Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Schools Division Office

School District XVIII

WEST FAIRVIEW ELEMENTARY SCHOOL

Quezon City, 5th District, Metro Manila

Ika- 26 ng Setyembre Taong 2017

Day 1- ALAMAIN NATIN, DAY2- ISAGAWA, DAY3- ISAPUSO, DAY 4- ISABUHAY, DAY5-SUBUKIN NATIN.

12:30-1:20 Hydra
1:20-2:10 Cassiopeia
2:30-3:20 Phoenix
3:20-4:10 Volans
4:10-5:00 Vela
BANGHAY ARALIN SA EPP5-Agrikulultura
Aralin 10- Pag-aalaga ng hayop
I. Layunin
1. Naipapakita ang kaalaman, kasanayan, at kawilihan sa pag-aalaga ng hayop bilang
mapagkakakitaang Gawain (EPP5AG-0e-10)
2. Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop (EPP5AG-0e-11)
3. Nakagagawa ng plano sa pag-aalaga ng hayop bilang mapagkakaitaang
gawain(EPP5AG-Og-14)

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pag-aalaga ng Hayop
B. Kagamitan: mga larawan
C. Sanggunian:Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5
D. Pagpapahalaga: Kasipagan, kawilihan, kalinisan,at kayusan

III. Mga Proseso sa Pagkatuto


A.Balik-aral
Sa iyong palagay, sa paanong paraan mas mainam na mapapalago angkita sa pagtatanim
ng gulay? Magbigay ng mga suhestiyon?
B. Pagganyak
1. Ipakita ang ilang larawan ng mga hayop na inaalagaan ng mag-anak?
2. Magbigay ng reaksyon sa mga mag-aaral?
3. Iugnay ang reaksyon ng mga mag-aaral sa araling tatalakayin?

C. Paglalahad
Hatiin ang klase sa mga pangkat. Kumuha ng mga nakatiklop na papel na may
nakasulat na mga paksang tatalakayin tulad ng :
a. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pag-aalaga ng Manok?
b. Kahalagahang Dulot ng Pag-aalaga ng Manok at Iba pang Kauri
c. Mga Hayop na dapat Alagaan
d. Mga Karagdagang kaalaman sa Pag-aalaga ng Hayop
f. Mga Panuntunang Pangkalusugan sa Pag-aalaga ng Hayop
Ang lider ng bawat pangkat ay bubunot ng nakabilot na papel na may paksa at
tatalakayin ito sa klase.

D. Pagpapalalim
1. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ang pagpaparami ng manok at
kauri nito?
2. Paano napapangangalagaan ang kalusugan ng mag-aalaga ng hayop?
3. Paano inaalagan ang manok? Ang kalapati? Ang Pugo?
4. Bakit kailangang sunugin ang mga hayop tulad ng pugo, kalapati, at manok kapag
namatay dahil sa sakit?

E. Paglalahat
Upang matulungan ang pag-unlad sa kabuhayan ng mag-anak sa ating bansa,
kailangang maikintal sa isipan na ang pag-aalaga ng hayop ay nakakatulong sa
pagpaparami ng pagkain at pag-unlad ng kabuhayan ng isang mag-anak, hindi lamang sa
panghanapbuhay kundi isang libangan na nagbibigay ng kasiyahan sa tao.

F. Paglalapat
1. Hayaang pumili ng isang mag-aaral ng kaniyang alagang hayop sa bahay.
2. Ipaliwanag ang isang dyornal na gagawaing pag-aalaga ng hayop sa buhay.
3. Ipagkaloob ditto ang pangalan ng hayop, pagkaing ibibigay, oras ng pagpapakain sa
alagang hayop.

G. Pormatib na Pagtataya
Itugma ang mga salita sa ilalim ng hanay A sa mga grupong mga salitasa hanay B. Isulat
ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Starting Mash a. Hayop na nakatayo kung mangitlog
2.Growing mash b. Pagkain para sa bagong pisang sisiw
3. Laying Mash c. Pagkain para sa nagsisimulang mangitlog
4. Pugo d. Buto ng sunflower
5. Kalapati e. Pagkain para sa manok na may anim na linggo

H.Panlunas/Pagpapahusay sa Gawain
Hilingin sa klase na mangalap ng karagdangang impormasyon mula sa isang nag-aalaga
ng kalapati kung bakit gusting-gusto niyang mag-alaga nitong hayop na ito.

