Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Patrick Charls Sarigo BSED-MATH 1

Magsaliksik tungkol sa sistema ng K TO 12 Edukasyon


sa Pilipinas at gumawa ng sanaysay na hindi bababa
sa 150-300 salita.

Ano ang K to 12 Curriculum?

Ang DEPED ang nag nagpapatupad at


namamahala sa K-12 simula nang pormal
itong itinalaga noong 2013. sila ang may
eksklusibong pamamahala sa publikong
paaralan at regulasyon para sa pirbadong
paraan. ang pagkakaiba nang K-12 sa daring
programa ay ang tagal ng ilalagi ng stuyante
sa paaralan. sa implementasyon ng
programang K-12 ng DEPED, naging 13 taon
na ang basic education ngayon. isang taon
sa kindergarten, 6 na taon sa elementarya, 4
na taon sa junior highschool at 2 dalawang
taon naman sa senior highschool. para sa
mag-aaral mula edad na 5-17 yrs. old.

Ano ang sistema ng K to 12


Curriculum?

Ayon sa papel ng talakayan ng DepEd


(2010), nilalayon ng kurikulum ng K-12 na
paganahin ang bawat bata na makamit ang
mastery ng core kakayahan at kasanayan
”(p.6) at bumuo ng mga track batay sa mga
interes at kakayahan ng mag-aaral. Ang
pokus ng K-12 ay dalawang beses:
pagpapahusay ng kurikulum at
pamamahala ng paglipat.

Anu-ano ang mga benepisyo at


hindi magandang epekto ng
pagpapatupad ng K to 12
Curriculum?

Isa sa mga pangunahing isyu sa lipunan ngayon ang


pagdagdag ng dalawang taonsa hayskul o ang pag-
implementa ng K-12 Program na naglalayon na
matulungan angmga estudyante na magkaroon ng sapat
na kaalaman sa kanilang kursong tatahakin sakolehiyo.
Ang k-12 Curriculum ay magpapamulat sa mga mag-aaral
sa mganakakaangat na bagay na maari nilang magamit o
matatamasa sa reyalidad. Layunin dinnitong magkaroon
ng kakayahan ang mga mga estudyanteng
makapagtrabahopagkatapos ng dalawang taon sa
hayskul. Matapos umusbong ang programang ito ay
nagsilabasan rin ang iba’t
-ibangargumento patungkol sa epekto nito hindi lamang
sa mga mag-aaral pati na rin sa mgamagulang na
naghahangad ng mabilisang paraan upang makapagtapos
agad sakolehiyo ang kanilang mga anak. Sa kabila ng
magandang dulot nito ay marami paringagam-agam kung
makakabuti ba ang karagdagang dalawang taon sa mga
estudyante omagkakaroon lamang ito ng mabigat na
pasanin sa kanila

Sa iyong palagay epektibo ba ang K


to 12 Curriculum?

Ang K to 12 ay naisabatas dahil sa malalim at


magandang dahilan. Kung ito ba ay epektibo, OO.
Malaki ang tulong ng pagkakabuo ng K to 12 dahil
sa nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan
na mas mahasa pa ang kakayahan na mayroon sila.
At pagkatapos nila ng senior high maaari na silang
pumasok ng trabaho na naaayon sa kinuha na lang
strand sa senior high ngunit mas mainam kung
ipagpapatuloy nila ang kanilang pag -aaral sa
kolehiyo. Mas magkakaroon sila ng magandang
kinabukasan at mas magandang oportunidad dahil
nakapagtapos sila. Ang isa sa layunin ng k to 12 na
sa pagtatapos ng mga mag - aaral sa kolehiyo at
gusto nilang makipagsapalaran sa ibang bansa
hindi na lang sila magiging mga assistant, dahil
halimbawa ang ating mga nurse sa Pilipinas
pagdating nila sa ibang bansa nagiging nurse aid na
lang sila o di kaya'y nagiging caregiver dahil sa
kakulangan ng kaalaman ayon sa ibang bansa.
Maganda ang layunin ng K to 12, maaaring dagdag
gastos dahil mas natatagalan sa pagtatapos ang
mga kabataan ngunit dahil sa dalawang taon na ito
mas naihahanda natin ang ating mga kabataan sa
tunay na ikot at takbo ng buhay sa mundong
ibabaw.

You might also like