Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

1

PRE-FINAL
ELEMENTO NG PELIKULA
1. ANGGULO
Sa panonood ng pelikula, nakakaapekto sa pananaw ng manonood ang kuha ng kamera
sa pagsasabuhay ng artista sa kanyang karakter. Nakakatulong ang tamang anggulo sa bawat
eksena ng mga artista sa pag-unawa sa daloy ng istorya ng isang pelikula. Kaya kadalasan
isinasagawa ng direktor ng pelikula ang pamimili ng iba’t ibang anggulo ng kanyang kukuhanan
para mapalitaw ang tamang timpla sa bawat eksena nito. Sa pamamagitan ng pagsaalang-alang
sa tamang kuha ng anggulo mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga manonood na unawain
ang kabuuang produksyon nito.
May limang (5) pangunahing anggulo ng kamera na isinasagawa sa pagkuha ng mga
eksena. Nalalaman ang mga anggulong ito batay sa pinaglalagyan ng kamera habang
isinasagawa ang pagkuha ng mga eksena.
Minsan kailangan gamitin sa pagkuha ng eksena ang Bird’s-Eye View upang maipakita
ang kabuuang kuha ng eksena. Sa anggulong ito, inilalagay ang kamera sa bandang itaas ng
artista habang isinasagawa ang eksena at nakatutok ito sa artista hanggang sa ibaba. Ang
ganitong uri ng anggulo sa pagkuha ng eksena ay kalimitang ginagamit ng isang direktor sa
pagkuha ng mga kaukulang dramatikong diin sa karakter o eksena. Sa panimula ng pelikulang
Regeneration (1997), isang birds’s-eye shot ang ginamit ng direktor para maipakita ang
sagupaang nangyari sa Unang Digmaang Pandaigdig. Naipakita sa anggulong iyon ang walang
awa at di makataong pagpatay ng mga kalaban sa mga sundalo sa naturang pelikula.
Ang High Angle ay kuha mula sa itaas kung saan nagpapakita ng kahinaan at kawalang
kapangyarihan sa paglalapat ng mood, setting at effects ng tauhan. Ang anggulong ito ay
simbolikong ginamit ng direktor para sa mga karakter na hindi gaano mahalaga sa isang eksena
kaya nagmumukhang maliit ang isang karakter. Sa eksena sa pelikulang Avenger, isang
magandang halimbawa ng High angle na kuha nina Thor at Captain America na siyang ginamit
ng direktor para magmukhang mahina ang dalawang super hero sa pagpapatuloy ng kanilang
pakikipaglaban na tila may iba na namang silang pupuksain na kalaban na hindi maubos-ubos.
2

Ang ganun damdamin ay matagumpay na napadarama sa mga manonood dahil sa tamang


pagkakuha ng anggulo.
Pinakapayak na anggulo na napapanood sa isang pelikula ay tinatawag na Eye-Level. Ang
anggulong ito ay isang “personal view” na tila pagkakuha sa karakter ng eksena ay parang sa
tunay. Hindi ito makabagdamdaming kuha ngunit nagagamit pa rin ito sa paglalarawan at
pagpapaliwanag sa pag-unlad ng banghay ng pelikula. Itinuturing din ang anggulong ito na
“personal view” dahil kapantay lang nito ang taas ng pinaglalagyan ng kamera sa mga
nagsisiganap sa mga eksena.
Ang low angle ay ginagamit sa mga eksenang nagpapakita ng katapangan at
kapangyarihan sa isang pelikula. Inilalagay rin ang kamera nito sa ibaba ng linya ng mata ng
artista at nakatuon ito pataas. Kaya sa isang eksena na paghaharap ng mayaman at mahirap
inilalagay ang kamera sa baba at itinuton ito sa artistang mayaman para bigyan puwang ang
kanyang estado na ipinapakita ang kanyang kapangyarihan laban sa mahirap na karakter na
nakatuon naman ang kamera sa ibaba.
Ang literal na pagtingala sa kuwadro ng kamera o pagtungo sa ibaba ng kamera ay
tinatawag Oblique Angle. Ang ganitong anggulo ay ginagamit ng direktor sa pagkuha ng
mahahalagang eksena kaugnay sa kanyang pelikula.

2. MUSIKA
Malaki ang papel na ginagampanan ng musika sa pelikula na hindi maipaghihiwalay ang
dalawa. Mas pinatitingkad, mas pinadadama at mas pinapaganda ng musika ang pelikula
sapagkat kung wala ito ay maaaring lalabas na hindi natural, malungkot at walang buhay ang
isang pelikula. Taglay ng musika ang sari-saring papel na ginagampanan sa pelikula na
mahalaga sa emosyonal na aspeto ng pelikula o maaaring isang malaking tulong ito sa paglinang
ng nasabing kwento. Napakamahalaga ang musika na aspetong isinaalang-alang ng mga
manggagawa ng pelikula kabilang ang direktor at prodyuser. Naniniwala sila na ang reaksyon
ng mga manonood ay hindi lamang nakukuha sa mga paraan katulad ng takot, lungkot at ligaya
kundi sa pamamagitan din ng pagpapadanas ng isang pelikula sa mga manonood, ang
3

tinatawag musika. Bunga nito ang paglahok ng musika sa pelikula ay masusing pinag-iisipan
kaya kabilang ang musika sa kinikilala sa tuwing mayroong pagpaparangal sa pelikula.

