining sa bansa.  
Pelikula Bilang Instrumento ng
Pagpapakilala ng Kultura
► Pelikula ang isa sa pinakamalaking instrumentong maaaring gamitin
upang ipakilala sa bayan ang ating kultura

“As an art form, film can cross cultures with very little if its meaning
and implications being lost. It is mainly a visual medium, and problems
with the language of the production could be easily solved with the
technology of dubbing or subtitling. Film then is the characteristic art
form of globalizing community of nations today. Studying it in relation
to our search for “Filipino” norms could prove to be instructive”.
Lumbera(2000)
► Ngunit sa pagpasok at pagtindi ng globalisasyon ay
naiimpluwensyahan nito ang paggawa ng ating mga
pelikula. Mula sa banghay, elemento hanggang sa tema
nito na tila hindi na Filipino ang dating.
► Ayon kay Lumbera mayroon siyang apat na batis ng
tradisyong maaaring pagkuhanan ng ating sariling
kulturang identidad sa kanyang papel pananaliksik na
iniharap noong 1995 para sa ASEAN and the Challenge of
the 21st Century.
1. Kulturang etniko
1 ► Mababakas ang kasaysayan at pambansang
identidad sa sining mula pa noong dumating ang
mga kolonisador. Nariyan ang Manuggul jar para sa
paniniwala ng ating mga ninuno sa buhay
pagkatapos ng kamatayan, ang katapangan sa mga
tattoo sa buong katawan, ang antas sa lipunan sa
mga alahas na suot at iba pa. Sa kasalukuyan ay
nananatili pa rin ang mayayamang kultura at
tradisyong ng ilan nating mga pangkat etniko.
Pinakikita nito na kahit tayo ay nakolonisa at
nagbago ang panahon, pinahahalagahan pa rin nila
sariling identidad na kung tutuusin ay pambansang
identidad din.
Kasama sa etnikong panitikan natin ang mga kuwento ni Juan Tamad,
Suan, Suwan o Pilandok. Si Manuel Conde ang isa sa mga pumaksa ng
mga ito sa pelikula.

► 1947 –Juan Tamad


► 1948 – Juan Daldal
► 1959 -- Juan Tamad Goes to Congress
► 1963 -- Si Juan Tamad at si Juan Masipag sa Pulitikang
Walang Hanggan
Ang mga alamat din ng ating mga ninuo ay naging paksa
ng pelikula na nagpakita ng mayamang batis ng ating
identidad.
► Bernardo Carpio, 1951-tungkol sa alamat ni Bernadio
Carpio na pumipigil sa lindol na sanhi ng dalawang
nag-uumpugang bato.
► Mariang Sinukuan, 1955 – Alamat ng isang magandang
bababe.
► Anting-Anting (Amulet), 1934 – maraming
pinaniniwalaang mga anting-anting ang ating mga
ninuno na panlaban sa di magagandang elemento
ngunit may bahid ng etnikong identidad ang pelikula
sa paggamit ng karakter nina Malakas at Maganda.
► Makiling, 1938 – tungkol sa alamat ni Mariang Makiling
2.Kasaysayan ng ating lahi

► Diego Silang, 1951, kuwento ng bayaning mula sa Ilocos Sur


► Dagohoy, 1953, pinakamahabang pag-aaklas laban sa mga kastila sa pamumuno
ni Dagohoy
► LapuLapu, 1955, tungkol sa kabayanihan ng mga taga-Mactan Cebu at kung
paano nila natalo si Magellan.
► The Tragic Death of General Luna, 1930, pinaksa ang asasinasyon ni Heneral
Luna sa kamay ng brigade ng Kawit
► Heneral Gregorio del Pilar, 1949, pagtatampok sa batang heneral ng rebolusyon
at ng kanyang pagsasakripisyo ng buhay sa Pasong Tirad
► Manila: Open City, 1967, tungkol sa Maynila noong kasagsagan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
3. Internasyunal na Kanluraning kultura.

► Gagamitin ito bilang batis sapagkat sa lakas


ng impluwensya ng kanluran maaari natin
itong maging kasangkapan sa pagbandera ng
ating identidad. Impluwensyal ang
kanluraning kultura sa lokal nating sinema
dahil na rin sa napasailalim tayo sa mga
Amerikano at dinala nila dito ang kulturang
mayroon sila na agad namang tinanggap ng
nakararami. Gayundin ang kadahilanang
maraming mga Pilipino noong nag-aral at
natuto ng paggawa ng pelikula mula sa
Estados Unidos.
4. Relihiyong Kristiano at kultura

► Nakararami sa ating bansa ay mga


Katoliko at hindi natin maitatangging
malalim na amg impluwensya ng
Katolisismo sa ating kultura at tanggap
na rin ito bilang Filipinong Kultura dahil
alinmang sining ay may bahid na nito
gaya ng panitikan sa Pasyon, musikang
dala ng mga misyonaryong prayle, sining
o ecclesiastical arts, arkitektura ng mga
simbahan at marami pang iba. Mula
pasyon at senakulo patungong pelikula,
naitawid ng kultura ng relihiyong ito ang
mga paksa.
Kabatana II
Kasaysayan at mga Iskolar ng Araling Intsek
► Layunin:
►  

► * Nailalahad ang mga mahahalagang tala at


paglelente ukol sa kasaysayan ng Araling Pilipino
► * Napahahalagahan ang katuturan ng Araling
Pilipino bilang muhon ng Pilipinisasyon at
globalisasyon
► * Nakabubuo ng isang mapanuring pamanahong
papel ukol sa kasalukuyang tayo sa kalagayan ng
Araling Pilipino sa kurikulum ng edukasyon.
Mula Filipino Tungong Araling Pilipino

► Ang disiplina ay isang erya ng kaalaman o


karunungang pantao na nadedebelop sa mga
unibersal para sa layunin ng pagtuturo at reserts
(Lawton & Gordon 1992: 73-74).

► Syensya, Matematika at Pilosopiya lamang ang


mga kinikilalang larangan ng pag-aaral noong
panahong midyebal.
► Sa Pilipinas, mapapansing gramatika ang
pokus sa asignatura sa elementarya,
sekondarya, mga kurso sa tersyarya maging
sa mga programa para sa mga
nagpapakadalubhasa. Bagamat
tumatalakay rin ng panitikan,
kontemporaryo at teknikal na pagsulat, at
pamamahayag, ang istruktura ng gramatika
pa rin ang binibigyang-tuon dito.
Hindi ito nakatutulong sa pag-unlad
ng wika. Mapapansing sa mga
larangang nabanggit, kasangkapan
lamang ang wika at naging mabagal
ang takbo ng wika.

Hindi lubusang nahulma ang pagmumuhon sa kakayahan ng wikang


pambansa sa larangan ng pananaliksik na pangunahing
pangangailangan sa ngayon bilang tugon sa intelektuwalisasyon at
istandardisasyon. Ang kailangan nito ay maging isang larangan ng
pag-aaral bilang ugat ng kaalaman, tagapaglinang ng kritikal na
kaisipan, makapagdulot ng liberalisasyon, at makapagbigay ng
kapangyarihan sa mga mag-aaral na mag-isip at sumuri sa tama at
maling kalagayan.
Araling Pilipino/Filipinolohiya Bilang
Disiplinang Filipino
► Isa si Dr. Zeus Salazar sa mga propesoryal lektyurer ng De
La Salle University, sa kanya nagmula ang katawagang
“Filipinolohiya” na ginamit sa Unibersidad ng Pilipinas
noong siya ay dekano pa sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan
at Pilosopiya na ginamit para sa kursong Philippine Studies.

► Ang terminilohiya na “Filipinolohiya” sa disiplinang


Filipino ay masasabing angkop na gamitin sapagkat
ang konseptong ito ay nakapokus sa pag-aaral ng
Filipino, at sa metodolohiya ng reserts na bubuuin
at mga panimulang rebyu ng literatura, teorya, at
pananaliksik sa loob at labas ng bansa.
Ayon kay Elliason 1987 may tatlong
klasipikasyon ang isang disiplina sa paglikha:

•Paksang Saklaw
•Pagsusuri
•Metodolohiya
Sa pagbuo ng isang makabuluhang larangan o
disiplina, halimbawa, ang Filipinolohiya, ito rin ay
nagdaraan muna sa tatlong kategorya ng mga
paksa o ang klasipikasyon ng Filipinolohiya. Ang
mga kategoryang ito ay sumasailalim sa mga dulog
(approaches) bilang batayan sa pagbuo ng isang
dekalidad na larangan.

