Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

UNANG MARKAHAN

ARALIN 3 – Pagbibigay-kahulugan sa Talinghaga ng Tula

A. Panitikan : Pag – Ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio


B. Wika at Gramatika : Kasingkahulugan at Kasalungat na Kahulugan
C. Uri ng Teksto : Naglalarawan

I. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng
mga Katutubo, Espanyol at Hapon

A. Panitikan
 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
B. Gramatika
 Kasingkahulugan at Kasalungat na Kahulugan

II. Inaasahang Pagganap


Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

III. Mga Kasanayang Pampagkatuto


Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag ginamit sa
tula ayon sa:-kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

Bilang 18
Setyembre 19, 2022 (Lunes)
• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207
• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 307
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 303

UNANG ARAW

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nakikilala ang kahulugan ng mga salita o pahayag na ginamit sa tula
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
Pagpapanood ng isang video hinggil Pagmamahal sa Bayan.

Spoken Word Poetry


https://youtu.be/UGN3AidCw7Y
Mga Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang pinanood na video?
2. Ano-ano ang mga salita o pahayag na ginamit sa napanood na video na
nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan? Ipaliwanag.

B. Paghahanda
Alam Mo Kaya?
Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng tula mula sa Sa Aking Mga Kabata.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita

Mahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamaning kusa

na tulad sa inang tunay na nagpala.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang kaisipang nakapaloob sa bahagi ng tulang binasa?
2. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga salita o pahayag na may salungguhit sa bahagi
ng tulang binasa.

C. Paglalapit sa Aralin
Kaya Mo ‘Yan!

Panuto: Bumuo ng isang pahayag na ginagamitan ng masining o matalinghagang pahayag na


nagpapakita ng pagmamahal sa sariling bayan.

Bayan ko! Mahal ko !!

D. Sintesis
Emo-Shown
Panuto: Sa pamamagitan ng isang emoticon, ibahagi ang naramdaman sa araling
tinalakay.

III. Takdang-aralin
1. Basahin at Unawain ang Pag – Ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
2. Ano-ano ang mga matatalinghagang pahayag ang ginamit sa tula? Ipaliwanag.
Bilang 19
Setyembre 20, 2022 (Martes)
• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207
• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 307
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 303

IKALAWANG ARAW
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
A. Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag ginamit sa
tula ayon sa:-kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Ibigay Mo Na!
Panuto: Magbigay ng mga salita na maiuugnay mo sa mga larawang ipapakita.

Mga Gabay na Tanong:


1. Mula sa mga salitang ibinigay,bumuo ng isang pahayag hinggil sa mga larawang ipinakita.
2. Paano kaya ipinakita ni Andres Bonifacio ang pagmamahal sa sariling bayan?

B. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Para sa bilang 1-3, piliin ang titik ng kasingkahulugan ng mga sumusunod na salitang
nakaitim at kasalungat naman sa bilang 4 at 5.

A. kapighatian B. makita C. kaawa-awa D. alala

1. Mangyari kayang ito’y masulyap


ng mga Tagalog at hindi lumingap
2. Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
3. Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

A. nabawasan B. nadagdagan C. mapagmahal D. taksil

4. Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal


sa tapat na puso ng sino’t alinman,
5. Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat.
C. Pagbasa ng Akda
Panuto : Basahin at unawain ang akda.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang
lupa? Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip at isa-isahing talastasing pilit ang salita’t buhay na limbag at titik ng
isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal sa tapat na puso ng sino’t alinman, imbit taong gubat,
maralita’t mangmang nagiging dakila at iginagalang.

Pagpupuring lubos ang nagiging hangad sa bayan ng taong may dangal na ingat, umawit, tumula,
kumatha’t sumulat, kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog ng pusong mahal sa bayang nagkupkop, dugo, yaman,
dunong, katiisa’t pagod, buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki na hinahandugan ng buong pag kasi na sa lalong mahal
kapangyayari at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, siya’y ina’t tangi na kinamulatan ng kawili-wiling
liwanag ng araw na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap ng simoy ng hanging nagbigay lunas, sa inis na puso
na sisinghap-singhap, sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal mula sa masaya’t
gasong kasanggulan. hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

10

Ang nangakaraang panahon ng aliw, ang inaasahang araw na darating ng pagka-timawa ng


mga alipin, liban pa ba sa bayan tatanghalin?
11

At ang balang kahoy at ang balang sanga na parangniya’t gubat na kaaya-aya sukat ang
makita’t sa alaala ang ina’t ang giliw lampas sa saya..