HALAGA NG MUSIKAL NA ISKOR


Karaniwan may mga pagkakataon na sa ating panonood ay hindi natin masyadong
pinahahalagahan ang musika sapagkat nakatuon lamang tayo sa mga nagsisipagganap o sa
mismong kwento ng pelikula. Karaniwan sa mga manonood ay hindi ito napapansin.
Magkagayunpaman, hindi ito nangangahulugan na walang itong malaking kontribusyon sa
pelikula. Sa katunayan, malaking ang naiaambag ng musika sa kung paano tayo tumutugon o sa
ating mismong pagdanas ng pelikula. Natatamo ito sa paraang, napapatatag ang emosyong
isinasaad sa mga imaheng nakikita, pinasisigla nito ang ating imahinasyon at ekspresibong
emosyon na hindi naipararating sa mga purong imahe lamang.
Bunga na rin ng kanyang kahalagahan sa pelikula at ang magiging reaksyon natin bilang
manonood, nagiging palasak na rin ang ating katawagan dito bilang kaligirang musika
(background music). Hindi dapat namamaliit ang musika sa usaping pelikula. Maituturing ang
katawagang background music bilang isang misnomer sapagkat mayroon integral na tungkuling
ang musika sa pelikula. Sa halip ituring ang musika bilang pantulong o katuwang ng pelikula.
Sa aklat ni Bogss (2008), pinaliwanag niya ang dalawang pananaw ng wastong antas ng
subordinasyon. Ang tradisyonal na pananaw at modernong pananaw. Sa paniniwala ng
tradisyonal, ang musika ng mahusay na pelikula ay nagtatanghal ng barayting tungkulin na
ginagawa nito tayong hindi konsyus sa kanyang presensya. Sa ibang pahayag, kung hindi natin
namamalayan ang nasabing musika ay maituturing bilang isang mabuting iskor. Kaya sasabihin
na hindi dapat napakamaganda ang musika sapagkat maaaaring maagaw nito ang atensyon ng
mga manonood.
Samantala, taliwas sa sinundang paniniwala. Ang modernong paniniwala naman ay
nagsasabi na hindi lamang ang musika naghahangad sa ating konsyus na atensyon kundi
kailangang dominahin din nito ang piktyur na nakikita iskrin. Kailangan lamang ay napapanatili
nito ang kanyang halagang pagkakaugnay sa biswal, dramatiko at ritmong elemento ng pelikula
sa pangkalahatan.
4

Parehong ang modernon at tradisyonal na pananaw ay nagkakatagpo sa isang esensyal


nap unto: ang musika na nakakaagaw ng pansin na naisasakripisyo ng ang pelikula ay hindi
maituturing na epektibo. Ang isang mainam na iskor ng musika ay isang signipikant na
estrutural na element, nagsasagawa ng isang mabuting tungkulin sa isang maayos na
pagkakaugnay na paraan.

MGA TUNGKULIN NG MUSIKAL ISKOR


Dalawa ang pangkalahatang pangunahin ng musika, ang pagbuo ng estruktural na mga
ritmo at ang pagganahin ang ating emosyonal na pagtugon, parehong ang mga ito ay
nagpapataas at nagpapalakas ng epekto ng imaheng nakikita natin sa iskrin.
Ang musikal iskor ay bumubuo ng estruktural na ritmo parehong sa pelikula bilang
pangkalahatan at sa bawat eksena sa pamamagitan ng pagdebelop ng takbo sa naaayon
hanggang sa paggalaw ng bawat kuha at ang takbo ng mismong pag-iedit. Samantalang ang
iskor ng pelikula ay gumaganap bilang pamuno at nagdaragdag ng naratibo at dramatikong
estruktura na nagpapagana sa ating emosyonal na pagtugon na kahanay sa bawat indibidwal na
sekwens at sa mismong pelikula bilang kabuuan. Ang damdamin ay nabubuo sa epektibong
paggamit ng musika, samantalang ang musikal iskor naman ay nagiging mainam na repleksyon
sa mga emosyonal na patern at humuhubog sa kabuuan ng pelikula.
Ang musika ng pelikula ay nahahati sa dalawa. Ang mickey mousing na teknik na halaw
sa animasyon. Ito ay tumpak, kinalkyula na musika at kilos. Ang ritmo ng musika ay kapareho
sa natural na ritmo sa mga gumagalaw na mga bagay sa iskrin. Samantala ang pangkalahatang
iskor (generalized score) naman ay walang paghahangad na magkapareho sa musika at sa
pangkalahatang emosyonal na kapaligiran at damadamin ng sekwens o sa pelikulang bilang
kabuuan.
3. ANG TUNOG
Maituturing ang tunog bilang makapangyarihang teknik sa paggawa ng pelikula.
Katulad ng musika bilang pambihirang apinidad sa pelikula, ang tunog din may mahalagang
papel na ginagampanan sa pagbuo ng pelikula. Hindi matatawaran ang naiambag nito kahit sa
paggawa ng silent film noon mga taong 1926. Ang mga silent film noon ay sinasamahan ng
5

mga tunog mula sa piyano, organ, ensemble o orkestrang musika. Sa paglipas ng panahon,
marami na rin ang nadiskubre na higit pang makakatulong sa pagdebelop ng isang pelikula
katulad ng pagrerekord ng mga diyaogo at mga tunog (sound effects) ay pinatunayan na naman
nito ang kanyang ambag bilang epektibong katuwang sa pagpapalabas ng emosyon at ritmong
itinataglay sa mga imahe. Bunga nito ay hindi maikakaila na ang tunog ay nakapagdaragdag ng
antas kahulugan at nagbibigay ng emosyonal na estimulo na mas higit pang nagbibigay ng
intensidad sa karanasan ng manonood.
Dahil sa nakatuon ang ating kamalayan sa mismong pelikula lalong lalo na sa kwento, ay
naisasantabi natin ang malikhaing aspeto ng tunog, musika o soundtracks. Ang mga ito ay
pinag-iisipan din kaya mahalagang bilang isang manonood ay sinusuri ang mga ito, ang
impormasyong kanyang ibinabahagi sa mismong eksena at kanya mismo komplekadong mga
teknik bilang pagpapasigla sa damdamin. Sa kasalukuyan, ang isang tagadesinyo ng tunog
(sound designer) ay maaari ng makapagrekord, maghalo (mix), magsala (filter), pahinain
(modulate), palakasin (amplify), at maghudyat (cue up) ng mga tunog kung kinakailangan.
Maaaring ang tunog na ito ay nairekord mula sa totoong buhay o di naman kaya ay mga inipon
nila mula sa mga pananaliksik sa internet. Mula sa mga pag-awit ng mga ibon, pagtunog ng
mga doorbell, tunog ng mga kuliglig sa gabing payapa, pagtahol ng mga aso, hanggang sa mga
pagputok ng baril, ang mga ito ay naggagamit para sa isang tiyak na eksena para sa
pagkokonvey ng isang partikular na emosyon o kahulugan.

