Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Pangalan: Petsa:

Taon at kurso:
GE 11 – FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA
GAWAIN (Pagsusulit) 2

Instruksyon: Basahing mabuti ang maikling kwento at pagkatapos ay sagutin ang


mga gawain.

BALKON
ni Luna Sicat

Biglang lumipad ang isang ibon sa sanga at sumama sa nagpapalakpakang


mga pakpak. Mahinang musika, tila sa malayo nanggagaling, palakas nang palakas,
lumilipad, umaandap-andap, hanggang sa dumapo sa isang lumang bahay, sa
ikalawang palapag, sa balkon.
Nakaupo ang isang matandang lalaki sa tumba-tumba. Pinagmamasdan niya
ang paglubog ng araw. Walang kakurap-kurap.
Humina ang musika, nagging isang bulong. Ang matanda’y nakainom na ng
tatlong bote ng beer.
Dumaan sa kalye ang mga batang pauwi na, galing sa eskuwela. Maliliksi ang
kanilang mga kilos, parang mga mayang tumutuka ng tinapay sa plasa. Matutunog
ang kanilang mga halakhak, singgaan ng bulaklak ng talahib na lumilipad sa hangin.
Nakakunot ang noo ng matanda. Nakatuon ang pansin sa sulok ng balkon.
Katulad ng isang salamangkerong nagbabaluktot ng kutsarang pilak, walang
kakurap-kurap ang kanyang titig.
Pumasok ang hangin sa kabahayan, isang mananayaw na manunukso.
Dumampi ang halik nito sa kurtina, nahawi ang mukha ng bahay. Isang
nangungulubot na mukha nap uno ng lagda sa noo. Nalalagas ang buhok. Uka-uka
ang ngipin.
Kumuliling ang kuliling.
Hinawakan ng matanda ang kanyang noo, pinahid ang pawis doon. Sa
kanyang pagpahid, binati ng kanyang mga daliri ang mga gatlang pinalalim ng
panahon.
Umikot ang mga ibong nagpapalakpakan ang pakpak, isang ikot lang sa
buong kabahayan, bago tuluyang Nawala sa kung saan man.
Dumaan ang nagtitinda ng sorbetes at nagkumpulan ang mga bata rito.
Humigpit ang kapit ng matanda sa hawakan ng silyang kanyang kinauupuan.
Umusli ang kanyang mga ugat.
Kumuliling ang mga mumunting bubog sa kandelabrang nakasabit sa kisame.
Sumayaw ang alikabok sa mga muwebles.
Binulyawan ng matanda ang puting kuting na kumikiskis sa kanyang binti, at
sa takot, napasiksik ito sa ilalim ng sopa. Sakal-sakal ng matanda ang leeg ng bote
ng beer.
Nanonood ang matanda sad ula ng mga aninong nakikita niya sa dingding.
Napapikit siya. Kumakampay ang mga sanga at lumilikha ng galaw sa mga anino.
Piyano? May tumutugtog ba?
Nanatiling kimi ang piyanong matagal nang nakatanghod sa gitna ng silid, ang
silid na malapit sa balkon. Nanatiling kimi at itim na itim. Naninilaw na ang teklado.
Ngayong hapong ito, may isang piyesang nakahain sa tapat ng teklado. Nakasipit
nang malapit ang piyesa.
Lumingon ang matanda sa piyano. Nakakita siya ng mga daliring tumutugtog.
Kay-kinis ng balat ng kamay. Kay-hahaba ng mga daliri. Matimyas na halakhak, ang
klink ng mga basong nag-uumpugan. May humahawak ng kamay niya. Kay-lambot
ng palad. Hindi ka naglalaba, ano?
Umiling siya, at naamoy niya ang kanyang halimuyak, wala siyang maisip
ipaparis doon. Siguro, katulad ng unang hininga ng isang sanggol.
Sa ibaba ng balkon, nagwawalis si Nene. Tumigil siya sandal sa kanyang
ginagawa at dinukot niya ang kaha ng Alhambra at posporo sa bulsa ng kanyang
kupas na daster. Nagsindi siya ng isa. Dumura muna siya bago niya isinaksak ang
sigarilyo sa bibig. Patingkayad siyang umupo, bumubungisngis.
Naalala niya ang ikinukuwento sa kanya ng kanyang itay, isa sa mga
bibihirang pagkakataon, kung paano siya binugahan ng usok ng tabako nang akalain
nilang lahat na siya’y ipinanganak nang patay. Nagkikisay siya sa banig at
bumunghalit ng isang napakalakas na uha.
Tiningala niya ang balkon at nakita niya ang kanyang itay. Naudlot ang
bungisngis, napalitan ng isang tunog na hawig sa impit ng isang asong bahag ang
buntot.
Pinitik niya ang abo ng sigarilyo sa linya ng mga langgam na dumaan.
Natutuwa siya kapag ginagawa niya iyon. Iniisip niya na lumilikha siya ng ambon ng
abo. Nagkawatak-watak ang linya, at nagkaligaw-ligaw ang mga langgam. Pinitik-
pitik niya ang mga gumagapang na langgam sa kanyang binti. Nakagat siya ng isa,
dalawa. Masakit, medyo mahapdi. Kinakamot niya ang mumunting kagat nang
makita niyang may mga nakakalat na punit-punit na papel.
Pinulot niya ang ilang piraso. Tiningnan niya muna ang bawat isa, parang
nangingilala ng mukha. Nakakita siya ng luntian. Isang hardin? Ang balkon, ang mga
putting barandilya. Puti, parang kulimlim na ulap. Mga batik-batik na pula. Mga
bulaklak na namumukadkad. Isang braso. Kamay na magsalakop. Maliliit ang mga
hugis ng mga piraso, halatang pinunit ng mga kamay na mapaglimi sa galit.
Ang musikang kanina pa umaali-aligid sa buong bahay ay naupo na ngayon
sa pasamano. Tumango-tango na ngayon ang matanda, parang sumasang-ayon sa
kausap. Maya-maya’y mahina na itong humahagikhik.
Napatingala si Nene. May kung anong lindol ang nagpapayanig sa katawan
ng matanda sa balkon. Umuuga ang kanyang balikat, kumukumpas ang kanyang
mga kamay. Mukhang tumatawa, ngunit walang tunog na lumalabas sa bibig. Isang
mapurol na hagikhik na kahawig ng tunog ng lababong barado.
Dinampot niyang muli ang walis. Ipinukpok niya ang ulo nito sa lupa para
pagpantayin ang tingting. Habang nagwawalis, pinagmamasdan niya ang maliit na
tumpok na kanyang nalilikha.
Krss. Krss. Isinama na rin niya sa tumpok ang mga sari-saring basura. Nakita
niyang napasama roon ang isang hinabing kokun at ibinukod niya ito mula sa
tumpok. Ewan niya kung bakit.
Masakit sa mata ang usok.
Kumakapal ito ngunit patuloy siya sa paghahagis ng mga dahoon at sari-
saring basura upang silaban. Hindi na niya inino pa kung ano ang sinasambit ng ama
sa balkon.
Diniinan niya ang pagwawalis hanggang sa kumaskas nang Mabuti ang
tingting sa lupa at makayod ito. Krss, krss. Gusto niyang matabunang ng kaskas ng
walis ang kung anumang monologong sinasambit ng kanyang ama.
Kausap na naman ang nasira niyang ina. Krss. Krss. Isang monologong walang
katapusan. Krss. Krss. Ilang beses na niyang narinig ang monologong iyon. Tungkol
sa pagtitig sa araw at buwan. Krss. Krss. Krss. Madaling titigan ang buwan, mahirap
titigan ang araw. Isang monologong nag-uumpisa sa mga hagikhik na nauuwi sa
sigaw. Krss. Krss. Sana matauhan na siya. Wala na si inay. Krss. Krss. Krss. Mas nauna
pa yatang tubuan muli ng mga bulaklak ang bunganga ng isang bulking sumabog
kaysa tubuan siyang muli ng pag-asa.
Lumalaks ang apoy at naluluha siya sa kanyang sinisigaan. Papunta na siya sa
pinto ng bahay nang marinig niyang sumisigaw ang ama niya. Tinatawag ang
kanyang inay.
Nagtinginan ang mga kapitbahay. Dumungaw sa kanya-kanyang bintana.
Namulaklak ang mga bintana sa mga usyosong mga mata.
Nagmadaling pumasok si Nene. Hindi na rin niya pinansin ang mga matang
tila sumugod sa kanilang kabahayan. Wala na siyang naramdamang hiya. Minsan
lang iyon dumapo. Noong sumama sa buwan ang kanyang inay at natagpuan nilang
nagbigti ito sa balkon.

