Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

DOLE 'aprub' sa boluntaryong face masks sa pribadong sektor

MANILA, Philippines — Papayagan na ng Department of Labor and Employment


(DOLE) ang optional na pagsusuot ng face maskslaban sa COVID-19 sa lugar ng
trabaho kahit sa indoor settings, ito matapos maglabas kagawaran ng mga panuntunan
kaugnay nito.

Sa kanilang Labor Advisory 22, Miyerkules, inilinaw ng DOLE ang guidelines patungkol


sa "voluntary wearing of masks in workplaces." Ito'y kasunod pa rin ng pinirmahang
Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
"This Advisory shall cover all workers and workplaces in the private sector," wika ng
dokumentong pinirmahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma noong Miyerkules.
"The wearing of face masks in workplaces shall be voluntary."

Sa kabila nito, obligado pa rin ang lahat ng mga manggagawa't empleyado na mag-face
masks sa loob ng:

 healthcare facilities (clinics, hospitals, laboratories, nursing homes, dialysis


clinics)
 medical transport vechicles gaya ng ambulansya at paramedic rescue vehicles
 pampublikong transportasyon

Ineengganyo pa ring magsuot ng face masks ang mga bulnerableng sektor kabila na
ang:

 nakatatanda
 immunocompromised
 hindi bakunado laban sa COVID-19
 may sintomas ng COVID-19
 mga may comorbidities
 buntis

Maaari ring magpatupad ang employers at kanilang mga tauhan ng patakarang nag-
oobliga sa face masks lalo na kung isinasang-alang-alang ang peligro sa mga enclosed
spaces, poor ventilation. Pwede ring dahilan ang industry requirements gaya ng food
safety at kung magkaroon ng kaso ng nakahahawang sakit gaya ng trangkaso at
tuberculosis.

"Employers and their workers have a shared responsibility to ensure safe and healthful
working conditions in accordance with the provisions of the Labor Code of the
Philippines, as amended, Republic Act No. 11059, and minimum public health
standards," dagdag pa ng DOLE.

Ika-1 lang ng Nobyembre nang ibalita ng Department of Education na gagawin na lang


ding boluntaryo ang pagsusuot ng face masks sa mga paaralan kahit na sa mga indoor
facilities, bagay na hindi kinontra ng Department of Health.
Ito'y kahit na hindi pa pwedeng bakunahan laban sa COVID-19 ang mga estudyanteng
4-anyos pababa. Ang lahat ng ito ay nangyayari ngayong nakapasok na ng Pilipinas
ang mas nakahahawang Omicron XBB subvariant at XBC variant.
Aabot na sa 4 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula noong 2020.
Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 64,145 katao.

Dating bilanggo todas sa ambush sa


Rizal
MANILA, Philippines — Kaagad na binawian ng buhay ang isang lalaki, na
dati na umanong nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga,
nang tambangan at pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin habang lulan ng
kanyang motorsiklo sa Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay nakilala lamang na si John Paul Perante habang mabilis
namang nakatakas ang ‘di kilalang salarin bitbit ang baril na ginamit sa
krimen.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay Municipal Police, dakong alas-


8:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Block 3, Mapamaraan St.,
Secondary Road, Purok 4, Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana, sa Taytay.

Minamaneho umano ng biktima ang kanyang kulay itim at pulang motorsiklo


na may plakang 5522 UX, at binabagtas ang kahabaan ng Secondary Road
ng Lupang Arenda, nang bigla na lang siyang lapitan ng salarin, at kaagad na
pinagbabaril na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Narekober umano sa kaliwang kamay ng biktima ang isang plastic sachet na


naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.
Balik-F2F classes sa NCR, payapa,
tagumpay - NCRPO
MANILA, Philippines — Naging payapa at matagumpay umano ang
pagbabalik ng  face-to-face classes   sa iba’t ibang paaralan at campuses sa
Metro Manila, ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO)
Director, P/BGen Jonnel Estomo.

