Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

ARALIN 2

PANAHON NG KASTILA

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Layunin ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika Apostolika


Romano sa kanilang pangingibang- pook kaya unang ginanap ang misa at ang
pagbibinyag sa mga katutubo. Dahil sa layunin nila na pagpapalaganap ng
Kristiyanismo, sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng mga katutubo sa
dahilang ang mga iyon daw ay likha ng demonyo. Pinalaganap nila ang tungkol sa
pananampalataya nila. Nag-aral ang mga prayle ng mga wika sa kapuluan at sumulat
sila ng mga gramatika at diksiyunaryo.

Ang kapuluan ay pinangalanang Pilipinas bilang pagpaparangal kay Haring


Felipe II ng Espanya. Inihayag ito ni Villalobos. Nagkaroon ng pagbabago sa
pamamahala, pinalitan na ang dating mga barangay at mang mga namumuno sa
Pilipinas ay isang Gobernador- Heneral na siyang kinatawan ng Hari ng Espanya sa
Pilipinas. Madalas magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan batay sa kung sino ang
namamahala sa Espanya. Samantalang ang mga prayleng namumuno sa mga
simbahan sa kapuluan ay hindi napapalitan. Sa gayo’y umabuso ang mga ito. Sila na
ang nakapangyayari sa halip na ang pamahalaan. Sila rin ang may hawak ng
edukasyon ng mga bata na nagsisimulang magsipag- aral sa mga kumbento.
Ipinasok na rin ng mga Kastila ang kanilang kalinangan, ang mga kasuotan,
ang mga gawi, at ang mga pagdadala ng mga bagay buhay sa Espanya, isa na rito
ang alpa, piano, espada, libro atbp.
Sa larangan ng panitikan, marami silang mga ipinakilala sa mga Pilipino at isa
na rito ang korido. Hindi lamang panitkan ang kanilang itinuro sa kapuluan, nagturo rin
sila ng gramatika, ngunit ang pagtuturo nila nito’y batay sa pook na kanilang
kinaroroonan. Ang mga prayle ang naging guro.
 1565 – ang unang pananahan at pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


 Miguel Lopez de Legazpi- ang kauna-unahang gobernador heneral

Mahalagang mga Pangyayaring Pangkasaysayan sa Panahon ng Kastila


 Pangunahing hangad ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng relihiyong
Katoliko Apostolika Romana; pagpapalawak ng kanilang hanapbuhay na
pambansa; at pagpapalawak ng kanilang nasasakupang lupain
 Mahigit sa 100 pag-aalsa laban sa mg Kastila ang ginawa ng mga Pilipino
ngunit pawang nangabigo sapagkat hindi pa sila nakakikilala ng pagkakaisa at
nasyonalismo.
 Maraming nagtangkang lumusob at umagaw sa Pilipinas tulad ng Intsik,,
Hapon, Olandes, ngunit ang Ingles lamang ang nakapasok noong 1762-1764.
 Binigyang kasiglahan ang sining at siyensya gayon din ang kagalingang
panlipunan noong panahon ni Gobernador Heneral Jose Basco (1778)
 Ang mga pamilyang Pilipino ay ay nabigyan ng apelyidong Kastila noong
panahon ni Claveria (1849).
 Malinaw ding makikita ang impluwensya ng Kastila sa pananamit, sining,
musika, panitikan at kaugaliang panlipunan
 Sa mga huling bahagi ng panahong ito umunlad ang hanapbuhay ng mga tao
dahil sa pakikipagkalakalan sa Espanya at Europa. Ang pagyamang ito ng ilan
ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng tinatawag na “maykaya” sa lipunan. Sila
ang mga may lupain at ari-arian kaya sila naging abogado, doktor, maestro at
empleyado sa pamahalaan.
Impluwensya sa Panitikang Filipino
 Napalitan ng alpabetong Romano ang Alibata
 Naging saligan ng gawaing panrelihiyon ang Doctrina Cristiana
 Maraming salitang Kastila ang naging bahagi ng wikang Filipino
 Naging bahagi ng panitikang Filipino ang alamat ng Europa at tradisyong
Europeo tulad ng Awit, Korido, Moro-moro at iba pa.
 Pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino
 Pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain sa panahong ito.
 Pagkakaroon ng mataas na uri ng edukasyon

