Professional Documents
Culture Documents
Filipino7 Q4 W8 A1 Pagsusuri Sa Mga Katangian at Ginampanang Papel NG Tauhan FINAL
Filipino7 Q4 W8 A1 Pagsusuri Sa Mga Katangian at Ginampanang Papel NG Tauhan FINAL
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES
FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagsusuri sa mga Katangian
at Ginampanang Papel ng Tauhan
Ikaapat na Markahan - Ikawalong Linggo
(Aralin 1)
FILIPINO – Ikapitong Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagsusuri sa mga Katangian at Ginampanang Papel ng Tauhan
Ikaapat na Markahan – Ikawalong Linggo (Aralin 1)
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.
Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Panimula
Kasanayang Pampagkatuto
1|Pahina
Mga Layunin
Balik-Aral
Gawain A. Ayusin Mo
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Iayos ang mga ginulong salita sa
bawat bilang upang makuha ang tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
_______________ 1. A F E I N D
Ito ay paglalagay ng musika sa mahinang tunog.
_______________ 2. U D T L T U K O
Ang simbolo o tanda na dapat basahin o sabihin ng tauhan.
_______________ 3. T G A A G P A L S A Y A A Y S
Siya ang naglalahad ng kalagayan o tagpuan ng dula.
_______________ 4. O K G A P A L N
Simbolong inilalagay sa iskrip na nakapaloob ang mga emosyon
o mga dapat ipakita ng tauhan sa dula.
_______________ 5. L O D I G O Y A
Ang mga bitaw na linya ng mga aktor upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon.
2|Pahina
Gawain B. Sino Ako?
Panuto: Tukuyin kung sino-sino ang mga larawan na nasa ibaba. Alalahanin ang
pamagat ng akda kung saan sila naging tampok o nakilala. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
1.
2.
3.
4.
5.
3|Pahina
Pagtalakay sa Paksa
4|Pahina
Bilang panganay, si Don Pedro na may malakas na loob ang unang
nagpaalam upang hulihin ang ibong Adarna. Mahigit na tatlong buwan niyang
binagtas ang kaparangan ngunit nabigo siya nang mapahimbing sa maamong awit
ng Ibong Adarna at maiputan nito.
Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna sa isang
matanda at matulunging ermitanyong nasalubong sa daan. Tinulungan siya ng
matanda kapalit ng kabutihang ibinigay niya rito. Binigyan ng mahiwagang gamit
ng matanda ang prinsipe upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng
kaniyang dalawang kapatid subalit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don
Juan nang bugbugin at iwan sa isang malalim na balon.
5|Pahina
Bumalik ang ganda ng Ibong
Adarna at ito ay muling umawit.
Kasabay ng paggaling ng
hari ay natuklasan din niya ang
buong katotohanan. Biglang
tumayo ang hari at inutusan ang
mga kawal na ipatapon ang
dalawang taksil na prinsipe subalit
nakiusap si Don Juan sa hari na
huwag silang ipatapon.
Muling nagbalak ng masama sina Don Pedro at Don Diego laban kay Don
Juan. Nagpasyang umalis si Don Juan sa Berbanya dahil batid niyang magagalit
ang kaniyang ama kapag natuklasan nitong nakawala ang Ibong Adarna.
May natuklasang balon ang tatlong prinsipe, gawa ito sa marmol at gintong
may mga ukit na natatabunan ng lumot.
Kapuwa nabigo sina Don Pedro at Don Diego na makatagal sa ilalim ng balon.
Nakita rin niya ang isang magandang dalagang si Donya Juana. Namangha
ang dalaga dahil narating ni Don Juan ang lugar na iyon.
6|Pahina
Sinabi ni Donya Juana sa prinsipe na may higante na nagbabantay sa hardin.
Dumating ang higante dahil may naaamoy siyang tao.
Nang makita ng higante si Don Juan ay laking tuwa nito dahil hindi na niya
kinakailangang mamundok sapagkat mayroon na siyang makakain.
Nagapi ni Don Juan ang serpiyente gamit ang balsamong ibinigay ni Prinsesa
Leonora. Inilabas ng balon ni Don Juan ang dalawang prinsesa. Natuklasan nina
Don Diego at Don Pedro ang pagpapakabayani na ginawa ni Don Juan sa dalawang
prinsesa at muling sumidhi ang budhi ni Don Pedro dahil sa inggit lalo pa at
nabighani ito sa ganda ni Prinsesa Leonora.
7|Pahina
Sa ikatlong pagkakataon, pinagtaksilang muli ni Don Pedro si Don Juan sa
pamamagitan ng pagputol ng lubid habang bumababa sa balon upang balikan ang
naiwang singsing na diyamante ni Prinsesa Leonora.
Ang hari rito ay si Haring Salermo na isang tuso at matalinong hari at may
tatlong magagandang anak na dilag na sina Prinsesa Isabel, Prinsesa Juana, at
Prinsesa Maria Blanca.
