Professional Documents
Culture Documents
Yunit 4 Aralin 9 10
Yunit 4 Aralin 9 10
Ang yunit na ito ay sumasaklaw sa pagkilala sa mga Propagandista- ang kanilang mga hangarin at
ideolohiya. Inilalantad ng bahaging ito ang mga tala hinggil sa mga Propagandista gayundin ang
mga akdang pampanitikan na naging kontribusyon nila sa panitikang Pilipino.
Ang iba pang mahahalagang akda na sinulat ni Rizal ay ang mga sumusunod:
Sobre La Indolencia Delos Pagsusuri sa palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad
A La Juventud Filipina Sinulat niya noong 1879 habang nag-aaral pa sa Santo Tomas at
(Sa Kabataang Pilipino) nagtamo ng gantimpala sa isang timpalak-panitikan.
El Consejo delos Dioses Dulang patalinghaga na nagpapahayag ng paghanga niya kay
(Ang kapulungan ng mga Cervantes
Bathala)
Junto al Pasig (Sa tabi ng Isang dulang may lalong hinog na kaisipan kahit na ang may-akda
Pasig) ay isang batang may 19 na taong gulang lamang
Me Piden Versos at A Las Mga tulang magalimgim na may di pangkaraniwang damdamin
Flores de Heidelberg
Notas A Las Obrea Mga tala hinggil sa kasaysayan ng Pilipinas
Sucesos delas Islas
Filipinas por el Dr.
Antonio de Morga
Si Hen. Antonio Luna ang nakakabatang kapatid ni Juan Luna. Ipinanganak siya noong ika-29 ng
Oktubre, 1866 sa Binondo, Maynila Natapos niya ang Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila
noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng
Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona.
Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Ghent, Belhika Sa propesyon ay isa
siyang parmasyutiko.
Ang pagsusulat ang kanyang libangan. Inakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala
sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaking naiambag sa literaturang pangmedisina.
Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang
pahayagan: Sinulat din niya ang akdang "Noche Buena".
Lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung
saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral ngunit natapos din sa kursong abogasya noong
1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana,
isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan
binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga
kaukulang pagbabago.
Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat pampulitika ng La Asociacion Hispano-
Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino) noong Enero 12, 1889, isang samahang pambayan na
binubuo ng mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan
sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena
bilang editor ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang pahayagang pampulitika na
inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig ng Kilusang Propaganda.
Naglathala din siya ng mga liberal at progresibong artikulo at sanaysay na nagbunyag sa kalagayan
ng Pilipinas.
Ang ilan pa sa mga inakda ni del Pilar ay ang "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa salin sa Tagalog ng
"Amor Patrio" ni Rizal at nailathala sa Diariong Tagalog noong Agosto 20,1882. "Ang
Cadaquilaan ng Dios" (Barcelona, 1888), isang sanaysay na tuligsa laban sa mga prayle ngunit
nagpapahayag ng pilosopiya at pag-ibig sa kalikasan ni del Pilar. "Sagot ng Espanya sa Hibik ng
Pilipinas (Barcelona, 1889), tulang tugon sa tula ni Hemenegildo Flores ("Hibik ng Pilipinas sa
Inang Espanya"). Sa tulang ito ay sinasabing napakatanda na ng Inang Espanya upang magbigay
ng anumang tulong sa Pilipinas. Ang "Caiingat Kayo" ay sagot sa akdang sinulat ni P. Jose
Rodriquez na tumuligsa sa "Noli" ni Rizal. Samantala, sa "Dasalan at Tocsohan" naman, pinalitan
niya ang mga salita sa mga dasal bilang pagtuligsa sa mga prayle. Tinawag siyang "Pilibustero"
ng mga prayle. Kabilang din dito ang kanyang akdang "Dudas", "Pasyong Dapat Ipag-alab nang
Puso ng Taong Babasa", "La Soberania Monacal en Filipinas" at "La Frailocracia Filipina".