► 1. Disiplinal
► 2. Inter-disiplinal
► 3. Multi-disiplinal
DISIPLINAL

► Ang isang paksang tinatalakay ay tuwiran o direktang


naghahatid ng katangian at/o kalikasan ng disiplina.

► Tuwirang tinatalakay rito ang mga Barayti ng wikang


Filipino, Gramar ng Filipino, at maging ang
leksikograpiyang Filipino. Sa ibang salita, tinatawag itong
intrinsik na kategorya ng paksa.
Inter-disiplinal
► Kapag naman ang isang paksa ay may
dulog na kung saan, ang dalawa o higit
pang disiplina ang nakapaloob na may
layuning suriin ang isang komon na
paksa, upang tukuyin ang relasyon at
pagkakatulad o pagkakaiba nito sa isa
pang komon na paksa.
► Nakapaloob dito ang mga Gamit ng
Filipino sa iba’t ibang
konteksto/domain (diskurso,
semyotiks, pragmatiks), Sikolohiya ng
Wikang Filipino, Pulitika ng Wikang
Filipino, Pilisopiyang Filipino, Wika ng
Literaturang Filipino (Pilolohiya),
Pagsasalin ng/sa Filipino, Pagtuturo ng
Filipino, Teknikal o higit na mataas na
Filipino at iba pa.
Multi-disiplinal
►  
► Panghuli, ang Multidisiplinal na kategorya ng
paksa. Mayroong isang komon na paksa na hiwalay
na sinusuri ng bawat disiplina batay sa sarili nitong
perspektiba.
► Isang mahalagang bahagi rin ito, upang ang isang
larangan ay maging komprehensibo nang sa gayon
ay magkaroon ito ng angkop na paraan sa
rehabilitasyon at pagbabagong-bihis ng
Filipinolohiya.
► Kabilang sa mga disiplina ay ang Pagpaplanong
Pangwika, Wikang Filipino at Edukasyon, Relihiyon,
Mass Media, Ideolohiya, Pulitika, Gender,
Ekonomiya, at marami pang iba.
•FILIPINOLOHIYA
•Disiplinal
•Interdisiplinal

•Multidisiplinal
Filipinolohiya Bilang Disiplinang Filipino
►  Ang pagsasagawa ng riserts sa Filipino ay isang
mandato sa akademya sa maalab na kaparaanan dahil
sakop nito ang malawakang pagbuo ng kaaalaman
ukol sa disiplina na magdedebelop sa magsasagawa ng
pag-aaral. Ngunit sa kasalukuyan, hindi na
binibigyang- halaga ang wikang Filipino dahil walang
matibay na muhon upang magbigay- katwiran na
dapat idebelop ang larangang ito para sa kaunlaran ng
bansa. Sa pananaw ng nakararami, ang ingles ang
nakahihikayat ng mga potensyal sa pagkakaroon ng
oportunidad na makasabay sa taglay na mayroon ang
iba’t ibang larangan na magiging malaking palaisipan
sa larang ng Filipino bilang hudyat sa paglelente ng
tunay na riserts.
•Association Internationale des Philippinetes (AIP)
•Itinatag ni Rizal sa Europa 1889
•Hindi nagtagumpay
•Pilipinolohiya
•1989
•UP Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilsopiya

•Araling Pilipino
•Intellectual Ferment
•Paglinang sa loob at Pag-angkin sa labas.
Kilalanin ang Sarili/ NOSCE TE IPSUM
► “Nosce Te Ipsum”, kung isasalin sa Tagalog, “Kilalanin ang
Sarili”. Mga katagang nagmula kay Dr. Jose Rizal, na
naglalarawan ng kaniyang adhikaing pag-ibayuhin ang
pag-aaral tungkol sa Pilipinas, upang makalikha ng sariling
konsepto nito, na makahihikayat sa bayan na gumawa ng
kadakilaan.
► “Alinsunod sa adhikaing ito, sinimulan ni Rizal na itatag ang
Association Internales des Philippinistes o AIP sa Europa na
naglalayong magsagawa ng pag-aaral ang mga Pilipino
tungkol sa “atin” at “para sa atin”. Subalit, hindi
nagtagumpay si Rizal sa nasabing adhikain, dahil napagtanto
niyang walang ibang maaaring magmalasakit sa kaniyang
bayan kundi ang mga kapwa niya Pilipino.
► Makalipas ang isang siglo, napagtanto ang tunay na
adhikain ni Rizal, tungkol sa Araling Pilipino at sinimulan itong
ipagpatuloy ng Unibersidad ng Pilipinas. Kaya naman, noong
taong 1989 itinatag ang “Pilipinolohiya” sa UP Dalubhasaan ng
Agham Panlipunan at Pilosopiya “DAP”. Nilalayon nitong
tumaliwas sa maka-Amerikanong Araling Pilipino. Batay kay
Carlos P. Romulo, dating pangulo ng UP (1966), “By 1970, in the
University must be prepared to offer a full-scale program of
graduate and post-graduate studies, and the program itself
conducted by Filipino teachers and experts. This calls for
nothing less than the nationalization, as it were, of knowledge.
Expertise and competence need not be exclusively based, for us,
in American Universities, but should be made available here,
promoted by Filipino scholarship, Filipino discipline, Filipino
passion for truth.” Samakatuwid, sa pamamagitan ng layuning
ito maisasakatuparan ang naiwang adhikain ni Rizal na pag-aaral
ng mga Pilipino tungkol sa “atin” at “para sa atin”.
Virgilio Enriquez at Sikolohiyang Pilipino

► Batay kay Enriquez, may dalawang


pangunahing tunguhin ang Araling Pilipino:
► (a) paglilinang sa loob (indigenization from
within)
► (b) pag-aangkin sa labas (indigenization
from without).
Paglinang sa loob ► Ang “loob” na tinutukoy dito
ay ang ganap na pagyakap ng mga
Pilipino sa Pilipinisasyon. Ang
“sarili” ang tinutukoy na “loob” ng
lipunan at kulturang Pilipino. Ayon
sa kaisipan ni Rizal, mga Pilipino
lamang ang makapagbibigay ng
lunas sa suliraning pang-edukasyon
na nagbibigay-tuon sa
“maka-Pilipinong” pag-aaral.
► Subalit, kung hindi maaagapan ang sumusulong na “maka-Amerikanong”
pagkatuto mawawalan lamang ng kabuluhan ang nasimulang adhikain na
patatagin ang Araling Pilipino sa bansa. Samakatuwid, sa pansariling
tindig ng “pagsasa-Pilipino” (loob), maaaring sa mga Pilipino mismo
magmumula ang ikagagaling o ang ikasisira ng hinaharap.
Pag-aangkin sa labas
► Ang “labas”, tinutukoy nito ang adaptasyon ng
mga kanluraning paradigma, modelo, teorya
at metodolohiya sa pag-aaral ng tinaguriang
“maka-Amerikanong Araling Pilipino”. Ninais
na gamitin ang mga nasabing dulog sa
pagsasagawa ng mga pag-aaral upang maging
muhon ng mga kaisipang iaangkop sa mga
kaisipang lokal. Ngunit sa paglaon ng
panahon, nanaig pa rin ang kanluraning
kaisipan at higit pang napaigting ito dahil sa
masinsing pagsulong sa paggamit ng wikang
Ingles na siyang nakaaapekto sa kultura,
pag-iisip at pagkilos ng mga Pilipino.
Zeus Salazar at ang Pantayong Pananaw
► “Kabilang sa kabuuan ng Pantayong
Pananaw sa pagkakaugnay-ugnay ng mga
katangian, kahalagahan, kaalaman,
karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal
at karanasan ng isang kabuuang
pangkalinangan – kabuuang nababalot at
ipinapahayag sa pamamagitan ng isang
wika. Magkakaroon lamang ng pantayong
pananaw kapag gumagamit ang lipunan at
kalinangan ng Pilipinas ng mga konsepto at
ugali na alam ng lahat ang kahulugan na
magiging talastasang bayan.”
Ayon kay Zeus Salazar
► “Ang kasaysayan ay isang salaysay
hinggil sa nakaraan na may saysay
para sa sinasalaysayang pangkat ng
tao o salinlahi. Ang bagong kasaysayan
ay ang pagsasanib at pagtatagpo nito
sa ideya ng inangking kasaysayan sa
loob ng diwa ng makabayang pagkilos
at pantayong pananaw na
pangkabuuang Pilipino.”
► Ang pantayong pananaw ay hindi lamang isang
salitang binuo sa pamamagitan ng pagdugtong-dugtong
ng titik upang makabuo ng panibagong estruktura nito
at makabuo ng isang kahulugan. ng Apantayong
pananaw ay hango sa isang malalim na kahulugang
nagtataglay ng diwa at kabuluhan. Mula ito sa salitang
“tayo” na kung iyong uunawain ay tumutukoy sa unang
persona na ang layunin ay humimok sa kapwa nito
upang magkaroon ng kaisahang kalinangan ng sariling
pag-unlad. Sa madaling sabi ang pantayong pananaw ay
hindi kailangan at dapat ibatay sa banyagang
konsepto’t perspektiba sapagkat nalilinang mismo ito
sa sariling bansa.
►  
Prospero Covar at Araling Pilipino
► Ang Pilipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita: Pilipino at
lohiya (logos) na ang ibig sabihin ay pag-aaral. Samakatuwid, ito ay
isang masistemang pag-aaral una, pilipinong kaisipan at ikalawa,
pilipinong kultura at Pilipinong Lipunan. Ang layunin nito ay
palabasin ang pagkapilipino ng bawat larangan na meron ang bawat
kultura ng Pilipinas.
► Ang kaisipan, kultura at lipunan ay nag-uugat sa mga karanasan ng
mga katutubong Filipino- ito ang mga basehan ng homonisasyon o
pagkatao. Maaring ito ay hawig sa iba pang lahi ngunit, ang Pilipino
bilang isang pang-uri ng iba’t ibang sangkap ay may sariling
hekusyon, estetika at kaayusan- ang mga ito ay naging pananda ng
pagiging makabansa at isang lahi. Ang relihiyon, wika ay ilan
lamang sa halimbawa Ayon kay Rodriguez-Tatel (2015)
Loob

