Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Natapos na Kilos Pananaliksik sa

“Metakognitibong Istratehiya sa Paglinang ng Kasanayan sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Aralin


sa Panitikang Pilipino’’

I. Rasyonal/Sanligan ng Pag-aaral

Ayon sa K to 12 Basic Education Curriculum, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang

kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan ng mga

mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang

pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na

pagbabagong nagaganap sa daigdig. Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo

ng mga guro bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan,

pribado at publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.

https://www.academia. edu/40013256/ K_to_12_Gabay_Pangkurikulum_FILIPINO

Batay sa pagsusuri sa resulta ng pagkatuto ng mga estudyante sa Filipino 10 sa gitna ng

pandemya, isa sa mga napansing suliranin ay ang mababang lebel ng komprehensiyon ng mga mag-

aaral pagdating sa mga panitikan na kanilang binabasa na naging dahilan ng kanilang mababang iskor

na nakuha sa mga lagumang pagsusulit sa Unang Markahan. Ang nabanggit na umiral na sitwasyon ang

nagbunsod sa mananaliksik upang isagawa ang kasalukuyang pag-aaral at luminang ng angkop na

estratehiya upang magabayan ang mga mag-aaral sa pagbigay ng tamang kasagutan sa mga modyul

na inihanda sa bawat linggo gamit ang metakognitibong pamamaraan.

Ang metakognitibong istratehiya ay isang paraan upang ganap na maunawaan ang tekstong

binasa, ito ay pinatnubayang pamamaraan ng pagkatuto para maisaloob ang bagong impormasyon at

magampanan ang pamamahala sa pinakamataas na antas ng kaisipan. Ang pagbigay ng karagdagang

impormasyon at gawain sa mga mag-aaral ay nakatulong nang malaki upang maisaulo, maikintal at

magamit ang mga mahahalagang konsepto na may kinalaman sa pag-unawa. Ang pagbasa ay isa sa

1
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

pinaka-epektibong paraan tungo sa pagpapaunlad ng metakognitibong kaisipan ng isang mag-aaral. Ang

masusing pagbabasa ay isa sa mga daan tungo sa pagpapayaman ng metakognitibong kasanayan na

makatutulong sa mag-aaral para sa lubusang pag-unawa sa tekstong binabasa, dahil ayon sa pag-aaral

ni Sencibaugh sinabi niyang “Ang mga mag-aaral na may mababang komprehensiyon ay nagpapakita ng

kakulangan sa metakognibong pag-unawa. https://thesilentlearner2014. /06/filipino-2-ang- proseso-mga-

teorya-at.html

Kaya naman, nilayon ng mananaliksik ang paggamit ng Metakognitibong Istratehiya para sa

mabisang pagpapaunawa sa mga tekstong pamapanitikan sa Pilipino na binabasa ng mga mag-aaral sa

Baitang 10.

II. Mga Katanungan Para sa Kilos Pananaliksik

1. Ano ang antas ng metakognitibong kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral batay

sa resulta ng Paunang Pagsusulit bago ang interbensyon?

2. Ano ang antas ng metakognitibong kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral batay

sa resulta ng Panapos na Pagsusulit pagkatapos ng interbensyon?

III. Panukalanag Pagbabago, Interbensyon at Pamamaraan

Inaasahang malinang sa mga mag-aaral ang metakognitibong pag-unawa sa pagbasa ng mga

aralin sa panitikang Pilipino mga mag-aaral sa Grado 10 sa tulong ng iba’t ibang akda na nagangailangan

ng malalim na pag-unawa at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mga kaganapan sa daigdig sa

gitna ng pandemya na dulot ng Covid 19.

Ang paggamit ng Metakognitibong Istratehiya sa pag-unawa ay nakatulong sa pagsukat ng

antas ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa unang araw ng pananaliksik ay

inilakip sa modyul ng mga estudyante ang Paunang Pagtataya at ipinadala sa mga magulang. Ang

2
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

kanilang mga kasagutan ay nilikom, iniwasto at binigyan ng kaukulang puntos at interpretasyon gamit

ang sariling gawang iskala ng mananaliksik.

Batay sa resulta ng Paunang Pagsusulit ay isinagawa na kaagad ang pagtuturo gamit ang

Metakognitibong Estratehiya. Sa tulong ng mga piling akda sa Panitikang Pilipino 10, ang mananaliksik

ay nakabuo ng mga katanungan na nakabatay sa mga piling akdang binasa na nangangailangan ng

mataas na antas sa pag-unawa kalakip ang mga konkretong panuto para sa kanilang pagkatuto . Bawat

linggo ay nagpadala ang mananaliksik ng worksheet sa bawat tagatugon upang malaman kung mayroon

bang pagbabago sa kakayahan ng mag-aaral sa pag-unawa sa mga piling akdang binasa hanggang sa

tuluyang tumaas ang antas ng kanilang kasanayan sa metakognitibong pag-unawa. Ito ay muling sinukat

sa pamamagitan ng pagbibigay ng Panapos na Pagsusulit gamit ang sariling gawang pagsusulit na

ginamitan ng mga matataas na antas ng katanungan batay sa mga piling akdang pampanitikan na

sumukat sa kanilang metakognitibong kakayahan sa pag-unawa kung kaya’t naisakatuparan ang layunin

ng aralin.

Nabatid ng mananaliksik na ang ginamit na pamamaraan o istratehiya ay angkop at epektibo

sa kakayahan ng mga mag-aaral kaya napaunlad ang kasanayang metakognitibo sa pag-unawa sa

pagbasa at naipaabot ang kalidad na edukasyon.

IV. Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik

a. Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang kabuuang respondente na 35 na mga mag-aaral sa pangkat SPA ang naging tagatugon sa

panukalang pagkilos na pananaliksik na ito sa Grado 10 ng David Moises Memorial High School.

ngayong Taong Panuruan: 2021-2022 na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling method ay

umabot sa labing-siyam (19) lamang sa kadahilanang sila ang nakakuha ng marking pinakamababa sa

ibiigay na paunang pagsusulit.

3
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

b. Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos

Ang gurong mananalksik ay naglaan ng sapat na panahon sa pagbuo ng mga pagsusulit na ibinatay

sa MELCs upang masukat ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa metakognitibong pag-unawa

sa pagbasa.

Ang unang hakbang na isinagawa ng gurong mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa punongguro

ng paaralan upang maisagawa ang pag-aaral. Kinuha din ang pangalan ng mga mag-aaral na nagsilbing

respondente ng pag-aaral. Sa pagkuha ng mga datos, ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagpadala sa

mga magulang ng researcher made test o palatanungan na sinagutan ng mga mag-aaral at ibinalik

pagkatapos masagutan.

Sinimulan ang pagsagawa ng pananaliksik noong buwan ng Nobyembre taong 2021. Ang

mananaliksik ay nagbigay ng pagsusulit na kinapalooban ng tatlumpung (30) aytem na sumukat sa antas

ng kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa. Pagkatapos, sinuri at pinag-aralan ng mananaliksik ang bawat

aytem ng pagsusulit.