BRINDIS
Jose P. Rizal
Isa sa mga talumpati ni Jose Rizal nang manalo ang dalawang pintor na sina Juan Luna at Felix
Resureccion; narito ang ilang bahagi ng kanyang talumpati:
Tumatagay ako alang-alang sa ating pintor na sina Luna at Hidalgo, mga karangalang tunay at
wagas ng dalawang bayan. Tumatagay ako alang-alang sa mga taong nagsitulong sa kanila sa
mahirap na landas ng sining! Tumatagay ako upang ang kabataang Filipino, banal na pag-asa
ng aking. bayan, ay tumulad sa gayong napakahalagang halimbawa, at upang ang Inang
Espanya, na masikap ay mapagmatyag sa ikabubuti ng mga nasasakupan ay magsagawa nang
walang anumang paliban-liban ng mga pagbabagong malaon na niyang binabalak; nalinang ng
araro ng lupa at ito'y hindi baog. Tumatagay ako sa wakas, sa ikaliligaya ng mga magulang, na
sa pagkawalay nila sa pagmamahal ng kanilang mga anak, ay sumusubaybay sa mga ito, buhat
sa malayong lupaing iyon, ng kanilang luhaang mata at sumisikdong pusong naglalagos sa mga
karagatan at sa pagkakalayo.
Liham sa mga kababaihang Taga-Malolos
Jose P. Rizal
Ang liham na ito ay sinulat ni Rizal samantalang siya ay nasa Londres dahil sa kahilingan ni
Marcelo H. del Pilar. Napapaloob sa liham ang mga mahahayup na pananalita laban sa mga prayle
at sa mahahalagang payo sa mga kababaihan.
Noong Disyembre 12, 1888, isang petisyon ang iniharap ng isang kalipunan ng mga dalagang taga-
Malolos kay Gobernador Heneral Weysler. Nangyaring lumapit sa Gobernador ang mga babaing
ito sapagkat ang kanilang mungkahing magbukas ng panggabing paaralan sa pag-aaral ng wikang
Kastila ay tinutulan ni PadreFelipe Garcia, Kuraparoko ng nasabing bayan. Hindi pinanghinaan ng
loob ang mga dalaga. Hindi sila tumigil hangga't hindi nila nakamtan ang kanilang kahilingan,
pinagbigyan sila subalit sila'y binigyan ng pasubali. Si Bb. Guadalupe Reyes ang hinirang ng mga
Kastila na maging guro sa halip na si Teodoro Sandiko na siyang iminungkahi ng mga taga-
Malolos.
nakita mo ba ? Tingnan mo ang walang kahiya hiyang prayle, sinampal ang babae...Hmm!
Lumuhod... Mukhang humihingi ng tawad... humalik sa kamay Kaawa-awang babae... Isinama
ang babae... kasumpa sumpang prayle, isang halimaw. ubod ng sama!
Bakit ninyo pinahihintulutan at natitis na pagsamantalahan ang karangalan ng mahihinang
nilikha? Sanay, kami sa ganyang mga tanawin Malimit mangyari iyan
Wala pa sa gulang na dalawampu't isa nang dumating iyan sa Filipinas. Animo'y maamong-
maamo at walang kamalay-malay Umayos ang katawan at nagmukhang tao nang makakain ng
saging at papaya. Nag-aral ng pagpapari, naordenahan at nahirang na kura paroko ng isang
malaking bayan Naging listo at tuso, kaya ngayon ay hari ng yaman
Kura parokol Isang prayle, kura paroko. Hindi ko alam na ang mga prayle ay kura paroko
sa Filipinas, sinabi sa akin iyan pero hindi ako makapaniwala. Kung gayon magmasid ka upang
paniwalaan mo. Dito sa aming bansa, sila ang makapangyarihan at nagingibabaw sa lahat ng
bagay, pangkaluluwa, pampulitika, at maging sa kahalayan.
Ang pagbabaraha ay pang-araw-araw na aliwan ng mga prayle sa Filipinas, maliban kung
linggo Sila’y pumupunta sa sabungan, dala ang kanilang mga manok. Ang monte at mga sabunging
manok ang kaibigang matalik ni Fray Botod.
Pakinggan mo ang mga mag-aaral. May isinisigaw laban kay Fray Botod at mga kasama
Magaling- ang kadakilaan ay nagsisimulang manaig at humarap ng paghihiganti- ngunit tingnan
mo- tingnan mo kung hanggang saan iyan makararating.