Sinabi ni Estomo na bukod sa pagbabantay laban sa kriminalidad, tiniyak rin


nila na nasusunod ang Minimum Public Health Standard (MPHS) protocols.

Tinatayang nasa 5,000 uniformed personnel kabilang ang mga “force


multipliers” ang ikinalat sa 1,212 paaralan sa rehiyon.

Nasa 440  Police Assistance Desks (PADs) na tinatauhan ng 1,033 pulis ang
itinatag malapit sa pasukan ng mga campuses sa koordinasyon sa
Department of Educations (DepEd)
“In addition, COVID-19 patrollers were also deployed inside the school
premises to asure that MPHS like wearing of face mask and social distancing
are observed,” saad pa ni Estomo.

Hinikayat ni Estomo ang sinumang nangangailangan ng tulong na huwag


mag-aatubiling lumapit sa mga pulis para sa kanilang “security concern” dahil
sa lagi umano silang handa na tumulong at mapanatag ang loob laban sa
mga masasamang-loob.

PNP naka-full alert pa rin hanggang


Nobyembre 4
MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na
mananatili silang full alert status hanggang Nobyembre 4 para sa dagsa ng
mga magbabalik mula probinsiya kasabay ng mandatory face-to-face classes
na nagsimula ngayong araw.
Ayon kay PNP Spokesman PColonel Jean Fajardo, magsasabay ang pag-uwi
sa Metro Manila ng mga nagbakasyon gayundin ang mga estudyante na
mayroon nang F2F kaya kailangan ang police visibility sa lahat ng lugar.
“Ang ating concentration ngayon ng ating deployment, particularly ito ngang
inaasahan nating simula ng face-to-face classes ay dito sa Metro Manila.
Kaya iyong ating full alert status ay mananatili hanggang Nov. 4,” ani Fajardo.

Sinabi ni Fajardo na maglalagay ng mga police assistance desks malapit sa


mga paaralan upang masiguro ang seguridad ng mga estudyante at
magulang, gayundin ng mga school personnel.

Sa ilalim ng Department of Education Order (DO) No. 44, ay oobligahin na


ang mga pampublikong paaralan na magpatupad ng full in-person classes

Binigyan diin ni Fajardo, desisyon na ng mga  regional directors kung dapat


pang palawigan ang heighten alert sa kani-kanilang nasasakupan.

Malaki ang kanilang pasasalamat sa tulong ng mga force multipliers sa


pagbibigay seguridad sa sementeryo at columbaria nitong Undas.

Umaabot sa 40,762 ang ipinakalat ng PNP ngayong Undas.

520 toneladang barya ‘pinagretiro’ ng


BSP
MANILA, Philippines — Halos 520 metriko toneladang mga barya na ang
pinagretiro upang hindi na magamit sa merkado ng Bangko Sentral ng
Pilipinas (BSP) nitong Setyembre at Oktubre 2022.
Sinabi ng BSP na nasa 519.93 metriko tonelada ang iniretiro nila dahil sa
pagiging “unfit, demonetized, mutilated and counterfeit (UDMC) coins”.  Ito ay
upang mapanatili rin ang intergridad ng Philippine currency.

Sa naturang bilang, 70 porsyento o 364 tonelada ang “unfit”, 25% o 128 to-
nelada ang “mutilated” o sira na, 4% o 21 tonelada ang counterfeit o peke, at
1% o 7 tonelada ang “demonitized’ o wala nang halaga.

ADVERTISING
Isasailalim sa “coin defacement” ang mga ito para mabago ang ibabaw ng
barya upang hindi ma muling mapaikot sa merkado.  Maaari namang mai-
recycle ang mga “decafed coins” sa iba’t ibang gamit base sa sangkap na
bumubuo dito.

“This will ensure that only fit and legal tender banknotes and coins are
circulated and used to purchase goods and services,” saad ng BSP.