I.Repliksyon/Pagninilay-nilay
Ang pagkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng mga hayop ay
makadaragdag sa kita ng pamilya, magsisilbing libangan ng mga kapamilyang may edad na
at dagdag na pag-kain ng mag-anak.

V. Pagninilay

Pangkat Hydra Cassiop Phoenix Volans Vela


eia
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation
Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin
Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
Schools Division Office

School District XVIII

WEST FAIRVIEW ELEMENTARY SCHOOL

Quezon City, 5th District, Metro Manila

Ika- 25 ng Setyembre Taong 2017

12:00-12:30 Hydra

Aralin 7

Paggalang sa Karapatan ng Iba, Gawin sa tuwi-tuwina

I. Mga Layunin: Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba

Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa Opinyon ng iba (Respect for other people’s opinion)

Mga kagamitan: puti at makukulay na papel, gunting, pentel pen, manila papers ,
masking tape, krayola

Integrasyon: Information and Communication Technology, MAPEH

Nakalaang Oras: (30) minutes

Panimula:

Ang mundo ay binubuo ng maraming lugar at ng iba’t-ibang uri ng tao na kung saan ang
bawat isa ay may iba’t-ibang kultura, paninindigan, paniniwala, interes at opinyon. Sa ating
lipunang ginagalawan, ang tao ay malayang nakapagpapahayag ng kanyang opinyon,
damdamin, saloobin at kaisipan tungkol sa mga bagay. Ito ay may masama at mabuting
naidudulot sa damdamin ng iba. Kaya marapat lamang na buong ingat nating ipahayag ang ating
saloobin o opinyon.

I. PAMAMARAAN
a. Balik - Aral
Guro: Ano ang nagdaan nating aralin?
Mag-aaral: Tinalakay po natin ang tungkol sa pagpapaubaya.
Guro: Mahusay, ano baa ng kahalagahan ng pagiging mapagpaubaya?
Mag-aaral: Tinuturuan po tayo nito na maging mapagbigay sa kapwa.
Guro: Tama, paano naman ninyo naisasabuhay ang pagiging mapagpaubaya?
Mag-aaral: Nagpaparaya po kapag may nangangailangan.

b. Pagganyak

ALAMIN NATIN:

Guro: Ano ang inilalahad ng dalawang larawan?


Mag-aaral: Yung una po ay nagpapakita ng pagkakaisa, pero yung kabila pong picture ay
magulo.
Guro: Okay, sa tingin ba ninyo sa isang pangkat na may iba’t-ibang opinyon. Imposible bang
maganap ang nakita ninyo sa dalawang larawan?
Mag-aaral: Hindi po.

(Grupo na may maayos na


(Grupo na may miyembrong talakayan)
nag-aaway)

2. Pag-aralan/suriin ang komiks strip. Paghamibingin ang mga ito.


Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawang ipinakita?
b. Alin sa palagay ninyo ang nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng
iba? Bakit?
Guro: Tama, dahil bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang opinyon ay may mga bagay na
napagtatalunan tayo. Pero dapat hindi ito maging hadlang kung maari namang
pag-usapan at matutuhan nating pag-ingatan an gating mga sinasabi sa kapwa.
1. Pagpapakita ng komiks strip.

c. Gawain

IV. Pagninilay
Pangkat Hydra
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

Schools Division Office


School District XVIII

WEST FAIRVIEW ELEMENTARY SCHOOL

Quezon City, 5th District, Metro Manila

Ika- 26 ng Setyembre Taong 2017

12:00-12:30 Hydra

Aralin 7

Paggalang sa Karapatan ng Iba, Gawin sa tuwi-tuwina

I. Mga Layunin: Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba

Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa Opinyon ng iba (Respect for other people’s opinion)

Mga kagamitan: puti at makukulay na papel, gunting, pentel pen, manila papers ,
masking tape, krayola

