Professional Documents
Culture Documents
Pal Atul Dikan
Pal Atul Dikan
• isang hudyat na dinadagdag sa isang titik upang mapalitan ang pagbigkas o malaman
ang pagkakaiba nito sa pagitan ng magkakatulad na mga salita.
• tumutukoy ang tuldik sa diin o marka na inilalagay sa ibabaw ng patinig ng salita upang
ipahiwatig ang tamang bigkas ng salita.
MGA URI NG DIIN
• MALUMAY
• Ang mga salitang ito ay walang tuldik.
• Ang mga salita’y binibigkas nang maluwag o banayad.
• Ang mga salita’y nagtatapos sa patinig o katinig.
• Ang diin ay laging nasa ikalawang pantig buhat sa hulihan.
Halimbawa:
• saklolo • dalisay
• dalaga • sampalataya
• parirala
Isulong Mabuhay
Mag-aral Umiibig
Pag-asa
Tumawa Lumaban
Sinunog Lumigaya
Gumising
Ang bigkas ay di nagbabago kahit na gamitan ng pang-angkop o panlapi.
Hulapi:
Hulaan Basahin
Bayaran Lisanin
Sulatan
• MALUMI
• Ang salitang ito ay nagtatapos lamang sa patinig.
• Ang mga salita’y may tuldik na paiwa ( ̀) sa huling patinig.
• Ang diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa hulihan ngunit ang huling pantig ay
binibigkas nang impit sa lalamunan.
Halimbawa:
hilagà (north)
susì (key)
diwatà (fairy)
kalahatì (half)
Ang bigkas na malumi ay nananatili kahit may unlapi o gitlapi.
Halimbawa:
Unlapi
iluhà mahiwà
ihatì manghulà
ihiwà masirà
sinirà Sumirà
Lumuhà
Humulà
Humatì
Ang paggamit ng pang-angkop na –ng ay nakapagpapabago sa bigkas na malumi. Ito ay nagiging
malumay.
May pang-angkop:
• MABILIS
• Ang mga salitang mabilis ay nagtatapos sa patinig o katinig.
• May tuldik na pahilis(´) sa huling pantig ng salita.
• Ang diin ay nasa huling pantig ng salita.
Mga Patinig:
• Matá • LumpÓ
• TakbÓ • Bilí
• SilakbÓ • Bansá
• Hinlalakí
ilihís dinilíg
magluwás itinaním
mayaníg lumuksó
Inuulit ang salitang ugat:
Limá-limá Punít-punít
Biyák-biyák Mabilís-bilís
Wasák-wasák Siyám-siyám
Pinagtambal na salita:
• Anák-bundók • sawáng-bitín
• pilíkmatá • patáy-dampót
• kalatóg-pinggán
Nagsisimula sa IY o UW
Tiyák Puwáng
Iyák Huwád
Siyáp Tuwáng
Uwák Muwáng
Buwís
• MARAGSA
• Ito ay nagtatapos lamang sa patinig.
• Ang bigkas ay tuloy-tuloy hanggang sa huli ngunit ang huling pantig ay binibigkas nang
impit sa lalamunan.
• Ang huling patinig ng mga salita ay may tuldik na pakupya (ˆ).
Halimbawa:
tanikalâ (chain)
halatâ (obvious)
ngitî(smile)
Sampû (ten)
Ang mga salitang may pang-angkop na –ng, malapang-angkop na ‘t, at ‘y ay nagiging mabilis na
lamang.
Mga halimbawa:
May kabit na –ng, ‘t at ‘y
Dukháng mag-anak
Salapíng kumikinang
Gintó’t pilak
Tugmá’t sukat
Budhi’t káluluwá
Ang pag-uulit ng salitang maragsa ay nakapagpapaiba sa bigkas. Ang una’y nagiging mabilis
ngunit ang ikalawa’y nananatiling maragsa. Ganito rin ang nangyayari kapag ang salitang inuulit
ay ginagamitan ng pang-angkop. Ang bahaging may pang-angkop ay nagiging mabilis.
Pag-uulit ng salitang maragsa
Puló-pulô
Likhá-likhâ
Salantáng-salantâ
Malubháng-malubhâ
Ayon sa libro ng “Balarila ng Wikang Filipino” ni Lope K. Santos may 3 layon at kabuluhan ang
mga tuldik.
1. Upang matandaan ang mga tiyak na bigkas at tunog ng mga patinig at salita.
2. Upang maipakilala ang pagkakaiba-iba ng kahulugan sa sarili at ng tungkulin sa
pangungusap ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang diin at pagbigkas.
3. Upang maiwasan ang maling pagbasa at pagpapakahulugan nito.