MMDA nagbabala sa pekeng info sa


implementasyon ng NCAP
MANILA, Philippines — Nagbabala ang Metropolitan Development Authprity
(MMDA) sa publiko laban sa kumakalat na pekeng impormasyon  sa social
media patungkol sa implementasyon ng No Contact Apprehension Policy
(NCAP).
Pinapatungkulan ng MMDA sa kanilang babala ang social media posts na
nagsasabing muling ipapatupad ang NCAP sa darating na Nobyembre 15.

“Peke po yan at hindi yan galing sa MMDA”, ayon sa ahensya sa kanilang


inilabas na advisory. Magugunitang nag-isyu ang Korte Suprema ng
temporary restraining order (TRO) laban sa NCAP na ipinatupad na noon ng
ilang local government  units sa Metro Manila.

ADVERTISING
Ito matapos namang magharap ng petisyon sa SC ang ilang transport group
at inidibiduwal na kumukuwestiyon sa NCAP.

Sa Disyembre 6 pa naitakda ng SC ang oral arguments ukol dito.

“Huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe. Mabuting alamin


muna ang pinanggalingan ng impormasyon o iberipika mula sa mga
lehitimong sources,” ayon pa sa MMDA.
3 patay sa Undas sa Quezon
CAMP NAKAR, Lucena, Philippines — Tatlo ang  namatay sa lalawigan ng
Quezon habang idinaraos ang Undas, ayon sa ulat ng Quezon Police
Provincial Office (QPPO ).
Sinabi ni  QPPO Director PCol. Ledon Monte, dakong alas-11:40 ng tanghali
nang madiskubreng lumulutang sa ilog ng Sitio Kuta, Barangay Ayusan 1,
Tiaong, Quezon ang walang buhay na katawan ni Jerlyn Burgos, 42, ng San
Antonio, Quezon. Nadiskubreng may tama ng punglo  sa ulo ang biktima.

Naliligo naman sa dagat na sakop ng Sitio Aplaya, Barangay Bignay 1,


Sariaya,Quezon si Patricia Rosales, 20, dalaga, ng Candelaria, Quezon nang
tangayin ito ng alon patungo sa malalim na parte hanggang pulikatin dakong
alas-3:15 ng hapon. Sinubukan pa siyang sagipin ng kapatid na si Stephanie,
gayunman, pareho na silang lumubog sa tubig.

Tiyempo namang dumaraan ang isang mangingisda at sinagip ang


magkapatid na Rosales saka dinala sa ospital subalit idineklarang dead-on-
arrival si Patricia habang si Stephanie ay patuloy na nilalapatan ng lunas.

Tinangay naman ng malakas na agos hanggang sa malunod sa sapa si Aven


Lance Pan Nollora, 14 ng Purok Ilang-ilang, Barangay Canda Ibaba, Lopez,
Quezon dakong alas-5:00 ng hapon.

Lumalabas na inutusan ang biktima ng kanyang ina na bumili sa tindahan ng


pansahog sa lulutuin nitong pang-ulam subalit hindi na ito nakabalik.

Nadiskubre na lamang ng mga residente ang biktima na nakalutang sa sapa


dakong alas-9:00 ng gabi.
PNR train, nadiskaril, ilang biyahe,
naantala
MANILA, Philippines —  Isang tren ng Philippine National Railways (PNR) ang
nadiskaril sa bahagi ng Maynila, na nagresulta rin sa pagkaantala ng ilang
biyahe ng naturang rail line.
Batay sa advisory ng PNR dakong alas-6:25 ng umaga, ng  maganap ang
insidente ng derailment sa Magsaysay Crossing sa Sta. Mesa.

Ipinaliwanag ni PNR General Manager Joseline Geronimo na ang


pagkadiskaril ay sanhi ng nakalipas na bagyo at walang tigil na malalakas na
pag-ulan, na nagpalambot sa lupang kinalalagyan ng riles.

