Untitled Document

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pamagat ng Sanggunian: Kalipunan ng mga salitang ginagamit sa paglalaro ng Mobile Legends

Sanggunian: PDF COFFEE 46748 Colby Motorway Hettingermouth, QC T3J 3P0, 24 March 2019
https://pdfcoffee.com/pananaliksik-12-mlbb-pdf-free.html

Abstrak: Ang Mobile Legends: Bang Bang o mas kilala sa pangalan na Mobile Legends o ML ay ginawa at binuo ng
Moonton, isang kompanya sa Kuala Lumpur, Malaysia na bumubuo ng mga mobile game applications (Lopez).
Ginawa ang ML para sa mga gumagamit ng smartphones at tablets. Ito ay nagsimula noong July 11, 2016.
Nangangailangan lamang ito ng smartphone o tablet na tugma sa kakailanganin ng larong nasabi.Kasama sa
pakikisalamuha at pakikipag-usap ng mga manlalaro ng Mobile Legends: Bang Bang ang mga salitang
nangangahulugan ng iba’t ibang ginagamit sa pagsasalaysay ng sariling saloobin. Ang mga salitang ginagamit ay may
maraming kahulugan, maaaring mabuti o masama, lahat para sa bagay na maaaring magbigay ng sabi, mungkahi, o
kaya naman ng kaalaman ukol sa paglalaro o iba pa. Dahil ang mga pananaliksik ay may karanasan sa paglalaro
Mobile Legends, aming napansin ang paggamit ng mga manlalaro sa chatbox ng iba’t ibang salita na mayroong
double-meaning o mayroong ibang kahulugan mula sa kinagisnang kahulugan. Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng
discourse analysis. Ayon kay Bailey at Shaw (415) ang discourse analysis ay ang pag-aaral ng buhay panlipunan, na
nauunawaan sa pamamagitan ng pag aaral ng wika sa pinakamalawak na kahulugan nito. Maaring ito ay pag-uusap
ng personal, interaksyong hindi berbal, mga larawan, simbolo at mga dokumento. Gagamit ang tagapagpananaliksik
ng discourse analysis upang mapag-aralan ang data at makuha ang bunga ng pananaliksik na ito.Ang mga kalahok
sa pag-aaral na ito ay mga iba’t ibang mga manlalaro sa online game na Mobile Legends: Bang Bang. Para makuha
ang datos, gagamit ng mananaliksik ng “participant observation” ni Jorgensen (“Participant Observation”). Ang mga
pananaliksik at pagsusuri sa chatbox ng laro at i-screenshot ang buong pag-uusap dito. Ang pagmamasid ay
paglalaanan ng 20 sesyons ng paglalaro na isi-screen record na rin ang pinagbatayan. Dahil ang paglalaro ay walang
tiyak na tantiya ng oras, ibinigay ng mga pananaliksik ang isang laro na katumbas ang isang sesyon.Titingnan ng mga
pananaliksik ang mga salita na natin mula sa isinagawang pagmamasid sa chatbox ng Mobile Legends at ang hindi
pamilyar sa ordinaryong wika ay itatala at pag-aaralan. Pagkatapos itala ang mga salita, napapangkat ang mga salita
kung ang kahulugan nito ay positibo o negatibo, kasama na rin dito ang paghuhukay ng maaaring mas malalim na
kahulugang ibinigay ng mga manlalaro ng Mobile Legends. Sa katapusan, ibubuod kung ang mga karaniwang
ginagamit na salita sa Mobile legends ay positibo o negatibo. Binigyan pansin ng mga mananaliksik ang komunidad
sa Mobile Legends at gagamitin ang mga salitang ginagamit dito upang maging susi sa pagtuklas kung ito ba ay
mabuti para sa mga manlalaro o hindi. Titignan ng mananaliksik kung ang mga salitang natipon ay isang kadahilanan
sa pag iba ng ugali at pakikipagsalamuha ng tao.METODOLOHIYA revisitions (NOT YET FINAL) Ang pag-aaral na ito
ay gagamit ng discourse analysis. Ayon kay Bailey at Shaw (415) ang discourse analysis ay ang pag-aaral ng buhay
panlipunan, na nauunawaan sa pamamagitan ng pag aaral ng wika sa pinakamalawak na kahulugan nito. Maaring ito
ay pag-uusap ng personal, interaksyong hindi berbal, mga larawan, simbolo at mga dokumento. Gagamit ang
tagapagpananaliksik ng discourse analysis upang mapag-aralan ang data at makuha ang bunga ng pananaliksik na
ito.

Sintesis: Ang nais ibahagi ng aming gagawing pananaliksik ay ang mga salitang ginagamit sa Mobile Legends mas
marami pa itong kahulugan hindi lamang basta masamang kahulugan o mabuting kahulugan ng pokus kami sa iba’t
ibang kahulugan ng mga salitang binabanggit ng mga manlalaro at aming napansin ang paggamit ng mga manlalaro
sa chatbox ng iba’t ibang salita na mayroong double-meaning o mayroong ibang kahulugan mula sa kinagisnang
kahulugan. At mas nakatuon kami ng pansin sa mga taong may karanasan lamang sa taong naglalaro ng Mobile
Legends na ito.

You might also like