Saan?
Sa piitan o sa malayong bayan, ipatatapon sila Kaawa-awang mga mag-aaral. Sila'y mga
taga-Pamantasan sa Maynila at ang iba'y taga- seminaryo. Umuuwi upang magbakasyon. Nadala
sila ng silakbo ng kanilang damdamin. Hindi muna inisip ang kanilang ginawa.
Pinupuri ko sila. Sila'y kabataang may pagkakaisa at paninindigan. Dapat silang
magsimula, ang kanilang pagtutol ay makatatawag ng pansin. Hindi pa panahon, kaibigan, Hindi
pa panahon, kung ayaw mong maniwala, hintayin natin at... makikita mo.
Dalawang araw lang ang lumipas. Dinakip ng mga guwardiya sibil ang anim na mag-aaral,
mga lider ng demonstrasyon, sa salang sedisyon at paninira sa dangai ng Inang Bayan.
Impressiones
Antonio Luna
Taglay ang isang sulat para sa mga kamag-anak ng isang inibig kong kaibigan, bukod sa maraming
balak at pangarap, ay sumakay ako sa trambiyang patungo sa Madrid. Noon ay maningning ang
sikat ng araw.
Isang dukhang angkan ang aking dadalawin. Isa siyang balo na may pito o walong anak, na ang
marangal at matapat na asawang kawal ay namatay sa Jolo sa harap ng kuta ng mga Moro noong
mga sandali pa namang matatamo niya ang tagumpay at walang naiwan sa kanyang anak kundi
katapangang balot ng limot, luhang dumaloy at pangungulilang puspos ng paghihikahos.
Dahil sa pagluluksa, ang balo'y naninirahan sa isang sulok na malayo sa marangyang Madrid; dahil
sa lungkot at sa kagipitan ay napilitan siyang magtira sa isang silid ng ikaapat na palapag at tila
baga paglahing sinasabi ng kasaliwaan na ang sulok na iyon ay laang maging daingan ng mga
sakit.
Hindi ako tumigil sa tapat ng pinto gaya ng mga nakaraang pinakikinggan ko ang mga tugtugin sa
piyano ni Lucy, isa sa mga anak. Noon ay ibang tugtugin ang pumipintig sa aking kaluluwa buhat
sa loob, isang tinig ng batang lalaki ang nagsasabing paul-ulit.
… Tinapay, mama, bigyan mo ako ng tinapay.
Nang makapasok ako ay pahangos na itinago ng ina ang mga basahan at balutang nangakapatong
sa mga kasangkapan at sinabi sa akin;
...Tuloy kayo, ang bahay na ito'y tila isang kuwartel... ang lahat ay nakakalatay... sa dami ng bata...
salamat at kayo'y..
Ang mga anak na kinulong ng ina sa kalapit na silid ay nangagsisigawan at tinatadyakan ang pinto
bilang pagtutol sa gayong pagkukulong.
Nag-usap kami ng balo na inaabala ng padyak ng mga bata sa pinto na malapit nang mabuksan at
sinasagot ng ina ng ganitong banta.
Nandiyan na ako. Manalo, Ricardo, Antonio... makikita ninyo't tatamaan kayo...
At binalingan akong nakangiti na marahil ay naawa sa aking pagkabata.
… Kung saan may mga bata ay isang impiyerno... Huwag kayong mag aasawa... huwag kayong
mag-aasawa kailan man.
Ang batang maysakit ay parang pulubing gumagapang sa losa, lumapit sa kanyang ina, tumahan
sa silya, itinulak ito, pinatatag ang mga pan, gumabay at sa di-kawasay nakatayo.
Tinapay, mama...
…kahabag-habag ang aking anak! Naibulalas ng ina na napaluha, niyapos ang anak at pinaliguan
ng halik Sino ba ang umibig sa iyo? Inaako ng ina ang anak idinuyan sa mga bisig at wari
bagang ibig bigyan ng lakas ang payat na katawan niyon na halos takasan na ng buhay.
… nakikita mo ba siya? Siya'y iyong kaibigan, lapitan mo't iyong hagkan... Hindi mo na ba siya
nakikilala?