Ang 19 na mga mag-aaral sa pangkat SPA sa Grado 10 ang nagsilbing respondente ng pag-

aaral. Ang mga gawain ay inilakip sa Learning Activity Sheets ng asignatura. Tinukoy ang antas ng

kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa sa pamamagitan ng paggamit ng Paunang

Pagsusulit at Panapos na Pagsusulit. Sa pag-aaral na ito, ang Paunang Pagsusulit ay tumukoy sa marka

ng mga estudyante na hindi ginamitan at binigyan ng interbensyon para sa ikalawang markahan,

samantalang ang Panapos na Pagsusulit ay sinukat sa pamamagitan ng markang nakuha ng 19 na mag-

aaral o respondente sa ikalawang markahan na ginamitan ng Metakognitibong Istratehiya at binigyan ng

kaukulang puntos at interpretasyon gamit ang researcher made scale.

4
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Mean
Iskor Berbal na Interpretasyon

21.00 - 30.00 Mataas


11.00 – 20.00 Katamtaman
0.00 – 10.00 Mababa

• c. Isyung Etikal

Ang mananaliksik ay humingi muna ng pagsang-ayon at suhestiyon sa Punongguro at

Pansangay na Tanggapan sa Panukalang Kilos Pananaliksik. Ipinaalam din sa mga magulang sa

pamamagitan ng oryentasyon o pagpupulong na isinaalang-alang ang mga payo at paghihigpit laban

sa Covid 19 at naglagda ng kasunduan na maging kalahok ang kanilang anak sa nasabing pag-aaral

at ipinaunawa na ito ay hindi makaaapekto sa kanilang marka bagkus ito ay magdudulot ng malaking

kaginhawaan sa kanila.

V. Resulta at mga Detalye

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay naglahad ng pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga nalikom

na datos. Ang mananaliksik ay gumamit ng talahanayan sa paglahad ng datos upang mas madali itong

maunawaan.

a. Kinalabasan

Ang talahanayan 1.a at 1.b ay nagpapakita ng distribusyon ng iskor sa pagkakaiba ng Pauna at

Panapos na Pagsusulit.

5
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Talahanayan 1
(1a) (1b)
Respondente Paunang Pagsusulit Panapos na Pagsusulit
1 13 28
2 12 27
3 12 26
4 13 29
5 14 29
6 9 23
7 12 28
8 11 26
9 11 27
10 10 27
11 12 29
12 9 28
13 11 29
14 12 27
15 10 28
16 11 28
17 10 23
18 9 27
19 7 25
208 514
Mean 10.94 27.05
MPS 36.46 90.16

Mean
Iskor Berbal na Interpretasyon
21.00 - 30.00 Mataas
11.00 – 20.00 Katamtaman
0.00 – 10.00 Mababa

Talahanayan 2: Resulta ng mga pagsasanay o interbensyon

Pagsasanay Pagsasanay Pagsasanay


Respondente Mean Interpretasyon
UNANG LINGGO IKALAWANG LINGGO IKATLONG LINGGO
1 3 5 5 4.33 Mataas na Pag-unlad
2 3 5 5 4.33 Mataas na Pag-unlad
3 4 5 5 4.67 Mataas na Pag-unlad
4 3 5 5 4.33 Mataas na Pag-unlad
5 3 5 5 4.33 Mataas na Pag-unlad

6
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

6 2 4 4 3.33 Katamtamang Pag-unlad


7 3 4 5 4.00 Mataas na Pag-unlad
8 4 4 5 4.33 Mataas na Pag-unlad
9 2 5 5 4.00 Mataas na Pag-unlad
10 3 3 4 3.33 Katamtamang Pag-unlad
11 4 4 5 4.33 Mataas na Pag-unlad
12 3 4 5 4.00 Mataas na Pag-unlad
13 3 4 5 4.00 Mataas na Pag-unlad
14 3 4 5 3.33 Katamtamang Pag-unlad
15 3 3 4 4.33 Mataas na Pag-unlad
16 3 5 5 4.00 Mataas na Pag-unlad
17 2 5 5 4.00 Mataas na Pag-unlad
18 2 5 5 3.33 Katamtamang Pag-unlad
19 2 4 4 3.33 Katamtamang Pag-unlad

2.89 4.37 4.79 4.02

INSTRUMENTO SA PAGBIBIGAY NG INTERPRETASYON

MEAN /ISKOR PANGLARAWANG MARKA

4.00 - 5.00 Mataas na pag-unlad


2.00 – 3.00 Katamtamang pag-unlad
0.00 – 1.00 Walang pagbabago

Batay sa talahanayan 1a, sa paunang pagsusulit ang mga respondente ay nakakuha lamang

ng 10.94 (36.36 MPS) na nagpapahiwatig na ang mga mag aaral na ito ay nasa lebel lamang na

“mababa” ayon sa likert scale na ginawa ng mananaliksik kaya’t sila ang napili na maging tagatugon

ng pag-aaral na ito at binigyan ng mga interbensyon upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa

pag-unawa.

Ang talahanayan 2, ay nagpapakita ng resulta ng mga pagsusulit o interbensyon na ginawa

ng mananaliksik, ang interbensyon ay umabot sa tatlong uri na tumalakay sa bawat antas ng pag-

7
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

unawa. Sa unang linggo ng pagbibigay ng interbensyon, halos hindi gaanong nakita ang pag-unlad

ng mga respondente dahil nakakuha lamang sila ng iskor na 2.89 at sa ikalawang linggo ay kinakitaan

na ito ng pag-unlad dahil umabot na sa 4.37 na nangangahulugang nasa mataas na pag-unlad na

ang antas ng kanilang pag-unawa na nag-udyok sa mananaliksik upang magbigay pa ng huling

interbensyon upang lubusang masukat ang antas sa pag-unawa na nagresulta sa pinakamataas na

iskor na umabot sa 4.79 na naging indikasyon na ang mga respondente ay may mataas na antas na

nang pag-unawa sa kasalukuyan. Sa kabuuang datos, makikita natin sa talahanayan 2 gamit ang mga

interbensyons at iskors ng mga respondente sa mga nakaraang linggo na ang mga mag-aaral ay

nagkaroon ng mataas na pag-unlad sa antas ng pag-unawa dahil nagkaroon sila ng kabuuang iskor

na umabot sa 4.02 bilang total mean sa tatlong linggo, na ang ibig sabihin ay nasa mataas na antas

na ang kanilang lebel sa pag-unawa.

