Lesson Design

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Baitang 7 Araling Asyano

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral sa ikapitong baitang na may 60% na kawastuhan ay
inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating- heograpiko:Silangang
Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya,Hilagang Asya
at Hilaga/Gitnang Asya.
2. Nakapagbabahagi ng saklaw ng mga batayan sa paghahating-heograpiko ng Asya.
3. Nakagagawa ng isang travel-brochure na nagpapakita ng pagkakakilanlan at
nagsusulong ng turismo sa mga bansa na kabilang sa Asia.

II. Pangnilalaman
Paksa: Konsepto ng Heograpiya ng Asia
Sanggunian:

● Abulencia, A., Lodronio, R., Antonio, E., Imperial, C., & Soriano, D. (KAYAMANAN
ARALING ASYANO Batayan at Sanayang Aklat sa Araling (Batayang Aklat) VII. pahina 5-13
● Salido,S. (2021, July 26) Ang Konsepto ng Asya Tungo sa Paghahating-
Heograpiko[Slides].SlideShare.https://www.slideshare.net/shebasalido1/ang-konsepto-ng-asya-
tungo-sa-paghahatingheograpiko
●Abique, M. 2020 Project EASE-Araling Panlipunan VII Modyul 1: Katangiang Pisikal ng
Asya. pahina 14-15.
●Dahang, K. (2021) Travel brochure - Destinations in Mindanao "Tagalog". StuDocu.
https://www.studocu.com/ph/document/holy-name-university/financial-management/travel-
brochure-destinations-in-mindanao-tagalog/11716822

Kagamitan:
Powerpoint Presentation
Google Form
Jamboard

III. Mga Gawain sa Pagkatuto: 5A’s

A. Panimulang Gawain/Actibiti (5-10 minuto)


1. Pagdadasal
2. Paunang pag bati
3. Pagtatala ng liban sa klase
Google Form link: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfv3ypRc646tU8yFF-y-
qdybWoobTpyH1PfCHNxc8YCLlT80g/viewform

4. Pagganyak
“4 PICS 1 WORD”: Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na nagpapakita ng
pagkakakilanlan ng isang bansa. Huhulaan ng mga mag-aaral kung saang bansa
nabibilang ang mga nasa larawan.
Mga Tamang Sagot:
1. CHINA
2. PHILIPPINES
3. INDIA
4. PAKISTAN
5. SAUDI ARABIA

B. Pagsusuri/Analisis (5 minuto)
Pagkatapos malaman ang mga tamang sagot sa ginawang aktibidad, ang guro ay magtatanong
sa mga mag-aaral ng kanilang pangkalahatang ideya na may kinalaman sa ginawang aktibidad.

Pamprosesong Tanong:
1. Sa inyong palagay ano kaya ang kaugnayan ng mga bansang inyong isinagot sa paksang
ating itatalakay?
2. Base sa inyong mga hinuha, bakit importanteng matutunan natin ang mga rehiyong
bahagi ng kontinenteng Asia?
3. Anu-ano kaya ang saklaw ng mga batayan sa paghahating heograpiko ng Asia?

C. Paghahalaw/Abstraksyon (30 minutes)


Bago mag simula ang talakayan, magpapakita muna ang guro ng isang bidyo tungkol sa paksa.
Link ng bidyo: https://youtu.be/1pNBDTNVhCw

Pagkatapos ay tatalakayin ng guro ang mga sumusunod sa klase:

Sa pitong kontinente ng mundo, ang Asya ang pinakamalaki. Sakop nito ang halos ikatlong
bahagi ng kabuuan ng mundo. Ito ay may humigit kumulang na 44,614,000 kilometro kwadrado.
Nahahati ito sa limang rehiyon: East Asia, Southeast Asia, South Asia, Western Asia, at Central
Asia.

Konsepto ng Asia
Mga batayan sa paghahating heograpiko sa Asia:

1. Eurocentric
Mula sa pananaw na eurocentric, ang kabihasnang Asia ay nagtataglay lamang ng maliit na
tradisyon kompara sa kanilang malawak na tradisyon. Ang ibig sabihin ng maliit ay bunga
lamang ng mas dakilang kultura. Ang Asia, maging ang ibang lugar, ay tagatanggap lamang ng
impluwensya mula sa dakilang tradisyong Europeo.

2. Asian-centric
Ang asian-centric na pananaw naman ay nagbibigay-halaga sa papel na ginampanan ng mga
Asyano sa paghubog ng kanilang kasaysayan at kultura. Ito ang pananaw na tumutuligsa sa
eurocentric na pananaw (Wong, 1995). Hindi lamang maliit na tradisyon ang kabihasnang
Asyano na tulad ng sinasabi ng mga Europeo. Sa katunayan, ang Asia ay may dakila at malawak
na tradisyon.