NAKIKITA AT DI-NAKIKITANG TUNOG


Sa mga nabanggit, sinasabing ang tunog at imahe ay kailangang magklumentaryo sa
bawat isa. Ibig sabihin mayroong sinkronisasyon ang isang nairekord na tunog mula sa biswal
na imahe ng iskrin. Ang nakikita ng mga manonood sa iskrin ay may taguring nagsasalitang
mga larawan (talking pictures), dito mas napapamangha ang mga tao mula sa mga salitang
lumalabas. Ang pagkapit ng mga tunog na nagiging pantulong sa pagpapadama ng emosyon sa
mga manonood sa pagkakataong iyon na nanggagaling sa mismong mga imahe ng iskrin. Ito ay
tinatawag na nakikitang tunog (visible sounds).
6

Taliwas naman sa nakikita ang hindi nakikitang tunog (invisible sound). Ito ang tunog na
nagmumula sa isang bagay o pinagmulan na hindi nakikita sa iskrin. Ginagamit ito para mas
palawigin pa ang dimensyon ng pelikula labas sa nakikita sa iskrin sa pagtatamo ng higit pang
dramatiko epekto. Nagiging tungkulin ang mataas na eskpresibo o simbolikong paraan bilang
mga malayang imahe. Patunay ito na sa totoong buhay ay marami sa ating mga tunog ngayon
ang hindi nakikita, sapagkat hindi naman kinakailangan na alamin pa kung saan ito nanggagaling
o imposibleng mahanap pa ang kanyang pinanggagalingan. Sa madaling salita ang mga
manggagawa ng pelikula ay gumagamit ng mga tunog hiwalay sa elemento ng pagkukuwento
na may kakayahang maglalahad ng impormasyon saganang sarili. Kung napapakinggan natin
ang mga kalampag ng mga kubyertos at plato kahit ang eksena naman ay nakatuon sa mga
taong nag-uusap sa sala ay maaaring nagpapahiwatig na mayroong naghahanda o kumakain sa
kusina.

4. PAG-IILAW (LIGHTING)
Kung ikaw ay kukuha ng video sa pamamagitan ng iyong cellphone o kamera, hindi mo
na inisip ang manipulahin ang pag-iilaw. Ang modernong digital na pagkuha ay makaprodyus ng
malinaw na imahe sa maliwanag o madilim na mga sitwasyon, at para sa maraming pakay, ang
mahalaga sa lahat ay malinaw ang paksa.
Sa artistikong pag-iilaw ng paglikha ng pelikula ay higit lamang sa pananglaw na
nagpapahintulot sa atin na makita ang aksyon. Ang maliwa-liwanag at madilim-dilim na lugar sa
loob ng kwadro ay tumutulong likhain ang kabuuang komposisyon ng bawat shot at gabayan
ang ating atensyon tungo sa tiyak na mga bagay at kilos. Ang liwanag ng inilawang mantsa ay
guguhit sa ating mata tungo sa isang susing galaw, habang ang isang aninag ay naikukubi ang
detalye o lumikha ng pananabik tungkol sa anumang maaaring naroon. Ang pag-iilaw ay
nakapagsasasabi ng mga kayarian: ang kurba ng isang mukha, ang butil ng isang piraso ng
kahoy, ang guhit ng sapot ng gagamba, ang kinang ng isang hiyas at iba pa.

Highlights at mga Anino (Highlights and shadows). Ang pag-iilaw ay humuhulma ng mga bagay
pamamagitan ng paglikha ng highlights at mga anino. Ang isang highlight ay isang tapal ng
7

kamangha-manghang liwanag sa ibabaw. Ang highlights ay nagbibigay ng mahalagang hudyat


sa tekstura ng ibabaw. Kung ang ibabaw ay makinis, gaya ng salamin o or krom, ang highlights
ay magsisilbing sinag o kislap; ang isang magaspang o maligasgas na ibabaw, tulad ng isang
maligasgas na batong nakaharap, nagbubunga nang higit na makalat ng highlights. Ang mga
anino halos gayundin, nagpapahintulot sa mga bagay na magkaroon ng porsyon sa dilim
(tinatawag na pagtatabing) o patunguhin ang mga anino papunta sa ibang bagay.

Direction. Ang direksyon ng pag-iilaw sa isang shot ay tumutukoy sa daan ng ilaw mula sa
pinagmulan ng pinagmumulan ng bagay na may ilaw. Para sa kaginhawahan, maaari naming
makilala sa mga frontal lighting, sidelighting, backlighting, underlighting, and top lighting.

Frontal lighting ay nakilala ito sa pamamagitan ng pagkahilig upang maalis ang mga
anino.
Backlighting, sa pangalan pa lamang, nagmumungkahi itong ang ilaw ay nagmumula sa
likod ng paksa. Ang ilaw ay maaaring iposisyon sa maraming angulo: mataas sa itaas ng figura,
sa iba't ibang mga anggulo sa gilid, itinuturo tuwid ng kamera, o galing sa ilaim o ibaba. Ginamit
nang walang iba pang mga pinagkukunan ng liwanag, ang backlighting ay may gawi na lumikha
ng silweta (ang madilim na hugis at balangkas ng isang tao o isang bagay na nakikita laban sa
isang mas magaan na bakgrawn, lalo na sa madilim na liwanag). Kasama ang higit pang mga
pangharap na pinagmumulan ng liwanag, ang pamamaraan ay maaaring lumikha ng isang
banayad na tabas. Ang paggamit ng ilaw na ito ay tinatawag na gilid ng ilaw o rim na ilaw.

Underlighting, nagpapahiwatig na ang liwanag ay nagmumula sa ibaba ng paksa. Dahil


ang underlighting ay may posibilidad na papangitin ang mga tampok, ito ay madalas na
ginagamit upang lumikha ng mga dramatikong panginginig sa epektong katakot-takot, ngunit
maaaring ipahiwatig lamang nito ang isang makatotohanang pinagmulan ng liwanag, tulad ng
isang tsiminea, o plaslayt. Gaya ng nakagawian, ang isang partikular na pamamaraan ay
maaaring gumana nang iba ayon sa konteksto.
8

Top lighting, ang spotlight ay kumikinang mula sa halos direkta sa itaas ng mukha. Ang
itaas na ilaw ay lumilikha ng isang kaakit-akit na imahe. “Ito ay isang bagay ng pagiging totoo -
lahat ng bagay ay hindi nakikita sa lahat ng oras”.