Integrasyon: Information and Communication Technology, MAPEH

Nakalaang Oras: (30) minutes

Panimula:

Ang mundo ay binubuo ng maraming lugar at ng iba’t-ibang uri ng tao na kung saan ang
bawat isa ay may iba’t-ibang kultura, paninindigan, paniniwala, interes at opinyon. Sa ating
lipunang ginagalawan, ang tao ay malayang nakapagpapahayag ng kanyang opinyon,
damdamin, saloobin at kaisipan tungkol sa mga bagay. Ito ay may masama at mabuting
naidudulot sa damdamin ng iba. Kaya marapat lamang na buong ingat nating ipahayag ang ating
saloobin o opinyon.

I. PAMAMARAAN
ISAGAWA NATIN:

Guro: Magkakaroon tayo ng pangkatang Gawain. Bago iyon ay isagawa natin ang sumusunod.
(Ipapakita ng guro ng rubrics)
Gabay sa Pangkatang Gawain

1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima.


Unang pangkat: Pagsasadula
Pangalawang pangkat: Pag-awit
Pangatlong pangkat: Pagguhit
Pang-apat na pangkat: Paggawa ng tula
Pang-limang pangkat: Paggawa ng slogan
2. Ang bawat pangkat ay isasagawa ang iba’t-ibang pamamaraan sa pagpapakita ng
paggalang sa opinyon ng iba.
3. Isagawa ang pagpaplano sa loob ng limang (5) minuto at ipapakita ng bawat pangkat
ang nabuong gawa sa loob ng dalawang (2) minuto lamang.
4. Gamitin ang rubrics bilang pamantayan sa gawain.
Pamantayan

Pakikiisa Lahat ng kasapi ng Isa o dalawang kasapi Tatlo o higit pang


pangkat ay nakiisa ng pangkat ay hindi kasapi ay hindi nakiisa
sa gawain nakiisa sa gawain sa gawain

Kagalakang Lahat ng kasapi ng Isa o dalawang kasapi Tatlo o mahigit pang


ipinamalas sa gawain pangkat ay ng pangkat ay hindi kasapi ng pangkat ay
nagpakita ng nagpamalas ng hindi nagpamalas ng
kasiyahan sa kagalakan sa kagalakan sa
pakikilahok sa pakikilahok sa pakikilahok sa gawain
gawain gawain

d. Paglalahad
Guro: Sa mga sumusunod na sitwasyon, paano ang dapat nating gawin upang maigalang
ang opinyon ng iba?
Mag-aaral: Dapat po ay makikinig sa sinasabi ng kausap.
Mag-aaral: Magsasalita lamang kung tapos na ang kausap.
Mag-aaral: Kung may gusting sabihin ay dapat po munang mag-excuse bago magsalita.
(Maari pang madagdagan ang kasagutan ng mga mag-aaral)

IV. Pagninilay
Pangkat Hydra
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

Schools Division Office


School District XVIII

WEST FAIRVIEW ELEMENTARY SCHOOL

Quezon City, 5th District, Metro Manila

Ika- 27 ng Setyembre Taong 2017

12:00-12:30 Hydra

Aralin 7

Paggalang sa Karapatan ng Iba, Gawin sa tuwi-tuwina

I. Mga Layunin: Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba

Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa Opinyon ng iba (Respect for other people’s opinion)

Mga kagamitan: puti at makukulay na papel, gunting, pentel pen, manila papers ,
masking tape, krayola

Integrasyon: Information and Communication Technology, MAPEH

Nakalaang Oras: (30) minutes

Panimula:

Ang mundo ay binubuo ng maraming lugar at ng iba’t-ibang uri ng tao na kung saan ang
bawat isa ay may iba’t-ibang kultura, paninindigan, paniniwala, interes at opinyon. Sa ating
lipunang ginagalawan, ang tao ay malayang nakapagpapahayag ng kanyang opinyon,
damdamin, saloobin at kaisipan tungkol sa mga bagay. Ito ay may masama at mabuting
naidudulot sa damdamin ng iba. Kaya marapat lamang na buong ingat nating ipahayag ang ating
saloobin o opinyon.