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


Mga paaralang itinayo:
 UST- 1611
 SAN JUAN DE LETRAN -1620
 COLEGIO DE SANTA ISABEL- 1632
 BEATERIO DELA COMPANIA -1694
 BEATERIO DE STA. CATALINA -1696
 COLEGIO DE STA ROSA- 1950
 CONCORDIA COLLEGE - 1869

Mga akda sa panahong ito:


DOCTRINA CRISTIANA- kauna-unahang aklat panrelihiyong nalimbag sa Pilipinas sa
pamamagitan ng silograpiko noong 1593
-nakapaloob sa aklat ang mga panguahing aral ng Kristyanidad na dapat
saulado ng mga matatapat sa Iglesya.
- Padre Domingo Nieva-sumulat sa Kastila-
- Padre Juan De Placencia –sumulat sa Tagalog
• Unang aklat panrelihiyon na nalimbag sa Pilipinas noong Hulyo 15, 1593 sa
pamamagitan ng silograpiko
• Unang aklat na isinulat sa BAYBAYIN o ALIBATA
• may sukat na 5“ X 7“ dali (inches)
• mistulang prayer book
• naglalaman ng mga panalangin at panuntunan sa pananampalatayang
Kristiyanismo.
• nagtataglay ng 87 na pahina
• akda nina Padre Domingo Nieva,O.P. at Padre Juan de Placencia
• ginamitan ng dalawang uri ng wika (bilingual), Espanyol at Filipino
• Pormat: tekstong Espanyol sa kaliwang kolum at ang katumbas nito sa
Tagalog sa kanang kolum)

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


 Nilalaman ng Doctrina Cristiana

1. Dios Te Salve Maria (Ave Maria)


• Lucas 1:28
• Aba Ginoong Maria
• Ang salitang ‘Ginoo’ ay ginamit sa pagtukoy sa isang lalaki o babaing may
karangalan
2. Credo
- Sumasampalataya ako sa Diyos Amang .

3. Salve Regina (Hail Holy Queen)

 Iba Pang Nilalaman

1. Sampung Utos ng Diyos


a. Ibigin ang Diyos
b. Huwag manumpa sa ngalan ng Diyos
c. Magsimba tuwing Linggo at pista
d. Igalang ang Ama at Ina
e. Huwag pumatay
f. Huwag mang-agaw ng asawa ng iba
g. Huwag magnakaw
h. Huwag magbintang/manirang puri
i. Huwag pagnasaan ang asawa ng iba
j. Huwag pagnasaan ang pagmamay-ari ng iba

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


2. Pitong Mortal na Kasalanan
a. Kapalaluan (Pride)
b. Karamutan (Greed)
c. Kalibugan (Lust)
d. Kagalitan (Wrath)
e. Kayamuan sa pagkain at pag-inom (Gluttony)
f. Kapanghilian (Envy)
g. Katamaran (Sloth)
3. Labing-apat na Pagkakawanggawa
a. Dalawin ang mahirap at may sakit
b. Pakainin ang nagugutom
c. Painumin ang nauuhaw
d. Damitan ang walang damit
e. Tubusin ang nabihag
f. Patuluyin ang walang tutuluyan
g. Ibaon ang namatay
h. Aralan ang walang alam
i. Aralan ang napaaral
j. Pagdalitain ang nagkasala
k. Patawarin ang kasalanan ng nagkasala
l. Huwag isaloob ang pagmumura ng ibang tao
m. Aliwin ang malungkot :(
n. Ipanalangin sa Diyos kapwa ang nabubuhay at namatay

PASYON- naglalaman ng sakit, pagdurusa at buhay ni Hesukristo.


-mga sumulat:
Gaspar Aquino de Belen-1704
Don Luis Guian-1750
Padre Mariano Pilapil-1814
Padre Aniceto dela Merced -1856

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


NUESTRA SEÑORA DEL ROSARIO -Ang Nuestra Señora Del Rosarioang ikalawang
aklat na nalimbag sa Pilipinas.
- Ito ay akda ni Padre Blancas de San Jose.
- Ito ay nasulat noong 1602 at nalimbag sa imprenta ng Santo Tomas sa
tulong ni Juan de Verana isang mestisong Intsik.
- Ang aklat na "Nuestra Señora del Rosario" ay naglalahad ng mga
talambuhay ng mga Santo, nobena, at mga iba't ibang tanong at sagot sa
relihiyon.
- Kinilala rin si Padre Blancas di San Jose sa akda niyang Memorial de la
Christiana lengua tagala at arte y reglas de la lengua tagala, na tumatalakay
sa mga tuntunin sa pagsasalita at pagsulat ng Tagalog.