Ang pag-iilaw sa pinagmulan ay may kalidad, at may direksyon. Maaari rin itong makilala sa
pinagmulan nito. Sa paggawa ng isang dokumentaryo, ang filmmaker ay maaaring obligado na
mag-shoot na may anumang liwanag ay magagamit. Gayunman, karamihan sa mga kathang-isip
na mga pelikula ay gumagamit ng mga karagdagang pinagkukunan ng liwanag upang makakuha
ng higit na kontrol sa mga hitsura ng mga imahe. Kadalasan ang mga table lamp at streetlight
na iyong nakikita sa isang set ay hindi malakas o iba't-ibang sapat upang lumikha ng isang
malakas na imahe. Gayunpaman, ang filmmaker ay kadalasang lumikha ng isang disenyo ng
ilaw na tila pare-pareho sa mga mapagkukunan sa tagpuan. Ang mga huwaran ng pag-iilaw ay
nagayak ng nakikitang pinagkukunan.

Ang mga direktor at mga maninekreto (cinematographers) ng pagmamanipula sa pag-


iilaw ng tanawin ay kadalasang nagpapasiya sa dalawang pangunahing pinagmumulan: isang
mahalagang liwanag (key light) at liwanag na punan (fill light). Ang pangunahing ilaw (key light)
ay ang pangunahing mapagkukunan, na nagbibigay ng pinakamaliwanag na pag-iilaw at
paghahagis ng pinakamatibay na anino. Ang pangunahing ilaw ay ang pinaka-direktang liwanag,
at karaniwang ito ay iminungkahi ng isang pinagkukunan ng ilaw sa tagpuan. Ang isang ilaw na
punan ay isang mas malalim na pag-iilaw na "pumupuno sa," paglambot o pag-aalis ng mga
anino na itinatapon ng susi na ilaw (key light). Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng susi
(key) at punan (fill), at sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iba pang mga mapagkukunan, ang
ilaw ay maaaring kontrolado ng lubos na eksakto.

Dalawang Tuntunin ay tumutukoy sa iba't ibang intensidad ng pag-iilaw:


1. Ang mababa na susi sa pag-iilaw (low-key lighting) ay naglalagay ng karamihan sa hanay
sa anino; ilang mga highlight lamang ang tumutukoy sa paksa. Ang uri ng pag-iilaw ay
9

nagpapataas ng pag-aalinlangan at lumilikha ng isang madilim na kalooban; kaya, ito ay


ginagamit sa misteryo at panginginig sa takot na mga pelikula.
2. Ang mataas na susi sa pag-iilaw (High-key lighting), sa kabaligtaran, ay nagreresulta sa
mas maraming liwanag na lugar kaysa sa mga anino, at ang mga paksa ay nakikita sa
gitna ng grays sa higlights, na may mas kaunting kaibahan. Ang mataas na susi sa pag-
iilaw (high-key lighting) ay angkop para sa komik at liwanag na moods, tulad ng sa isang
musikal. Sa pangkalahatan, ang mga eksena sa mataas na kaibahan, na may malawak na
pagkakaiba sa pagitan ng liwanag at madilim na mga lugar, ay lumikha ng mas
makapangyarihan at dramatikong mga imahe kaysa sa mga eksena na pantay-pantay na
naiilawan.
Ang direksyon ng liwanag ay gumaganap din ng isang mahalagang papel sa paglikha ng
isang epektibong biswal na imahe. Halimbawa, ang epekto na ginawa ng pantay sa ibabaw na
pag-iilaw (flat overhead lighting) ay ganap na naiiba mula sa epekto ng malakas na ilaw sa gilid
mula sa antas ng sahig. Ang backlighting at front lighting ay lumikha din ng iba't ibang epekto.

Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Pag-iilaw


1. Ang pag-iilaw ba ay ng pelikula sa kabuuan ay a. tuwiran. marahas, at matapang; b.
Kainaman o katamtaman at balanse; c. Malamlam at malaganap? Ang mataas o
mababang susing pag-iilaw ba ay namamayani o nangingibabaw? Paano ang desisyon
nga pag-iilaw umaakma sa kuwento ng pelikula?
2. Naging artipisyal ba ang pag-iilaw mula sa simula hanggang sa katapusan, mula
sa mga lugar saan walang makitang pagkukunan ng ilaw, o naging likas ang pagmumula nito sa
pinagkukunang nakita o iminungkahi sa tabing?
3. Paano nakaaambag ang pag-iilaw sa kabuuang emosyonal na saloobin o himig ng
pelikula?

5. KASUOTAN/KOSTYUM
Hindi magiging buo ang isang pelikula hanggat hindi akma ang kasuotan ng mga
magsisipagganap. Kaya malaki ang tungkulin ng isang tagadesinyo ng kasuotan sa
pagdedesisyon kung ano ang pinakamainam na kasuotan na isusuot ng mga artista. Bago pa
10

man ang pagbuo o magaganap ang syuting ay mahalagang naihanda na sa kanyang kaisipan, at
plano kung ano ang magiging kaanyuan ng mga kasuotan ng mga magsisipagganap. Sa
tagadesinyo nakaatang ang responsibilidad sa pagpaplano at sa pagsasakatuparan sa mga damit
na gagamitin sa produksyon. Sa tulong nito, nabibigyan niya ng suporta hindi lamang ang pisikal
na kaanyuan kundi pati ang emosyonal na aspeto na siyang mas lilinang pa sa
pagsasakarakterisasyon ng mga tauhan.
Bukod sa tagadesinyo ng kasuotan ay isinasangguni ang mga ito sa iba pang kabilang ng
produksyon katulad ng direktor, kostyumer, hairstylist, at mga artista. Ilalahad ng tagadisenyo
ang kanyang tentatibong guhit sa tinatawag na costume plates. Kung ano ang
mapagkakasunduan ng lupon ay siyang gagamitin sa pagsasagawa ng pelikula. Sa totoong
buhay, nagsusuot tayo ng mga damit upang proteksyunan at magmukha tayong kaaya-aya sa
paningin ng iba pero sa pelikula ay mas lalong tinutulungan nito ang isang artista na mailabas
niya mismo ang karakter sa kwento. Sa pelikulang Bituing Walang Ningning, si Laviña Arguelles
(Cherry Gil) ay gumanap bilang isang sikat na mang-aawit. Pinatingkad ang kanyang karakter sa
tulong ng mga magagandang damit na kanyang isinisuot, mga alahas, at maayos na make-up.
Samantalang, si Dorina Pineda (Sharon Cuneta) naman ay simple lamang ang pananamit na
isinusuot para ilarawan ang kanyang karakter bilang simpleng tagahanga ng mang-aawit.
Nangangahulugang, inilalarawan ng mga kasuotan at pinagtitibay nito ang katayuan ng mga
karakter sa lipunan, pamumuhay, edad, trabaho, pinag-aralan, at iba pa. Higit pa, nakakatulong
din ang mga kasuotan na muli tayong maibalik sa mga nakalipas na panahon ng ating
kasaysayan.
Sa pelikulang Birdshot (2016), si Mendoza (John Arcilla) ay nakasuot ng damit pampulis.
Malaki ang papel na ginagampanan ng kanyang kasuotan para mas maging kapani-paniwala siya
sa kanyang karakter. Mahalaga sa isang aktor na para mapag-iba siya sa kanyang tunay na
buhay ay makadama siya ng kaginhawaan sa kanyang isinusuot na damit. Sinasabing ang
isinusuot ng isang aktor kung halimbawa isa siyang pulis, guro, doktor, magsasaka, tambay, o
kumadrona ay natutulungan nitong magampanan niya nang maayos ang kanyang papel. Sa mga
artista mas nagkakaroon sila ng internalisasyon sa karakter na kanilang ginagampanan kung
nakikita na nila mismo ang kanilang karakter na taglay na ang kasuotan.
11