12

Tubig niyang malinaw na anaki'y bubog bukal sa batisang nagkalat sa bundok

malambot na huni ng matuling agus nakaaaliw din sa pusung may lungkot.

13

Sa aba ng mawalay sa tinubuang Bayan gunita niya’y laging sakbibi ng lumbay

walang alaala’t inaasam-asam, kung di ang makita'y ang lupa niyang mahal.

14

Pati ng magdusa't sampung kamatayan wari ay masarap kung dahil sa Bayan;

at lalung maghirap, oh! himalang bagay! lalung pagirog pa ang sa kaniya'y alay.

15

Kung ang Bayang ito'y nasasapanganib at kinakailangang siya’y ipagtankilik

ang anak, asawa, magulang, kapatid sa isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

16

Dapua’t kung ang Baya’y ang Katagalugan na nilapastangan at niyuyurakan

katuiran niya’t puri ng tagaibang Bayan, ng tunay na bangis ng hayop sa parang,

17

Di gaano kaya ang paghihinagpis ng pusung tagalog sa puring na lait?

at aling kalooban na lalung tahimik ang di pupukawin sa panghihimagsik?

18

Saan magbubuhat ang panghihinayang sa paghihiganti’t gumugol ng buhay,

kung wala ding iba na kasasadlakan, kung di ang lumagi sa kaalipinan

19

Kung ang pagkabaun niya’t pagkalugmok sa lusak ng daya’t tunay na pagayop,

supil ng panghampas tanikalang gapos, at luha na lamang ang pinaaagos?

20

Sa anyo niyang ito’y sino ang tutungha’y na di aakayin sa gawang magdamdam?

pusong naglilipak sa pagkasukaban ang hindi gumugol ng dugo at buhay.


21

Mangyayari kaya, na ito’y malangap, at hindi lingapin ng tunay na anak,

kung sa inang liig ay nasasayapak ng mga kastilang gumanti ng hirap?

22

Nasaan ang dangal ng mga tagalog? nasaan ang dugong dapat na ibuhos?

Baya'y inaapi, bakit di kumilos, at natitilihang ito’y mapanood?

23

Hayo na nga, kayo, kayong nangabuhay sa pagasang lubos ng kaginhawahan,

at walang tinamo kung di kapaitan, hayo na’t ibigin ang naabang Bayan.

24

Kayong natuyan na, sa kapapasakit ng dakilang hangad sa batis ng dibdib,

muling pabalungin, tunay na pagibig kusang ibulalas sa Bayang piniit.

25

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat ng bala-
balakit makapal na hirap muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

26

Kayong mga pusong kusang inuusal ng daya at bagsik ng ganid na asal, ngayon magbangon’t
baya’y itanghal agawin sa kuko ng mga sukaban.

27

Kayong mga dukhang walang tanging sikap kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap, ampunin
ang bayan kung nasa ay lunas sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

28

Ipahandog-handog ang buong pag-ibig hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis kung sa
pagtatanggol, buhay ay mapatid ito’y kapalaran at tunay na langit.

Mga Gabay na Tanong:

1. Hanapin sa loob ng tula ang saknong na nagpapakita ng mga sumusunod na paksa at


ipaliwanag ang bawat isa.
a. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
b. Pag-asam ng Pag-asa
c. Pag-aalay para sa Bayan
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng tulang binasa? Ipaliwanag
D. Pagtalakay sa Aralin
Panuto : Suriin ang mga piling saknong sa binasang tula na nagpapahayag ng talinghaga.
Isalin ito sa literal na pakahulugan at ibigay ang kasalungat nitong kahulugan.

Literal na kasalungat na kahulugan


kahulugan
Kayong mga pusong kusang inuusal ng daya at bagsik ng ganid na a

Literal na kasalungat na kahulugan


kahulugan
Kayong mga dukhang walang tanging sikap, kundi ang mabuhay sa
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas sapagkat ang ginhawa niya

Literal na kasalungat na kahulugan


kahulugan
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi na sa lalong mahal kapangyay
E. Pangkatang-Gawain

Batay sa iyong karanasan,


aling karunungang-bayan ang
maiuugnay
mo sa iyong buhay? Bakit?
Pangkat 1 – TALA-ISIPAN!
Balikan ang tulang Pag-ibig sa tinubuang lupa at punuan ang tsart batay sa hinihinging mga
pahayag :

Bilang ng Paliwanag at halimbawa batay sa Kasalukuyang panahon/


saknong sitwasyon

Nagpaantig sa iyong
damdamin

Pagiging makabayan

Pagtulong sa kapwa/
bayan

Pangkat 3 - GUHIT NG KAPALARAN

Mungkahing Estratehiya :
POSTER-IFIC!
Pumili ng isang karunungang
bayan na maiuugnay mo sa
iyong buhay at
iguhit ito.
Mula sa larawang ipapakita ay bumuo ng isa o dalawang saknong na na may matalinghagang
pahayag. Ibigay mo rin ang kasingkahulugan nito at kasalungat na kahulugan.

