Professional Documents
Culture Documents
Pagsusuri Sa Akda NG
Pagsusuri Sa Akda NG
Pagkilala sa May-Akda
Uri ng Panitikan
Ang tulang ito ay isang hindi kathang isip na panitikan. Maaring inilalahad nito ang
karanasan ng bawat tao o pamilya kung ano nga ba ang kahulugan ng Pag-ibig
Layunin ng Akda
Ang layunin ng akda ay ang pagdidiskubre kung paano mo bibigyan kahulugan ang isang
Pag-ibig, dahil ang pag-ibig ay hindi lamang isina-isip para makapagsabi kalang
ng ,magagandang salita, kungdi ay insina-puso upang masabi mo ang tunay mong nararamdaman
kahit sa araw ng paghihirap ng pagmamahalan
Yaman din lamang na ang akdang ito’y umaayon sa Pagdulog Romantisismo, kung saan
ang layunin nitoy maglantad ng iba’t-ibang paraan ng tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig para
sa lahat. Kabilang naman ay ang pagpapahalaga sa samut-saring matinding damdamin.
Pagdulong Romantisimo
“Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha! Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang
talata. Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo
pa maunawa.”- Ito ay Pagdulong Romantisimo dahil ang unang saknong ay tunkol sa
Pagkahinagpis dahil sa salitang luha na binangit sa tula at dahil dito makikita din ang
kalungkutan sa paggawa ang liham na ito
“Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso; Pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo
makuro.”- At sa ikalawang saknong naman ay makikita natin ang Kilig na nararamdaman
dahil sa pag-iisip nya sa kanyang minamahal at hindi malaman ang kanyang gagawin
kapag nakikita nya ang kanyang sinisinta
Ang tulang ito’y nagpapahayag na ang pag-ibig ay magiting, hindi kailanman susukuan at
nararapat na ipinaglalaban. Pumupukaw sa pananaw na kung saan ang pag-ibig ay kinakailangan
ng pananalig, buhay may kapalit.
Nilalaman ng Akda
Ang akdang ito’y tungkol sa taong hindi pa namamalayan ang buhay na may pag-ibig, sa
isip, sa salita, sa gawa at sa puso. Minumulat ang halaghag na damdamin sa katotohanang na ang
pag-ibig ay hindi lamang naihulma mula sa kagitingan na ipinamamalas ng pusong nag-aalab
upang lumaban sa tanikala ng kaduwagan at kahinaan. Kundi, ito rin ay hinubog mula sa
kahandaan na ang kamataya’y malayaang haharapin, pag-ibig lamang ay mairaos sa
pamamagitan ng lahat ng paraan.
Salita man ay may lalim, sa paraan kung paano naimungkahi at ang pagbigay ng
makabuluhang kahulugan. Kapansin-pansin na ang tula ay alay sa lahat, umiibig man o
namumulat pa lamang. Ang hugot sa damdamin na dala ng malikhaing konsepto na
pumapangatawan sa kung ano ang pag-ibig. Ibig ipabatid ng akda na siyang nagmula sa
maykatha, na ang pag-ibig ay hindi isang bagay na tiyak mo’ng mauunawan kung ito’y iyong
makamtan.
Buod
Ang pag-ibig na hindi lang limitado sa kung anong maaring maramdaman ng isang tao,
ngunit ito’y nakakasiguradong mag-udyok upang mag-alay ng buhay, gumabay at ipaglaban ang
kahit sinumang iniibig, wakas ma’y walang katiyakan.