Ang talahanayan 1b, ay nagpapakita sa huling ginawa ng mananaliksik. Ito ang resulta ng

post test o panapos na pagsusulit na naglalahad ng magandang resulta na umabot sa 27.05 mean

iskor o 90.16 MPS na ang ibig sabihin ay may mataas na antas na ang mga mag aaral sa pag-unawa.

b. Rekomendasyon

Batay sa ginawang pag aaral, ang sumusunod na rekomendasyon ay iminimungkahi:

Mga Guro. Hinihikayat ang mga guro na gamitin ang interbensiyon na ginamit sa pag-aaral sapagkat

ito ay malaking tulong upang mas mahasa ang mga mag-aaral sa pagbasa at maiangat ang antas ng

kasanayan sa pag-unawa.

Para sa kapwa guro sa Filipino, magkaroon ng sapat na panahon sa pagpapabasa sa mga

mag-aaral upang maiangat ang antas ng kasanayan sa pag-unawa. Gumamit ng tracking sheet upang

organisado at detalyadong maitala ang pag-unlad ng bawat mag-aaral. Sikaping makabuo ng mga

8
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

gawaing lilinang sa kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral gamit ang

metakognitibong istratehiya.

Para sa administrasyon ng paaralan, maglaan ng kaukulang suporta sa ginawang pag-aaral at ang

programang interbensyon sa kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa upang maging kapaki-pakinabang

sa mga mag-aaral at lalong mapaunlad ang kalidad ng edukasyon.

Ang susunod na mananaliksik ay maaaring gamitin ang interbensiyon na ginamit sa pag-aaral na

ito bilang batayan sa mga susunod pang pag-aaral at hinihikayat ang rebisyon o pagbabago na

angkop sa lebel ng kakayahan ng mga estudyante. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong nang malaki

sa kanila upang mapagkunan ng mga karagdagang detalye kaugnay sa pag-aaral na gagawin na may

kinalaman sa pag-unawa sa pagbasa.Makapagganyak din ito sa kanila na magsagawa ng iilan pang

pag-aaral kaugnay nito.

c. Pag-aanalisa ng Datos

Ang mga datos ay inalisa sa pamamagitan ng descriptive design at ginamit ang descriptive statistics

gaya ng mean o average.

Tinukoy sa pamamagitan ng pauna at panapos na pagsusulit ang antas ng kasanayan sa

pag-unawa sa pagbasa gamit ang iskala na kinapapalooban ng mean iskor at berbal na

interpretasyon na makikita sa ibaba.

Mean Iskor Berbal na Interpretasyon

21.00 - 30.00 Mataas


11.00 – 20.00 Katamtaman
0.00 – 10.00 Mababa

9
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

VI. Plano at Panahon ng Paggawa


Una Ikatlo Una Una
Una
hanggang hanggang hanggang hanggang
hanggang
Estratehiya Ikalawang Ika-apat na Ika-apat na Ika-apat na
Ika-apat na
Linggo ng Linggo ng Linggo ng Linggo ng
Linggo ng
Nobyembre Nobyembre Disyembre Pebrero
Enero
2021 2021 2021 2022
2022

Pagkilala sa suliranin at
tagatugon sa Panukalang
Kilos Pananaliksik

Paghingi ng pagsang-ayon at
suhestiyon ng Pansangay na
Tanggapan sa Panukalang
Kilos Pananaliksik
Pagpapalakas ng pagsangkot
sa mga magulang sa
pamamagitan ng oryentasyon

Pagpapadala sa mga
magulang ng researcher made
test/paunang pagsusulit upang
matugunan ng mga
respondente
Pagbuo at pagpapabaledeyt
ng mga panlunas na gawain
(intervention worksheets)
Pagpapadala ng iba’t ibang
mga pagsasanay na mga
panlunas na gawain na
nakabatay sa metakognitibong
estratehiya

10
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Pagpapadala ng pananapos na
pagsusulit upang matugunan
ng mga respondente, pagkalap
at pag-analisa ng kinalabasan
Pangangalap ng datos, pag-
analisa at pagbuo ng
interpretasyon, mga hinuha at
rekomendasyon

• VII. Planong Pagbabahagi at Paggamit

Ang mananaliksik ay magbabahagi ng kopya ng kilos pananaliksik sa Pansangay na

Tanggapan ng Capiz at sa tagapamahala ng paaralan para maipagpatuloy ang programa upang

patuloy na malinang ang kahusayan ng mga mag-aaral at mapataas ang antas ng kasanayan sa

metakognitibong pag-unawa sa panitikan. . Ang resulta ng pag-aaral ay ipapaalam din sa mga guro

sa paaralan sa pamamagitan ng Learning Action Cell (LAC) Sessions, mga pagpupulong, In-Service

Trainings (INSET) at School Colloquim.

VIII. Sanggunian

https://www.academia.edu/40013256/K_to_12_Gabay_Pangkurikulum_FILIPINO

https://thesilentlearner2014. /06/filipino-2-ang- proseso-mga-teorya-at.html

11
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

• Curriculum Vitae

NAME: ARLENE A. LUCES

POSITION: MASTER TEACHER I

SCHOOL / STATION: DAVID MOISES MEMORIAL HIGH SCHOOL

EDUCATIONAL ATTAINMENT: MASTER OF ARTS IN TEACHING FILIPINO

HOME ADDRESS: DELGADO SUBDIVISION, REVOLUTION STREET,POBLACION TABUC,

MAMBUSAO, CAPIZ

CELLPHONE NUMBER: 09106712025/ 09605367477

12
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

IX. APENDIKS

“Metakognitibong Istratehiya sa Paglinang ng Kasanayan sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Aralin


sa Panitikang Pilipino’’

Pauna/Panapos na Pagsusulit

Pangalan:__________________________Baitang atPangkat______________Marka:____________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng bawat akda. Sagutin nang may pag-unawa ang bawat
bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Pumunta sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante dahil ang mga higante
ay kalaban ng mga diyos sa Norse.
Naglakbay sila hanggang sa makita nilang ang natutulog na si Skymir isang uri
ng higante, tuwing umiinit ang ulo ni Thor at pag laging tulog si Skrymir ay
pinupukpok nya ng kanyang maso ang ulo ni Skymir upang ito ay magising. Dinala
ni Skrymir sina Thor kay Utgaro Loki ang hari ng mga higante, nakipag paligsahan
sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor, ngunit sila ay natalo sa
mga paligsahan na kanilang sinalihan. "Ipinakikita lamang na ang lakas mong
taglay ay hindi kasintindi tulad ng aming iniisip,” pahayag ni Utgardo-Loki.
Pero ang totoo ay nilinlang lang sila ni Utgaro Loki dahil walang kapantay ang
lakas ni Thor at ayaw ni Utgaro na may makatalo sa kanyang lakas.

Binuod na mitolohiya: “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante”

1. "Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad ng aming iniisip.” Alin ang
ipinahihiwatig na kaisipan sa pahayag na ito?
A. Hindi malakas si Thor.
B. Naunahan ng takot si Thor.
C. May nagbabadyang unos sa buhay ni Thor.
D. Walang lakas sa pakikipaglaban si Thor.

2. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing paksa o ideya na nagingibabaw sa huling talata ng
nabasang buod ng mitolohiya?
A. Maging matalino sa pakikipaglaban sapagkat hindi sapat ang lakas lamang, samahan ito ng
katalinuhan.
B. Ang katalinuhan ay daan tungo sa magandang kinabukasan.
C. Maging mapagmatyag sa bawat sandali ng pakikipaglaban.
D. Sa pakikipaglaban, laging isaisip ang kabutihan laban sa kasamaan.

13
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

3. Bakit mahalagang matukoy ang pangunahing kaisipan o ideya sa isang akda?


A. Naipahahayag dito ang saloobin o damdamin ng may-akda.
B. Nakatutulong ito upang mapaunlad ang kakayahan sa talasalitaan ng isang mag-aaral.
C. Nagsisilbi itong tulay sa pakikipag-ugnayan ng mambabasa at ng may-akda.
D. Upang lubusang maunawaan ng mambabasa ang mensahe ng nagsasalita.

4. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan kapag pinaghahambing ang mitolohiyan kanluranin
sa mitolohiyang Pilipino?
A. Ang mitolohiyang kanluranin ay may salamangka samantalang ang mitolohiyang Pilipino ay
mga kuwento kuwento lamang.
B. Parehong nagtataglay ng mahika at nag-iiwan ng aral sa bawat mambabasa.
C. Kapwa kinapapalooban ng mga kapani-paniwalang kuwento na maaring gabay sa pang-araw-
araw na pamumuhay.
D. Ang mitolohiyang kanluranin ay nakasentro lamang sa kanilang tradisyon at paniniwala
samantalang ang mitilohiyang Pilipino ay sa pananampalataya.

5. Bakit mahalaga ang mitolohiya bilang isang akdang pampanitikan?


A. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, ang minanang yaman ng kaisipan at taglay na
katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
B. Upang mapag-aralan natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at tluyang iwaglit ang mga ito.
C. Upang malaman ang kamalian ng lahing ating pinagmulan at mapagsikapang ito ay mapagbuti
at mapaunlad.
D. Upang maipakita ang ating pagka-Pilipino at maisabuhay sa kahit ano mang pamamaraan.

6. Paano mo maiuugnay ang mitolohiyang nabasa sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao?


A. Ang paggamit ng mahika ay batayan sa pagharap sa hamon ng pandemya ng bawat tao
ngayon.
B. Ang ilan sa atin ay gumagawa rin ng pandaraya sa kapwa para lamang makamit ang
ninanais.
C. Marami sa ating kapwa ang nanlilinlang dahil sa kahirapan sa buhay.
D. Higit na napabuti ang kalagayan ng lipunan sa kasalukuyan dahil sa pandaraya ng ilan sa ating
kapwa.

14
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

Halaw na bahagi sa tulang “Ang Pamana”

7. Ilan ang sukat ng mga taludtod sa bahagi ng tula?

A. lalabindalawahin C. wawaluhin
B. lalabing-animin D. walang tiyak na sukat

8. Bakit ayaw ng persona sa tula ang materyal na bagay na ipamamana sa kanyang ng kanyang ina?
A. Sinisigurado lamang niyang ang pamanang makakamtan ay kapaki-pakinabang.
B. Walang kasiguraduhang kayamanan ang pamanang inihahabilin ng kanyang ina.
C. Ang piyano ay may mababang halaga lamang.
D. Ang kayamanang hinahabilin ay walang saysay kung hindi makasama ang ina.

9. Sa paanong paraan ipinamalas ng anak sa tula ang tunay na pagmamahal sa ina?


A. Ang hindi pagpapahalaga sa mga materyal na bagay bagkus ang kagustuhang humaba pa ang
buhay ng kanyang ina.
B. Paglilimos sa iba ng kanilang mga kayamanan.
C. Pagsunod sa sarilig kagustuhan.
D. Pagpapahalaga sa material na bagay na pamana ng ina.

10. Ang sumusunod ay naglalarawan ng pagmamahal ng anak sa ina maliban sa_________.


A. Ang paggugol ng maraming oras sa ina at hindi lamang sa mga kaibigan.
B. Pagsawalang-bahala ng mga aral at payo ng ina.
C. Sama-samang pagdarasal ng pamilya.
D. Pagsasaalang-alang sa kapakanan at damdamin ng isang ina.

11. Piliin sa sumusunod ang angkop na kaisipan na ipinahahayag ng tulang binasa.


A. Hindi kayang palitan ng ano mang materyal na bagay ang pagmamahal ng ina.
B. Pagdarasal ang naging sandalan ng ina sa panahon ng pangungulila sa anak.
C. Naliligalig ang ina dahil sa problemang dala ng anak.
D. Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga anak sapagkat sila ang tanglaw ng ina.

15
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

12. Paano nakatulong sa mga mambabasa ang paggamit ng mga matalinghagang salita sa tula?
A. Nakapupukaw ito ng atensyon ng mga mambabasa at nagbibigay ng pagganyak upang unawain
at basahin ang akda.
B. Nahuhubog ang ating sailing emosyon at pananaw.
C. Nagkakaroon tayo ng mas malalalim na pang-unawa at pag-aaral sa mga salita na ang akala
natin ay simple lamang.
D. Nagdudulot ng kabagutan sa pagbasa ng mga akda dala ng kahirapan sa pag-unawa ng bawat
salita.

Para sa mga bilang 13-18

“Diyos na ang bahala!” Kalimitan itong naibubulalas ng mga Pilipino o ng mga taong nasa
gipit na kalagayan o pangyayari. Ang ugaling ito ay nagdudulot ng kabutihan at negatibong
epekto. Isa sa negatibong dulot nito ay ang pagiging palaasa ng isang indibidwal kaya’t madalas
ay ipinagpapasa-Diyos na lamang niya kung ano man ang posibleng mangyayari sa kanyang
buhay. Samantala, ang magandang idinudulot nito ay ang kawalan ng pagkabagot ng isang tao
na may matinding problema sa buhay. Inilalarawan nito ang isang Pilipinong matapang sa
pagharap sa mga hamon sa buhay. Para sa akin, ang hindi mahusay na pagpapasiya ay
nangingibabaw dahil sa maling pag-uugaling ito.