Instruksyon: Tukuying kung ano o sino ang tinutukoy sa mga sumusunod na bilang.
1. Ang akdang kilala rin bilang maikling katha. –
2. Ang karaniwang bilang ng tauhan ng maikling katha. –
3. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa maikling katha. –
4. Ito ang pook at/o panahong tinutukoy sa maikling katha. –
5. Tumutukoy ito sa tao/mga taong gumagalaw sa loob ng isang kwento. –

Ang kwentong Balkon


6. Ang awtor o manunulat ng maikling kathang Balkon. –
7. Ang pangunahing tauhan sa kwento. –
8. Ang katulong na tauhan sa kwento. –
9. Ang pinangyarihan ng mahalagang pangayayari sa kwento. –
10. Ang ikinamatay ng asawa ng matandang lalaki sa kwento. –

Instruksyon: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa kwento. Lagyan ng bilang


ang patlang.
11. Nagwawalis at nagsisiga si Nene. –
12. Dumaan ang mga batang galling sa eskwela. –
13. Sumisigaw ang matanda sa balkon. –
14. Naalala ng matanda ang asawang bata pa na magaling tumugtog ng piyano. –
15. Pumasok si Nene sa bahay. –
16. Nagsindi ng sigarilyong Alhambra si Nene. –
17. Kinagat ng mga langgam si Nene sa binti. –
18. Pinagmamasdan ng matanda ang mga anino sa dingding. –
19. Nakapulot si Nene ng mga pira-pirasong pinunit na larawan. –
20. Nagdungawan ang mga kapitbahay at pinanood ang matandang nagsisigaw. –
Instruksyon: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. (5pts each)
1. Bakit pinamagatang Balkon ang kwento?

2. Sa palagay mo, bakit kaya ganoon ang ikinikilos ni Nene?

3. Ano kaya ang dahilan ng pagpapatiwakal ng ina ni Nene?

Instruksyon: Magsaliksik ng isang teksto na nabibilang sa disiplinang Likas na


Agham, Teknolohiya o Matematika. Pagkatapos, i-copy and paste at ilista ang mga
register na ginamit sa teksto. Huwag kalimutang ilagay ang sanggunian. (10pts)

Disiplina:
Sanggunian:
Pamagat:
Nilalaman:
Rejister na ginamit:

You might also like