Isa na siguro sa pinakamahirap na pagdaanan ng isang tagadisenyo ng kasuotan ay


kapag may kinalaman sa kasaysayan ang isang pelikulang gagawin. Sapagkat nangangailangan
ito ng masinsinang pananaliksik. Bawat detalye ay komplimentaryo sa bawat isa at kailangang
makatotohanan mula sa damit, alahas, hairstyle, at iba pa. Tanda din maturidad ng isang aktor
kung nagsasaliksik siya sa kasaysayan ng kwento at ng kanyang mismong karakter. Bunga
naman nito, maaari naman siyang makapagbigay ng suhistiyon sa tagadisenyo ng kasuotan para
sa pagpapaunlad ng kanyang isusuot.
Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/Costume_design ang mga sumusunod ay ang
karaniwang proseso sa pagdidisenyo sa kasuotan.
1. Pag-aanalisa. Ito ang unang hakbang sa pag-aanalisa ng iskrip, musikal na
komposisyon, koreograpi, at iba pa. Ang parametro ng kasuotan sa isang palabas ay
pinagtitibay at pauna ng isinasagawa ang banghay ng kasuotan. Binabalangkas ng
kasuotang banghay kung sinong karakter ang kabilang sa eksena, kung kailan magpapalit
ang mga aktor at kung ano ang mga kasuotan ang nabanggit sa iskrip.
2. Kolaborasyong Disenyo. Ang pinakamahalagang yugto sa proseso kung saan ang mga
tagadisenyo ay makikipagtagpo sa direktor. Dapat malinaw sa bawat isa ang direksyon
ng palabas. Parehong pag-unawa ang direktor at mga tagadisenyo kung ano ang tema
ng palabas at anong mensahe ang gusto nilang makuha ng mga manonood.
3. Pananaliksik sa Kasuotan. Kapag ang direktor at ang mga tagadisenyo ay nasa
parehong pahina, ang susunod na hakbang ng tagadisenyo ay ang magsasagawa ng
pananaliksik. Kailangan may pag-unawa siya hinggil sa kwento, bunga nito ay mas
mauunawaan niya ang mga karakter. Nakatutulong ito para sa higit pang malawak na
pananaliksik sa bawat karakter na pinagtitibay ang bawat personalidad sa pamamagitan
ng kanilang kasuotan.

4. Preliminaryong pagguhit ng plano at pag-lay-out ng Kulay. Kung may sapat na


kaalaman na bunga ng pananaliksik ay maaari ng makapagdisenyo ng kasuotan sa
pamamagitan ng paggawa preliminaryong pagguhit ng plano. Matapos, ang tagadisenyo
12

ay maaari ng magsagawa ng detalyadong pagguhit at isipin ang mga tiyak na kasuoan at


kulay sa bawat karaker.
5. Pinal na pagguhit ng plano. Kung napagkasunduan na ng tagadisenyo ng kasuotan at
ng direktor, maaari ng isagawa ng tagadisenyo ang pinal na pagguhit. Tinatawag itong
pagsasalin (rendering) at kadalasang ipinipinta gamit ang waterkolor o akrilik na pinta.
Ang pinal na pagguhit ay nagpapakita kung ano ang magiging anyo ng karakter at ang
magiging kulay ng kanyang kasuotan.

Samantala, mayroon namang apat na pagpipilian kung saan kukuha ng kasuotan ang
tagadisenyo. Ito ay maaaring sa paghahanap sa mga tindahan ng mga kasuotan o
kostyum, magrenta, bumili, o maaaring magpaggawa (made to order).

6. MAKE-UP/PAGME-MAKE-UP
Mahalalaga ang make-up para sa karakter ng isang artista sa isang pelikula. Sa tulong
naman ng make-up ay mas lumalabas ang inaasahang hitsura ng isang aktor batay sa kanyang
karakter. Kung naging palasak ang paggamit ng make-up sa teatro katulad ng Kabuki ng mga
Hapones na eksaheradong pagmi-make-up ang isinasagawa gayundin naman sa pelikula.
Nagagawa ng make-up na maitransporma ng isang aktor ang kanilang sarili sa ibang bersyon na
kaiba sa kanyang pagkatao.
Nabanggit ni Downs, et al. (2013) sa kanyang aklat na sa kanluran, nahahati sa dalawang
kategorya ang paglalagay ng meyk-ap.
1. Tuwirang make-up (Straight make-up). Hindi nito binabago ang hitsura ng aktor sa
halip ginagawa lamang nito ang mukha ng aktor na higit pang tatlong dimensional
samakatuwid mas nagiging maliwang siya sa manonood. Minsan ang gumagawa nito ay
maaaring ang mismong artista lamang sa kanyang sarili.
2. Karakter na make-up (Character make-up). Pagnanais naman ito na mabago ang
hitsura ng isang aktor, halimbawa, pagdaragdag ng kulay-abo (gray) sa buhok, at kulubot
sa pagnanais na magmukhang matanda ang isang aktor. Upang magmukhang mas
epektibong may-edad, kailangan din ng aktor na magsuot ng balbas o peluka.
13

Ang make-up ay napakakailangan din upang mapatingkad ang ekspresibong kalidad ng


mukha ng isang aktor. Sa pelikula, mas nakikita nang malapitan ang mukha lalo pa’t naka-close
up ito sa kamera. Mahalagang maitago sa mata ng mga manonood ang anumang hindi dapat
makita nila. Kabilang sa dapat na maitago kung hindi naman kailangan sa eksena ay ang peklat,
kulubot, at paglaylay (sagging) ng balat sa mukha. Naggawang mabago ng isang make-up artist
ang anumang nais niya sa aktor. Asahan na ang aktor mababae man o malalake ay parehong
maaaring gumamit ng make-up.

7. ANG PAG-ARTE
Halaga ng Pag-arte
Ilan sa atin kapag nanonood ng pelikula, unang kinososedera ay ang artista. Kung
mahusay ang gaganap sapagkat kilala na natin siya sa kanyang mga nagdaang pelikula ay
pinapanood natin. Malaki ang papel na ginagampanan ng isang artista upang maging
makabuluhan ang isang pelikula sapagkat kung maganda ang kwento pero pangit naman ang
pag-arte ng nagsisipagganap ay magkakaroon pa rin ng kakulangan. Isa ang pag-arte sa
maraming elemento ng pelikula na tinitingnan para sa kabuuan ng estitiko ng pelikula. Kaya
mapadula, mapatelebisyon o mapapelikula ay mahalagang magtataglay ng teknik o kasanayan
ang isang aktor na gaganap sa anumang papel.
Ang aktor ay sinumang gumaganap ng isang papel sa isang pagtatanghal. Siya ang
umaarte. Mahalaga na mayroon siyang teknik sa pag-arte upang makapagbigay ng maliwanag
na pagkaunawa sa mga manonood sa makataong-pag-uugali (human behaviour) at higit na
maunawaan ang sariling pag-uugali gayundin ang sa iba.

Layunin ng Isang Aktor


Ang pangunahing tungkulin ng aktor ay ang papaniwalain tayo nang lubos sa realidad ng
karakter. Dinadala tayo sa dimensyong ginagalawan ng karakter. Kung malungkot ang karakter
nakakadama din tayo ng pagkalungkot. Kung masaya naman siya ay pagkagalak naman ang
ating nadarama pero kung inaapi naman siya ay nakakadama rin tayo ng galit sa taong
14

gumagawa nito sa kanya. Sa isang aktor na gumaganap sa pelikula kailangan niyang maging
kapani-paniwala, matapat at natural.
1. Kapanipaniwala (Believability). Ang pagiging kapani-paniwala ay kailangang
magkaroon tayo ng simpatiya sa mismong karakter na ginagampanan ng isang aktor.
Nauunawaan natin ang karakter sa pagkakaroon natin ng simpatiya na ang
nararamdaman niya ay katulad din ng sa atin. Ang empatiya naman ay nagkakaroon tayo
ng ugnayan sa karakter sa mundong kanyang ginagalawan sa personal na antas. Nakiki-
empatiya tayo sa kanyang mga pagpapahalaga (values), pag-uugali, at ang kanyang
mundo kahit may kaibahan ito sa atin. Mangyayari lamang ito ng isang manonood kapag
naging kapanipaniwala siya sa kanyang pag-arte.
2. Matapat (truthfulness). Kailangang maipaunawa sa atin ng isang aktor ang
katotohanan. Maggagawa lamang ito kapag mayroon siyang kasanayan. Kasanayan sa
pag-arte na maaaring magpapabago sa buhay ng mga manonood. Mayroon siyang
kakayahan at responsibilidad na gamitin iyon sa isang makabuluhan at makatotohanang
layunin.
3. Natural. Ayon sa kasabihan ang pag-arte ay hindi magandang pag-arte, ang pag-arte
ay ang pag-arte ng natural (acting is bad acting, acting is being). Sa madaling salita, ang
pag-arte ay kailangan mapanood kawangis ng natural o sa totoong buhay. Higit sa mga
gimik upang magkaroon ng pagkakilanlan ang karakter ay kailangan nang lalim at
personal na kalidad sa panloob na katauhan.
Sa aklat ni Boggs, et al. (2008) nabanggit niya na dapat taglayin ng isang aktor ang
katalinuhan, imahinasyon, sensitibidad, at kaalaman sa kalikasang pantao na higit na kailangan
sa higit pang pag-unawa sa karakter na kanilang ginagampanan- kaisipan, motibasyon, at
emosyon. Maidagdag pa, ang aktor ay nararapat na magkaroon ng abilidad na maihayag ang
mga ito nang kapani-paniwala gamit ang boses, katawan, kilos, kumpas, o pangmukhang
ekspresyon upang ang kalidad ay totoo sa karakter na ginagampanan at sa sitwasyong kung
saan nakikita ng mga karakter ang kanilang mga sarili. Mahalagang napananatili ng aktor ang
ilusyon ng realidad ng mga tauhan na mayroong konsistensi buhat simula hanggang sa waga.
15

Dinagdag pa niya na kailangan kontrolin ng aktor ang kanyang ego, upang makita nito ang
kanyang karakter sa tamang perspektibo tungo sa dramatikong paggawa ng kabuuan.