Kahulugan S arilin g lik h an g S akn o ng K a sa lu n g a t n a k a h u lu g a n

Pangkat 4 TULA NG PAG – IBIG


Lumikha ng isang tula na may Paksang Pag – Ibig sa bayan gamit ang talinghaga ,
eupimistiko o matalinghagang pahayag.

Pangkat 2 – Score mo... Show mo!


Rubric sa Pangkatang Gawain
Nilalaman ng Ulat 5 4 3
Kawastuhan ng mga Nailahad nang lubusan Nailahad ang May ilang impor-masyon
impormasyon ang hinihinging hinihinging ang hindi angkop
Impormasyon Impormasyon
Pagkakaisa 5 4 3
Pakikilahok ng lahat ng Aktibong nakilahok ang Aktibong nakilahok Aktibong nakilahok ang
Kasapi lahat ng kasapi ang nakararami ilan
Pagsasalita at 5 4 3
Pagbigkas
Maayos na Lubhang malinaw ang Naging malinaw ang Di - gaanong malinaw ang
pagpapabatid ng pagbigkas at paghatid ng paghatid ng mensahe mensahe
mensahe Mensahe

F. Pagbibgay ng Input
Ang mga matatalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karan
Magdilang-anghel
Ang Diyos ay nagsugo ng anghel upang maghatid ng mensahe sa kanyang mga propeta o alagad. Ang anghel ay nagsasabi ng pawang katotohanan at sady
di-mag-aso ang kalan
Kung magluluto sa kalan, na noon ay ginagamitan ng kahoy, ang kalan ay nag-aaso o umuusok. Kung mahirap ang buhay ng isang tao, walang mailuluton
buwaya sa katihan
Ang buwaya ay isang malaki at mapanganib na hayop na maaring kumain ng tao o hayop. Kapag ito’y ginamit upang ilarawan ang isang tao, nangangahulu
Eupemistikong Pagpapahayag
1.Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:
a.paksa ng usapan
b.taong sangkot sa usapan
2.Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang.
3.Gumagamit ng talinghaga para di-tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
Halimbawa:
•Sumakabilang buhay na siya.
•Kapiling na siya ng Panginoon.

G. Sintesis
Panuto : Gamitin ang pahayag na “Butil ng Kaalaman” sa isang pangungusap hinggil sa mga
natutuhan mo ngayong araw.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

III. Takdang-aralin
1. Bumuo ng isang saknong na ginagamitan ng masining na pahayag hinggil sa pag-ibig sa bayan.
Bilang 20
Setyembre 21, 2022 (Miyerkules)
• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207
• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 307
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 303

IKATLONG ARAW
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
A. Nagagamit ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag ayon sa
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

II. Mga Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Awiting Pilipino, Ating Pakinggan
Pakikinig ng awiting pinamagatang Bayan Ko ni Freddie Aguilar.

Mga Gabay na Tanong:


1. Tungkol saan ang napakinggang awitin?
2. Ano-ano ang mga masining o matalinghagang pahayag ang binanggit sa
awiting napakinggan? Ipaliwanag.

B. Pagpapatibay ng Aralin
Gawain 1
Tukuyin ang mga talinghaga , eupemistiko o masining na pahayag sa tulang Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio at ibigay ang kahulugan at kasalungat na kahulagan
nito sa tulong ng tsart.
SAKNONG MATALINGHAGANG KAHULUGAN KASALUNGAT
PAHAYAG

Gawain 2
Ang nasa Hanay A ay mga eupemestikong pahayag. Suriin ang kahulugan nito at hanapin
ang kasalungat na kahulugan nito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. sumakabilang bahay A. nakakakita, hindi


bulag
2. walang ilaw ang mata B. malumay magsalita
3. matalim ang dila C. masunurin
4. matigas ang ulo D. busog
5. kumukulo ang tiyan E. tapat sa asawa
F. madaldal

C. Sintesis
Dugtungan Tayo!
Panuto: Dugtungan ang pahayag.
Matapos kong maunawaan ang akdang_____________________,
Natutuhan / nalaman ko na_______________________________.

