Professional Documents
Culture Documents
EM 103 A - WEEK 3 - Pagtuturo NG Filipino Sa Elementarya
EM 103 A - WEEK 3 - Pagtuturo NG Filipino Sa Elementarya
EM 103 A - WEEK 3 - Pagtuturo NG Filipino Sa Elementarya
• Pasulat
a. Kahulugan at kahalagaan ng pagsulat
b. Kasanayan at Proseso ng pagsulat
• Pagbasa
• Panonood
BILANG NG LINGGO: 3
ORAS NA ILALAAN: 3 oras
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang kahulugan at kahalagaan ng pagsulat;
2. Nalalaman ang mga nilalaman at kahalagahan ng bawat kasanayan sa buhay ng tao;
PAMPAGKATUTONG NILALAMAN
MAKRONG KASANAYAN
Introduksyon
Ang epektibong pagpapahayag ng kaisipan, saloobin, naisin, at damdamin ay isang
mahalagang proseso sa pakikipagtalastasan. Ang pangunahing kasangkapan upang
maisakatuparan ang matagumpay na pakikipagtalastasan ay paggamit ng wika. Dito
nakasalalay ang tagumpay ng anumang propesyon sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
Nilalayon ng artikulong ito na malaman at maipaliwanag ang lima na makrong-kasanayan:
ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
Pagtatalakay
A. PAGSULAT
• Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit
na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).
• Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat
katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng
pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat
upang makapagpahayag.
• Bumubuo siya ng makahulugang salita mula samga titik, at ng mga pangungusap at
kabuuang diskors mula sa mga salita.
• Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga
bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat
ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at
karanasan.
• Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito
sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo. Nagsusulat ang isang tao
upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok sa mambabasang
sumulat nang makabuluhan.
• Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:
a. Kahalagahang Panterapyutika Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay
mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala.
Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng
isang mabigat na dalahin.
b. Kahalagahang Pansosyal Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang
katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang
magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama,
isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang
mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang
saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
c. Kahalagahang Pang-ekonomiya Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y
mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang- araw-araw na gawain
niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na
deadline.
d. Kahalagahang Pangkasaysayan Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng
ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga
sumusunod na henerasyon.
SANGGUNIAN:
1. Habang may Papel at Tinta, (2015) Makrong kasanayan, Retrieved from
https://cyanobacterias.wordpress.com/2015/02/08/hello-again/
2. Gallo, R.V, Mendoza, R.M.,&Sultan, R.P. (2020), Modyul para sa Pagtuturo ng Filipino sa
Elementarya I (Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino);Rex Publishing Bookstore
3. Oliverio, D. (2015) Makrong kasanayan sa Wika: Pagsulat at Pagbas, Retrieved
from https://www.slideshare.net/dawnnah/makrong-kasanayan-sa-wika-pagsulat-at-
pagbasa
GAWAIN PAMPAGKATUTO
Modyul 1
PANGKALAHATANG DIREKSIYON
1. Ang mga kasagutan ay maaaring isulat sa buong papel o sa Bond Paper kasama ang
inyong buong pangalan, program at taon, kowd at titulo ng kurso.
2. Ito ay kukuhanan ng malinaw na larawan gamit ang Cam Scanner.
3. Isusumite ang sa pamamagitan ng Microsoft Teams (Assignment Tab)
4. Maaari rin itong isumite na encoded at may file name na < Huling Pangalan, unang
Pangalan>< Learning Task>< FIL 002>
Hindi naipaliwanag ng maayos ang mga pahayag at hindi angkop ang mga salitang 14 puntos
ginamit.
Nasagutan ang sanaysay ngunit walang kaayusan. 10 puntos