Paghahating Heograpiko
Ang daigdig ay may pitong kontinente. Ang bawat isa ay may pambihirang katangiang pisikal na
naiiba sa lahat. Ang Asia ang pinakamalawak na kontinente. Sa pinakahuling tala (2019), ito ay
tirahan ng halos limang bilyong tao. Marami rin ditong mga hanay ng bulubundukin,
mahahalagang ilog, halos di-mabilang na kapuluan, malalawak na disyerto, at kalupaan. Dahil sa
napakalawak nitong sukat at dahil sa dami ng iba’t ibang kultura na naka-ugat dito, nagdesisyon
ang mga dalubhasa sa heograpiya na hatiin ito sa limang rehiyon.

May basehan ang mga eksperto sa heograpiya sa paghahati-hati ng Asia sa iba’t ibang rehiyon.
Unang-una ang lokasyon. Ang mga bansang magkakasama sa isang rehiyon ay magkakalapit.
Nagiging salik din ang halos pagkakapareho ng kultura at uri ng pamumuhay ng mga taong
naninirahan sa mga bansang kasapi sa rehiyon. Ang pagkakatulad ng klima ng mga bansa sa
isang rehiyon ay mahalaga rin sa proseso ng pagkakahati-hati. Maging ang pagkakaroon ng
pagkakapareho sa mga anyong lupa at vegetation ay isinaalang-alang din.

Pag-aaral sa mapa ng Asia at mga bansa na kabilang sa mga rehiyon nito.

● Central Asia:
Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan,Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia,
Siberia (bahagi ng Russia).

●Western Asia:
Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, Kuwait, Yemen, Oman, United Arab Emirates,
Qatar, Bahrain, Iran, Israel, Cyprus, Turkey.

●East Asia:
India, Afghanistan, Pakistan, Bangladesh, Nepal, Bhutan, Sri Lanka, Maldives.

●South Asia:
China, Japan, North Korea, South Korea, Taiwan, Mongolia.

●Southeast Asia:
Pilipinas, MyanmUpang lagumin ang naging talakayan sa araw na ito, ang mga mag-aaral ay
maglalaro ng isang “bring me” game sa pamamagitan ng jamboard app. Ang guro ay
magpapahanap sa mga mag-aaral ng mga bagay o larawan online at ipapaliwanag nila kung ano
ang kabuluhan ng mga gamit o larawan na ito base sa kanilang natutunan sa tinalakay sa araw na
ito. Ang unang estudyante na makaka paskil ng larawan sa jamboard ay magkakaroon ng dagdag
5 puntos sa kanilang pasulit/pagtataya.ar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia, Indonesia,
Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor.
D. Paglalapat/Aplikasyon (15 minuto)
Upang lagumin ang naging talakayan sa araw na ito, ang mga mag-aaral ay maglalaro ng isang
“bring me” game with a twist sa pamamagitan ng jamboard app. Ang guro ay magpapahanap sa
mga mag-aaral ng mga bagay o larawan online. Ito ay ilalarawan ng guro sa pamamagitan ng
bugtong na sasagutin ng mag-aaral. Ipapaliwanag nila kung ano ang kabuluhan ng mga bagay o
lugar na ito base sa kanilang natutunan sa paksa na tinalakay sa araw na ito. Ang unang
estudyante na makaka paskil ng larawan sa jamboard ay magkakaroon ng dagdag 5 puntos sa
kanilang pasulit/pagtataya.

Mga larawan ng bagay/lugar na dapat hanapin ng mga estudyante:


1. Nasyon ako kung tawagin sa ibang salita, isa ang Pilipinas sa aking mga halimbawa.
Sagot :Bansa
2. Ako ay pinagmulan ng unang pananaw, sa kontinenteng malapit lamang sa aking tanaw.
Sagot: Europa
3. Hindi ka mawawala, kung ako ay palagi mong dala.
Sagot: Mapa
4. Ang rehiyon ko ay lima, sa salitang “asu” pangalan ko’y nagmula..
Sagot: Asya/Asia
5. Kung ikaw ay gagalaw, panturo ko ay sasayaw.
Sagot: Compass

Link: https://jamboard.google.com

IV. Pagtataya
Sa pagtatapos ng talakayan, ang guro ay nangangasiwa ng 20-item na pagsusulit sa
pamamagitan ng google form.
Link:
A. Ano daw!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot.

1. Alin ang pinakamahalagang salik sa paghahati-hati ng mga rehiyon sa Asia?


A. Alamat C. Kasaysayan
B. Heograpiya D. Kultura

2. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagpapakita ng eurocentric na pananaw?


