Unang Pagsubok

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ferlyn Jane R.

Preglo FIL124 – A7
Ang Pilosopiyang Pangwika ng mga Dalubwika
Namulat tayo sa mundong may mga wikang umuusbong nang sabay-sabay na hindi
alam kung saan, kalian at paano ito nagsimula. Sa aking pagbabasa, napagtanto na ang wika
ay isang salamin ng kultura at ito ay nagsilbing instrumento upang magkakaunawaan at
magkaroon ng magandang komunikasyon ang bawat tao sa kanilang pakikipagtalastasan. Sa
larangan ng wika, ang pagsasaalang-alang ng estilo ay may kaugnayan at kung minsan ay
mahalaga sa isang pag-unawa sa kahit ilang uri pa ito ng pilosopiya. Sinisiyasat ng pilosopiya
ng wika ang kalikasan ng wika ng tao, ang pinagmulan at paggamit nito, ang kaugnayan ng
kahulugan at katotohanan, at kung paano nauugnay ang wika sa pag-iisip at pang-unawa ng
tao, gayundin sa realidad. May mga iilang tanyag at kagalang-galang sa larangan ng
pilosopiyang pangwika, sina Noam Chomsky, Benjamin Lee Whorf, Liam Hudson, at Basil
Berastein.
Ayon kay Noam Chomsky, ang mga tao ay nilagyan ng isang language acquisition
device- isang istraktura sa utak na naging posible sa pag-aaral ng ating wika. Ang kanyang
teorya ay pinaniniwalaan na ang wika ay likas sa bata sa pagsilang at kailangan lamang na
ma-trigger ng panlipunang pakikipag-ugnayan sa mga nagsasalita upang lumitaw, nasusunod
niya ang mga salita dahil sa kakayahan at kagalingan nito sa pakikinig. Ang mga tao ay unti-
unting napapailalim sa epekto ng mga salitang naririnig nila sa paglipas ng panahon bilang
resulta ng kanilang patuloy na pakikisalamuha. Halimbawa rito ay ang mga nauusong,
“sanaol” “petmalu” at “lodi”. Dahil sa pakikinig sa mga usaping barkada,
naiimpluwensiyahan din tayong gamitin ito. Sa pananaw ni Benjamin Lee Whorf, ang wika
ay nakabatay sa pagpapakahulugan ng tao sa kanyang kapaligiran. Galing sa binuo nating
kahulugan o larawan ng kapaligiran ang mga salitang ating binibitiwan. Tayo ay nakakabuo
ng salita ayon kung saan at sino ang nakapaligid sa atin. Halimbawa, sa loob ng bahay may
mga termino o salita kayong ginagamit na kayo lang din ang nakakaalam bilang pamilya.
Ayon naman kay Liam Hudson, ang wika ay nakabatay sa ating mga karaniwang
karanasan. Bilang resulta, nilikha niya ang convergent at divergent. Iginiit ng convergent, sa
lahat ng katanungan o isyu mayroon itong kasagutan. Ang mga sagot ay maaaring tama o
mali. Sa divergent naman ay nagbibigay-diin sa pagkamalikhain sa pag-iisip at aktibong
paggalugad ng isang tao. Sa kaniyang teorya, ito ay isang trial and error active
experimentation na pagkatuto kung saan pilit na hinahanap ang mga kahulugan ng bawat
wika. Halimbawa, sa mga binatang Pilipino nagagawa pa rin ang paglakad dahil naiintidihan
ang salitang “lakad” na galing sa wikang Filpino at sa tuwing naririnig niya ito, nababalik
tanaw kung paano siya lumakad noong bata pa lamang.
Sa pilosopiya ni Basil Berastein, ang wika ay nakabatay sa gamit ng lipunan.
Nangangahulugan na ang lipunan ang siyang bumubuhay at pumapatay ng wika. May mga
iilang salita na nakakalimutan na dahil sa ating kapanahonan ngayon gaya ng “pluma” “silya”
at “durungawan” dahil sa realidad na halos lahat ng miyembro sa lipunan ay kabataan.
Ayon sa mga pilosopo, ang wika ay isang sining sa pamamaraan ng pagbigkas ng
salita sa kaangkop na wika. Ang wika rin daw ay isang “armory” sapagkat ito ay nagsisilbing
pundasyon ng ating mga ninuno, nabuo ang wika dahil sa mga sinaunang tao at dahil dito
natutunan natin kung pano makipagsalamuha sa kapwa tao. Anumang pinaniniwalaan kung
saan galing at paano nabuo ang wika, laking pasasalamat sa mga nabanggit na pilosopo dahil
nabigyang linaw kung bakit may mga wika tayong ginagamit ngayon.

You might also like