PAG-ARTE SA TEATRO, PAG-ARTE SA PELIKULA


Bagaman may pagkakapareho pagdating sa elemento pero nagkakaiba pa rin sa
maraming aspeto ang pag-arte sa teatro at sa pelikula. Saklaw ng teatro ang tinatawag na live
na pagganap. Napapakinggan ng mga aktor ang pagsigaw, pagtawa, at pag-iyak ng mga
manonood. Nakadaloy ito sa dalawang direksyon ang napapanood sa entablado at ang
reaksyon ng mga manonood. Samantalang sa pelikula naman ay nakadaloy lamang sa iisang
direksyon sapagkat hindi nalalaman ng mga nagsisipagganap ang reaksyon ng kanilang mga
manonood.
Ang mga artista sa teatro ay tinatawag na mga lehitimong aktor (legitimate actor). Sila
ang mga aktor na umaarte nang live sa mga manonood. Mas madaling maging aktor sa pelikula
kaysa sa teatro. Sapagkat kailangan ng intensib na pag-eensayo kung artista ka sa entablado.
Bagaman, maaari namang maging artista sa pelikula ang isang aktor sa entablado katulad nina
Eugene Domingo, John Arcilla, at Nonie Buencamino, pero hindi magiging madali para sa isang
aktor sa pelikula na makapasok sa pag-arte sa entablado. Mas madali ang pagpasok bilang aktor
sa pelikula kahit ang mga manlalaro katulad nina Manny Pacquiao, Benjie Paras, Efren “Bata”
Reyes, at Onyok Velasco ay nabigyan ng pagkakataon na maging aktor sa pelikula.
Sa pelikula, maaaring may double sa aktor mula sa pagkanta, pagtalon, pangangarate, at
iba pa. Samantalang sa entablado ay inaasahan ang pag-arte, pagsayaw at pagkanta lalong lalo
na kung kinakailangan iyon sa kanyang papel. Sa teatro naman ay walang close-up lahat ay wide
shot kaya inaasahan ang buong pusong pagganap at emosyon sa artista. Hindi katulad sa
pelikula maaari mong pikiin emosyon kung hindi nakapokus sa iyo ang kamera.
Samantala, sa teatro ay aabutin ng maraming araw sa pagbabasa ng iskrip at pagsasaulo
ng mga linya. Sa pelikula naman minsan inaaaral lamang ito ng mga artista sa mismong araw ng
syuting. Sa bawat pagkakamali nila sa pagtatapon ng linya ay maaari lamang magkaroon ng mga
panibagong pag-uulit. Sa entablado ay kailangang maging alerto kung sa anong bahagi
magsasalita na dapat nakikita pa rin sa aktor ang karakter na ginagampanan. Kung magkakamali
16

naman sa linya, may sinapawan, o lumaktaw ng ilang pahina, wala na itong pangalawang take
kaya doble-ingat ang ginagawa ng isang aktor. Sinasabi rito na kailangang maging tiyak ang
aktor sa entablado sapagkat napapakinggan at nakikita ng mga manonood ang lahat ng kanilang
paggalaw sa entablado. Hindi rin nangangahulugan na walang pag-iingat na gagawin sa pag-arte
sa pelikula lalo pa’t sa bawat pagkilos ng mga mata, ekspresyon ng mukha, gayundin ang mga
salita ay hinuhuli ng kamera. Ang pagkakaroon ng paggalaw ng mga mata o ekspresyon ng
mukha na hindi naman inaasahan sa eksena ay maaaring magpapababa sa kredibilidad at
pagiging makatotohanan ng tagpo. Katulad ng teatro, kailangang lalabas ang pagiging natural sa
pag-arte na hindi nakokonsyus sa sarili. Ipinapakita rin sa pelikula ang kapangyarihan ng mukha
na nakapagsasaggawa ng iba’t ibang emosyon. Sa pag-arte sa pelikula o iskrin mas binibigyan ng
empasis ang pagkakabisa (reacting) kaysa pag-arte. Sa pelikula ang pagkakuha ng reaksyon
(reaction shot) ay tumutukoy sa nagiging saloobin ng taong apektado sa pag-uusap o kilos.
Kailangang maipakita sa iskrin ang nabuong emosyon ng taong nakinig sa nagsasalita at
maipakita niya ito sa kanyang mukha.
Sa aklat ni Boggs (2008) nabanggit niya na may dalawang uri ng pag-arte sa pelikula.
1. Aksyong pag-arte (action acting). Higit itong kinakailangan sa mga aksyong pelikula
sapagkat kinabibilangan ito ng reaksyon, paggalaw ng katawan, pisikal, at espesyal na
kasanayan, pero hindi ito nagmumula sa pinakamalalim na kakayahan ng aktor tulad ng
katalinuhan at nararamdaman.
2. Dramatikong pag-arte (dramatic acting). Tumutukoy sa pagsusustina, masinsinang
diyalogo ng iba pang mga karakter, at nangangailangan ng emosyonal at sikolohikal na
lalim na bihira lamang kinakailangan sa aksyong pag-arte.

Sa madaling salita kinabibilangan ng aksyong pag-arte ang pagsasagawa. Samantalang sa


dramatikong pag-arte naman ay pumapaloob ang nararamdaman, pag-iisip, at
pagbabahagi ng emosyon sa iba pang mga aktor sa loob ng pelikula.

MGA TEKNIK SA PAG-ARTE


17

Hindi maikakaila na sa bawat araw ay madalas tayong umaarte na hindi natin


namamalayan. Minsan, sa pag-alis mo sa bahay ay pinagsabihan ka ng iyong ina na dapat
magtipid-tipid sa paggasta dahil mahal ang bilihin. Hindi alam ng iyong ana na ang perang
ibinigay niya ay naubos sa pang-araw-araw mong gastusin at pangangailangan sa pag-aaral.
Dahil sa iginagalang mo ang iyong ina ay mas pinili mo ang manahimik ang ikubli ang iyong
nadarama. Umalis kang nagpaalam na nakangiti kahit sa kaloob-looban mo ay bahagyang
nakadama ka ng pagtatampo. Sa tagpo naman sa paaralan, nag-aasta kang mayroong
pinagkakaabalahan para hindi matawag ng guro sa kanyang oral recitation. Ang mga ito ay
patunay na ang pag-arte ay hindi lamang saklaw sa mga arte kundi bahagi na rin ng ating pang-
araw-araw na buhay. Kaya sa bahaging ito, pag-aaralan natin ang mga teknik sa pag-arte.
Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_acting_techniques ang mga sumusunod
ay ang mga teknik sa pag-arte.
1. Klasikal na pag-arte (classical acting) ang pinakaterminolohiya sa pilosopiya ng pag-
arte na kabilang ang ekspresyon ng katawan, boses, imahinasyon, pag-personalize,
improbisasyon, eksternal na stimyulai, at pag-aanalisa ng iskrip. Nakabatay ito sa teorya
at mga sistema ng piling klasikal na mga aktor at direktor kabilang si Konstantin
Stanislavski at Michael Saint-Denis.