A. Ang Asya ay matatagpuan sa silangang bahagi ng globo.
B. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon ayon sa kanilang heograpiya.
C. Sa Asia isinilang ang Kristiyanismo, Islam at Buddhism.
D. Ang kulturang Asyano ay maliit na bahagi lamang ng mas malaki at
mahalagang Kulturang Europeo.

3. Bakit mahalaga na pag-aralan ang Asya mula sa pananaw ng mga Asyano?


A. Ito ay nagpapakita ng maraming pagkakaiba-iba ng mga kultura.
B. Upang maging mapagmataas ang mga Asyano na palagi na lang minamaliit.
C. Upang mapagtuunan ang pagkakatulad-tulad ng mga Asyano at makita ang
mga nag-uugnay sa kanila.
D. Ito ay nagpapatunay na mas nauna pang isinilang ang kulturang Asyano kaysa sa
iba.

4. Alin sa mga pagpipilian ang hindi isang geographic tool?


A. Global Positioning System C. Remote Sensing
B. Absolute Location D.Mapa

5. Pag-aaral hinggil sa pisikal na katangian ng tao at kung paano ito nakaimpluwensya


sa kanyang panlipunan at kultural na pag-unlad.
A. Kasaysayan C. Heograpiya
B. Siyensya D. Ekonomiks

B.Saan Kana!
Panuto: Tukuyin mo kung saang rehiyon nakapaloob ang sumusunod na bansa. Isulat ang HA
para sa Hilagang Asya, SA sa Silangang Asya, TSA sa Timog Silangang Asya, KA sa Kanlurang
Asya at TA para sa Timog Asya. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

HA 1. Kazakhstan TA 6.Maldives
TA 2. India SA 7. Japan
KA 3. Saudi Arabia TSA 8. Thailand
TSA 4. Vietnam KA 9. Lebanon
SA 5. China HA 10. Tajikistan

C.Fact o Bluff
Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap kung ito ay TAMA o MALI tungkol sa
paghahating heograpikal ng Asya. Isulat ang FACT kung ang pahayag ay TAMA at BLUFF
kung ang pahayag ay MALI.

FACT 1. Ang Hilagang Asya ay kilala rin sa katawagang Central Asia o Inner Asia.
BLUFF 2. Ang bansang Pilipinas, Thailand, Vietnam at Myanmar ay matatagpuan sa
rehiyon ng Silangang Asya.
FACT 3. Ang Insular Southeast Asia ay binubuo ng mga bansang Pilipinas, Indonesia,
Malaysia at Brunei.
FACT 4. Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang subregions: Ang
Mainland at Insular Southeast Asia.
BLUFF 5. Isinaalang-alang sa paghahati ng mga rehiyon sa Asya ang aspektong pisikal,
spiritual, kultural at mental.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang travel brochure (hard copy or digital copy) na nagpapakita ng pagkakakilanlan
ng isang bansa at nagsusulong ng turismo sa isa sa mga bansang nabibilang sa Asia. Maging
malikhain sa paggawa ng brochure.

Halimbawa:
Rubrik sa Paggawa ng Travel Brochure

Mga Nagsisimula Nalilinang Mahusay Natatangi


Pamantayan
(4 puntos) (6 puntos) (8 puntos) (10 puntos)

Paksa Walang May Malinaw ang Lubos na


kaugnayan kaugnayan mga pahayag malinaw ang
ang mga ang ilang at mga pahayag
pahayag sa pahayag sa magkaugnay at sadyang
paksa. paksa. ang karamihan magkakaugnay
sa pahayag. ang mga
pahayag.
Detalye Wala halos Hindi Makahulug Lubhang
kahulugan gaanong an ang mga makahulugan
ang mga makahuluga detalye. ang mga
detalye. n ang mga detalye.
detalye.

Kalidad ng Hindi tama o Hindi Halos lahat ng Lahat ng


Impormasyo tiyak ang mga maliwanag mga detalye detalye ay
n detalye. ang mga ay maliwanag maliwanag at
detalye. at naaayon sa naaayon sa
paksa. paksa.
Kaayusan Kailangan pang Maayos na Maganda Kaaya-ayang
paghusayin ang nakalahad ang tingnan tingnan. Tama
paglalahad ng mga larawan malinaw at ang
mga larawan at at disenyo. maayos ang kombinasyon
disenyo. mga larawan ng kulay,
at disenyo. teksto at
pagkakaayos
ng mga
larawan.
Organisasyo Hindi ganap Katanggap- May kaisahan Malinaw at
n ng Ideya ang tanggap ang at may sapat buo ang
pagkakabuo, linaw ng na detalye. pagkakaayos
kulang ang paglalahad ng Maayos ang ng mga
detalye at di mga kaisipan. paglalahad sa kaisipan,
malinaw ang mga detalye. kumpleto ang
intensyon. detalye .
Kabuuang Iskor: 50 puntos

You might also like