ADVERTISING
Ayon kay Geronimo, may sakay na 120 pasahero ang nadiskaril na tren at
nasa maayos naman ang lagay ng mga ito. Samantala, sa isang tweet, sinabi
ng PNR na kabilang sa mga naapektuhang biyahe nila ay ang mula sa
Tutuban patungong Alabang, Bicutan, at Biñan, at pabalik.

Retiradong sundalo nagwala, nanutok


ng baril, arestado
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police
District (QCPD) ang isang retiradong sundalo matapos umanong magwala at
manutok ng baril sa Novaliches, Quezon City, nabatid kahapon.
Nakilala ang nadakip na si Jose Stevenson Tarectecan Padama, 57, retired
army, at residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ng maaresto ang suspek sa may 


San Nicasio St., Villareal, Brgy. Gulod, Novaliches.

Kasalukuyan umanong nag-iinuman ang complainant na si Jercio Enolva,


kasama ang kanilang mga kapitbahay, nang bigla na lang sumulpot si
Padama, na sinasabing nasa impluwensiya umano ng alkohol.
Lumikha umano ng gulo ang suspek at nagpakita ng kagaspangan ng ugali,
saka nagmumura na nagdulot ng takot at tensiyon sa lugar.

Maya-maya ay umalis umano ang suspek ngunit matapos ang ilang minuto ay
muling bumalik na armado pa ng ‘di pa batid na kalibre ng baril.

Kinumpronta umano ng suspek si Enolva at tinutukan pa ng baril, kaya’t sa


takot ay kaagad itong nagtatakbo at humingi ng tulong sa kanilang mga
kapitbahay.

Tinangka umanong payapain ng mga residente sa lugar ang biktima ngunit sa


halip na magpaawat ay nagpaputok pa umano ito ng baril at saka tumakas.

Kaagad namang ini-report ng mga residente sa Barangay Gulod at sa PS 4


ang pangyayari, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa isang follow-
up operation sa harapan ng kanyang bahay.

Narekober sa suspect  ang isang fired cartridge case ngunit hindi nabawi ang
baril na ginamit nito sa pamamaril

Caterpillar ride sa carnival nasira, 3


sakay tumilapon
MASINLOC, Zambales, Philippines — Sugatan ang tatlong katao kabilang
ang isang 2-taong gulang na batang lalaki makaraang masira ang upuan ng
sinasakyan nilang caterpillar coaster ride sa isang carnival sa Barangay South
Poblacion ng bayang ito kamakalawa.
Kinilala ang mga sugatan na sina Rosalinda Ulao, 24-anyos; batang itinago sa
pangalang Gero; kapwa residente ng Barangay Bani, Masinloc at Carla Mae
Calbonge, 23-anyos, ng Sitio Mandaloy, Barangay Taltal sa nasabi ring
bayan.

Ayon sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang mangyari ang insidente. Habang sakay
ang tatlong biktima nang bilisan ng operator ng RUF Carnival na si Jay-Ar
Salvador, 22-anyos ng Barangay Abogado, Paniqui, Tarlac, ang ikot ng
caterpillar ride hanggang sa makalas ang kinauupuan ng tatlo kaya sila
tumilapon palabas ng nasabing ride.

Kaagad namang isinugod ng mga taong sumaklolo ang tatlo sa health center
para sa agarang lunas.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Physical


Injuries si Salvador.

Boluntaryong pagsusuot ng face


mask sa classrooms, ipatutupad
MANILA, Philippines — Nakatakda na ring ipatupad ng Department of
Education (DepEd) sa mga silid-aralan ang boluntaryong pagsusuot ng face
mask laban sa COVID-19.
Kasunod ito nang kautusang inilabas ng Malacañang noong nakaraang linggo
na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor
spaces.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, maglalabas sila ng amendatory


department order (DO) hinggil dito.

“We will follow [Executive Order No.] 7 and issue an amendatory [department
order],” pahayag ni Poa nitong Martes.

Una nang inaprubahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang boluntaryong


pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor areas, sa gitna nang patuloy
na banta ng  COVID-19.

