Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TUGON SA SEGURIDAD AT KALIGTASAN TUNGO SA

MAPAGHAMONG KALAGAYAN

Katrina Angelica P. Ambasing

Bakit mahalaga ang ating kaligtasan at seguridad sa pagtugon ng


mga hamon sa pag-aaral sa kasalukuyan at hinaharap? Ano-ano ang
mga dapat nating gawin at isaalang-alang? Kailangan ba tayong padalos-
dalos? Batid kung lahat tayo ay naguguluhan at naghahanap ng sagot
ukol dito.

Bilang isang mag-aaral na kasapi ng lipunan. Ako ay isang


simpleng mamamayang nag-aaral para makatuklas sa mga makabagong
kaalaman na gagamitin sa hinaharap, upang makatulong sa pagkamit
ng pambansang kaunlaran. Sa paaralan nahuhubog ang mga kaalaman
at kakayahan, nahuhulma ang mga magagandang kaugalian at dito
pinagyayabong ang mga abilidad upang maging handa sa mga pagsubok
sa pagharap sa reyalidad ng buhay. Paano tayo haharap sa hamon ng
pag-aaral sa kasalukuyan at hinaharap kung hindi natin nasisiguro ang
ating seguridad at kaligtasan? kailangan nating masiguro ang kaligtasan
at seguridad natin bilang isang mag-aaral upang handa tayong tugunan
ang mga iba’t-ibang hamon sa ating pag-aaral sa kasalukuyan at
hinaharap. At masasabi kong karapatan natin ang may ligtas at may
seguridad upang malaya tayong kumilos ng walang nagbabadyang gulo,
banta o panganib sa ating kapaligiran. Tunay na dapat isaalang-alang
natin na ligtas at may seguridad upang tayong mag-aaral ay handa sa
mga bagay-bagay o anomang problem ana darating.

Una nating sisimulan ang mga pagbabagong ito sa ating sarili, sa


paggawa ng tama, sa pagpapahalaga sa kahusayan at karangalan,
pagtanggi sa katamaran, pagsisinungaling at sa pagpapahalaga sa
kapwa at higit sa sarili. Gagawin natin ang mga pagbabagong ito sa
kalahatang ibayo ng ating buhay Pambansa. Maging matatag sa mga
hamong ibinibigay ng mapagsamantalang lipunan tungo sa pagkamit ng
mga mithiin at mga pangarap sa buhay. Nabubuhay tayo sa isang
lipunan kung saan mas mahalagang mamayani ang pagkakaroon ng
pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa sa pamamagitan nito
maaabot natin ang layunin at mithiin na magkaroon ng isang maayos,
mapayapa at isang maunlad na bansa.

Ang pagiging matatag natin ay isa sa mga katangian na dapat


nating taglayin upang tayo ay handa sa mga pagsubok ng buhay. Yung
tipong kahit alam natin na mahirap pero kakayanin. Ito ay isang simbolo
na tayo ay may lakas ng loob at may kumpiyansa sa ating sarili. Ang
kumpiyansa sa sarili ay dapat din nating taglayin sa pagtugon o
pagharap sa mga problema sa hinaharap. Hindi ka magiging matatag
kung wala kang tiwala o kumpiyansa sa iyong sarili o kakayahan. Dahil
sa pagharap ng mga pagsubok, laging nagsisimula ito sa ating sarili.

Sabi nila kabataan ang pag-asa ng ating bayan, ngunit paano


magiging lider ang isang kabataan kung sila mismo hindi kikilos sa kung
ano man ang mga nangyayaring problema sa ating bayan? Kaya naman
tayong mga kabataan o kapwa ko mag-aaral, tayo ang daan para sa
kaunlaran ng ating bayan. Tatapusin natin ang mga nasimulan ng ating
mga ninuno. Huwag sana nating balewalain o kalimutan ang paghihirap
nila upang makamit natin ang ligtas at payapang lipunan at sisimulan
ko ito bilang isang modelong mag-aaral ng may mabuting hangarin at
maayos na pagsasabuhay upang ako’y maging handa sa pagtugon ng
anumang hamon ng pag-aaral natin sa kasalukuyan at hinaharap.

You might also like