Labas

Lalim
► PANLABAS ► PANLOOB
► Nasasalamin sa mukha ang kaluluwa
► Pusong mamon - mabait
► Malapad ang noo - matalino
► Pusong bato – masama ang ugali
► Taas kilay - isnabera
► Salubong ang kilay – mainitin ang ► Sala-salabid ang bituka – iba-iba ang
ulo pinagmulan
► Duling – walang gawang magaling ► Maitim ang atay - masama ang ugali
► Matangos ang ilong – ilong kastila
/ dominante
► LALIM
► Matambok ang pisngi – malusog
► Kuyapis ang pisngi – gutom ► Naniniwala ang F/Pilipino na ang
tao ay may katawang lupa at may
► Mahaba ang baba – babaero
kaluluwa.
► Malaki ang tiyan – kurakot
Virgilio Almario at Bagong
Pormalismong Filipino
► Sa pag-aaral, pag-unawa at interpretasyon ng panitikan
lagi raw tayong gumagamit ng teorya o metodong galing
sa kanluran kaya naman isang hamon ang gustong
ipabatid sa mga mambabasa ng panitikan ang mungkahi
ni Pambansang Alagad ng Sining Virgilio Almario (1997)
na gumawa tayo ng ‘Bagong Pormalismong Filipino’ na
sagot natin sa kultura ng kritisismo ng kanluran.

► Dito ay nagnanais mag-iwan sa atin ng katanungang inilagad ni Almario


na, “Paano kung ang sangkap ng akda ay katutubo at orihinal? Paano kung
hindi ito makapasa sa pamantayang kanluranin sapagkat gumagamit ng
ibang pamantayan? Paglilinaw ni Almario:
► “Ito ang problematika na dapat harapin at lutasin ng
kritisismong Filipino. Nangangahulugan ito ng paglabas
kung hindi man pagtatakwil sa bilangguan ng panunuring
Kanluranin. Nangangahulugan din ito ng paglikha ng mga
bagong kasangkapan at pamamaraan sa pagsusuri, isang
napakabigat na trabaho kapag ikinumpara sa naganap at
nagaganap na paghiram lamang ng teorya’t makinaryang
pansuri sa Europa at Estados Unidos. Kapag nangyari, isang
maluwalhating yugto ito sa kritisismo at sa wikang Filipino.
Hindi lamang matutuklasan ang autentikong pamantayang
Filipino, mapapanday din ang mga salitang katutubo at
higit na mapatitingkad ang malikhaing katangian ng wikang
Filipino.”
Bienvenido Lumbera at Paksaing Pilipino
►  “Inihantong ako ng aking re-edukasyon sa mga karanasan nang ako’y
magsimula ay hindi ko inakalang kakayanin kong pasukan. Mula sa
pananaliksik tungkol sa panulaang Tagalog, naging mapusok na
tagapagbandila ako ng wikang pambansa sa mga pagtitipon ng mga
guro sa kolehiyo at pamantasan. Hindi naglaon ay nasubo naman ako
sa pag-oorganisa ng mga manunulat na iba’t iba ang ugali at kalooban.
Sa dakong huli, napasalang ako bilang manunulat at editor sa loob ng
kilusang lihim laban sa diktaduryang Marcos. Maraming kaalaman ang
kinailangan kong iwaksi at marami ring bago akong natutuhan sa
panahon ng aking re-edukasyon.”

►  
Maliban sa kanyang re-edukasyon, binigyang-diin din niya ang konsepto ng
‘dating’ sa pagbasa sa mga likhang-sining at pagpapahalaga sa estetika nito, na
ang tagabasa o nakakakita nito ay bumubuo ng sariling pagpapakahulugan, may
personal na dating sa mambabasa o nakakakita; iyon ang simula ng paglilinaw sa
estetika ng nasabing obra.
Araling Pilipino sa
Unibersidad ng Pilipinas
► Simula 1974 hanggang 2007, gumawa ng
mga pag-aaral, tesis at disertasyon ang
mga mag-aaral sa Master at Doktorado sa
► Noong taong 1982, nakapagprodus ang CAS at PCAS
UP batay sa dalawang pangunahing
ang mga una nitong gradweyt, kasabay nito ang
tunguhin ng Araling Pilipino. Halimbawa
pagsilang ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL),
na lamang ay si Nicanor Tiongson (1974),
Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya
ang kauna-unahang nagtapos ng
(DAPP), at ang Kolehiyo ng Agham (KA). Ngunit sa
panggradwadong pag-aaral sa ilalim ng
taong 1983, ipinasya ng ng Board of Regents na
noo’y Depertamento ng Pilipino at
pag-isahin na lamang ang mga programang
Literaturang Pilipino ng CAS, hanggang sa
doktorado sa Pilosopiya ng nasabing tatlong
nasundan ito ng paglikha ng panukala sa
kolehiyo. Dumaan ang mahabang panahon, at
pagbuo ng programang pandoktorado sa
napagdesisyunan ng BOR na aprubahan noong 1993
Araling Pilipino sa Unibersidad ng
ang “single Ph. D Philippine Studies Program” na
Pilipinas.
may isang hanay ng core courses. (PS 301:
Perspectives in Philippine Studies).
Kabatana III • Ideolohiyang Pangwika
• Isyu ng
Intelektuwalisasyon
• Varayti at Varyasyon ng
Wika
• Beksyonaryo 2.0
Wika at Lipunan: Koneksyon sa Ideolohiya

Kultura
► Ang kalipunan ng kaisipan na may layuning
ipaliwanag ang mundo at pati na rin ang mga
pagbabago na nagaganap sa loob nito.
► Ito ay nagmula sa salitang “ideya” o kaisipan na
sinusunod at ginagawang batayan ng mga tao (Tan,
2013). Ito ay ipinakilala ng Pranses na si Destutt De
Tracy na tinukoy niyang “agham ng mga ideya.”
Ano ang tinatawag na Wika?