Dapat niyang piliin si Prinsesa Maria Blanca dahil walang kapares ang ganda
nito. Habang ang umaasang si Prinsesa Leonora ay patuloy na tumatangis sa
pagkawala ni Don Juan.
8|Pahina
Nakarating na rin sa wakas si Don Juan sa Reino de los Cristal sakay ng
isang maamong agila. Lumapag ang agila sa banyo ni Maria Blanca. Pinagkubli niya
si Don Juan sa halaman upang hindi ito makita.
Naaninag nila ang tatlong magagandang dilag. Mas angat ang maladiyosang
kagandahan ni Maria Blanca kung kaya nabihag agad ang puso ni Don Juan.
Ipinakilala ni Don Juan ang sarili habang si Maria Blanca naman ay agad
binalaan ang prinsipe na tuso at matalino ang ama niyang si Haring Salermo.
Dagdag pa niya, ang sinomang nabigo sa pagsubok ng kaniyang ama sa mga
nanliligaw sa kaniya ay nagiging bato. Inihanda ni Don Juan ang kaniyang sarili.
9|Pahina
Hangad sana ni Haring
Fernando na ipasa ang korona kay
Don Juan upang maging susunod na
hari ngunit iminungkahi ni Maria
Blanca na kay Don Pedro na lamang
ibigay ang korona dahil paghaharian
ni Don Juan ang Reino de los Cristal.
Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
2. Ang tumulong at nagpayo kay Don Juan upang mahuli ang Ibong Adarna.
A. Don Diego C. Lobo
B. Donya Leonora D. Matandang Ermitanyo
10 | P a h i n a
Alam mo ba na…
Mahalaga ang tauhan sa isang kuwento sapagkat ito ang nagbibigay ng buhay
sa kuwento. Kung wala ang mga tauhan, masasabing walang kaluluwa ang isang
kuwento.
11 | P a h i n a
Katangian ng mga Tauhan
Halimbawa:
Biglang tumayo ang hari at inutusan ang mga kawal na ipatapon ang
dalawang taksil na prinsipe subalit nakiusap si Don Juan sa hari na huwag
silang ipatapon.
12 | P a h i n a
Gawain
Pinatnubayang Pagsasanay 1
13 | P a h i n a
8. “Sila nawa’y patawarin ng Diyos na maawain; kung ako man ay tinaksil kamtan
nila ang magaling.” Si Don Juan ay ________________.
A. mapagpatawad C. suwail
B. sakim D. matigas ang ulo
9. Haring ama’y nagsalita mabalasik yaong mukha: “Kayo ngayon ay lalaya, sa
pangakong magtatanda.” Si Haring Fernando ay ________________.
A. mapagmasid C. matatakutin
B. mapagpaubaya D. may isang salita
10. “Ako’ng tunay ang maysala kung sa aki’y may galit pa, patawarin ako sinta’t,
ulitin ko ay hindi na.” Si Don Juan ay ________________.
A. maawain C. matapang
B. mabait D. mapagkumbaba
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin ang katangian at papel na ginampanan ng mga tauhan sa Ibong
Adarna sa pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Halimbawa:
2.
3.
4.
5.
14 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Kilalanin ang mga tauhan mula sa buod ng Ibong Adarna. Pumili ng apat
na tauhan na iyong nagustuhan at ibigay ang kanilang katangian at papel na
ginampanan gamit ang grapikong presentasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ibong Adarna
15 | P a h i n a
Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Kilalanin at isa-isahin ang mga katangian
at papel na ginampanan ng mga tauhan sa kuwento sa pamamagitan ng pagsagot
sa talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Si Tonyong Henyo
ni Maricel R. Miel, Don Brigido Miraflor IS
Tik-tak! Tik-tak! Madaling araw na ngunit hindi alintana ni Tonyo ang antok
na nadarama. Kailangan niyang matapos ang kaniyang iginuguhit, magrerebisa pa
siya ng tula, pagkatapos ay tutungo sa bukid upang mamitas ng mga gulay na
ititinda ng kaniyang ina sa palengke.
Lumaki si Tonyo na tanging si Aling Marta lamang ang kapiling. Maaga man
na naulila sa ama, napakasuwerte ni Tonyo sapagkat mayroon siyang mapagmahal,
masipag, matiisin, at mapagmahal na ina. Inang gagawin ang lahat upang mapabuti
ang kaniyang anak.
Maagang naulila si Tonyo sa ama dahil sa sakit nitong kanser. Naubos ang
ipon ng kaniyang ina kaya kinakailangan niyang dumiskarte upang makatulong sa
pang-araw-araw na gastusin.
16 | P a h i n a
“Tandaan mo anak, hanggat ako’y naririto, gagawin ko ang lahat upang
mapabuti ang buhay mo,” wika ng kaniyang ina na tinugunan niya ng isang matamis
na ngiti at isang mahigpit na yakap. “Salamat po ina,” mahinang usal niya.