Personal: Arlene A. Luces, 2021

13. Alin sasumusunod ang kaisipang nakapaloob sa pahayag na “Diyos na ang bahala?”
A. Alaswerte C. lakas ng loob
B. kawalan ng pag-asa D. walang tiyak na patutungohan

14. Ang dalawang kaisipang itinuturo ng teksto ay_____ at_____


A. Matapang na pagharap sa katotohanan
B. Pagkapit sa patalim kapag nagigipit
C. Pagkilos kaagad sa harap ng pagsubok
D. Pananalig sa Diyos at pagkapit sa patalim kapag nagigipit

15. Ang salawikaing angkop na iugnay sa ugaling ipinapasa-Diyos ng tao ang kanyang mga problema
ay______
A. Diyos ang nakakaalam ng lahat
B. Hindi tayo pababayaan ng Diyos
C. Mahal ng Panginoon
D. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa

16. Sa pahayag na “Diyos na ang bahala!” tinutukoy nito ang mga Pilipinong may isipang _____
A. determinado C. negatibo
B. kolonyal D. positibo

17. Alin sa sumusunod na salita ang ginamit sa pagpapahayag ng opinyon mula sa tekstong binasa?
A. Samantala C. Kaya’t
B. Sana D. Para sa akin

16
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

18. Aling bahagi ng akda ang nagpapahayag ng pagiging payak nito ngunit may hatid na matinding
damdamin?
A. Inilalarawan nito ang isang Pilipinong matapang sa pagharap sa mga hamon sa buhay.
B. “Diyos na ang bahala!”
C. Ang ugaling ito ay nagdudulot ng kabutihan at negatibong epekto.
D. Ang magandang idinudulot nito ay ang kawalan ng pagkabagot ng isang tao.

Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may paniniwala siyang isinilang siya
sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May
taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis
niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang
mga kurtinang sa paningin niya ay napakapangit. Malimit na sa pagmamasid niya sa babaeng
Briton na siyang gumaganap ng ilang abang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama
siya nang panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso kapag naiisip ang mga
pangarap niya sa buhay na hindi yata magkakaroon ng katuparan. Naglalaro sa kaniyang
balintataw ang anyo ng tahimik na tanggapang nasasabitan ng mamahaling kurtina,
pinaliliwanag ng matatangkad na kandilerong bronse at may nagtatanod na dalawang
naglalakihang bantay na dahil sa init ng pugon ay nakatulog na sa dalawang malaking silyon.

Bahagi ng Makling Kuwentong “Ang Kuwintas”


Filipino 10-Modyul para sa Mag-aaral

19. Alin sa sumusunod ang nagpapalungkot sa tauhan batay sa bahagi ng kuwentong binasa?
A. Ang kawalan niya ng trabaho.
B. Ang kahirapan sa buhay na kaniyang pinagdaraanan.
C. Ang matayog na pangarap niya sa buhay.
D. Ang paghahambing niya ng kaniyang sarili sa iba.

20. Batay sa bahagi ng Maikling Kuwentong “Ang Kuwintas,”paano mo mailalarawan ang pangunahing
tauhan?
A. Pera ang batayan ng kaniyang kaligayahan.
B. Ikinapanlumo niya ang luma nilang bahay.
C. Ang kaniyang mga paniniwala ang nagpapaligalig sa kaniya.
D. Ang pagiging mapangarapin niya ang naging dahilan ng kanyang pasakit.

21. Alin sa mga kultura ng mga taga France ang ipinakikita sa akdang binanggit sa itaas?
A. Pagpapahalaga sa kayamanan at karangyaan
B. Pagpapahalaga sa katagumpayan
C. Pagpapahalaga sa pagkakapantay-antay at kapayapaan
D. Pagyakap sa kultura ng estilo at sopistikasyon

17
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Para sa mga bilang 22-24.

Panuto: Kilalanin sa bawat bilang ang mga pangungusap na may magkakatulad o magkakaugnay na
kahulugan.
22. Labis ang pagdurusa ni Mathilde dahil hindi niya natamasa ang lubos na kaligayahan sa buhay at patuloy
na ipinaghinagpis ang karukhaan ng kanyang lumang tahanan.
A. Pagdurusa-paghinagpis
B. Natamasa-pagdurusa
C. Kaligayahan-karuhaan
D. Labis-patuloy

23. Mahal, akala ko’y ikatutuwa mo ang pagtanggap ko sa paanyaya? Ikagagalak kong marinig ang iyong
pahintulot.
A. Pagtanggap-paanyaya
B. Ikatutuwa-ikagagalak
C. Akala-paanyaya
D. Marinig-pahintulot

24. Umaalab ang kanyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang naghihirap na sarili na siyang dahilan
upang sumidhi ang kanyang pagnanais na makaahon sa karukhaan.
A. Pagnanais-nakikita
B. Umaalab-sumisidhi
C. Nararamdaman-karukhaan
D. Makaahon-dahilan

18
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Para sa mga bilang 25-30.

Habang nagaganap ang kasiyahan sa bulwagan at habang si Juliet ay


nakikipagsayaw ay nakita siya ni Romeo mula sa hanay ng mga kababaihan. Nabihag ng
kagandahan ni Juliet ang puso ni Romeo.
Si Romeo naman ay hindi napigilan ang sarili at nilapitan si Juliet at hinagkan ang
kamay nito at mula noon ay palihim na nagpupunta si Romeo sa tahanan ng mga Capulet
para makita ang sinisintang dalaga na nabighani na rin sa taglay na katangian ng binata.
Nagpasya ang magkasintahan na magpakasal sa kabila ng pagkakaalit ng kani-kanilang
pamilya.
Ipinagkasundo ng mga magulang si Juliet sa ibang lalaki at sa ganitong kadahilanan
kaya naman si Juliet ay naisipang magkunwaring patay para makatakas sa kanyang
pamilya subalit ito ay hindi nakarating sa kaalaman ni Romeo na dahil sa labis na
kalungkutan sa inaakalang kamatayan ng dilag na minamahal ay kinausap niya ang isang
butikaryo para sa isang lason na kikitil din sa kanyang buhay. Kaya naman sa muling
pagmulat ng mata ni Juliet at nakita ang walang buhay na si Romeo ay kinuha ang isang
balaraw at tinarak sa kanyang dibdib.

Binuod na dula: “Sintahang Romeo at Juliet”

25. Ang mga sumusunod ay mga kulturang makikita sa Sintahang Romeo at Juliet maliban sa isa.
A. Paniniwala sa wagas na pag-ibig.
B. Pagdiriwang ng Pasko kasama ang Pamilya.
C. Alitan sa Pagitan ng mga mahaharlikang angkan.
D. Paggamit ng kapangyarihan ng magulang sa mga anak.

26. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng_____.


A. Marubdob na pag-ibig para sa isa’t isa
B. Pagsuway sa utos ng angkan
C. Pagtataksil ni Juliet kay Paris
D. Lahat ng nabanggit

27. Bakit ganoon na lamang ang pag-ibig nina Romeo at Juliet sa isa’t isa?
A. Dahil sa kanilang kultura
B. Dahil minsan lang sila nagkikita
C. Dahil sila’y pinagbawalan ng kani-kanilang mga magulang
D. Dahil sila’y bata pa at di pa kayang kontrolin ang nararamdaman

28. Paano naipapakita ang marangyang pamumuhay ng mga Capulet?


A. Sa laki ng kanilang bahay.
B. Koneksyon nito sa pamahalaan.
C. Pagiging mapagmataas ng kanyang angkan.
D. Sa pamamagitan ng kanilang nakagawian at taong nakakasalamuha.