► Ang wika ay instrumento upang ang tao


ay makipagtalastasan. Binubuo ito ng iba’t ibang
simbolo, tunog at mga kaugnay na batas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ito ay
nagmula sa wikang Tagalog at lumaganap sa
buong kapuluan. Sa ngayon, ito ang wikang
nag-uugnay sa iba’t ibang pangkat ng wika sa
Pilipinas.
Ang wika ay buhay; umaayon sa
pangangailangan ng tao . Hanggang buhay ang
mga tumatangkilik at patuloy na nadadagdagan
ang mga gumagamit nito,
Ang pagiging daynamiko ng wika ay
tinitingnan ng mga dalubwika sa positibong
aspekto.
DALAWANG URI NG VARAYTI NG WIKA AYON
KAY CATFORD (1965)
1. 1. PERMANENTE para sa Tagapagsalita/
tagabasa.
2. Halimbawa nito ang Dayalekto at Idyolek
3. Dayalekto - Tagalog Bulacan, Tagalog Batangas,
Tagalog Laguna, Tagalog Mindoro, Tagalog Rizal
at Tagalog Palawan
DALAWANG URI NG VARAYTI NG WIKA AYON
KAY CATFORD (1965)
1. 2.PANSAMANTALA - Kung may pagbabago sa
sitwasyon ng pahayag.
2. -Kasama rito ang register, mode at estilo
3. 1. Register ay varayting kaugnay ng propesyong
kinabibilangan ng tagapagsalita
2. Ang Estilo ay ang varayti na kaugnay ng
relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaaring formal,
kolokyal at intemet o personal na estilo.

3. Ang Mode ay ang varayting kaugnay sa midyum


na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o
pasulat.
Sa pag-aaral ng Varayti ng Wika mahalagang
matutunan ang Accommodation Theory ni
Howard Giles: Sa teoryang ito nakapaloob ang
dalawang Pagkatuto:
1. Linguistic Convergence - sa pagnanais na
makipagugnayan ng tao sa iba, sila ay maaaring
gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap
upang bigyang - pakikiisa, pakikilahok,
pakikipagpalagayang loob, pakikisama o kaya ay
pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo.
linguistic

2. Linguistic Divergence - ito naman ay


nangangahulugang pagiging iba sa gamit ng wika ng
isang tao tungo sa pagbuo o pagkilala sa kanyang
kaakuhan o pagkakakilanlan.
Samantala nadedebelop pa rin ang varayti ng
wika sa tinatawag na Interference Phenomenon
at Interlanguage
► INTERFERENCE PHENOMENON - ay tumutukoy
sa impluwensiya sa bigkas, leksikon,
morpolohiya, gayundin sa sintaktika sa
pagkatuto sa pangalawang wika.

► INTERLANGUAGE- ay tumutukoy sa mental
grammar na nabubuo ng tao pagdating ng
panahon sa proseso ng pagkatuto niya ng
pangalawang wika. Dito nababago niya ang
gamit ng gramar ng wika sa pamamagitan ng
pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga
alituntunin
AYON KAY CONSTANTINO (2002) mula kay Eastman
(1971) Dalawang Dimensyon ang pagkakaiba-iba ng
wika:
1. 1. Heograpiko (dayalekto - nagpapaliwanag ng
pagkakaiba-iba ng wika dahil sa iba’t iba o
kalat-kalat na lokasyon ng mga tagapagsalita ng
isang wika.
2. SOSYO -EKONOMIKO (Sosyolek) -
Nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang wika dahil
sa iba-ibang estado ng tao sa lipunan. Kung
kaya may tinatawag na mga wika ng bakla,
horse language, elite, masa at iba pa.
RONG LEXICAL BORROWING - ang isang salita o
higit pa ay hinihiram mula sa isang varayti tungo
sa isa pang varayti dahil walang katumbas ang
mga ito sa varayting ginagamit ng nagsasalita.
Halimbawa:
-pangalan ng pagkain na narito ngayon sa
bansa na may Kulturang dala mula sa pinagmulan
nito (cultural color) tulad ng Hamburger, pizza,
taco, french fries.
- - mga salitang dala ng pagbabago sa teknolohiya
tulad ng CD, computer, diskette, fax, internet,
e-mail at iba pa.
Ayon sa ginagawang pagsusuri sa mga usapan,
nakita ang sumusunod na katangian ng Filipino
na ginagamit sa Palawan.
1. 1. Sumasaliw ang iba’t ibang tono o punto ng
unang wika sa lingua franca. Naipapaliwanag
ito sa malaking bahagi sa katangian ng
Cebuano na tatlong ponemang patinig - a,i,u
at apat naman na Cuyonin - a,e,i, u
2. Mas gamitin ang panlaping mag-
(Cebuano) at maga - (Kuyonin) sa maraming
salita.
3. Wala ring paguulit ng pantig sa
kasalukuyan at panghinaharap na aspekto ng
pandiwa na impluwensya ng Cebuano.
4. Makikita rin ang mga bokabularyo sa
Filipino ng mga taga Palawan
Ang sumusunod ang ilan sa varayti ng wika
mula sa artikulo ni Nilo S. Ocampo sa aklat ng
Minanga (2002) na itinala ni Christian
Francisco:
1. 1. Istandard na wika - ito ay paglalarawan
kaugnay sa tunog, salita at pangungusap o
anupamang may kaugnayan sa pambansang
wika.
2. Punto at Dayalekto - ay may kaugnayan sa
paraan ng pagbigkas ng isang tao gamit ang
kanyang wika . Dito maaaring madetermina ang
kanyang lugar na pinagmulan
3. Mga Dayalektong Rehiyonal - ito ay
naglalarawan ng mga identipikasyon ng mga
konsistent ng katangian ng mga pananalitang
matatagpuan sa isang heograpikong lugar.
4. Isogloss at Dayalektong Hanggahan - Ito ay
tumutukoy sa linyang kumakatawan sa pagitan
ng mga lugar tungkol sa isang partikular ng
linggwistikong aytem. Samantalang ang
Dayalektong hanggahan naman ay tumutukoy
sa kaibahan ng pananalita sa iba’t ibang lugar
na kakikitaan ng pagkakaiba-iba ng paggamit
ng mga salita
5. Ang Katuluyang Kontinuum na Pandayalekto -
kung ang Isogloss ay malaking tulong sa pagdetermina
ng gamit ng wika sa mga magkakatabing lugar, hindi
parin kadalasang tiyak ang resulta ng mga pag-aaral
pangwika. Kung kaya ang continuum, makikita ang
eksaktong katuluyan ng gamit ng wika sa
magkakatabing lipunan.
6. Bilinggwalismo- Ang pagiging bilinggwal ng isang
