Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KABANATA 1

MGA BATAYANG SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

Introduksyon

Kung paanong napahuhusay ang pagtalakay at napapalalim ang pagsusuri ng


isang akdang pampanitikan ay masasabing nakasalalay sa mga pananaw at teoryang
pampanitikan. Mga salalayang paniniwala itong ang hatid ay kaalaman at kasiyahan, na
siyang dalawang pangunahing dahilan ng panitikan.
Ang pananaw ay tumutukoy sa paniniwala o persepsyon ng isang indibidwal o
isang pangkat. Samantala, ang teorya ay tumutukoy sa simulain o prinsipyo ng mga
tiyak na kaisipang kailangan sa paglikha ng malinaw at sistematikong paraan ng
paglalarawan o pagpapaliwanag ng isang bagay.
Sa pag-aaral ng panitikan, malaking tulong ang nagagawa ng pag-alam sa
kahulugan, kasaysayan at katangian ng iba’t ibang pananaw at teoryang pampanitikan.
Sa pamamagitan kasi ng matalinong pagpili ng angkop na pananaw o teorya, ang
pagtalakay at pagsusuri ng isang particular na akda ay nagkakaroon ng batayan at
direksyon. Nalilimiyihan din ito ang saklaw ng talakayan at ng panunuri, at dahil may
limitasyon ay nagkakaroon ng lalim (Villafuerte, et al., 2006; Villafurte & Bernales,
2019).

Pangkalahatang Layunin

1. Matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng sapat na kaalaman at pag-


unawa sa mga araling sumusunod gaya ng: kahulugan ng panunuring
pampanitikan, mga sangay ng pagsusuri, simulain at katangian sa pagsusuri.

Aralin I – Katuturan ng Panunuring Pampanitikan

Introduksyon

Ang pagsusuri ay proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas


maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito.
Ito ay isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan lamang ay umunlad. Ang
kahalagahan ng pagsusuri ay upang malaman ang ibig sabihin ng binabasa mo o
upang lubos mong maunawaan ang binabasang teksto.

Mga Tiyak na Layunin


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na


sanggunian sa panunuring pampanitikan;

2. Natutukoy ang mga katangian ng mahuhusay na akdang pampanitikang may


kabuluhang panlipunan;

3. Nabubuod ang mahahalagang kaisipan sa akdang binasa; at


4. Napapalalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan.

Aralin I: Katuturan ng Panunuring Pampanitikan

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong
nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na
pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng
obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging
matapat.

Dalawang Sangay ng Pagsusuring Panitikan

1. Pagdulog
Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang
moralistiko. Ang pangatlo ay ang Sikolohikal, at ang huling uri ay sosyolohikal-
panlipunan.

Pormalistiko - Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng


isang teksto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang
kaayusan, istilo,o paraang artistiko ng teksto. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga
elementong labas sa teksto mismo, tulad ng histori,politika,at talambuhay.

Halimbawa: Suyuan sa Tubigan

Moralistiko - sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit.

- pinahahalagaan ang moralidad, disiplina, at kaayusang nakapaloob sa akda.


- nakatuon sa bisa ng panitikan sa kaasalan, kaisipan, at damdamin ng tao.
- binibigyang diin ang layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at iwaksi
ang kasamaan.
- hahamunin ng guro ang mga mag-aaral na matamang magsuri at magtimbang-
timbang ng lakas at kahinaan ng tatag at karupukan ng tao sa harap ng mga
pagsubok sa kanyang pakikipagtunggali sa buhay
Halimbawa: Liwanag at Dilim

Sikolohikal - makikita ang takbo ng isip ng may katha, antas ng buhay, paninindigan,
paniniwalaan, pinapahalagahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng
may akda.

- mainam na gamitin sa pag-aaral at pagsusuri ng panitikan o akdang pumapaksa


sa mga karanasan ng tao sa iba’t ibang kalagayang panlipunan, pampulitika,
pangkultura at pangkabuhayan
- binibigyang pansin ang ugnayang sosyo-kultural politikal, kapamuhayan at
damdamin, asal, kilos, reaksyon ng tao dito.
- maituturing na susi sa pag-unawa sa mga paraan ng sining, sa mga nakakubling
layunin ng mga manlilikha at mga motibo ng mga tauhan sa isang akda.
- mahalagang masuri ang mga emosyon at makilala ang tunay nakatauhan ng
indibidwal.
- sa kaisipang Freudian, sinasabing patuloy na hahanap-hanapin ang nakagawian
na o paulit-ulit na kilos o gawi ng tao.
- sa pagsusuri ng akda tinatalakay ang mga: kaimbihan o dili kaya’y ng
kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang tao o pangkat ng tao.
- sa ganitong dulog, ang sistema ngpagpapahalaga sa lipunan ang binibigyang-
pokus.
Halimabawa: Noli me tangere at El Felibusterismo ni Jose Rizal
*Banaag at Sikat ni Lope K.Santos
2. Pananalig
Binubuo ito ng mga teorya at katangian
Teorya Katangian Halimbawa
Bayograpikal Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang
karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang
bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng
mga “pinaka” na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.

Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda


ng mga akdang pampanitikan, siya ang
nagsusulat o sumusulat ng mga akdang
pampanitikan na ating nababasa
magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito
ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa
kanyang sinulat na akda, makababasa tayo
ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay
na buhay ng may-akda upang
masmapaganda pa nito ang paghubog sa
kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito
ng pilosopiya ng may akda sa dahilang
kababasaan ito ng kanyang pananaw
patungkol sa mga bagay na nais niyang
ihatid sa mga mambabasa.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang


karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng
kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita
na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng
tao at ng mundo.

Ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan


at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga
Historikal akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga
akda ng mga pagbabago sa paggamit ng
mga salitang naaayon sa panahon at sa
kultura na may kinalaman sa mga
pagbabagong nagaganap sa ating bayan,
kasama rito ang mga pagbabagong
nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya,
edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang
ating pananampalataya.

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng


mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga
Klasismo
pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit
ng mga salita at laging nagtatapos nang may
kaayusan.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang


tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-
tuon ang kalakasan at mabubuting katangian
ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa


pananaw ng Humanismo, pinaniniwalaan na
"Paalam sa
ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t
Aking
Humanismo kailangang ma-ipagkaloob sa kanya ang
Pagkabata" ni
kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa
Zantiago Pepito
pagpapasya.
Naniniwala ang mga humanista na sibilisado
ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala
ang kultura.
Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at
ginagamitan ito ng ideya ng mga tao.

Romantisismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang PAG-IBIG ni


iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa Jose Corazon de
tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa Jesus
kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin
ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan.

Ang teoryang pampanitikang umusbong sa


Europe noong ikalawang hati ng
ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng
romantisismo ang klasismo sapagkat ang
higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay
ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas
ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan,
pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang
sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan
ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at
hindi mga bagay na materyal,
pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga
karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at
kahandaan magmahal sa babae/lalakeng
nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang
katangian, inspirasyon at kagandahan.

Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang


katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang
tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga
realista, ay dapat maging makatotohanan
ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang
nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal
kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

Sa teoryang realismo, higit na mahalaga ang


katotohanan kaysa kagandahan. Hangad ng
Realismo ang makatotohanang paglalahad at
Realismo paglalarawan ng mga bagay, mga tao at Noli Me Tangere
lipunan, at alin pa mang pwedeng
mapatunayan sa pamamagitan ng pag-iisip
ng tao. Higit na binibigyang-pansin ng
Realismo ang paraan ng paglalarawan at
hindi ang uri ng paksa ng isang akda. Kahit
na ang paksa ay buhay ng mababa o
pangkaraniwang tao at hindi ng mayayamang
tao (gaya ng Klasismo), tanggap pa rin ito sa
panitikan. Ang tunay na mahalaga ay ang
pagiging obhetibo ng awtor

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga


imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba
pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit
lamang ng karaniwang salita. Sa halip na Mga Tula,
Imahismo paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga Tulang
imahen na layong ilantad ang totoong Panambitan
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Naipapahayag ang kalinawan sa mga


imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o
pagbibigay anyo sa mga ideya.

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa


mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng
Banaag at Sikat
may-akda sa kanyang panitikan ang siyang
Pormalismo ni Lope K.
nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang
Santos
labis at walang kulang. Walang simbolismo at
hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang-unawa

Siko-analitiko Nakatuon sa kalagayan ng isang tao.


Maaaring sa pag-iisip o sa kanyang pag-
uugali.
Pag-aaral sa kilos o gawi ng mga tauhan at
pananalitang ginagamit ng tauhan.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may


kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon
para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa
mundo (human existence).
Eksistensyalismo
Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan
ng personalidad ng tao at binibigyan halaga
ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa
katwiran.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t


ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at
manunulat na walang iisang pananaw ang
nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi
ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais
iparating ay ang kabuuan ng pagtao at
Dekonstruksyon mundo.

Ito ay teoryang pangpanitikan na pwede


mong baguhin ang katapusan at pwede ka
ding mag dagdag nga mga tauhan ngunit
hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay
na sa akda!

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng


mga kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Madaling matukoy kung ang
isang panitikan ay feminismo sapagkat
babae o sagisag babae ang pangunahing Paalam sa
Feminismo tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at Pagkabata ni
magagandang katangian ng tauhan. Nazareno D Bas

Ang Feminismo ay tumutukoy sa kalaksan at


sa kakayahan ng tauhang babae sa isang
kuwento o akda.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga


mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi
basta-basta masusuri ang mga simbolismo
sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang
"Sa Tabi ng
kabuuang konsepto at tema ng panitikan
Arketaypal Dagat" ni
sapagkat ang mga simbolismong napapaloob
Idelfonso Santos
sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang
lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at
konseptong ipinapakilala ng may-akda sa
mga mambabasa.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan


1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at
marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangan mahusay ang organisasyon o
balangkas ng lahok.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may
kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad
4. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat
panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad ng damdamin at
lawak ng pangitain nito.
5. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng
kakayahan.
6. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan
7. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag uugnay ng
mga sangkap ng pagsulat.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko


• Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang
pampanitikan bilang isang sining.
• Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang
pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
• Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa
panitikan.
• Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na
sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
• Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa
paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
• Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang
pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng
kanyang pamimili.

You might also like