III. Takdang-Aralin
Magsaliksik ng iba pang tula hinggil sa Pag-ibig sa Bayan.

Bilang 21
Setyembre 22, 2022 (Huwebes)
• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207
• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 307
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 303

IKAAPAT NA ARAW
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
A. Nakasusulat ng isang tula na ginagamitan ng mga matalinghaga, eupemistiko o masining na
pahayag

II. Mga Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Basahin Natin ‘To!
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig,
Sa kanyang salitang kaloob ng langit.
Sanlang kalayaan nasa ring masapit,
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

 Tungkol saan ang binasang saknong ng tula ?


 Paano nakatutulong ang talinghaga , eupemistiko o matalinghang salita sa
pagbuo ng tula ?

B. Paghahanda sa Gawain
Unawain ang mga matatalinghaga at masining na pahayag na ginamit sa tulang
mapapanood.

https://youtu.be/x-e8nvdWMjA
Mga Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang pinanood na video?
2. Ano-ano ang mga matalinghaga, eupemistiko o masining na salita o
pahayag ang ginamit sa napanood na video? Ipaliwanag.

C. Pagtalakay sa Gawain
Pagbibigay ng input o paliwanag ng guro kaugnay sa isasagawang gawain.

D. Pagbibigay ng Gawain
Goal – Nakasusulat ng isang tula na may mga talinghaga, eupemistiko o masining na
pahayag na binibigyan ng kahulugan at kasalungat na kahulugan.
Role – Makata
Audience – Guro at mga kamag-aral
Situation – Ang Kagawaran ng Turismo sa Pilipinas ay naghahanap ng isang mahusay na
Makata na susulat ng isang tula na may paksang
“Pilipinas Kong Mahal”, ikaw ay inatasan ng iyong
guro na sumulat bilang isang mahusay na manunulat ng tula.
Product – Bumuo ng isang tulang may paksang “Pilipinas Kong Mahal” na binubuo ng
Limang saknong na may tig-apat na taludtod. Isaalang-alang ang paggamit ng
talinghaga, eupemistiko o masining salita sa pagbuo ng tula.
Standard – Rubrics

Rubric sa Pagmamarka ng nabuong Tula na naglalaman ng mga Matalinghaga Salita

Napakagaling (10) Magaling Katamtaman Nangangailangan ng


(8) (6) Pagsasanay
(4)

Ma Ba Maba
Napakamakahulugan
ang kabuuan ng tula

lali hag baw at


m yan literal
at g ang
ma ma kabuu
kah y an ng
ulu lali Tula.
gan m
Mababaw at literal ang
kabuuan ng Tula.

ang ang
kab kab
uua uua
n n
ng ng
tula tula
.
Makahulugan
.
ang kabuuan
ng tula.

Bahagyang
may lalim ang
kabuuan ng
tula.

uma Gu um Wala
mit ma ami ni
ng mit t ng isang
simb ng 1-2 pagtat
olism ilan sim angka
o/ g boli ng
pahi sim sm ginaw
watig boli o a
na sm na upang
naka o/ nak makag
pagp pah alit amit
aisip iwa o ng
sa tig sa simbo
mga na mg lismo.
mam bah a
Wala ni isang
pagtatangkang ginawa
upang makagamit ng
masining o

babas agy ma
matalinghagang
pahayag.

a. ang mb
Pilin nag aba
g-pili pai sa.
ang sip An
mga sa g
salita mg mg
at a a
parira ma sali
lang mb ta
gina aba ay
mit. sa. di-
Ma gaa
Gumamit ng mga
matalinghaga at
masining na mga
pahayag na

y non
nakapagpaisip sa mga
mambabasa. Piling-
pili ang mga salita at
pariralang ginamit.

ilan g
g pili
pili
Gumamit ng
1-2
matalinghaga
at masining na

ng
pahayag na
nakalito sa
mga
mambabasa.

sali Ang mga salita


ay di-gaanong
pili.
ta
at
pari
rala
ng
gin
ami
t.
uGumamit ng
ilang
matalinghaga
at masining na
mga pahayag
na bahagyang
nagpaisip sa
mga
mambabasa.
May ilang
piling salita at
pariralang
ginamit.

III. Takdang-aralin
Basahin at Unawain ang Tulang “Sa aking mga Kabata.”

You might also like