Bukod sa kaniyang ina, inspirasyon niya ang kaniyang kaibigang sina Bok,
Tina, at Bert. Si Bok ay kaniyang kababata. Nanggaling sa maykayang pamilya
ngunit nananatiling mapagkumbaba. Isa si Bok sa nakaaalam sa mga lihim ni
Tonyo. Sina Tina at Bert na kapuwa galing sa payak na pamilya ang kasa-kasama
naman ni Tonyo sa pagpasok sa paaralan. Batid ni Tonyo ang pagsusumikap at
pagtitiyaga ng dalawa. Tulad ni Tonyo, pangarap din nilang maiahon sa hirap ang
kani-kanilang pamilya.
2.
3.
4.
5.
17 | P a h i n a
Pangwakas
Panuto: Punan ng angkop na sagot ang mga patlang bilang pagbubuod sa aralin.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
18 | P a h i n a
Mga Sanggunian
Guimarie, Aida. 2006. Ibong Adarna. 2nd ed. Quezon Avenue, Quezon City: ESP
Printers, Inc.
Santos, Michael, and Hanna Ocampo. 2013. Ang Pinaikling Bersiyon Ng Ibong
Adarna. Manila, Philippines: Acon Printing and Marketing.
19 | P a h i n a
20 | P a h i n a
Balik-aral
Gawain A 5. Don Juan Ang Pangunahing
1. FADE IN pinakamamahal at tauhan at
2. TUTULDOK bunsong anak nina isang
3. TAGAPAGSALAYSAY Haring Fernando at protagonista
4. PANAKLONG Reyna Valeriana.
5. DIYALOGO 6. Don Pedro Panganay sa Pantulong na
magkakapatid. tauhan at
Gawain B Likas ang angking isang
1. Langgam at Tipaklong mula sa pabulang si Langgam at talino at galing protagonista
si Tipaklong ngunit isang taksil.
2. Juan Tamad ng kuwentong Si Juan Tamad
7. Don Diego Ang pangalawa sa Pantulong na
3. Maria Makiling mula sa Ang Alamat ni Mariang magkakapatid. May tauhan at
Makiling mahinang loob at isang
4. Sina Malakas at Maganda ng kuwentong bayan na “Si sunod-sunuran. protagonista
Malakas at Si Maganda”
8. Donya Isang marilag at Pantulong na
5. Pagong at Kuneho sa kuwentong “Ang Kuneho at Ang
Juana mapagmahal na tauhan at
Pagong”
prinsesa. isang
protagonista
Pagtalakay sa Paksa
9. Matandang Matulungin, ang Pantulong na
Pag-unawa sa Binasa
Ermitanyo tumulong kay Don Tauhan at
1. C
Juan upang mahuli isang
2. D
ang Ibong Adarna. protagonista
3. C
4. D 10. Serpiyente Ahas na may pitong Pantulong na
5. D ulo na tauhan at
tagapagbantay ni isang
Pinatnubayang Pagsasanay 1 Prinsesa Leonora. antagonista
1. B 11. Higante Isang matapang na Pantulong na
2. D dambuhalang tauhan at
3. C tagapagbantay ni antagonista
4. D Donya Juana.
5. A 12. Lobo Ang tumulong kay Pantulong na
6. D Don Juan na tauhan at
7. B mapagaling ang protagonista
8. A kaniyang mga
9. B sugat.
10. D 13. Agila Maaasahang ibon Pantulong na
na sinakyan ni Don tauhan at
Pinatnubayang Pagsasanay 2 Juan papuntang protagonista
Tauhan Katangian Papel na Reino de los Cristal.
Ginampanan 14. Haring Isang tuso at Pantulong na
Salermo matalinong hari ng Tauhan at
1. Ibong Isang Pangunahing Reino de los Cristal. antagonista
Adarna engkatadong ibon Tauhan at isang 15. Prinsesa Matatalino at Mga
na may kahali- protagonista Isabel, magagandang anak pantulong na
halinang tinig o Prinsesa na dilag ni Haring tauhan at
awit. Juana at Salermo. protagonista
Prinsesa Maria
2. Don Isang butihin, Pantulong na
Blanca
Fernando makatarungan at Tauhan at isang
makatuwirang protagonista
hari ng
Berbanya. Pang-isahang Pagsasanay 1
(Iba-ibang sagot ang manggagaling sa mga mag-aaral)
3. Donya Reyna ng Pantulong na
Valeriana Berbanya na sa Tauhan at isang
Pagsusulit
bait ay uliran. protagonista
(Iba-ibang sagot ang manggagaling sa mga mag-aaral)
4. Matulungin at Pantulong na
Manggagamot tapat sa Tauhan at isang
tungkulin. Ang protagonista Pangwakas
nagsabi kay
(May kani-kaniyang sagot ang mga mag-aaral)
Haring Fenando
ng lunas sa
kaniyang sakit.
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikaapat na Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!
Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa: