Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

SI MEDUSA AT ANG SUMPA NI ATHENA

Akda ni Publius Ovidius Naso

Si Medusa, ang babae na may mga ahas na buhok ay marahil isa sa


pinakakilalang nilalang sa mitolohiyang griyego. Gayunpaman, hindi siya dating
halimaw.

Siya ay anak na babae nina Phorcys at Ceto na mga primordial diyos ng dagat.
Si Medusa ay ipinanganak na may kakaibang kagandahan.

Napupukaw ng dalagang ito ang mga puso ninuman kahit saan man sya
magpunta. Pero sa kabila ng kanyang mapang-akit na hitsura, si Medusa ay
inosente, malinis at dalisay.

Dahil hinahangaan niya ang diyosang si Athena, napagpasyahan niya na


maging isang paring babae sa templo ni Athena.

Birhen at may kadalisayan ay kailangang-kailangan para sa posisyong ito.

Si Medusa ay isang perpektong babaing pari at sobrang napakaganda niya


kung kaya’t napaka daming mga bisita araw-araw na pumupunta lamang sa
templo upang hangaan at makita ang taglay niyang ganda.

Kaya't nangyari na ang diyosang si Athena ay sobrang nagselos at nainggit sa


kanya dahil sa kanyang kagandahan at dahil siya rin ang
may pinakamagandang buhok sa lahat.

Isang araw may isang mamamayan ang nangahas na sabihin na ang buhok ni
Medusa ay magiging mas maganda kaysa sa buhok ng diyosa na si
Athena. Bagaman nasaktan at nagalit, si Athena ay hindi naghiganti.

Gayunpaman, isang araw sa isang pampang na malapit, si Medusa ay napansin


ni Poseidon, ang diyos ng Dagat at umibig ito sa napakagandang dilag. Pero
tinanggihan at iniwasan lamang ni Medusa ang diyos ng dagat.

Si Poseidon ay may personal na away kay Athena kung kaya’t ang kagustuhan
niyang mapasa-kanya si Medusa ay isang matinding pagkahumaling.
Dahil sa palagiang pagtanggi ni Medusa kay Poseidon, nagpasya siyang
puwersahing kunin ang dalaga. Ang takot na takot na si Medusa ay tumakbo
papunta sa templo ni Athena para makakuha ng proteksiyon.

Nakasunod si Poseidon at sapilitang hinawakan ang dalaga at ginahasa ito sa


sahig sa harap ng rebulto ng diyosang si Athena.

Nang matapos ang karahasan, ang diyosang si Athena ay lumitaw at nagalit.


Nagpasiyang bigyan ng malupit na parusa si Medusa.

Hindi magawang parusahan ni Athena si Poseidon dahil isinaalang-alang niya na


ang kanyang nagawa ay likas lamang na katangian ng mga lalaki ngunit
itinuturing niyang nagkasala si Medusa ng pang-aakit sa diyos ng dagat at
pagdadala ng kahihiyan sa kaniyang templo.

Isinumpa ni Athena ang dalaga, ginawang ahas ang kanyang magandang


buhok at mula sa araw ding iyon, ang sino mang tumingin sa kanyang mga mata
ay agad na magiging bato.

Si Medusa ay hinahabol ngayon ng mga mandirigma na nagnanais ng kanyang


ulo bilang isang tropeo pero silang lahat ay naging bato.

At Sa wakas ang bayani na si Perseus ay nagawang pugutin ang nilalang. Pero


ang hindi nila alam ay dinadala ni Medusa ang anak nila ni Poseidon, kung kaya't
sa kamatayan ni Medusa at sa pagbuhos ng dugo ay pinanganak niya
sina Chrysaor at Pegasus.

You might also like