tao ay ang simpleng resulta lamang ng pagkakaroon
ng dalawang magulang na magkaiba ang wika. Mula
dito ay maaaring madebelop ang panibagong
barayting pangwika.
7. Mga Pidgin at Creole - Ito ay isang varayti ng isang
wika na napaunlad sa kadahilanang praktikal, tulad
ng mga pangangalakal, sa mga pangkat ng mga
taong hindi alam ang wika ng iba pa. Nagiging
Creole ang isang wika kung ang pidgin ay nasimulan
nang matutunan ng isang bata at magamit hanggang
sa kanyang pagtanda.
8. Wika, Lipunan at Kultura - ipinaliliwanag dito na
hindi porke may parehong kinalakhang lipunan ang
dalawang tao ay pare-parehong wika rin ang
ginagamit.
9. Mga Panlipunan Dayalekto - Sinusukat nman ang
varayting pangwika batay sa panlipunang dayalekto
sa pamamagitan ng uri, edukasyon, trabaho, edad,
kasarian at iba pang panlipunang sukatan
10. Edukasyon, Okupasyon, Uring Panlipunan -
Tumutukoy naman ito sa sosyal na aspekto ng isang
ispiker ng wika batay sa paraan ng kanyang
edukasyong nakamit at trabaho o propesyong
kinabibilangan. Papasok din dito ang usaping
language register.
11. Edad at kasarian - ipinaliliwanag na kahit na
maraming tao ang kabilang sa isang pangkat
panlipunan, nagiiba pa rin ang gamit ng mga salita
batay sa edad ng tao at kasarian.
12. Etnikong Bakgrawn - nagkakaroon ng
paglalahok o pagsasama ng magkaibang wika.
13. Idyolek - Nadedebelop dito ang gamit ng wika
ng isang indibidwal na natatangi o pekulyar sa
kanya.
14. Register - tumutukoy sa iba’t ibang domeyn ng
wika na nagagamit nang malawakan sa iba’t ibang
larangan gaya ng edukasyon, midya at marami
pang iba.
15. Tenor -tumutukoy din ito sa pormalidad at
kaimpormalan sa gamit ng salita
16. Larangan - Tinatalakay dito ang espesyalisadong
mga salita na nagagamit sa iba’t ibang larangan.
17. Paraan - ang paraan o moda ay tumutukoy sa
pagiging sensitibo o pagpapahalaga sa mismong
gamit ng komunikasyon
18. Katangian ng isang Pananalitang Espontanyo -
bahagi ito sa pagtuklas ng mg Barayting pangwika
dahil ang pagsasalitang espontanyo ay maaari ding
makapag-ambag sa varayti ng wika gamit ang mga
tinatawag nilang verbal filler o verbal static ayon
na rin kay Guffey.
19. Diglossia - Ginagamit ang wikang ito upang
ilarawan ang isang sitwasyong may dalawang
magkaibang varayti ng wika sa loob ng isang
komunidad na ang bawat isa ay may parehong
katungkulang panlipunan
20. Determinismong Linggwistiko - Sistema ito ng
pagkakategorya ng kung “ano ang nakikita” at
kung gayon, mahihilang tingnan ang isang bagay
sa paraan kung paano niya ito nakita. Ito rin ang
pinakamasidhing versyon ng pagtatakda ng wika
sa pag-iisip.
21. Hypotesis na Sapir-Whorf - ito ay ang
pagtanaw sa isang bagay gamit ang wika. Ang
oponent ng teoryang ito ay sina Edward Sapir at
Benjamin Whorf.
VARAYTI NG WIKA:
1. 1. Idyolek - sariling istilo ng pagsasalita. Ito
ay isang tiyak na wikang gingamit ng isang
tao.
2. 2. Sosyolek - Panggrupong istilo ng
pagsasalita. Ito ay barayti ng wikang
nakabatay sa katayuan ng tao.
3. Jejemon - Sinasabi na nabuo ito mula sa
salitang jejeje isang paraan ng pagbabaybay ng
hehehe at ng salitang Hapon na Pokemon
4. Gay-linggo/Bekimon - Ito ay ang wika ng mga
beki. Sa kasalukuyan karaniwan itong naririnig sa
iba’t ibang tao maging sa mga propesyonal.
5. Conospeak - ito ay sang anyo ng Taglish
6. Etnolek - ang wika ay nakabatay sa mga
tradisyon at kultura ng isang tiyak na lugar
7. Ekolek - wikain na madalas na madidinig sa
mga magulang kapatid o kasama sa loob ng
tahanan.
8. Pidgin - Hindi organisadong pagkakaayos ng
mga salita. Kilala sa ingles bilang “nobodys
native language”.
9. Creole - ito ang tawag sa wikang nagmula sa
Pidgin at naging unang wika ng isang lugar.
10. Dayalek - wikang ginagamit sa isang partikular
na lugar. Nakapaloob dito ang pagkakaiba-iba ng
punto, tono, intonasyon o bokabularyo sa loob ng
isang wika. Maituturing din itong rehiyonal na
wika.
C. GAY LINGO BILANG ISANG
WIKA LAYUNIN:
► - Natutukoy ang mga dahilan ng
paggamit ng Gay Lingo
► - Nakapagbibigay ng mga
halimbawa ng Gay Lingo at
Katumbas nito.
► - Nasasabi ang mga pamamaraan
sa pagbuo ng mga salitang Gay
Lingo
#Beksyonaryo 2.0
Ang wika ay ginagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ayon kay Cruz (1998) sa pamamagitan
ng wika ay nagkakaunawaan at nagagawa ng tao ang
mga bagay-bagay na may kabuluhan sa kanilang
buhay. Sa lalong ikabubuti ng talastasan, mahalaga
ring isaalang-alang ang mga aspektong may tuwirang
kinalaman sa gawaing ito tulad ng dimensyong sosyo-
kultural, ang kapaligiran o sitwasyon at ang kayarian
ng wika, istruktura at balarila.
Sa pagdaan ng panahon, mapapansin ang naging
mabilis na paglago ng Swardspeak o Gay Lingo. Ang
tinagurian noong lihim na wika ng mga bakla ay
madalas nang marinig na ginagamit sa radyo at
telebisyon upang mang-aliw at magpatawa. Maging
sa ibang mga lathalain ay ginagamit sa gayunding
kadahilanan.
Ayo kay Santos (2007) sa kanyang pag-aaral na
may pamagat na Ang Gay Lingo sa Panahon ng
Impormasyon ay sinasalamin ng wikang ginagamit
ng isang tao ang kanyang kinalalagyan sa lipunan
o social status.
Ang Gay lingo Bilang isang Lengguwahe
“ Gayspeak” o “Gay Lingo”, katulad ng ibang
lengguwahe ay patuloy na ang pagbabago. Ang
mga salita at termino ng lengguwaheng ito ay
napakabilis magbago at imposibleng makagawa
ng diksiyunaryo na hindi “maluluma” sa loob ng
buwan, linggo araw man.
Kabanata IV:

ANG KULTURA MGA


TEORYA AT
KONSEPTO HINGGIL
SA KULTURANG
PILIPINO
Kabatana LAYUNIN:
IV Nauunawaan ang usapin ng Kulturang
popular bilang insidente nang panghimok ng
negosyo at estado sa naghaharing kaayusan.

Naipaliliwanag ang pagnanais na kumita sa


edad ng lumalawak na kahirapan sa panahon
ng imperyalistang globalisasyon

Natutukoy ang kahalagahan ng gawaing


kultural para sa politikal na pagbabago
Pagdalumat sa Kulturang
Popular
Laganap ang usapin ng kulturang Popular sa bansa.
Bahagi pa rin ng pag-aaral ng kultura ang kulturang
popular bilang isang kritikal na pagsusuri sa nagbabagong
kultura dulot ng globalisasyon at neoliberalismo. Ang
kasalukuyang karanasan natin sa lipunan bilang
tagatangkilik ng mga produkto at serbisyo ay bahagi ng
sistemang nagpapabago sa takbo ng buhay
KATANGIAN NG
KULTURANG POPULAR:
1. Kulturang Popular ay nakaugat sa panitikan ng
bansa - midya ang higit na nakakaimpluwensiya
sa gawi, kilos ng tao
2. Kulturang Popular bilang bahagi ng sosyolohiya
- binibigyang diin nito ang estruktura ng lipunan
sa lente ng politikal puwersa bilang gahum
3. Kulturang popular bilang
produkto ng midya
- Midyaang dahilan kung bakit nagiging popular ang kulturang
popular.
“Mass (pangmalawakan, lalo na sa hanay ng underclass)
“Mediated (pinatagos at intervened ng media)
“Overdetermined (kay Althusser na konsepto ng interrogated
ng mga aparato ng estado, kung saan ang media ay may
malaking bahagi dito
4. Ang Kulturang Popular bilang bahagi
ng Araling Kultural - ipinaliwanag ito sa apat
na bahagi:
a. Kulturang popular bilang espasyo na gumagalugad sa
kasaysayan, uri, kasarian, kapangyarihan, panlasa at pasya
ng masa.
b. Ikalawang bahagi naman binibigyang diin niya bilang sityo
ng komersiyo o kapital laban sa interes ng sumusubaybay.
c. Bilang bahagi ng espasyo ng globalisasyon, pagtangkilik ng
produktong wala sa konsepto ng mga Pilipino.
d. Bilang bahagi ng katawan at sekswalidad.
5. Kulturang Popular bilang Gahum
(hegemony) at kontra -gahum
(counter hegemony)
- Tumutukoy ito sa dominanteng pananaw, idea,
praktika at produkto na itinatakda ng mga
naghaharing uri sa lipunan - na kalaunan ay
tinatanggap na pamantayan sa lipunan
Iba’t ibang anyo ng kulturang
Popular:
1. Komodifikasyon ng Luho Bilang
Pangangailangan
- Itinuturing na ring komoditi ang luho
2. Politikal ng Tunay, Politikal sa
Tunay
- Ang paggamit ng retorika ay salik sa pagtangkilik
sa pananaw ng mga makapangyarihan at
naghaharing uri
3. Intelektuwal Bilang Ubod
ng Gawaing Kultura
- Ito ang anyo ng kulturang popular na laban
sa mga namamayaning kapangyarihan
4. Kultural Bilang Gawaing
Politikal
Ang kultural na pananaw sa politikal na isyu
at kaganapan bilang paraan ng
konsolidasyon ng muestra at pagkilos
Kabanata V
SIPAT SA ARALING
PILIPINO
PAGSUSURI SA UGNAYAN NG
ESPASYO AT KAPANGYARIHAN
LAYUNIN:
Kabanata ● Natutukoy ang katangian ng mall
bilang isang konsumeristang espasyo
V ● Nasusuri ang ugnayan ng espasyo ng
mall at ang tagong kapangyarihan
nito sa konstekstong politikal,
ekonomikal at iba pa.
● Naanalisa ang pinakamalapit na mall
sa lugar na nagtataglay ng katangian
ng espasyo sa kritikal na pananaw
ng mga tagasuri nito
● Nalalapat ang teorya o pananaw sa
pagbasa ng espasyo ng mall
GENTRIFIKASYON NG DIVISORIA AT
SHOPPING ni Dr. Rolando B. Tolentino
● Isa sa sikat na pamilihang dinarayo sa
Maynila ang Divisoria na mayroong
naglalakihang mga mall tulad nalang
ng 168 shopping mall, 999 shopping
mall, Tutuban mall at marami pang
iba.
GENTRIFIKASYON - ay mayroon
adbentahe kung maayos na
matutugunan ang mga pangangailangan
ng bawat mamayan dahil ang pokus
nito ay para sa pagpapayabong ng
ekonomiya para sa gitnang uri o
bourgeois at maralita nating mga
kababayan.
● Noong 1950’s sa USA mayabong at
nagsimula ang malls sa disenyo ni Victor
Gruen noong 1956 sa Edina, Minnesota na
tinaguriang “Father of the Shopping Mall”
● Noong 1932 ay naipatayo ang unang mall
dito sa Pilipinas, ang “Crystal Arcade sa
Maynila.
● Ayon kay Rico at De Leon (2017),
makikita sa mga mall ng Pilipinas ang
repleksyon ng hindi pagkakapantay-
Pantay ng tao. Karamihan ng nasa
listahan ng mga pinakamayayamang tao
sa bansa ay makikakategorya nating
“mall tycoons.” Sipi nilang dalawa na
ang mall ay nagtatampok ng labis na
hindi pantay na lipunan.
● Ayon din kay Flores at dela Paz (2000)
na maaaring sabihing pantay-pantay
ang mga tao sa mall dahil lahat nga
naman ay nakakapasok at malayang
gawin ang nais sa loob nito. Ngunit
hindi lahat ay may kakayahang bumili.
● Ayon kay Tolentino (2001) sa kanyang
libro: “Sa loob at Labas ng Mall kong
sawi kaliluha’y Siyang nangyayaring
Hari”.
● Ayon kay Rico at De Leon (2017) -
Maganda ngayong tingnan ang mall
hindi na lamang isang estruktura
aaaa o
pasyaln bagkus ay isang lugar a
nagdidikta at naglalantad ng hindi
pagkakapantay-pantay.
● Ayon kay Flores at dela Paz, (2000) May
kakayahang kumundisyon ng panlasa at
ekspresyong kultural at isang tagpuang
makapangyarihan at nagbabagong-bihis
ng ating urbanidad mula plaza tungong
mall na nagpapakita ng politikal na
kapangyarihan
● Ayon din kay Morales - Nuncio ( 2006)
Sa kanyang librong “ Syudad ng Mall”
Paglalatag ng usapin sa Konsumeristang
Lipunang Filipino” na mayroong
kakayahang “ Pagbabakod, Pagbubukod
at Pagbubuklod
3 Klasipikasyon ng Syudad ng
Mall mula sa Pananaw ni
Morales- Nuncio: Pagbabakod,
Pagbubukod at Pagbubuklod
PAGBABAKOD
● Polisiya ng segregasyon batay sa
dibisyon ng mga uri sa lipunan at tiyak
nilang paglalagyan.
● Mga bakas ng espasyo ng dating
pamilihan/ kalakalan
● Bakuran ng mall na ipinahihiwatig ng
biswal at pisikal ng kinalalagyan nito sa
syudad
● Simulasyon ng syudad sa loob at
paggamit ng analohiya para angkupin
ang halo-halong imahen ng mall.
● Pananda ng kaunlaran at
konsumeristang lipunan habang balot
ng suliranin at kahirapan ang labas ng
mall
● Operasyonalisasyon ng midya at
advertisement para likhain ang mood
at mentalidad ng pagkonsumo.
PAGBUBUKOD
● Epekto ng pagbabakod ang pagbubukod
● Ang espasyo ng komersyo ay isang
politikal na larangan ng mga
nagtutunggaling puwersa sa lipunan
● Nailulugar sa ganitong pagbubukod ang
sentral at laylayang kinalalagyan ng
mga tao at ang maselang epekto nito
sa konstruksyon ng kanilang identidad
at lokasyon ng kanilang kapangyarihan.
PAGBUBUKLOD
● May epekto ang pagbabakod, pagbubukod
sa pagbubuklod ng mga uri ng tao sa mall at
sa lipunan
● Mula sa biswal at spatial na kayarian,
naikakahon ang gender, pananaw-
Mundo, at uring panlipunan ng mga tao
● Namumutawi ang etnisitisasyon ng mall ang
pagkakakilanlan sa identidad ng Pilipino at
ang global na pagkilos ng imahen nito sa
iba’t ibang panig ng bansa at lokalidad.
● Sa pamamagitan ng imitasyon,
kompetisyon at distinksiyon ng mga
uri nagiging dinamiko ang consumer/
shopper/ maller
● Identidad ng mga konsumer na
Pilipino hinggil sa globalisasyon ng
bansa
● Maayos na kompetisyon ng konsumer
sa loob ng mall
Syudad ng Malls
Ang pantasya ng mall ay pantasyang di
naikakahon sa limitadong espasyo nito.
Ang pisikalidad ng mall, ang
lampas-lampasan nitong pagiging higante,
ang nakakapagsiwalat ng kawalang
hanggang posibilidad ng mismong
fantasya hinggil dito
Kabanata VI
SIPAT SA ARALING
PILIPINO
- PAGSUSURI SA
KALAGAYAN NG
EDUKASYON SA
PILIPINAS
LAYUNIN:
● Natutukoy ang mithiin ng Education
for All sa iba’t ibang antas ng
Edukasyon
● Naiisa -isa ang mga programa ng
Kagawaran ng Edukasyon
● Naikukumpara ang sistema ng
Edukasyon noong unang panahon ng
Amerikano sa kasalukuyang panahon
● Nailalahad ang sariling opinyon sa mga
isyung pangedukasyon.
Ang Edukasyon ay isang sistema na kung saan
nagbibigay ng kasanayan, karunungan at kaunlaran ang
bawat tao. Ayon kay Enriquez (2012), ang edukasyon ay
sumisimbolo bilang susi, tulay, hagdan, at sandatang
panghabambuhay na bitbit ng bawat isang tao na
magagamit nila sa kani-kanilang paglalakbay at mga
hakbang na dadaanan sa buhay. Maituturing na
pinakaimportante o pinakamahalagang bagay dahil ito ay
ang ugat ng maginhawang buhay.
Batay sa datos na inilabas ng
London-based child aid agency Save
The Children noong 2019
humigit-kumulang 1.3 milyon na mga
bata ang hindi pumapasok sa paaralan.
Kalagayan ng Edukasyon sa Pilipinas
Tatlong malalakas na bansa ang nanakop sa
soberanya ng Pilipinas na nagpabago sa muwang
na kaisipan ng mga Pilipino—ang Espanya, Hapon
at Amerika. Sa pagpasok ng mga bansang ito sa
Pilipinas ay nag-iwan ito ng malalaking ambag,
impluwensiya, at paniniwala sa ating pagkatuto.
Ang Edukasyon sa Sistemang Espanyol