I. PAMAMARAAN
ISAPUSO NATIN:

1. Sagutin ang tseklis.

TSEKLIS
Gaano mo kadalas ginagawa ang paggalang sa karapatang opinyon ng iba sa mga sumusunod na
Sitwasyon:

Sitwasyon Palagi Paminsan-minsan Hindi


1. Nagpapaalam ako tuwing nagbibgay ng
mungkahi sa iba.
2. Humihingi ako ng paumanhin kapag ako ay
nakapagbigay ng maling opinyon.
3. Pinakikinggan ko ang opinyon ng iba.
4. Sumasang-ayon ako sa opinyon ng iba kahit na
labag ito sa aking kalooban.
5. Bukas ang aking isipan sa opinyon ng iba.
6. Mahinahon ako sa pagbibigay ng aking saloobin
o opinyon.

2. Magkaroon ng maikling talakayan para maiproseso ang mga sagot.


3. Basahin at bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipaliwanag ang mensahe nito upang lubos
na maisapuso ng bawat mag-aaral.
e. Pagbubuod

Guro: Bakit mahalagang igalang ang opinyon ng iba?


Mag-aaral: Para po maiwasan ang pagtatalo at maayos na makapag-usap.
(Maaring mabago ang kasagutan ng mga bata)

Tandaan Natin:

Ang paggalang sa opinyon ng iba ay mahalagang matutunan ng bawat isa.


Ito ay isang hakbang upang makamit ang maayos at mapayapang pakikisalamuha sa ibang tao.
Ito ay mahalagang ipakita sa salita at gawa.

IV. Pagninilay
Pangkat Hydra
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

Schools Division Office


School District XVIII

WEST FAIRVIEW ELEMENTARY SCHOOL

Quezon City, 5th District, Metro Manila

Ika- 28 ng Setyembre Taong 2017

12:00-12:30 Hydra

Aralin 7

Paggalang sa Karapatan ng Iba, Gawin sa tuwi-tuwina

I. Mga Layunin: Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba

Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa Opinyon ng iba (Respect for other people’s opinion)

Mga kagamitan: puti at makukulay na papel, gunting, pentel pen, manila papers ,
masking tape, krayola

Integrasyon: Information and Communication Technology, MAPEH

Nakalaang Oras: (30) minutes

Panimula:

Ang mundo ay binubuo ng maraming lugar at ng iba’t-ibang uri ng tao na kung saan ang
bawat isa ay may iba’t-ibang kultura, paninindigan, paniniwala, interes at opinyon. Sa ating
lipunang ginagalawan, ang tao ay malayang nakapagpapahayag ng kanyang opinyon,
damdamin, saloobin at kaisipan tungkol sa mga bagay. Ito ay may masama at mabuting
naidudulot sa damdamin ng iba. Kaya marapat lamang na buong ingat nating ipahayag ang ating
saloobin o opinyon.

I. PAMAMARAAN

ISABUHAY NATIN:

Ipaliwanag ng buong husay ang sinasabi ng mga pahayag na ito:

“Kung ano ang nais mong gawin sa iyo ay siya ring gawin mo sa kapuwa.”

“Ihip sa lusong sa mukha mo ang tapon”

IV. Pagninilay
Pangkat Hydra
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

Schools Division Office

School District XVIII


WEST FAIRVIEW ELEMENTARY SCHOOL

Quezon City, 5th District, Metro Manila

Ika- 29 ng Setyembre Taong 2017

12:00-12:30 Hydra
Aralin 7

Paggalang sa Karapatan ng Iba, Gawin sa tuwi-tuwina

I. Mga Layunin: Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba

Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa Opinyon ng iba (Respect for other people’s opinion)

Mga kagamitan: puti at makukulay na papel, gunting, pentel pen, manila papers ,
masking tape, krayola