URBANA AT FELIZA -pagsusulatan ng magkapatid na kinapapalooban ng mga


gawaing dapat ugaliin
-sinulat ni Padre Modesto de Castro

DOCE PARES SA KAHARIAN NG PRANSYA -


LA INDIA ELEGANTE Y EL NEGRITO ABANTE -sinulat ni Francisco Baltasar

Mga Dula sa Panahon ng Kastila /Mga Dulang Panlibangan

Napakarami ng mga dulang panlibangan ang ginanap ng at ng mga kalahi


noong panahon ng Kastila. Halos lahat ng mga dulang ay patula.

KARILYO- mga ginupit na kartun na ipinalalabas kung gabing madilim na katulad sa


puppet show. Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang
ginagampanan ng mga aninong ginawa mula sa karton, na pinanonood na
gumagalaw sa likod ngisangputing tabing at pinagagalaw naman ng taong
di nakikita na siyang nagsasalita rin para sa mga kartung gumagalaw.
KARAGATAN- larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao. Itoy
batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat
sa hangaring mapangasawa niya ang kasintahang mahirap. Hinamon niya
ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin sa dagat at ang
EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU
makakuha'y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang matanda ang kunwa'y
tutula; pagkatapos ay paiikutin ang isang tabo na may tandang puti at ang
sinumang matapatarn ng tandang ito ay siyang tatanungin ng dalaga ng
mga talinghaga. Kapag ito'y nasagot ng binata ay ihahandog niya ang
singsing sa dalaga.
DUPLO- katulad din ng karagatan ngunit ginagawa ito sa bakuran ng namatayan sa
ikasiyam ng gabi matapos ilibing ang yumao.
MORO-MORO O KOMEDYA –isang uri ng dulang puno ng pakikipagsapalaran. Ito ay
tungkol sa paglalaban ng mga Moro at Kristyano . Tulad ng senakulo ang
moro-moro ay itinatanghal din sa işang ipinasadyang entablado. Itoy
itinatanghal sa mga araw ng pista ng bayan o ng nayon upang magdulot ng
aliw sa tao at laging ipaalala sa mga ito ang kabutihan ng relihiyong
Kristiyano. Ang mga moro-moro ay may harit at reyna at mga mandirigmang
kawal.

TIBAG- dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalaala ang paghahanap ni
Sta. Elena sa kinamatayang krus ni Hesus sa pamamagitan ng pagtitibag
ng bunduk-bundukan.

LAGAYLAY- sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-titipon-tipon


kung buwan ng Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay. Abril palamang,
namimili na si Kikay, ang anak ng sakristan mayor ng mga dalagang sasali
rito. Kung minsan, ipiniprisinta na ng mga magulang ang kanilang anak kahit
hindi pa dalaga, dahil sa isang panata na ginawa dahil sa pagkakasakit o sa
isang pabor na nais makamtan. Sa ibang bahagi ng Kabikulan, iba naman
ang pagtatanghal ngunit ang layunin ay pareho: paggalang, pagpuri, at pag-
aalay ng pagmamahal sa mahal na krus na nakuha ni Santa Elena sa
bundok na tinibag.

SENAKULO -Pagtatanghal ito na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ng ating


Poong si Hesukristo. Ang salitaan dito ay mula sa "Pasyon."

PANUNULUYAN -isang pagtatanghal ito na isinasagawa bago mag-alas dose ng


gabi ng kapaskuhan. Natutungkol ito sa paghahanap ng matutuluyan ng
Birheng Maria at ni Joseph upang doon iluwal ang sanggol na si Hesukristo.