Sa panahon ng primarya, naging paraan ng pagtuturo ng prayle ang


wikang Espanyol. Ang mga paaralan ay nasa pangangasiwa ng mga
kura-paroko ng simbahan. Sa unang bahagi ito ng pagkatuto ng mga
Pilipino ay tinuruan silang magbilang, magbasa at magsulat at ng
pananampalataya.
Samantala, sa mga matataas na paaralan ay nagkaroon ng
kaalaman ang mga kabataan sa matematika, pilosopiya, balarilang
Espanyol, lohika, panulaan, at retorika. Itinuro rin sa panahon ito ang
kasanayan na dapat matamo ng mga kabataan buhat sa banal na
kasulatan at Doctrina Cristiana.
Kolehiyo ng San Jose (Ateneo de Manila) Itinatag noong 1589 sa Maynila

Kolehiyo ng San Ildenfonso (University of San Carlos) Itinatag ng mga Heswita sa Cebu

Kolehiyo ng San Jose Itinatag noong 1601

Ilan sa mga mataas


naitatag ng mg Espanyo

Kolehiyo ng Sto. Rosario Itinatag noong 1611 ng mga Domikano.


Naging Kolehiyo ng Santo Tomas noong 1655 at mas kilala ngayon na Unibersidad ng
Sto. Tomas
Taong 1707 itinatag ng pamahalaan ang Unibersidad ng San
Felipe na di nagtagal ay naging Unibersidad ng Pilipinas noong
1908. Sa pamantasan ito, ipinagkaloob ang mga kursong medisina
at abokasyon na habang tumatagal ang pamantasan ay sinundan ito
arkitektura, pagpipinta at eskultura. Binuksan din ang mga paaralang
normal para sa mga nagnanais na magkapagturo, mapababae o
lalaki man.
Sa kabuoan ng sistemang edukasyon ng Espanyol, ito ay
nahati lamang sa dalawang kategorya—ang mga lalaki na mas
binigyang ng oportunidad na pag-aralan ang Kasaysayan,
Heograpiya, Pagbasa at Pagsulat na naging iba naman sa mga
kababaihan na tinuruan sa Sining Pantahanan tulad ng pagluluto at
pananahi.
Ang Panlilinlang ng Edukasyong Amerikano
Sa panahon ng Amerikano nagkaroon ng pansamantalang kasiglahan ang mga
Pilipino na sa pag-aakalang nakalaya sa mga masamang pangyayari dulot ng
pananakop ng bansang Espanya. Sa pagpasok ng bansang Amerikano, naging
bukas ang edukasyon para sa lahat noong Agosto 23, 1901 nang dumating ang
mga Thomasites na lulan ng barkong S.S Thomas sa Pilipinas na nagsilbing mga
guro sa Pilipino. Maraming mga paaralan ang naipatayo sa iba’t ibang mga bayan
at nakapagtatag ng mga pampublikong paaralan. Sa antas ng elementarya,
layunin ng mga amerikano na ang mga mag-aaral na magtatapos sa antas na ito
ay nasa edad pitong taon. Samantala, apat na taon naman ang kinakilangan na
igugol ng mag-aaral sa sekundarya. Sa panahon ding ito, lalong nabigyan pansin
ang mga paaralang normal, bokasyonal, pangsakahan at pangangalakal na
bagamat hindi naging madali sa Pilipino ang pagbabago ay unti-unti rin naman
kaagad na natutuhan. Dahil maraming Pilipino ang naghahangad ng pagkatuto,
binuksan din ang mga pang-araw at panggabing paaralan (para sa mga
matatanda na nagnanais matuto ng wikang Ingles) sa mga bayan at lalawigan.
Philippine Normal School 1901

Siliman University 1901

Unibersidad ng Pilipinas 1908

Unibersidad ng Maynila 1914

Centro Escolar University 1917

Philippine Women’s University 1919

Far Eastern University 1919


Layunin ng Edukasyon Amerikano
Ang Ginuntuang Panahon ng Panitikan buhat sa bansang
Hapon

Malaki ang naging pagbabago sa buhay ng mga Pilipino


nang pumasok sa bansang Pilipinas ang mga Hapon na
sinasabing nagdulot ng takot sa pamumuhay nila noon 1941
hanggang 1945 ngunit dahil nais ng mga Hapon na mapalapit
ang loob nila sa mga Pilpino ay binuksan muli nila ang mga
paaralan matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Sa panahong ito ay nawalan ng kalayaan na makapagpahayag ng
damdamin at saloobin ang mga Pilipino na nagdulot malaking pagbabago
sa sistemang edukasyon, ang mga gawain o pagkatuto sa sining ay
natigil. Ipinatigil din ng mga Hapon ang wikang Ingles na kung saan ito
ang naging daan sa mga Pilipino upang mas pagtuunan ng pansin ang
pagpapaunlad ng panitikan sa bansa na gamit ng mga Pilipino ang
kanilang katutubong wika—Tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikan
ang pagsakop ng Hapon.
Samantala, sa panahon din ito, ipinatupad ni Pangulong Jose P. Laurel
na gamitin ang Tagalog bilang opisyal na wika sa Pilipinas. Pinaunlad din
ang medisina, inhinyera, agrikultura at pangingisda.
Tuntunin ng Hapon sa Muling Pagbubukas ng Paaralan sa Bansa
Ang Edukasyon sa Panahon ng Martial Law
Noong panahon ng Martial Law, nagkaroon naman ng bilingguwalismo sa edukasyon nang
itagubilin ang paggamit ng dalawang wika sa edukasyon, ang bernakular na wika sa Baitang
1 at 2, Pilipino sa 3 at 4, habang Pilipino at Ingles naman sa sekundarya at tersiyarya.
Kalaunan ay naging Filipino ang tawag sa Pilipino upang maging wikang pambansa. Ito ay
may pantay-pantay na representasyon ng lahat ng wika sa Pilipinas. Nakita ang masidhing
impluwensiya ng wikang Ingles bilang gamit na wika ng mga Pilipino. Kaya't nagkaroon ng
probisyon sa Konstitusyong 1987 na linangin ang Filipino sa pamamagitan ng mga
katutubong wika ng Pilipinas. Noong 1973 ay naaprubahan ang pagkakaroon ng 31 na titik
sa dating 20 ang alpabetong Filipino na naging 28 na titik na lamang nang muling suriin
noong 1987. Ito ay upang suportahan ang mga katutubong wika na gumagamit ng ibang
mga titik na wala noon sa 20 na titik ng wikang Filipino. Ngunit kasabay nito'y ang pagpasok
din ng mga salitang dayuhan na ginagamit ng mga Pilipino sa pang-araw-araw na buhay.
Aralin 2 Edukasyon Para sa Lahat
Batas 9155 at Education For All
Batay sa batas republika bilang 9155 na nagpapaloob ng isang balangkas ng
pamamahala para sa batayang edukasyon, nagtatatag ng awtoridad at
pananagutan, nagpapalit ng pangalan ng kagawaran ng edukasyon, kultura, at
palakasan bilang Kagawaran ng Edukasyon, at para sa iba pang layunin ay
kinakailangan na “pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng lahat ng
mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad at
upang gawing bukas para sa lahat ang naturang edukasyon sa pamamagitan
ng pagkakaloob sa lahat ng batang Pilipino ng isang edukasyong libre at
kinakailangan sa antas elementarya at libreng edukasyon sa antas sekundarya.
Kasama sa naturang edukasyon ang mga sistema ng pagkatutong alternatibo
para sa mga kabataang wala sa paaralan at matatandang mag-aaral. Magiging
layunin ng batayang edukasyon na pagkalooban sila ng mga kasanayan,
kaalaman, at halagahan na kinakailangan nila upang sila’y maging mga
mamamayang mapangalaga, nakapagsasarili, produktibo, at makabayan.
Sa kabila ng mga programang ito ay nilagdaan ni Pangulong
Rodrigo Duterte ang Free Tuition Fee Act sa lahat State Universities and
Colleges (SUCs) sa buong Pilipinas na sinimulan noong unang
semestre taong-panuruan 2018 hanggang kasalukuyan.
Mula sa batas na nilagdaan ni Pang. Duterte ay pormal na
inanunsiyo sa buong bansa sa pamamagitan ng Implementing Rules and
Regulation (IRR)) Republic Act No. 10931 o mas kilala bilang Universal
Access to Quality Education Tertiary Education Act na inaatasan na
magkaroon ng libreng edukasyon isang daan at labindalawang (112)
State Universities and Colleges, pitumpu’t walong (78) Local Universities
and Colleges at ang mga rehistradong technical-vocational and training
programs sa ilalim ng Technical Education and Skills Development
Authority (TESDA) sa buong bansa. Kasabay nito ay magtatag ng Unified
Student Financial Assistance System for Tertiary Education Board para
magbigay ng tulong pinansiyal sa iba pang gastusin sa pag-aaral tulad
ng libro, matitirahan ng estudyante.
Edukasyon sa Iilan, Bakit Asal Mayaman si
Pedrong Maralita
Maralitism and the Hierarchy of Wants.

