Professional Documents
Culture Documents
Panahong Prehistoriko
Panahong Prehistoriko
PANAHON NG MESOLITIKO
Tinatawag na Mesolitiko (Middle Stone Age). Ang sumusunod na panahon
matapos ang Paleolitiko.
Ito ay hango sa mga salitang Greek na `mesos ` na nangangahulugang gitna at
`lithos` o bato.
Sa panahong ito ay nagkaroon ng pagpapahusay at pagpipino sa mga
kagamitang ginamit ng mga sinaunang tao.
Higit na naging mahusay din ang pangangaso ng mga tao samantalang higit
ding lumawak ang pinapipilian nilang pagmumulan ng mga pagkain tulad ng
hayop at halaman.
PANAHON NG NEOLITIKO
Neolitiko (New Stone Age) ang huling bahagi ng panahon ng bato.
Hango ito sa mga salitang Greek na `Neos` o bago at `lithos` o bato.
Katangian ng panahong ito ang paggamit ng iba`t-ibang mga kasangkapan,
pamumuhay ng tao sa mga pamayanan, pagtatanim, pag-aalaga ng hayop at
pagkakaroon ng kaalamang tulad ng pagpapalayok at paghahabi.
Ang isa sa mga pinakamaagang pamayanang umusbong sa daigdig ay ang
pinaderang siyuda o walled city ng Jericho sa Jordan Valley.
Sumunod naman ang pagusbong sa asia minor ang Catal Huyuk nasa
kapatagan ng konya ng gitnang Anatolia.
Isang pamayanang nagsasaka ang Catal Huyuk, maliban sa pagtatanim ng
wheat at barley, nag-aalaga din sila ng mga tupa at baka.
Mahuhusay ang mga artesano sa paghahabi at paggawa ng mga alahas,
salamin, at kutsilyo yari sa Obsidian, isang batong mula sa bulkan na mistulang
kristal.
KABIHASNAN SA MESOPOTAMIA
Hango ang terminong `Mesopotamia` sa mga salitang Greek na meso o pagitan
at potamos o ilog. Nangunguhulugan ito na lupain sa pagitan ng ilog.
KABIHASNAN SA INDIA
Nagsimula ang kabihasnan india sa lambak ng indus (Na nasa kasalukulang
Pakistan) Dalawa sa mahahalagang sentro sa panahon ito ay ang Harappa at
Mohenjo-Daro.
Harappa at Mohenjo-Daro
Matatagpuan ang Harappa sa kasalukuyang Punjab at ang Mohenjo-Daro sa
katimugang bahagi ng Indus.
Matatagpuan ang maraming pamayanan kung saan gawa sa ladrilyo ang
tahanan. Karaniwang sa mga tao dito ay pagsasaka at nag- aalaga ng mga
hayop. Sila ay nakikipagkalakan sa mga taga-Sumer .
Natapos ang ang pamamayapag ng mga Harrapa dahil sa pagsalakay ng
mga Aryan ang mga Mohenjo-Daro ay nilisan ang lugar dahil sa panganib.
ARYAN
Posibleng nagmula ang mga Aryan sa baybayin ng black sea at Caspian sea.
Nagkaroon ng tunggalian ang Aryan at ang mga Dravidian na siyang tawag sa
mga katutubong India. At Tuluyan na itong sinakop ang mga ito. Gayunpaman
dahil sa supreyor ang kultura ng mga Dravidian ay hiniram ito ng mga Aryan.
KABIHASNAN SA CHINA
Napaka lawak ng lupaing halos hiwalay sa iba pang kabihasnan, dahil sa
kabundukan, diyerto, at karagatan kaya naging katangi-tangi ang kabihasnang
China.
Nag-ugat ang mahabang kasaysayan ng China sa mga pinaghalong kwentong
alamat at katotohanan.
Tatlong mahahalagang katangian ang dinastiyang:
1. Ang pagkakaroon ng metalurhiya ng bronze
2. ang pagkakaroon ng pamamaraan ng pagsulat
3. pagkakaroon ng isang organisasyong pang-estado sa kalunsuran
Dinastiyang Shang
Naitatag ang dinastiyang Shang sa lambak ng Huang He.
Nabuhay ang mga tao sa panahon ng Shang sa pangangaso,
pangingisda at pagtatanim. Sila din ay gumagawa ng mga alak, seda o
silk sining at pagpapalayok. Nakalika din sila ng bagong paraan ng pagsulat
na matatagpuang nakaukit sa mga piraso ng bato o talukap ng pawikan.
KABIHASNAN SA INDIA
Kinikilala ang mga pamayanan ng indus bilang mga kauna-unahang
panirahang sumailalim sa urban planning. Nakaayos na parang guhit ang
mga kalsada ng Harappa at Mohenjo-Daro.
Kahanga-hanga rin ang pagpapahalagang inilalaan sa kalinisan ng lugar.
Nag-iwan naman ang mga Aryan ng mga pamanang nananatiling buhay
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang apat na sagradong aklat ng Vedas ay naglalaman ng mga
pangyayari sa panahon ng unang libo sanlibong taong pamamayagpag
ng mga Aryan sa hilaga at hilagang-kanluran ng India.
SANSKRIT
ang wikang kanilang dinala sa india na siyang wikang klasikal ng
panitikang Indian.
Ang Mahabharata (The Great Story) at Ramayana (Rama’s way) ang
dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan. Itinuturing
naming piankadakilang tulang pilosopikal sa daigdig ang “Bhagavad
Gita” na matatagpuan sa Mahabharata.
Isinulat ni kautilya ang akdang Arthashastra noong ikatlong siglo BCE. Ito
ang kauna-unahang akda o tratado ukol sa pamahalaan at ekonomiya.
AYURVEDA
Mahalagang kaisipang panggamot o ‘agham ng buhay’ na mula rin sa
india.
CHINA
Nag-iwan ng mga dakilang pamana sa sangkatauhan ang bawat
dinastiya sa China.
Dinastiyang Shang
Nagkaroon ng isang Sistemang panulat ang china at nagsimula ang
bronze metal lurgy .
Dinastiyang Zhou
Mga iskolar ang naging pangunahing ambag sa panahong ito.
Confucuis
Dinastiyang Qin
Milyong katao ang sapilitang gumawa ng Great Wall of China at sa ilalim
ni Shih Huang Di o Shih Huang Ti ay unang Emperador ng China. Ito ang
kauna-unahang Imperyo sa china
Dinastiyang han
Nakalikha sila ng mga papel at porcelana. Sila din ay Nakagawa ng Silk
road na nagging kalakalan sa pagitan ng china at Europe.
Nagkaroon din sila ng pagsulong sa larangan ng Astronomiya. Naka
imbento sila ng kalendaryo, star maps t iba pang kagamitang astromoniya.
Naimbento din nila ang fire works at pagsusulit ukol sa serbisyong sibil ( civil
service)
Dahil sa imbensyong Block printing sa paglilimbag mas naipaabot pa sa
maraming tao ang mga bagong kaisipan.
Dinastiyang t`ang
Mas napahusay ang mga makatang sina Li Po, Po Chui, at Tu Fu
Nakapagbigay ng perspektibong pilosopikal ang I Ching ukol sa iba`t-
ibang bagat at sitwasyon ng buhay ng ato.
Itinuturing ang Bing – Fa bilang kauna-unahang aklat ukol sa estratehiyang
military na isinulat ni Sun Zi
Mag review mga anak para sa darating na exam ninyo! Goodluck! •ᴗ•