Ngayong araw naman, Nobyembre 2, ipatutupad na sa mga public schools


ang limang araw na face-to-face classes, alinsunod sa kautusan ng DepEd,
maliban sa mga paaralang sinalanta ng bagyong Paeng, gayundin ang
ginagamit pa bilang evacuation centers.

Ang mga private schools naman ay una nang pinahintulutan ng DepEd na


magdaos ng blended learning, full face-to-face classes o full online learning.
Inflation, record breaking ngayong
Oktubre - BSP
MANILA, Philippines — Nakikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na
maaaring malagpasan ng inflation ngayong buwan ang mga rekord sa loob ng
13 taon dahil sa malaking pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin
ngayon.

Sinabi ng BSP na maaaring umabot sa 7.1%-7.9% ang inflation sa pagtatapos


ng buwan na mas mataas sa 6.9% na naitala noong Setyembre.
Nangangahulugan din nito na malalagpasan nito ang target na 2%-4% na
target sa loob ng pitong magkakasunod na buwan.

Kung maitatala sa 7.9%, malalagpasan nito ang 7.2% rekord noong Pebrero
2009 sa gitna ng “global financial crisis”.

Itinutulak ang inflation ngayong buwan ng mas mataas na presyo ng


pamasahe sa pampublikong transportasyon, mas mataas na presyo ng
petrolyo, mas mataas na produktong agrikultura dahil sa pananalasa ng
bagyo, at pagbulusok ng halaga ng piso, ayon pa sa BSP.

Lumagapak ang piso sa “all-time high” na P59 kada $1 ngayong buwan, ang
pinakamasamang palitan kontra dolyar. Nagsara ito nitong Biyernes sa
P57.48:$1.

Inaasahan naman na bababa ang inflation sa mga susunod na buwan dahil sa


pagbaba sa electricity rates ng Meralco, nakikitang pagbaba ng presyo ng
petrolyo, at mas mababang presyo ng isda.
5 miyembro ng pamilya dedo sa
aksidente
MANILA, Philippines — Patay ang limang miyembro ng pamilya nang salpukin
ng isang kotse ang kanilang sinasakyang tricycle sa Barangay Sucsuquen,
Piddig, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Eduardo Burgos, 41; anak na sina Eljay at


Liam at mga biyenang sina  Tranquilino at Zenaida Balino.

Dead-on-the spot si Eduardo at mag-asawang Balino habang idineklarang


dead-on-arrival sa Piddig District Hospital sina Eljay at Liam.

Ayon kay Lt. Rudy James Jacalne, hepe ng Piddig Police, papauwi na ang
mga biktima sa Brgy. San Jose, Sarrat mula sa pakikipaglamay sa kamag-
anak sa Piddig nang maganap ang insidente.

Nawalan umano ng kontrol si Jonathan Pacaro na driver ng itim na Toyota


Vios nang mag-overtake sa sinusundang sasakyan at masalpok ang tricycle
ng mga biktima.

Sinabi ni Jacalne, wasak na wasak ang tricycle bunsod ng malakas na


pagkakasalpok ng kotse. 

Lumilitaw na lasing si Pacaro nang maganap ang insidente. Siya ay nasa


kustodya na ng pulisya at nahaharap sa mga kasong reckless imprudence
resulting in multiple homicides, property damage, at paglabag sa Anti-Drunk
Driving Act. 
5-storey apartment type na puntod,
gumuho sa Aklan
MANILA, Philippines — Gumuho ang 5-storey na mga puntod kaya walang
naabutan ang mga pamilya ng yumao na dumalaw kahapon dito sa Araw ng
mga Patay kahapon sa Aklan.

Ayon kay Engr. Hermie Seraspi, municipal engineer ng lokal na pamahalaan


ng Banga, posibleng sanhi ng katatapos lamang na bagyo ay lumambot na
ang pundasyon ng may 15 puntod.

Kaagad naman nagsagawa ng clearing operation ang mga awtoridad at


pansamantalang inilipat ang mga nahukay na kabaong.