Bakit nga ba ang dami ng gumagamit ng IPhone kahit yung iba


hindi naman orihinal? Bakit ang daming bumibili sa Starbucks at
ipinopost pa sa mga social media accounts nila kahit di naman
talaga sila nagkakape at bakit ang dami pa din na ang taas ng
tingin sa mga eskuwelahang tulad ng Ateneo na nagnanais na
makapasok kahit wala namang pambayad? Ang sagot, para
ma-satisfy ang tinatawag nating superiority needs nila na
tinutugunan ng tinatawag ko na “Maralitism”.
Si Renato Constatino at ang Lisyang
Edukasyon

Isang bantog na Pilipinong makabayang istoryador si Prof.


Constantino na naglathala ng isang artikulo na pinamagatang "Ang
Mis-edukasyon ng Pilipino." Iminumungkahi ni Constantino na ang
edukasyon ay isang instrumento ng patakaran ng kolonyal na
Amerikano na idinisenyo upang hatiin ang lipunan at hadlangan ang
pambansang kaunlaran sa Pilipinas. Tinuruan rin ang mga kabataang
mag-isip at kumilos batay sa paniniwala ng dayuhang Amerikano. ‘Di
umano ang pagpapakilala ng edukasyong salig sa Amerika ang
unti-unting tumalo sa damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Matatandaan na my tatlong layunin ang edukasyon noong panahon
ng Amerikano: Pagpapalaganap ng demokrasya – Pagtuturo ng
wikang Ingles – Pagpapakalat ng kulturang Amerikano. Wells College
(2018)
Si Renato Constantino ay pinanganak sa Maynila noong Marso 10, 1919
at namatay sa edad na walumpu noong setyembre 15, 1999. nakapag-aral sa
Unibersidad ng Pilipinas na naging pinakabatang editor ng Philippine
Collegian. Nagturo sa New York University Graduate School noong 1947 at
naging Foreign Ministry adviser. Isa siyang istoryador ng Pilipino na kilala
bilang bahagi ng hilig ng tradisyon ng histograpiya ng Pilipinas. Bukod sa
pagiging isang istoryador, Si Constantino ay nakikibahagi rin sa dayuhang
serbisyo. Nagtrabaho para sa Philippine Mission sa United Nations at sa
Kagawaran ng Panlabas. Siya ang ama ng dating Tagapangulo ng Komisyon
sa Serbisyo ng Sibil, na si Karina Constantino-David at manugang ng
propesor ng emeritus ng University of the Philippines Diliman na si Randy
David.
Kaya, basahin ang nakasaad sa ilalim na bahagi ang
pagdalumat ng mga buod na nilikha na premyadong
manunulat Dr. Constantino sa kaniyang akda na
pinamagatang “Ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino.”
1. Ang dating Pangulo Claro M. Recto (1890 - 1960), ay
marubdob na isinulong ang pagkilala sa kapangyarihan ng
Pilipinas sa mga base-militar sa bansang Estados Unidos.
Nang sa ganoon ay hindi naman tayo maging lumpo at
makita at maramdaman pa rin natin ang kasarinlan ng
Inang Bayan.
2. Ibinahagi ng mga Amerikano sa Pilipinas ang kanilang
sistema ng edukasyon sa pangunguna ng Thomasites
noong 1901 o mga sundalong guro na magtuturo sa bawat
paaralan. Gayundin ang pampolitika, at pang-ekonomiyang
aspekto na magdudulot ng positibong epekto sa bansa.
3. Ayon sa isinulat ni Luis Maria Martinez ang
pinakamabisang paraan ng paglupig sa isang bansa ay ang
pagbihag sa kaisipan nito, na maituturing na kasangkapan
ng matalinong pananakop na hindi gagamit ng dahas.
Ngunit ang paglason sa isipan ng bawat indibidwal na higit
na nakapangingilabot, kahit na labag sa puso’t isipan ay
patuloy pa rin sa pagsunod sa bawat kumpas na
mapanlinlang na mananakop upang mapagsilbihan
4. Isa sa mga naging estratehiya ng mga Amerikano ay ang
edukasyon para maakit ang mamamayang Pilipino. Sa mga
bagong panginoon o ang mga gurong sundalo na susundin sa
paaralan, kasabay rin ang pagpapababaw sa diwang makabayan
o nasyonalismo. Sa halip ang pagyakap at pagsunod sa kanilang
nakagawian na mga tradisyon at kulturang kanluranin.
5. Ipinanukala ni William Atkinson Jones ng Virginia, Estados Unidos
ang Jones Act. Naisabatas noong ika-29 ng Agosto 1916.
Masasalamin dito ang hindi pa rin pamamahala ng mga Pilipino sa
sistema ng edukasyon sa Pilipinas hanggang sa taong 1935 ay ang
mga Amerikano pa rin ang nangasiwa. Ngunit sa pagdating ng
Commonwealth nagkaroon ng buong karapatan ang mga Pilipino sa
pagpapairal ng edukasyon sa pampubliko at pribadong mga
institusyon sa ating bansa.
1.

6. May positibong epekto ang adhikain ng edukasyon na pinalaganap ng


mga Amerikano sa Pilipinas, nariyan na natutunan natin ang magbasa at
magsulat sa wikang Ingles na isa sa dominanteng wika sa mundo. Ang
negatibong epekto ay ang unti-unti paglimot at pagkawasak sa mga
dayalekto ng bawat lalawigan o rehiyon na mayroon ang Pilipinas, na
hindi na maabutan ng mga bagong henerasyon na isisilang pa lamang.
7. Niyakap din natin ang kulturang Amerikano sa pag-awit gamit ang
wikang Ingles sa kanilang mga lirikong nilikha, ang paniniwala kay Santa
Claus tuwing sasapit ang taglamig o Disyembre. Gayundin, itinuro satin ng
mga dayuhan ang maling konsepto na isa sa kinikilalang bayani natin na si
Macario Sakay mula sa Tondo, Manila, ay itinuring bilang tulisan at salarin
sa sariling bansa.
8. Itinuro sa mga Pilipino ng mga Amerikano ang matinding
pagmamahal sa agrikultura na pangunahing pinagkukunan ng
pangkabuhayan tulad ng pagtatanim sa kabukiran. Kaya naman ang
industriyalisayon tulad ng naglalakihang mga pabrika ay hindi isinama
na ibahagi sa ating bokabularyo, upang magkaroon ng limitasyon ang
pag-unlad ng ekonomiya Pilipinas.
9. Ang edukasyon ay hindi dapat tingnan na isa lamang pangangalap
ng impormasyon sa pang-araw-araw na gawain sa paaralan o ang
pagtamo ng mga diploma. Mainam na isaisip ang konsepto ng
paghubog sa moralidad ng tao sa higit na mahusay na magampanan
ang mga responsibilidad sa lipunan ng mayroon dignidad at integridad
sa gawain.
10. Natutunan natin na sumabay sa kanluraning edukasyon ng ipinatupad
na rin natin ang kanilang sistema sa paaralang pampubliko at pribadong
mga institusyon. Halimbawa ang R.A 10533 of Enhance Basic Education
Act of 2013 ng Pilipinas

You might also like