19
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

29. Paano inilalarawan ang kapangyarihan ng mga magulang sa dula?


A. Pagpapapatay sa minamahal ng anak.
B. Pagpili ng lalaking pakakasalan ni Juliet.
C. Pagbabawal kay Juliet na lumapit sa ibang lalaki
D. Pagbabawal kay Juliet na makikipahalubilo sa ibang angkan

30. Sa iyong palagay, wagas ba na pag-ibig ang namamagitan kina Romeo at Juliet? Bakit?
A. Hindi dahil bago pa lamang sila nagkakilala.
B. Hindi, dahil sila ay nasa murang edad pa lamang.
C. Oo dahil nagawa nilang pakasal na walang basbas ng mga magulang.
D. Oo dahil handa nilang ibuwis ang kanilang buhay sa ngalan ng pag-ibig.

Inihanda ni:

ARLENE A. LUCES
Gurong Mananaliksik

20
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

SUSI SA PAGWAWASTO SA PAUNA AT PANAPOS NA PAGSUSULIT

1. B
2. A
3. D
4. A
5. A
6. B
7. B
8. D
9. A
10. B
11. A
12. A
13. C
14. D
15. B
16. A
17. C
18. B
19. C
20. D
21. D
22. A
23. B
24. B
25. B
26. D
27. C
28. C
29. B
30. D

21
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON

Mga Kasanayang

Kinalalagyan
Pampagkatuto

Ebalwasyon
Aplikasyon
Paglalapat/
Pag-unawa

Pagtataya/
MELCs

Bahagdan

Pagsusuri
Kaalaman
ng Aytem

Pagbuo/
Sintesis
Nailalahad ang mga pangunahing
paksa at ideya batay sa
1-3 10% 3 1,2
napakinggang usapan ng mga
tauhan

Naihahambing ang mitolohiya


4-6 10% 4,5 6
mula sa bansang kanluranin sa
mitolohiyang Pilipino
Naibibigay ang puna sa estilo ng
7,11,
napakinggang tula 7-12 20% 8,9 10
12

Naipaliliwanag ang mga


kaugaliang binanggit sa kabanata
na nakatutulong sa 20%
13-18 13,18 16 14,17 15
pagpapayaman ng Kulturang
Asyano

Nasusuri sa diyalogo ng mga


19-21 10% 19,21 20
tauhan ang kasiningan ng akda

Naitatala ang mga salitang


22,23,
magkakatulad at magkakaugnay 22-24 10%
24
sa kahulugan

Nailalahad ang kultura ng lugar


27,28,
na pinagmulan ng kuwentong- 25-30 20% 26 25 30
29
bayan sa napakinggang usapan
ng mga tauhan

Kabuuan 30 100%

22
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Pangalan:_________________________________BaitangatPangkat________________Marka:_______

Ikalawang Markahan, Unang Linggo

Pagsasanay, MELC 1: Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng
mga tauhan (F10PN-IIa-b-71)
MELC 2: Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
(F10PU-IIb-73)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Sinabi ni Utgaro-Loki kay Thor, “Sa aking salita, ni hindi ka makakapasok


dito kung alam ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang magdulot ng
kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika.”

Halaw na bahagi ng Mitolohiya:


“Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante”

1. Alin sa sumusunod sng pangunahing paksa o ideya sa usapan?


A. Paggamit ni Utgaro-Loki ng mahika kay Thor upang malinlang dahil sa sobrang lakas nito.
B. May nagbabadyang unos sa buhay ni Thor.
C. Pagdulot ng kapahamakan ni Thor sa buong nasasakupan ni Utgaro-Loki.
D. Ang katalinuhan ni Thor ang kanyang nagging sandata sa pakikipaglaban.

2. Paano inilalarawan ang taglay na kapangyarihan ni Thor sa akda?


A. Pagkakaroon ng kakaibang lakas
B. Pagiging marupok sa mga kapahamakan
C. Pag-alis ng kapangyarihan ng ibang tao
D. Pagtanda nang mabilis

3. Bakit mahalagang matukoy ang pangunahing kaisipan o ideya sa isang akda?


A. Naipahahayag dito ang saloobin o damdamin ng may-akda.
B. Nakatutulong ito upang mapaunlad ang kakayahan sa talasalitaan ng isang mag-aaral.
C. Nagsisilbi itong tulay sa pakikipag-ugnayan ng mambabasa at ng may-akda.
D. Upang lubusang maunawaan ng mambabasa ang mensahe ng nagsasalita.

23
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Nababalot ng kababalaghan ang isang liblib na pook, sa isang kagubatan sa isang lugar
ng Marugbu, na pinaniniwalaan ng mga naninirahan doon na may isang diyosa o diwata ng mga
puting usa na nag-aanyo ring puting usa. Ang lugar na ito ay kakikitaan ng maraming hayop-
gubat at prutas, kaya maraming mga dayuhan ang nahahalina sa nasabing gubat.

Tinatawag na Rihawani ang dyosang ito, na nag-aanyong puting usa. Ang mga taong
naninirahan doon ay ingat na ingat at iniiwasang magawi sa nasabing kagubatan na
pinananahanan ni Rihawani. Dahil minsan ng may nakakita nito, nang may naligaw sa
pangunguha ng kahoy at mga prutas. Napadako ito sa pook ni Rihawani, at kitang kita nito sa
dalawang mata, kahit sa malayo ang kapansin pansing kagandahan ni Rihawani habang
nakikipag-usap sa mga usang puti na nasa kanyang paligid.

Isang araw may mga dayuhang napadako upang mangaso ng hayop-gubat. Naisipan ng isa
sa mga dayuhan ang hiwagang sinasabi ng mga nakatira sa lugar ng Marugbu at sinuway ang
bilin ng tagagabay. Napansin nito ang isang pangkat ng mga puting usa, binaril ang isa sa may
dakong kadawagan ng gubat.

Biglang nag-anyong isang napakagandang babae ang isang puting usa na naiiba sa lahat ng
mga puting usa. Nagalit ang diyosa at umusal ng sumpa.

Naging isang puting usa ang dayuhan at napabilang sa mga alagad ni Rihawani.

Buod ng “Rihawani”,mitlohiya mula sa Pilpinas


Filipino 10-Modyul para sa Mag-aaral

Pumunta sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante dahila ang mga higante ay kalaban
ng mga diyos sa Norse. Naglakbay sila ni Skymir isang uri ng higante, dinala nito sina Thor kay
Utgaro Loki ang hari ng mga higante, nakipag paligsahan sila dito upang malaman kung gaano
kalakas sina Thor, ngunit sila ay natalo sa mga paligsahan na kanilang sinalihan, pero ng totoo
ay nilinlang lang sila ni Utgaro Loki dahil walang kapantay ang lakas ni Thor at ayaw ni Utgaro
na may makatalo sa kanyang lakas.