PANUBONG - Isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may


kaarawankapistahan na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang
parangal sa isang panauhin o may kaarawan. Ang unang bahay
sinisimulang awitin sa may tarangkahan ng bahay ng may kaarawan. Ang
ikalawang bahagi ay inaawit habang umaakyat sa hagdan mga
kumakanta. Ipinaliliwanag nila rito ang halaga ng baibaitang. Kapag nasa
huling baitang na sila, hindi agad sila papaso hanggang hindi natatapos
ang awitin at hanggang hindi sila pinapapasok upang ipahiwatig na sila ay
nahihiya. Dapat ay anyayahan sila ng may bahay, upang pagkatapos ng
pag-awit ay maaari agad silang pumasok. Sa huling bahagi, aawit sila kung
nasa loob na sila ng bahay. Ang pararangalan ay kailangang umupo sa

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


isang silya at siya ay lalagyan ng isang koronang yari sa sariwang bulaklak
at hahandugan bilang reyna.

SAYNETE - Itinuturingna isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng
pananakop sa atin ng mga Kastila ang Saynete. Ang paksa ng dulang ito
ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahing katutubo, sa
kaniyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. Ang "La India
EleganteY El Negrito Amante ni Francisco Baltazar ay ipinalalagay na isa
sa mga nakaaaliw na libangang saynete nang panahong iyon.

SARSWELA- isang melodrama o o dulang musical na may tatatluhng yugto. Ang


paksa ay natutungkol sa pag-ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam,at iba pang masisidhing damdamin. Naglalarawan din ito ng
pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Upang magustuhan ng mga
manonood, hinahaluan ito ng katatawanan na laging ginagampanan ng
mga katulong sa dula.
.

Paksain ng Panahon ng mga Kastila

Maaaring mahati ang mga paksain noong panahon ng Kastila sa:

1. Panahon ng Panitikang Pansimbahan


Ang Panahon ng Panitikang Pansimbahan ay kinabibilangan ng mga dalit,
nobena, buhay- buhay ng mga santo’t santa, mga sulang pansimbahan, sermon at
mga nauukol sa kagandahang- asal . Layunin ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng
relihiyon kaya ang unang panahon ng pananakop ay pagpapalaganap ng panitikang
pansimbahan at kagandahang-asal.

A. Dalit
Iba’t ibang santo’t santa ang pinagdadalitaan. May dalit kay Maria na naging
kaugalian na sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, Laguna, Cavite,
Quezon, Marinduque at Mindoro. GInaganap ito tuwing Mayo. Nag-aalay ng mga
bulaklak ang mga bata hanggang dinadalit ang pagpuri sa Mahal na Birhen. Sa mga
lalawigang nabanggit nasasaulo na ng mga bata ang isasagot sa mga namumuno.
Marami- rami pa ring matatanda ang nakakasaila ng mga sinasabi ng namumuno
bagama’t hango sa buong aklat ang kanilang dinadalit.

B. Mga Nobena

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


Kung tutuusin, ang mga ritwal ng mga katubo’y isa ring uro ng pangnonobena
sapagkat may mga pagdiriwang na maykaugnayan halimbawa sa kanilang
pagpapasalamat sa magandang ani, o paghingi ng ulan, o pagpapaalis ng sakit na
nananalasa sa kanilang tribu, o pagpapa-alis ng sakit ng kabilang sa pamilya, o
paglilibing sa mga yumao na. Ang nobena’y mga katipunan ng mga panalangin na
kailangang ganap sa loob ng 9 na araw. Maaaring sunod- sunod na araw o tuwing
Martes (halimbawa ng isang araw sa loob ng isang linggo). Batay na ito sa santo’t
santa ng namiminitakasi.

C. Mga Buhay-buhay ng mga Santo’t Santa


Sa layunin ng mga Kastilang mapalaganap ang relihiyon, sumulat sila ng mga
nauukol sa buhay- buhay ng mga santo’t santa para garing halimbawa ng mga tao.
Nais nilang bigyang- diing nasa pagpapakasakit ang walang hanggang kaluwalhatian
kay nararapat na magpakasakit amg mga tao upang huwag mabulid sa impiyerno ang
kanilang kaluluwa. Mabibilang ito ang Pasyong Mahal na buhay at pagpapasakit ng
Panginoong Jesucristo upang matubos ang tao sa pagkakasala.

D. Akdang Pangmagandang- asal


Kaalinsabay ng pagtuturo ng relihiyon ang pagtuturo ng kagandahang- asal,
mabuting pakikipamuhay sa kapuwa, paggalang sa sarili, sa magulang at sa
nakatatanda at iba pa.Kasama sa akdang nauukol sa kagandahang- asal ang akda ni
Pagre Modesto de Casto na Urbana at Feliza. Ito’y pagsusulatan ng magkapatid na
Urbana at Feliza. Napunta sa Maynila si Urbana at siyaang nagpapayo sa kapatid na
si Feliza at Honesto ng mga nararapat gawin sa iba’t ibang pagkakataon sa iba’t ibang
pook.