Hinagkan ko ang malilt at walang malay na mukhang iyon na marusing. nanlalagkit at kasing
amoy na lahat ng nahihipo ng isang bata, gayundin ang buhok na walang tiyak na kulay dahil sa
alikabok at iyon ay kawangis ng isang pugad ng ibon.
… Dinaihan kita ng karamelo- ang sabi ko sa bata. Pagkasabi ko nito, nag-ibayo ang mga padyak
sa kalapit na silid, sabay ng sigawang humihiling na sila'y palayain, gaya ng paghiling ng
katipunan ng mga nanghihimagsik.
Ang ina, gaya ng lahat ng ina ay naawa, binuksan ang pinto at nagsilabas na animo'y mga
bulugan ang apat na batang lalaki na ang gulang ay mula sa apat hanggang siyam na taon, halos
marurusing na lahat, punit ang mga baro, nagsisiwata ang iba, humihiyaw naman ang iba at sila'y
nangangalundagan Nagsilapit sa akin at iniandat ang mga pisngi, ayaw magsilayo sa akin,
nagsitabihan sa akin, hinila ang aking mga bisig at nagsiupo sa aking tuhod.
Sa amoy ng karamelo, ang mga diyaskeng iyon ay nagpapaluan, gaya ng pukyutan sa kalabaw.
Ako'y tinatapakan, kinakalmot at ang pulutong na iyon ay nagtutulakang animo gumugulong na
along bumabala sa aking matatag na upo.
Baka kayo'y mangangapalo ko pa. Lumayas kayo rito.
Kaawa-awang ina... walang nangyari.
Nagsisingkilan ang mga bata upang makalapit sa akin at hindi nila alagatang may nagbabanta
dahil sa mga yapak.
… Hoy, bastos- anang isa sa kanila na hawak ng dalawang kamay ang paa ng sinigawan na
nakatayong gaya ng manok na natutulog Tinutuntungan ako, mama, tinutuntungan ako!
Lumayo ang nakatuntong ngunit hindi katulinan kaya't inabutan ito ng hampas ng ina na
kumalabog sa likod.
Ang pinalo'y umiyak nang walang luha at binantaan ang natuntungan.
… Marcial! Marcial!
… Manolo! Namumula ang ina sa pagsigaw.- Huwag mong panindigan ang aking balahibo't
alam mo na!
Natulig ako sa lahat ng iyon: ang kaingayang umuukilkil sa aking pandinig ay nakakapinsala :
hindi lumalayo sa tabi ko ang mga bata at narumihan ng kanilang mga sapatos at marurusing na
kamay ang aking damit. Nagsilayo ang mga bata nang pagbibigyan ko ng karamelo.
Ngunit hindi pala ako nakapaghanda. Nag-ali-aligid sa akin ang pangkat na iyon ng mga
manghihimagsik samantalang nauubos ang kanilang karamelo. Pagkaubos ng kanilang karamelo
ay bigla akong nilusob sa lahat ng gawi, gaya ng paglusob sa isang look na nagtatanggol. Ang
dalawang kumakabayo sa aking tuhod na parang tunay na bakero, ang isa'y umakyat sa aking
likod, ikinapit ang dalawang kamay sa aking mga balikat, umigpaw nang buong husay hanggang
sa bumisaklat sa aking batok; ang dalawang huli'y abalang-abala sa pagsisiyasat at pagduro ng
alpiter sa aking lukbutang pinaglagyan ng karamelo.
Nawalan ng saysay ang mga hiyaw ng balo, at sapagka't likas sa kaninuman ang pagtatanggol sa
sarili ay sinimulan ko ito nang buong ingat. Sa paraang hindi halatain at sinuntok ng dulo ng
sapatos ang nasa malayu-layo. Dahil sa ang akala ng maliliit na "ganid " na iyon na sila-sila ang
nagsasakitan ay nangagbangayan.
Minamasdang walang bahala ang lahat ng iyon ng maysakit na nakalaungkot sa mga bisig ng
ina't humanap ng init, gaya ng sisiw na nilulukuban ng pakpak ng inahin... dahan-dahang ipinikit
ang mga mata't tuloy na nahimbing-himbing na kapatid ng kamatayan. Sino ang nakaaalam kung
namatay iyon?