2. Sistemang Stanislavski. Kilala rin ito bilang metodong Stanislavski, ang aktor ay
humuhugot sa kanyang sariling nararamdaman at karanasan para maghatid ng
katotohanan sa karakter na ginagampanan. Inilalagay ng aktor ang kanyang sarili sa
kaisipan ng karakter upang makahanap ng mga komong bagay sa pagnanais na
makapagbibigay ng makatotohanang pagsasatao sa karakter.
3. Metodong pag-arte. Saklaw ng mga teknik na ginagamit para maging katuwang sa
aktor para unawain, makaugnay sa at pagsasatao ng karakter, tulad ng binuo ni Lee
Strasberg. Ang metodo ni Strasberg ay nakabatay sa ideya na para makadebelop ng
emosyonal at kognitibong pag-unawa kanilang papel, ang aktor ay nararapat na gamitin
ang sariling mga karanasan sa pagtukoy mismo ng papel na ginagampanan. Nakabatay
ito sa aspeto ng sistema ni Stanislavski.
18

4. Meisner na Teknik. Nangangailangang ang aktor ay nakapokus nang buong-buo sa isa


pang aktor at isiping siya ay totoo at sila ay nabubuhay (exist) sa mga sandaling iyon.
Ang metodong ito ay tumutulong sa mga aktor sa eksena na mas lalong makatotohanan
sa mga manonood. Nakabatay rin ito sa prinsipyo na ang pag-arte ay makakatagpo ang
kanyang ekspresyon sa tugon ng mga tao sa iba pang mga tao at sa kalagayan. Mula pa
rin ito sa sistema ni Stanislavski.
5. Praktikal na Estetiko. Isang teknik sa pag-arte na orihinal na binuo ni David Mamet at
William Macy, batay sa mga pagtuturo ni Stanislavski, Sandord Meisner, at pilosoper na
si Epictetus. Ilan sa mga pangunahing katangian ay ang pag-aanalisa ng iskrip,
adaptabilidad, at repitesyong pagsasanay na may pagkakatulad sa Meisner na teknik.

6. Metodong Brechtian. Si Bertolt Brecht ang luminang sa estilong “epikong drama” na


umaasa sa replektibong paghihiwalay sa halip na magkaroon ng emosyonal na
paglalahok.
URI NG AKTOR
Sa A Primer for Playgoers, nina Edward A Wright and Lenthiel H Downs na nabanggit ni
Boggs (2008) sa kanyang aklat ay tinukoy nila ang mga uri ng aktor sa tatlong uri:
1. Impersonator. Ito ay isang aktor na may mga talento sa paglayo ng kanilang totoong
pagkatao at akuin ang personalidad ng karakter na kung saan mayroon lamang silang
kaunting katangiang komon.
2. Interpreter at Commentator. Gumaganap ng mga papel sa pelikula na may
pagkakahawig lamang sa kanilang personalidad at pisikal na hitsura. Isinasalin nila ang
bahaging ito sa dramatikong kapamaraanan na walang pagkawala ng identidad.
3. Personalidad na Aktor. Mga aktor na ang pangunahing talento ay maging sila lamang
sa kanilang sarili at wala ng iba pa. Ang aktor na ito bagaman popular ay hindi maaaring
umako ng iba pang mga papel sapagkat maglalaho ang kanilang sinseridad sa sarili at
ang pagiging natural kung lalabas sila mismo sa kanilang pagkatao.
19

9. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga


eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi
na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang
oras/panahon ang isang pelikula.

Nangyayari ito kapag tapos na ang syuting o aktuwal na rekording ng pelikula. Ang editor
ang nagtatahi ng pagkakasunod-sunod ng eksena, kuwento at kabuuan ng pelikula. Kapag
ginagawa kasi ang pelikula hindi batay sa pagkakasunod-sunod sa iskrip kundi sa maraming
aspekto – badyet ng pelikula, oras ng nagsisiganap, mahihirap- madadaling eksena, at marami
pang iba.

10. MGA STORYBOARD


Ang isang storyboard ay tulad ng isang bersyon ng komiks ng iyong pelikula, ngunit walang mga
bula sa diyalogo. Magagawa ito nang mapagbigay sa pamamagitan ng pagguhit lamang ng
pinakamahalagang mga eksena o pagbabago. O - sa kaso ng isang napaka-mabibigat na
kuwento ng mabibigat na imahe - maaari itong gawin sa maliliit na bahagi, sa bawat setting at
bawat anggulo ng camera ay na-mapa.

 Tinitiyak ng prosesong ito na ang isang mahabang pelikula ay maaaring gawin nang mas madali.
Ang mahihirap na mga eksena o pagkakasunud-sunod ay maaaring mahulaan. Maaari ring mag-
shoot nang walang storyboard.

MAHALAGANG ELEMENTO NG PELIKULA at iba pang elemento

1. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula.


Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento. Sa mga libro, ito ay ang pangunahing
kaganapan, kasukdulan, at ang pabagsak na aksyon. Ang magandang pelikula ay may kwento na
hindi madaling mahuhulaan ng mga manonood ang mga susunod na mangyayari.

2. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang


tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. Ito ang isa
sa pinakamahalagang aspeto ng isang pelikula. Ang sinematograpiya ang paggamit ng mga
kamera upang isalarawan ang mga pangyayari sa isang eksena. Bukod dito, ito ay nagiging
instrumento na nagpapakita ng emosyon ng mga tauhan.

- Ito ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang kamera na isinasaalang-
alang ang mahusay na pagpili ng lokasyon at paggamit ng ilaw. Ang magagandang
lokasyon o ang mga angkop na lugar para sa mga eksena ang siya ring nagpapatingkad
20

sa imortalidad ng pelikula. Subukang magkomento tungkol sa sinematograpiya ng


pelikula. Ano-anong eksena ang tumatak sa isip mo dahil sa mahusay na paggamit ng
kamera, ilaw at lokasyon?

3. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog


at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood. Ito ang elemento
na nagpapasidhi ng damdamin at emosyon ng mga pangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng
wastong tunog at pagpapatunog ng angkop na musika para mapukaw ang interes ng mga
manonood.
- Ang iskoring ang nilalapat na musika, instrumental man o may liriko sa pelikula.
Instrumental kung walang liriko o titik ng awitin, ginagamit ang gitara, piano o isang
buong orkestra. Samantala, uso naman ngayon ang paggamit ng mga sikat na awitin
bilang musika rin ng pelikula. Kadalasan ito na rin ang titulo ng pelikula o ang mang-
aawit ang siya ring bida sa pelikula.

4. SHOOTING SA MISMONG LOKASYON


5. SHOOTING NG MGA SPECIAL EFFECT
6. ANIMATION NA GINAWA SA PAMAMAGITAN NG COMPUTER

You might also like