2. Pahahon ng Awit at Korido


Ang Panahon ng Awit at Korido ay kinabibilangan ng mga awit at korido, mga
tulang pandamdamin, mga tuluyan at gayon din ng mga dulang pawang pang-aliw.

A. Awit at Korido (Metrical Romance)

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


Batay sa anyo, ang awit ay binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang taludtod sa
isang taludturan. Ang musika’y madalang o andante. Ang paksa’y tungkol sa bayani at
mandirigma at larawan ng buhay.
Ang korido naman, batay kay dela Costa’y “romansa o harak que al suela
accompanar con la gitara alson el fandango…” (awit o sayaw na isinasagawa sa saliw
ng gitara katulad ng pandaggo). Ayon kay Trinidad Pardo de Taverra nama’y ang
“corrido” ay binalbal na salitang Mexicano na buhat sa occurido (isang pangyayaring
nagganap). Ang paksa nito’y pananampalataya, alamat at kababalaghan. Ang musika
nito’y mabilis o allegro. Ang sukat sa loob ng taludtod ay walong pantig.
Sa Pilipinas, ang mga korido’y hinggil sa mga alamat at di- kapanipaniwalang
kasaysayan na ang buod ng paksa’y nababatay sa mga naganap sa Europa.
Karaniwang nasasaling-bibig lamang at hindi batid kung sino ang may- akda. Ang
kilalang manunulat nito’y sina Jose dela Cruz (Huseng Sisiw), Ananias Zorilla at
Francisco Balagtas. Kabilang sa mga awit ang Florante at Laura ni Balagtas, Pitong
Infantes de Lara, D. Alejandre at D. Luis, Doce Pares ng Pransya at Haring Patay.
B. Tula
Ladino- ang tawag sa mga tulang halong Kastila at Tagalog ang wika.Sa
panahong ito ng mga dalit at salmos nagsisulat ang mga prayle at sa kanilang mga
sinulat ay makikita ang katibayan ng pagpapalaganap nila ng kanilang wika bukod pa
sa pagpapalaganap ng relihiyon. Ang mga dalit nila’y wawaluhing pantig. Sa tulang
pasalaysay o mga awit at korido, ang nangunguna ay ang Florante at Laura ni
Francisco Balagtas at Ibong Adarna . Sa may paksang relihiyon ang Pasyon ang
nangunguna.

C. Ang Dula at Dulaan


Kung ang pag-uusapan ay ang pook na pinagdarausan ng dula noong panahon
ng Kastila, mahahati ito sa tahanan, sa labasan at sa tiyak na entablado.
1.) sa tahanan- ginaganap ang mga duplo at karagatan, bugtungan at dulog o
pamamanhikan
2.) sa labasan- ginaganap ang panunuluyan o pananapatan, pangangaluluwa,
tibag, santakrusan, moriones at hugas- kalawang.

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


3.) sa tiyak na tanghalan- ginaganap ang moro- moro, carilyo, senakulo at
sarsuwela.

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

I. Punan ng titik ng tamang sagot mula sa kahon upang mabuo ang talataan.
Ang_____1_____ kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas sa
pamamagitan ng silograpiko. Ang aklat na ito ay nalimbag noong _____2_______
. Ito ay nasusulat sa __3_____at ___4___. Ang sukat nito ay _____5__.
May anyong katulad ng _____6_____. Naglalaman ito ng mga ___7____ at
____8____ sa pananampalatayang Kristiyanismo. Nagtataglay ito ng ________na
pahina . Akda ito nina ____9___ at ____10_____. Dalawang uri ng wika (bilingual)
ang ginamit sa akda, ang ____11____ at ___12____. Ang pormat:
____13________ sa kaliwang kolum at ang katumbas nito sa_____14____ sa
kanang kolum. Ang panimula nito ay naglalaman ng ___15_____. Sa dasal
ginamit ang salitang__16____ ito tumutukoy sa isang lalaki o babaeng may
karangalan. Sa kasalukuyan __17______ kopyang orihinal na lamang ang natitira
ng aklat na ito na matatagpuan sa Batikano, sa_____18____at _____19_______.
Ang ______20______ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Ito
ay akda ni ________21______. Ito ay nasulat noong ____22_____at nalimbag sa
imprenta ng __________23_____ sa tulong ni ___24_______ na isang mestisong
Intsik. Ang aklat ay naglalaman ng mga : ______25______, ____26______, at mga
_____27_______ukol sa relihiyon.

a. 5“ X 7“ dali (inches) n. Museo sa Madrid


b. Espanyol ñ .Kongreso ng Estados Unidos
c. alpabetong Filipino ng. Alibata o baybayin
o. Tatlo
d. tekstong Espanyol
p. Tanong at sagot sa relihiyon
e. Filipino
q. Padre Domingo Nieva,O.P.
f. panalangin
r. Padre Juan de Placencia
g. prayer book
s. nobena
h. Ginoo
t. 87
i. Tagalog
u. Panuntunan
j. Juan de Vera
v. Doctrina Cristiana
k. Padre Blancas de San Jose
w. Nuestra Señora del Rosario
l. 1602
x. Talambuhay ng mga santo
m. Sto. Tomas
y. 1953

II. Tukuyin ang mga sumusunod:

1. Kauna-unahang aklat na nalimbag sa pamamagtan ng silograpiko.______________

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


2. Dulang panlibangan na ang layunin ay magbigay galang, magpuri, at mag-alay ng
papuri sa mahal na krus na nakuha ni Santa Elena sa bundok na
tinibag.______________
3. Dula na natutungkol sa paghahanap naman ng krus na pinagpakuan kay Hesukristo
sa bundok. ______________
4. Isang pagtatanghal sa entablado ng tungkol sa buhay at pagpapakasakit na dinanas
ni Hesukristo. ______________
5. Itinuturing na pagtatanghal ng mga tau-tauhang yari sa pira-pirasong karton na
pinagagalaw sa likod sa isang puting tabing______________
6. Dulang panlibangan na natutungkol sa paghahanap ng matutuluyan nina Birheng
Maria at Joseph upang doon iluwal ang sanggol na si Hesus. ______________
7. Pagtatanghal na natutungkol sa pagpaparangal sa dalagang nagdiriwang ng kaniyang
ikalabingwalong taong kaarawan. ______________
8. Pagtatanghal na ang paksa'y tungkol sa paglalaban ng mga moro at kristiyano. Ang
layunin nito'y maipakita ang kabutihan ng Kristiyano. ______________
9. Kantahing bayan ng mga Tagalog______________
10. Kantahing bayan ng mga Kapampangan. ______________

III. Piliin ang titik ng may-akda ng mga sumusunod na akda.

Hanay A Hanay B
1. Doctrina Christiana a. Jose Rizal
2. Langua Español y Tagala b. Mariano Pilapil
3. Barlaan at Josaphat c. Modesto de Castro
4. Urbana at Feliza d. Jose de la Cruz
5. Florante at Laura e. San Juan Damasceno
6. Ibong Adarna f. Antonio de Borja
7. Bernardo Carpio g. Aniceto de la Merced
8. 2 bersyon ng Pagkakasulat ng h. Domingo Nieva
9. Pasyon i. Blancas de San Jose
10. Sobre la Nueva Ortografia dela j. Juan de Placencia
Lengua Tagala k. Francisco Baltazar

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


IV. Piliin ang titik ng akdang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag.
1. Ang kauna-unahang aklat na nilimbag dito sa Pilipinas.
2. Ang kauna-unahang nobela na nilimbag dito sa Pilipinas.
3. Dulang nagsasalaysay ng buhay, pagpapakasakit, kamatayan at muling
pagkabuhay ni Kristo.
4. Dulang komedya na naglalarawan ng paglalaban ng Muslim at Kristiano
5. Isang mahusay ng halimbawa ng panitikang epistolario.
6. Larong panlamayang batay sa alamat ng prinsesang nahulugan ng singsing sa dagat.
7. Larong panlamayang maaaring lahukan ng mga makata at di-makata.
8. Ang kauna-unahang diksyunaryo ng wikang Tagalog.
9. Ang itinuturing na pinakamalaking ciksyunaryong naipalimbag sa buong kapanahunan
ng mga Kastila.
10. Mga tulang Tagalog na may halong Kastila.

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU

You might also like