Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

UNANG MARKAHAN

ARALIN 3 – Pagbibigay-kahulugan sa Talinghaga ng Tula

A. Panitikan : Pag – Ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio


B. Wika at Gramatika : Kasingkahulugan at Kasalungat na Kahulugan
C. Uri ng Teksto : Naglalarawan

I. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng
mga Katutubo, Espanyol at Hapon

A. Panitikan
 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
B. Gramatika
 Kasingkahulugan at Kasalungat na Kahulugan

II. Inaasahang Pagganap


Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

III. Mga Kasanayang Pampagkatuto

 Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang


napakinggan
 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan
sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan
 Nabibigyangkahulugan ang mga talinghagang ginamit
 Nakikilala ang bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na ginamit sa napanood
na pelikula o programang pantelebisyon
 Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa
akda batay sa: -pagiging totoo o hindi totoo -may batayan o kathang isip lamang
 Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan
 Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain,
sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag)
Bilang 19
Setyembre 19, 2022 (Lunes)
 1:00 – 1:45 / Baitang 8 - Carlos Bulosan / THE 308
 1:45 – 2:30 / Baitang 8 - Victor Hugo / TLE 310
 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – Jose Garcia Villa / THE 402
 4:30 – 5:15 / Baitang 8 – Charlotte Bronte / SB 204
 5:15 – 6:00 / Baitang 8 – George Elliot / SB 304

UNANG ARAW

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nakikilala ang masining o matalinghagang pahayag na ginamit sa tula
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
Pagpaparinig ng awiting “Harana” ng Parokya ni Edgar

Harana

Mga Gabay na Tanong:


1. Tungkol saan ang pinanood na video?
2. Ano-ano ang mga masining na salitang ginamit sa napanood na video?
Ipaliwanag.

B. Paghahanda
Alam Mo Kaya?
Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng tula mula sa Sa Aking Mga Kabata.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita

Mahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamaning kusa

na tulad sa inang tunay na nagpala.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang kaisipang nakapaloob sa bahagi ng tulang binasa?
2. Ipaliwanag ang mga matatalinghagang salita o pahayag na may salungguhit sa
bahagi ng tulang binasa.
C. Paglalapit sa Aralin
Kaya Mo ‘Yan!

Panuto: Bumuo ng isang masining o matalinghagang pahayag na nagpapakita ng


pagmamahal sa sariling bayan.

D. Sintesis
Emo-Shown
Panuto: Sa pamamagitan ng isang emoticon, ibahagi ang naramdaman sa araling
tinalakay
III. Takdang-aralin
1. Basahin at Unawain ang Pag – Ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
2. Ano-ano ang mga matatalinghagang pahayag ang ginamit sa tula? Ipaliwanag.
Bilang 20
Setyembre 20, 2022 (Martes)
 1:00 – 1:45 / Baitang 8 - Carlos Bulosan / THE 308
 1:45 – 2:30 / Baitang 8 - Victor Hugo / TLE 310
 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – Jose Garcia Villa / THE 402
 4:30 – 5:15 / Baitang 8 – Charlotte Bronte / SB 204
 5:15 – 6:00 / Baitang 8 – George Elliot / SB 304

IKALAWANG ARAW
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
A. Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag ginamit sa
tula ayon sa:-kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Ibigay Mo Na!
Panuto: Magbigay ng mga salita na maiuugnay mo sa mga larawang ipapakita.

Mga Gabay na Tanong:


1. Mula sa mga salitang ibinigay,bumuo ng isang pahayag hinggil sa mga larawang ipinakita.
2. Paano ipinakita ni Andres Bonifacio ang pagmamahal sa bayan?

B. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Para sa bilang 1-3, piliin ang titik ng kasingkahulugan ng mga sumusunod na salitang
nakaitim at kasalungat naman sa bilang 4 at 5.

A. kapighatian B. makita C. kaawa-awa D. alala

1. Mangyari kayang ito’y masulyap


ng mga Tagalog at hindi lumingap
2. Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
3. Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

A. nabawasan B. nadagdagan C. mapagmahal D. taksil

4. Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal


sa tapat na puso ng sino’t alinman,
5. Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat.
C. Pagbasa ng Akda
Panuto : Basahin at unawain ang akda.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

ni Andres Bonifacio

Mga Gabay na Tanong:

1. Hanapin sa loob ng tula ang saknong na nagpapakita ng mga sumusunod na paksa at


ipaliwanag ang bawat isa.
a. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
b. Pag-asam ng Pag-asa
c. Pag-aalay para sa Bayan
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng tulang binasa? Ipaliwanag

D. Pagtalakay sa Aralin
Panuto : Suriin ang mga piling saknong sa binasang tula na nagpapahayag ng talinghaga.
Isalin ito sa literal na pakahulugan at ibigay ang kasalungat nitong kahulugan.

Literal na kasalungat na kahulugan


kahulugan
Kayong mga pusong kusang inuusal ng daya at bagsik ng ganid na a

Literal na kasalungat na kahulugan


kahulugan
Kayong mga dukhang walang tanging sikap, kundi ang mabuhay sa
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas sapagkat ang ginhawa niya
Literal na kasalungat na kahulugan
kahulugan
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi na sa lalong mahal kapangyay

E. Pangkatang-Gawain

Batay sa iyong karanasan,


aling karunungang-bayan ang
maiuugnay
mo sa iyong buhay? Bakit?
Pangkat 1 – TALA-ISIPAN!
Balikan ang tulang Pag-ibig sa tinubuang lupa at punuan ang tsart batay sa hinihinging mga
pahayag :

Bilang ng Paliwanag at halimbawa batay sa Kasalukuyang panahon/


saknong sitwasyon

Nagpaantig sa iyong
damdamin

Pagiging makabayan

Pagtulong sa kapwa/
bayan
Pangkat 3 - GUHIT NG KAPALARAN

Mungkahing Estratehiya :
POSTER-IFIC!
Pumili ng isang karunungang
bayan na maiuugnay mo sa
iyong buhay at
iguhit ito.
Mula sa larawang ipapakita ay bumuo ng isa o dalawang saknong na na may matalinghagang
pahayag. Ibigay mo rin ang kasingkahulugan nito at kasalungat na kahulugan.

Kahulugan S arilin g lik h an g S akn o ng K a sa lu n g a t n a k a h u lu g a n

Pangkat 4 TULA NG PAG – IBIG


Lumikha ng isang tula na may Paksang Pag – Ibig sa bayan gamit ang talinghaga ,
eupimistiko o matalinghagang pahayag.

Pangkat 2 – Score mo... Show mo!


Rubric sa Pangkatang Gawain
Nilalaman ng Ulat 5 4 3
Kawastuhan ng mga Nailahad nang lubusan Nailahad ang May ilang impor-masyon
impormasyon ang hinihinging hinihinging ang hindi angkop
Impormasyon Impormasyon
Pagkakaisa 5 4 3
Pakikilahok ng lahat ng Aktibong nakilahok ang Aktibong nakilahok Aktibong nakilahok ang
Kasapi lahat ng kasapi ang nakararami ilan
Pagsasalita at 5 4 3
Pagbigkas
Maayos na Lubhang malinaw ang Naging malinaw ang Di - gaanong malinaw ang
pagpapabatid ng pagbigkas at paghatid ng paghatid ng mensahe mensahe
mensahe Mensahe

F. Pagbibgay ng Input
Ang mga matatalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karan
Magdilang-anghel
Ang Diyos ay nagsugo ng anghel upang maghatid ng mensahe sa kanyang mga propeta o alagad. Ang anghel ay nagsasabi ng pawang katotohanan at sady
di-mag-aso ang kalan
Kung magluluto sa kalan, na noon ay ginagamitan ng kahoy, ang kalan ay nag-aaso o umuusok. Kung mahirap ang buhay ng isang tao, walang mailuluton
buwaya sa katihan
Ang buwaya ay isang malaki at mapanganib na hayop na maaring kumain ng tao o hayop. Kapag ito’y ginamit upang ilarawan ang isang tao, nangangahulu
Eupemistikong Pagpapahayag
1.Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:
a.paksa ng usapan
b.taong sangkot sa usapan
c.lugar
2.Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang.
3.Gumagamit ng talinghaga para di-tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
Halimbawa:
•Sumakabilang buhay na siya.
•Kapiling na siya ng Panginoon.

G. Sintesis
Panuto : Gamitin ang pahayag na “Butil ng Kaalaman” sa isang pangungusap hinggil sa mga
natutuhan mo ngayong araw.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

III. Takdang-aralin
1. Bumuo ng isang saknong na ginagamitan ng masining na pahayag hinggil sap ag-ibig sa bayan.
Bilang 21
Setyembre 21, 2022 (Miyerkules)
 1:00 – 1:45 / Baitang 8 - Carlos Bulosan / THE 308
 1:45 – 2:30 / Baitang 8 - Victor Hugo / TLE 310
 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – Jose Garcia Villa / THE 402
 4:30 – 5:15 / Baitang 8 – Charlotte Bronte / SB 204
 5:15 – 6:00 / Baitang 8 – George Elliot / SB 304

IKATLONG ARAW
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
A. Nagagamit ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag ayon sa
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

II. Mga Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Awiting Pilipino, Ating Pakinggan
Pakikinig ng awiting pinamagatang Bayan Ko ni Freddie Aguilar.

Mga Gabay na Tanong:


1. Tungkol saan ang napakinggang awitin?
2. Ano-ano ang mga masining o matalinghagang pahayag ang binanggit sa
awiting napakinggan? Ipaliwanag.