Buod ng “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante”


Mitlohiyang kanluranin mula sa Iceland,
Filipino 10-Modyul para sa Mag-aaral

24
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

4. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan kapag pinaghahambing ang mitolohiyan


kanluranin sa mitolohiyang Pilipino?
A. Ang mitolohiyang kanluranin ay may salamangka samantalang ang mitolohiyang Pilipino ay
mga kuwento kuwento lamang.
B. Parehong nagtataglay ng mahika at nag-iiwan ng aral sa bawat mambabasa.
C. Kapwa kinapapalooban ng mga kapani-paniwalang kuwento na maaring gabay sa pang-araw-
araw na pamumuhay.
D. Ang mitolohiyang kanluranin ay nakasentro lamang sa kanilang tradisyon at paniniwala
samantalang ang mitilohiyang Pilipino ay sa pananampalataya.

5. Paano nagkakatulad ang mitolohiyag Pilipino sa mitolohiyang kanluranin?


A. Naging mapagmatyag sa bawat sandali ng pakikipaglaban.
B. Walang pinaniniwalaan at pinaglalaban.
C. Kawalan ng prinsipyo upang mapangalagaan at maipagtanggol ang sarili.
D. May pagpapahalaga sa kanilang nasasakupan at ipaglalaban ito sa abot ng kanilang makakaya.

ARLENE A. LUCES
Pangalan at Lagda ng Guro

______________________________ ________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

25
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Pangalan:________________________________Baitang at Pangkat________________Marka:_________

Ikalawang Markahan, Ikalawang Linggo

MELC 2: Nailahahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kwentong bayan sa


napakinggang usapan ng mga tauhan (F10PN-IIa-b-72)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga piling usapan na halaw sa dulang Sintahang Romeo at Juliet.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

JULIET: Pag-aasawa’y isang karangalang hindi ko pinapangarap.


Bata pa sa gulang kong labing-apat, banggit ni ina,
Mga dalaga dito ay nagiging ina na.
Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-guwapo?
Maiibig ko ba ang ginoo?
Hangad ng magiting na ito, ang pag-ibig ko.
Sa piging mamayang gabi, siya’y makikita ko.
Sa pagbasa ng aklat ng kay Paris na mukha,
Sana nga ay matagpuan ang itinitik ng kagandahang tuwa;

ROMEO: Siya ba’y Capulet?


O kay samang kapalaran!
Ang buhay ko’y utang ng aking kaaway.
Ito na ang ikinatatakot ko, lalo akong hindi mapalagay.

JULIET: O Romeo, Romeo!


Itanggi ang iyong ama’t ang pangala’y itakwil mo!
O kung hindi, isumpa mong ako’y iniibig,
At hindi na ako magiging Capulet

ROMEO: Iiwanan mo ba akong ganitong di nasisiyahan?

JULIET: Anong kasiyahan ang maaari mong ngayon ay makamtan?

ROMEO: Magpalitan tayo ng tapat ng sumpa ng pag-ibig.

PADRE: Pagpalain ng langit itong banal na gagawin upang pagkatapos ang pagsisisi’y huwag
nating kamtin.

26
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

ROMEO: Amen, Amen, ngunit ano man ang lungkot na darating


Ang kagalakan kong matatamo’y hindi dadaigin
Sa sandaling siya’y aking masilayan.
At ang kamatayang salot sa pag-ibig, bayaang dumating
Kasiyahan ko nang siya’y maging akin.

PADRE: Madali nating tatapusin na,


Pagkat di kayo nararapat bayaang nag-iisa

JULIET: Huwebes ng umaga!


Ako’y namamangha sa pagmamadali,
Ako’y pakakasal sa isang taong di pa man nanliligaw.
Hay, ama at ina ko, isang salita ko sana’y dinggin.
Di ako nagmamalaki ngunit nagpapasalamat
Di maipagmamalaki ang kinapopootan ng lahat,
O, matamis kong ina, h’wag akong talikuran!
O kung hindi ay ihanda ang aking kamang pangkasal
Sa madilim na libingan kay Tybalt na hinihigan.
Ako’y tutungo kay Padre Laurence na silid,
Upang ikumpisal ang kay Tatay na ikinagalit

ROMEO: O mahal ko! O asawa ko!


Ang kamatayang humigop ng pukyutan ng iyong hininga
Sa takot na ganito nga, ako’y titigil sa iyong piling,
Dito, dito na ako tatahan
Kasama ng mga uod na iyong utusan.
O dito ko gaganapin ang pamamahingang walang hanggan
Mga mata; katapusang yakap, mga kamay; hayo na’t tatakan
Mga labi ng makatarungang halik, sa pintuan ng hininga
Ang kasunduan namin ni kamatayang walang hanggan!
Halika na, aking tagaakay na mapait at hindi mainam
(Iinumin ang lason.)
O tapat na butikaryo! Mabisa ang lason.
Matapos ang isang halik, mamamatay ako.

(Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising mula sa hiram na kamatayang sinapit ni Juliet.)

JULIET: Ano ito? Lason, nakita ko, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
O, inubos niya at walang nalabi kahit kapatak man lamang upang tumulong sa akin?
Hahagkan ko iyong labi baka sakaling may lason pang natira kahit konti
Upang ang gamot na halik ay lumagot sa buhay kong sawi.
Oh, mabuting balaraw!
Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka riya’t bayaang ako’y mamatay
(Sasaksakin ni Juliet ang kaniyang sarili.)
Halaw na bahagi ng dula: 27
“Sintahang Romeo at Juliet”
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

1. Ipinagkasundo ni Lord Capulet si Juliet sa isang maharlikang si Paris. Walang nagawa si Juliet kahit
tumutol siya sa ama. Mailalarawan si Lord Capulet na___
A. Mapagmahal sa anak
B. Makapangyarihan sa angkan
C. Maingat sa kanyang kayamanan
D. Walang pakialam sa nararamdaman ng anak

2. Sa pagpayag na maikasal sina Romeo at Juliet, paano inilalarawan si Padre Lawrence?


A. Hindi nag-iisip sa girian ng dalawang pamilya.
B. Handang tumulong sa sinumang nangangailangan.
C. Konsintidor dahil Kinukunsinti ang desisyon ng magkasintahan.
D. Umaasang sa pamamagitan nito ay maresolba ang sigalot sa pagitan ng pamilya ni Juliet at
pamilya ni Romeo.

3. Ang mga sumusunod ay mga kulturang makikita sa Sintahang Romeo at Juliet maliban sa isa.
A. Paniniwala sa wagas na pag-ibig.
B. Pagdiriwang ng Pasko kasama ang Pamilya.
C. Alitan sa Pagitan ng mga mahaharlikang angkan.
D. Paggamit ng kapangyarihan ng magulang sa mga anak.

