Ang aking napanuod ay tungkol sa wika at kultura at ang mga
kahalagahan nito sa ating bansa. Ang wika nagsisilbing salamin ng kultura, kasaysayan, at pagpapahalaga ng isang bansa. Ang pag-aaral ng wika ay may kaakibat sa pag-aaral ng kultura. Ang Pilipinas ay may 183 wika ayon sa ethnologue.com. Ang kultura ay isang katangian ng ating tradisyon, paniniwala at mga pagu-ugali. Ang wika bilang isang panlipunang kababalaghan ay nakasalalay sa pangkalahatang estado ng kultura ng mga tao.
Ayon kay Salazar 1996 “Ang wika ang bukod-tanging pagtanaw at
pagsasaayos ng realidad upang ang isang kultura ay umiral at magkaroon ng kakayahang gumawa at lumikha” ito ay nagsasaad na ang wika ay malapit sa kultura. Ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura. Ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap nang inangkin. Malaki ang nagagawa ng isang kultura para maka debelop tayo ng ating mga talasalitaan, ang isang kultura ay hindi rin mabibigyan ng kasarinlan, diwa at saloobin kapag walang wika. Dahil ang wika ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyon, ito ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura. Gayundin, ang wika ay nagsasalarawan at nagbibigay kahulugan sa mga kaisipan, saloobin, at damdamin ng isang kultura. Kapag wala ang mga aspetong ito, hindi maaaring magkaroon ng isang kultura.
Malinaw na ang isang tiyak na pangkalahatang relasyon ay
maaaring maitatag sa pagitan ng isang tiyak na aspeto ng wika at mga prosesong panlipunan, Sa pagpasa ng mga wika sa pamamagitan ng mga indibidwal na yugto ng pag-unlad, Ang relasyon sa pagitan ng wika at kultura ay nagpapakita ng sarili hindi lamang sa bokabularyo, kundi pati na rin sa gramatika, bagaman sa isang hindi gaanong halata na paraan. Bawat wika ay natatangi. Bawat wika ay naiiba sa ibang wika. Dahil sa iba iba nga ang kulturang pinagmulang lahi ng tao, ang wika ay iba iba rin sa lahat ng panig sa mundo.