B. Pagpapatibay ng Aralin
Gawain 1
Tukuyin ang mga talinghaga , eupemistiko o masining na pahayag sa tula at ibigay ang
kahulugan at Kasalungat na kahulagan nito sa tulong ng chart
SAKNONG MATALINGHAGANG KAHULUGAN KASALUNGAT
PAHAYAG

Gawain 2
Ang nasa Hanay A ay mga eupemestikong pahayag. Suriin ang kahulugan nito at hanapin
ang kasalungat na kahulugan nito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. sumakabilang bahay A. nakakakita, hindi


bulag
2. walang ilaw ang mata B. malumay magsalita
3. matalim ang dila C. masunurin
4. matigas ang ulo D. busog
5. kumukulo ang tiyan E. tapat sa asawa
F. madaldal

C. Sintesis
Dugtungan Tayo!
Panuto: Dugtungan ang pahayag.
Matapos kong maunawaan ang akdang_____________________,
Natutuhan / nalaman ko na_______________________________.

III. Takdang-Aralin
Magsaliksik ng iba pang tula hinggil sa Pag-ibig sa Bayan
Bilang 22
Setyembre 22, 2022 (Huwebes)
 1:00 – 1:45 / Baitang 8 - Carlos Bulosan / THE 308
 1:45 – 2:30 / Baitang 8 - Victor Hugo / TLE 310
 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – Jose Garcia Villa / THE 402
 4:30 – 5:15 / Baitang 8 – Charlotte Bronte / SB 204
 5:15 – 6:00 / Baitang 8 – George Eliot / SB 304

IKAAPAT NA ARAW
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
 Nakasusulat ng isang tula na ginagamitan ng mga matalinghaga, eupemistiko o masining na
pahayag

II. Mga Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Basahin Natin ‘To!
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig,
Sa kanyang salitang kaloob ng langit. Sanlang kalayaan nasa ring masapit,
Katulad ng ibong nasa himpapawid

 Tungkol saan ang binasang saknong ng tula ?


 Paano nakatutulong ang talinghaga , eupemistiko o matalinghang salita sa
pagbuo ng tula ?

B. Paghahanda sa Gawain
Unawain ang mga matatalinghaga at masining na pahayag na ginamit sa tulang
mapapanood.
https://youtu.be/x-e8nvdWMjA

C. Pagtalakay sa Gawain
Pagbibigay ng input o paliwanag ng guro kaugnay sa isasagawang gawain.

D. Pagbibigay ng Gawain
Goal – Nakasusulat ng isang tula na may mga talinghaga, eupemistiko o masining na
pahayag na binibigyan ng kahulugan at kasalungat.
Role – Makata
Audience – Guro at mga kamag-aral
Situation – Ang Kagawaran ng Turismo sa Pilipinas ay naghahanap ng isang mahusay na
Makata na susulat ng isang tula na may paksang
“Pilipinas Kong Mahal”, ikaw ay inatasan ng iyong
guro na sumulat bilang isang mahusay na manunulat ng tula.
Product – Bumuo ng isang tulang may paksang “Pilipinas Kong Mahal” na binubuo ng
Limang saknong na may tig-apat na taludtod. Isaalang-alang ang paggamit ng
talinghaga, eupemistiko o masining salita sa pagbuo ng tula.
Standard – Rubrics

Rubric sa Pagmamarka ng nabuong Tula na naglalaman ng mga Matalinghaga Salita

Napakagaling (10) Magaling Katamtaman Nangangailangan ng


(8) (6) Pagsasanay
(4)

Ma Ba Maba
Napakamakahulugan
ang kabuuan ng tula

lali hag baw at


m yan literal
at g ang
ma ma kabuu
kah y an ng
ulu lali Tula.
gan m
Mababaw at literal ang
kabuuan ng Tula.

ang ang
kab kab
uua uua
n n
ng ng
tula tula
.
Makahulugan
.
ang kabuuan
ng tula.

Bahagyang
may lalim ang
kabuuan ng
tula.
uma Gu um Wala
mit ma ami ni
ng mit t ng isang
simb ng 1-2 pagtat
olism ilan sim angka
o/ g boli ng
pahi sim sm ginaw
watig boli o a
na sm na upang
naka o/ nak makag
pagp pah alit amit
aisip iwa o ng
sa tig sa simbo
mga na mg lismo.
mam bah a
Wala ni isang
pagtatangkang ginawa
upang makagamit ng
masining o

babas agy ma
matalinghagang
pahayag.

a. ang mb
Pilin nag aba
g-pili pai sa.
ang sip An
mga sa g
salita mg mg
at a a
parira ma sali
lang mb ta
gina aba ay
mit. sa. di-
Ma gaa
Gumamit ng mga
matalinghaga at
masining na mga
pahayag na
y non
nakapagpaisip sa mga
mambabasa. Piling-
pili ang mga salita at
pariralang ginamit.

ilan g
g pili
pili
Gumamit ng
1-2
matalinghaga
at masining na

ng
pahayag na
nakalito sa
mga
mambabasa.

sali
Ang mga salita
ay di-gaanong
pili.

ta
at
pari
rala
ng
gin
ami
t.
Gumamit ng
ilang
matalinghaga
at masining na
mga pahayag
na bahagyang
nagpaisip sa
mga
mambabasa.
May ilang
piling salita at
pariralang
ginamit.