Nagsagawa rin ng disinfection ang Municipal Disaster Risk Reduction


Management Office (MDRRMO) Banga para maiwasang malanghap ang hindi
kanais-nais na amoy mula sa ibang kabaong na sariwa pa dahil ang iba ay
dalawang buwan pa lamang naililibing.

Mahigpit na rin ipinagbabawal ng mga awtoridad ang lumapit sa gumuhong


mga puntod para maiwasan ang aksidente.

Dismayado naman ang mga kaanak na dumalaw pagdating sa public


cemetery dahil sa sinapit ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Umaasa
silang agad na magagawan ng paraan ng LGU ang problema bilang respeto
sa mga namayapa.
Quezon City humakot ng parangal
mula sa government agencies
ANILA, Philippines — Humakot ng ibat-ibang parangal ang Quezon City mula
sa national government agencies, kabilang na ang 2022 Seal of Good Local
Governance award mula sa Department of the Interior and Local Government
(DILG).
Ang QC ay isa sa limang lungsod sa Metro Manila na tumanggap ng parangal
mula sa   (DILG).

“We are humbled and honored by the DILG’s recognition. This would further
inspire the city government to work even harder to further improve our
governance and enhance the delivery of services to our constituents,”
pahayag ni MayorJoy Belmonte.

Nakopo rin ng  Quezon City ang parangal noong 2019 bago pa man ang
pandemya.

Ang  Seal of Good Local Governance ay isang  award, incentive at


recognition-based program para sa lahat ng  local government units (LGUs)
para mapagbuti pa ang progreso at ang  performance hinggil sa financial
administration; disaster preparedness; social protection and sensitivity
program; health compliance and responsiveness; programs for sustainable
education; business friendliness and competitiveness; safety, peace and
order; environmental management, tourism, heritage development, culture
and arts; at youth development.

Naibuslo rin ng QC ang iba’t ibang awards mula sa  DILG-National Capital
Region (NCR) sa ginanap na 2022 Urban Governance Exemplar Awards.

Tumanggap din ng pagkilala ang QC bilang top performers sa ilalim ng  Liquid
Waste Management Cluster at  Informal Settler Families Cluster dahil sa
mahusay na  pagkakaloob ng serbisyo sa mga kabataan noong  2019 at
2021.
Una nang kinilala ang QC bilang No. 1 city  sa Pilipinas sa larangan ng  local
revenue generation sa apat na sunud-sunod na taon kaya’t ginawaran sila ng
Hall of Fame award mula sa Department of Finance-Bureau of Local
Government Finance (DOF-BLGF).

Bangkay ng 2 babae, nadiskubre sa


bangin
STAR/ File

TUBA, Benguet, Philippines — Dalawang ‘di kilalang babae ang nadiskubre


ng mga awtoridad na kapwa patay sa isang matarik na bangin nitong Lunes
ng hapon sa bayang ito.
Humihingi na ng tulong ang pulisya sa publiko upang matukoy ang
pagkakakilanlan ng dalawang babae na natagpuan sa bangin sa may Marcos
Highway, Tuba, Benguet bandang ala-1:30 ng hapon.

“Kung sinuman po ang may nawawalang kamag-anak, mangyaring makipag-


ugnayan sa aming opisina dito sa Tuba Municipal Police Station para sa
agarang pagkakakilanlan ng mga bangkay,” ayon sa  Tuba Police.

Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay kapwa may taas na  5’ 2”kung saan ang
unang biktima ay may kapayatan ang pangangatawan at nakasuot ng dark
blue T-shirt, black jogging pants at itim na pares ng sapatos habang ang
ikalawang biktima ay  katamtaman ang pangagatawan at nakasuot ng  itim na
T-shirt, blue jeans at puting pares na sapatos.

Hindi pa tinukoy ng pulisya kung ang dalawang biktima ay pinatay sa bangin o


patay na bago itapon sa nasabing lugar.

You might also like