Integrasyon: Information and Communication Technology, MAPEH

Nakalaang Oras: (30) minutes

Panimula:
Ang mundo ay binubuo ng maraming lugar at ng iba’t-ibang uri ng tao na kung saan ang
bawat isa ay may iba’t-ibang kultura, paninindigan, paniniwala, interes at opinyon. Sa ating
lipunang ginagalawan, ang tao ay malayang nakapagpapahayag ng kanyang opinyon,
damdamin, saloobin at kaisipan tungkol sa mga bagay. Ito ay may masama at mabuting
naidudulot sa damdamin ng iba. Kaya marapat lamang na buong ingat nating ipahayag ang ating
saloobin o opinyon.
I. PAMAMARAAN:
SUBUKIN NATIN:
Iguhit ang sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at X kung
hindi nagpapakita ng paggalang:

_______1. Bihira kong iginagalang ang opinyon ng iba


_______2. Aking sinasalungat ang mga opinyon ng iba sa mahinahon na paraan.
_______3. Buong puso akong nakikinig kapag may ibang nagsasalita.
_______4. Inirerespeto ko ang anumang hatol ng hurado kapag may paligsahan.
_______5. Bukas ang aking isipan sa opinyon ng iba.

IV. Pagninilay
Pangkat Hydra
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

Schools Division Office

School District XVIII

WEST FAIRVIEW ELEMENTARY SCHOOL


Quezon City, 5th District, Metro Manila

Ika-26 ng Setyembre Taong 2017

5:40-6:20 Orion
Banghay Aralin sa Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan 5

Panimula: Ang mga larong Pilipino ay mga larong lumilinang din sa ating mga kakayahan.
Nalilinang ng mga ito ang ating kalistuhan, kaliksihan, bilis, lakas ng ating bisig at kasanayan sa
paglukso gaya larong karera sa sako.

I. Layunin:

A. Naisasagawa ang mga kasanayan sa paglalaro ng Karera sa Sako


B. Naipapakikita ang pagiging isports sa paglalaro
C. Nakalalaro nang may kalistuhan at kaliksihan.

II. PaksangAralin:
Paksa: Karera sa Sako
Kasanayan: Kasanayan sa paglukso at lakas ng bisig
Pagpapahalaga: Pagiging isports at paggiging maingat sa paglalaro
Sanggunian: K12 Curriculum Guide (Physical Education) Grade 5 PE5 GS-IIb-h-4,
Sanayang Aklat sa Musika, Sining at Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan 5 pp. 184
Kagamitan: Mga sako

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral

Ano ang dapat na maging ugali ng isang batang tulad ninyo bago at pagkatapos
ng laro?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak:

Kayo ba ay nakapaglaro na ng isang relay? Mag pakita ng sako.

2. Pagtalakay sa Aralin

Ano kayang larong Pilipino ang maaari nating laruin gamit ang sako?

3. Pagtalakay sa mga panuntunan sa larong Karera sa sako.

KARERA SA SAKO:

Sa hudyat, ang batang 1 ay papasok sa sako, hahawakan ang itaas na gilid ng


sako at luluksong pasulong sa panapos na guhit. Kapag nakatawid na ang
batang 1 sa panapos na guhit, ilalabas sa sako at tatakbong pabalik na dala
ang sako sa pamulaang guhit. Ibibigay ang sako sa susunod na bata at
papunta sa likod ng hanay. Ang laro ay magpapatuloy hanggang ang lahat ng
manlalaro ay makapaglaro. Ang unang pangkat na matapos ang siyang
panalo.

4. Anong kasanayan ang nililinang sa larong karera sa sako?

C. Pangwakas na Gawain:

Pagsasagawa/Paglalaro ng mga mag-aaral sa larong karera sa sako.

IV. Pagtataya:

Punan ang hinihinging marka sa rubriks:

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay Di Gaanong Mahusay


1.Naisagawa ang mga kasanayan
sa paglalaro.
2. Nasunod ang mga pamantayan ng laro
3. Naipamalas ang kaliksihan sa paglalaro
4. Nakalaro nang may malistuhan.
5. Naipakita ang pagiging isports.

V. TakdangAralin:

Magtala ng mga halimbawa ng mga larong Pilipino at tukuyin ang kasanayang nililinang
ng bawat laro.

IV. Pagninilay
Pangkat Orion
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

You might also like