Bilang 23
Setyembre 23, 2022 ( Friday ) –
 1:00 – 1:45 / Baitang 8 - Carlos Bulosan / THE 308
 1:45 – 2:30 / Baitang 8 - Victor Hugo / TLE 310
 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – Jose Garcia Villa / THE 402
 4:30 – 5:15 / Baitang 8 – Charlotte Bronte / SB 204
 5:15 – 6:00 / Baitang 8 – George Elliot / SB 304

IKALIMANG ARAW (PAGBASA)

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto


A. Nabibigyangkahulugan ang mga talinghagang ginamit
B. Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa akda batay
sa: -pagiging totoo o hindi totoo -may batayan o kathang isip lamang

II. Paksa
Pamagat ng akda: Ang Guryon
May-akda: Ildefonso Santos
Sanggunian: mailto:https://www.tagaloglang.com/
III. Proseso ng Pagkatuto

A. Pagganyak
Sagutin ang bugtong:

Buto’t balat
Lumilipad

Sagot: Saranggola

B. Panimulang Gawain
Sagutin ang mga katanungan ng guro.

1. Anu-ano ang mga kinakailangan upang mapalipad ang isang saranggola?


2. Ibahagi ang ‘yong mga karanasan sa pagpapalipad ng isang saranggola

C. Pagbibigay kahulugan sa Talasalitaan

A. Guryon – Saranggola
B. Pakatimbangin - sukatin
C. Solo’t pauloy – mula simula hanggang sa huli
D. Magkiling – pulutin
E. Mag-ikit – umikot
F. Buyong - nauudyukan

D. Pagbasa ng Akda
“Ang Guryon”
Ni Ildefonso Santos

1
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
2
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
3
Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas
at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
4
Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
5
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
6
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

E. Pagsubok
Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang guryon sa tula ay sumisimbolo sa _____.


A. buhay B. kayamanan C. pag-ibig D. pag-asa
2. “Tanggapin mo, anak, itong munting guryon” ang matalinhagang pahayag ay
isang halimbawa ng tayutay na ______.
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagpapalit-tawag D. Pagtatao
3. Ang ikalawang saknong ay tungkol sa pagiging ______.
A. maingatB. matapang C. matalino D. masaya
4. Ang ikatlong saknong ay nangangahulugang ______
A. huwag maging mayabang
B. malakas ang hangin sa himpapawid
C. maging matibay sa anumang pagsubok
D. maging Malaya at huwag maging sunod-sunoran
5. Ang ikaapat na saknong ay tungkol sa _______.
A. pagkakaroon ng dignidad sa mga pakikipagsapalaran
B. pakikipag-away
C. pagiging mapagmahal sa kapwa
D. pagsunod sa mga alituntunin
6. Ang ikalimang saknong ay tungkol sa ______.
A. Pag-asa B. Pag-ibig C. Pagkabigo D. Paglalakbay
7. Ang ikaanim na saknong ay isang uri ng tayutay na _______.
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Paghahalintulad D. Paghihimig
8. “Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti’t dumagit, saanman sumuot…”
nangangahulugan ito na ang buhay ay _______.
A. walang katiyakan
B. maikli lamang
C. nakaayon palagi sa plano
D. walang paghihirap
9. “O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!”
nangangahulugan ito na ________.
A. palaging umibig sa Diyos sa pagtahak sa buhay
B. mahalin ang kapwa at magpakumbaba
C. magtiwala sa sarili
D. maging matatag sa anumang hamon ng buhay
10. Ang tulang Guryon ni Ildefonso Santos ay tungkol sa ______.
A. pag-ibig sa bayang sinilangan
B. isang saranggola na pinalilipad sa himpapawid
C. pananalig sa Diyos
D. isang magulang na nagbibigay payo sa kanyang anak tungkol sa buhay

F. Pagkuha sa karaniwang mga aytem na nagtamo ng kamalian

G. Lunas-turo - Pagpapayaman sa aralin

Ipaliwanag ang salawikain na:  “Ang buhay ang parang gulong minsan nasa ibabaw ka at minsan
naman ay nasa ilalim”

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

H. Takdang Aralin
1. Alamin ang kahulugan at elemento ng Epiko.

You might also like