4. Sa palagiang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan , alin sa sumusunod ang kulturang ipinapakita?
A. Pagiging maka-Diyos
B. Pagsuway sa mga magulang
C. Pagpapahalaga ng relihiyon
D. Pagkapit sa simbahan sa panahon ng suliranin

5. Sa iyong palagay, wagas ba na pag-ibig ang namamagitan kina Romeo at


Juliet? Bakit?
A. Hindi dahil bago pa lamang sila nagkakilala.
B. Hindi, dahil sila ay nasa murang edad pa lamang.
C. Oo dahil nagawa nilang pakasal na walang basbas ng mga magulang.
D. Oo dahil handa nilang ibuwis ang kanilang buhay sa ngalan ng pag-ibig.

ARLENE A. LUCES
Pangalan at Lagda ng Guro

______________________________ ________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

28
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Pangalan:______________________________Baitang at Pangkat________________Marka:_________

Ikalawang Markahan, Ikatlong Linggo

Maikling Kuwento
Pagsasanay , MELC 1: Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan.
(F10PT-IIe-73)
MELC 2: Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda( F10PN-IIe-73)

Para sa bilang 1 at 2.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Kilalanin ang mga salitang magkakatulad at
magkakaugnay sa kahulugan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Piso at walumpu’t pitong sentimos. “Iyan lang,” anas ni Della sa kanyang sarili. Talagang
wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing sopa at magpalahaw. Subalit
tinapos niya ang kanyang pag-iyak dahil sumisigaw ang kanyang puso ng isang pang-
aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak.

Bagaman sa huli, kapwa sila nalungkot dahil nawalan ng saysay ang kanilang mga alay
para sa isa't isa, nakuntento naman sila pareho sa mga natanggap nilang mga handog, dahil
kumakatawan ang mga ito sa kanilang pagmamahalan bilang mag-asawa.

1. Alin sa sumusunod ang salitang magkasingkahulugan sa pangungusap?


A. kapwa-mag-asawa B. saysay-alay
C. handog-alay D. pamamahalan-kumakatawan

2. Sa unang talata, paano ipinakita ang tindi ng damdamin ng pangunahing tuhan?


A. Sumisigaw C. Anas
Palahaw Sumisigaw
Anas Palahaw

B. Palahaw D. Anas
Anas Palahaw
Sumisigaw Sumisigaw

Para sa bilang 3 hanggang 5


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang diyalogo ng mga tauhan sa bawat kahon na halaw sa Maikling
Kuwentong Aginaldo ng mga Mago. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin,Delia” ang wika niya. “Sa palagay ko’y walang
makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil lamang sa buhok o sa pabango, o ano
pa man.”

29
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

3. Sa diyalogong binitawan ng tauhan, alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kanyang tunay na


katauhan?
A. Maligaya siyang nakakita sa kanyang asawa kahit iba na ang kanyang postura.
B. Mapagmalasakit kahit hindi sila ganoon kayaman.
C. Tunay at wagas ag kanyang pagmamahal sa asawa dahil hindi ito nasusukat ng anumang
bagay o pisikal na kaanyuan.
D. Mapagkumbabang asawa dahil sa malumanay nitong pakikipag-usap.

“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng pagsasalita.
“Ipinaputol ko at ipinagbili, ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit na putol ang aking
buhok? Akin na ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang
kadena. ”

“Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang na
gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili ng mga suklay para sa
iyo.”

4. Batay sa dayalogo na nakapaloob sa kahon, paano ipinamalas ng mga tauhan ang masidhing
pagmamahal sa isa’t isa?
A. Isinakripisyo nila ang pinakamahahalagang ari-ariang pinakaiingatan.
B. Hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakamali.
C. Pinatunayan nila na pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa pasko.
D. Binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilang kahirapan.

5. Naging mapanghamon ba ang waka ng kuwento? Patunayan.


A. Hindi, dahil walang problemang kinaharap ang mga tauhan.
B. Hindi, dahi nasulusyunan naman nila ang mga suliranin.
C. Oo, dahil inaakala ng dalawa na manghihinayang sila sa mga bagay na ibinigay nila sa isa’t
isa dahil hindi nila ito magagamit pero dahil sa tunay na pagmamahalan ito’y tinaggap nila
ng taos-puso.
D. Oo, dahil ang mga bagay na kanilang ibinenta para lamang may mairegalo sa isa’t isa ay
nagpapakita ng pagiging mapagbigay.

ARLENE A. LUCES
Pangalan at Lagda ng Guro

______________________________ ________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

30
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Nobyembre 22, 2021

RIZALINA L. BARRUELA
Punongguro II
David Moises Memorial High School
Balit, Mamabusao, Capiz

Gng. Barruela:

Pagbating puno ng pagpapala ang nawa’y patuloy na sumainyo.

Ako po ay humihingi ng pahintulot sa inyong tanggapan na magsagawa ng isang kilos pananaliksik


sa ating paaralan hinggil sa “Metakognitibong Istratehiya sa Paglinang ng Kasanayan sa Pag-unawa sa
Pagbasa ng mga Aralin sa Panitikang Pilipino”

Inaasahan ko po ang inyong positibong katugunan sa aking kahilingan.


Marami pong salamat at Mabuhay!

Lubos na gumagalang,

ARLENE A. LUCES
Gurong Mananaliksik

Pinagtibay:

RIZALINA L. BARRUELA
Punongguro II

31
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Disyembre 17, 2021

Mr./Mrs:___________________,

Maayong Adlaw!

Bilang isa ka manunudlo kag sandigan sang eduaksyon sang David Moises Memorial High School,
boot ko ipahibalo sa inyo nga ang imo bata nga si _________________magapaidalum sa akon action
research nga “Metakognitibong Istratehiya sa Paglinang ng Kasanayan sa Pag-unawa sa Pagbasa ng
mga Aralin sa Panitikang Pilipino” kag akon pagakuhaon ang resulta sang ila Pre-test, Post-test kag
Weekly Quizzes sa subject nga Filipino 10.

Ini maga umpisa sa Enero asta Pebrero sa sunod nga tuig (2022). Gani, guinahinyo ko gid ang inyo
pagsuporta sa inyo kabataan pakadto sa mabinungahon nga resulta sini nga pagtuon.

Madamo gid nga salamat!

Ang matinahuron,

ARLENE A. LUCES
MT-I/ Researcher

Ginkompirma:

RIZALINA L. BARRUELA
Principal II

32
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

MGA KUHANG LARAWAN SA PAGSAGAWA NG AKSYON RISERTS

Paghingi ng pagsang-ayon at suporta ng mga


Oryentasyon sa mga magulang magulang sa kilos pananaliksik

Pagpapadala ng mga panlunas na gawain Pagsagot ng mga mag-aaral sa mga panlunas


na gawain

33
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph

Pagbabahaginan ng ideya at opinyon sa kapwa


mananaliksik, punongguro at tagapag-uganay sa Kilos
Pananaliksik

Paghingi ng suhestiyon at pahintulot


sa punongguro

Masusing pag-aanalisa ng mga datos

34
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. No./Fax No. (036) 6210974
E-mail: capiz@deped.gov.ph | http://depedcapiz.ph
























35

You might also like