Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 12

I.

Layunin:
Sa isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapaliwanag ang dahilan ng mabilis na pag-unlad ng wikang Filipino sa buong
mundo,
b. natutukoy ang mga iresponsable at mali-maling paggamit ng wika upang maiwasan, at
c. naipapahayag sa sariling damdamin ang wikang Filipino.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Wikang Global ang Wikang Filipino at Wikang Filipino sa Social Media
b. Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
(pahina 94-96)
c. Kagamitan: Power Point Presentation, laptop, projector,

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Pambungad na Panalangin

“Magsitayo ang lahat para sa unang panalangin (Magsisitayo ang lahat para sa panalangin.)
na pangungunahan ni Kyla.”

2. Pagbati

“Magandang umaga sa inyo 11-AM 5 at “Magandang umaga rin po Binibini at sa inyo mga
magandang hapon din sa ating mga guro.” guro.”

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

“Bago kayo magsi-upo ay paki-ayos ang inyong


mga upuan at pulutin ang mga basura sa inyong
paligid.”

4. Pagtatala ng mga liban


“Binibini, ikinalulugod ko pong sabihin na walang
“Nasaan ang pangulo ng ating klase? Maaari ko
liban sa araw na ito.”
bang malaman kung may liban sa ating klase
ngayong araw?”

“Maraming salamat.”

5. Pamukaw Sigla

“Bago tayo tumungo sa ating aralin ay


magkakaroon muna tayo ng kaunting
pampasigla.”

(Kailangan ng tig-5 representatib ang 2 pangkat.


Ang laro ay tatawagin nating

‘Pass the message with the twist’

B. Pagbabalik-aral

“Ngayong masigla na ang lahat. Bago tayo


dumako sa ating tatalakayin ay magkakaroon
muna tayo ng maikling pagbabalik-aral tungkol
sa paksang ating tinalakay noong nakaraan.”

“Tungkol saan nga ang ating huling tinalakay?”


“Tungkol po sa mga Diptonggo, Digrapo, at mga
Klaster po Binibini.”

“Tama, Ano nga ulit ang mga Diptonggo?” “Ito ay ang mga tunog na nabubuo sa
pamamagitan ng pag-uugnay ng mga patinig at
malapatinig na /w/ at /y/.”

“Magaling, ano ang mga halimbawa ng


“awtor, aybol, aruy at batsoy po Binibini.”
diptonggo?”

“Magaling!”

C. Paglalahad

(Magpapalabas ng isang video tungkol sa


paglaganap ng mga Pinoy sa ibat’ibang panig ng
mundo.)

“Sa inyong palagay bakit kaya sinabing Wikang


“Ang wikang Filipino po ay laganap na sa iba’t
Global ang Wikang Filipino?”
ibang panig ng mundo at lalo pang mas nakikilala
ito dahil sa mga OFW.”

“Sumasang-ayon ka ba Caryl sa sinabi ni Karen?”


“Opo, dahil ang mga OFW ang dahilan kung bakit
lumalaganap ang ating wika.”
“Magaling!”

D. Pagtalakay sa Aralin

“Pakibasa mo nga Kyla ang tungkol sa Wikang


Global.”
“Sa ganitong kalagayan, hindi maiiwasa ang
paglaganap ng wika at kulturang Pilipino sa iba’t
ibang bahagi ng mundo.”

“Maaari mo bang basahin Bea ang sunod.”

“Iang halimbawa na dito ang mga OFW sa


HongKong. Bilang pagkilala sa mga domestic
helper inilaan ng gobyerno ng HongKong ang HK
Central para doon magtipon ang mga pinoy sa
kanilang day off.”

“Maaari mo bang basahin ang kasunod Aileen.”


“Hindi maikakailang lumaganap na nga ang
paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang
bahagi ng mundo. Narito ang ilan sa mga
Unibersidad sa ibang bansa na matatagpuan ang
Departamento ng Filipino at mga kaugnay na
programa nito.”

“Dumako naman tayo sa kasunod nating


tatalakayin ang Wikang Filipino sa Social
Media.”

“Sino ang makapagpapaliwanag ng video na


inyong napanood?” “Ang wikang Filipino ay laganap na sa social
media.”
“Maaari mo bang basahin ang nasa ppt Ashley?”

“Narito ang ilan sa mga naging trending sa social


media world wide na mula sa ating bansa.”

“Narito ang mga mabubuting dulot ng social


media”
“Mga iresponsable at mali-maling paggamit ng
wika.”

E. Paglalapat

Pangkatang Gawain
Bawat pangkat ay inaatasang ipaliwanag ang
larawang napunta sa kanila patungkol sa
responsable at tamang paggamit ng social media
at ang paglaganap ng wikang Filipino.”

Rubrik para sa pangkatang Gawain:


Kaugnayan sa larawan 45%
Kalinawan 20%
Kalidad ng boses 20%
Presentasyon 10%

OVERSEAS FILIPINO WORKERS


CYBERBULLYING

SOCIAL MEDIA ADDICTION

WIKANG FILIPINO SA MGA KABATAAN


NGAYON
F. Paglalahat
(Ang lahat ay makikipagkaisa)
Sa pamamagitan ng isang dula kailangang
maipaliwanag ang kanilang mga natutuhan.
Tatawagin itong “Istorya’

IV. Pagtataya

Panuto:
I.Sa pamamagitan ng PEDS punan ang mga nawawalang kasagutan.
(Problema,Epekto,Dahilan,Solusyon)

Halimbawa:
P: masakit ang ngipin
E: di makakain ng maayos
D: parating pagkain ng matatamis
S: limitahan ang pagkain at uminom ng maraming tubig

1.P:
E: pangungulila sa mahal sa buhay
D: kahirapan
S:

2. P: mababang grado sa paaralan


E:
D:
S:

3. P: cyberbullying
E:
D:
S:
II. Tama o Mali.
Isulat ang pangalan ng crush mo kung tama ang sagot at pangalan mo naman kung mali ang
sagot.
1.Dahil sa ekonomiya ng ating bansa napilitang magtrabaho ang ilang mga Pinoy sa ibang bansa.
2.Tinaguriang Social Media Capital of the Asia ang Pilipinas.
3.Ayon sa survey pangatlo ang Filipino sa mga wikang may pinakamaraming nagsasalita sa Estados
Unidos bukod sa Ingles.
4.Dahil sa Social Media mas napabilis ang komunikasyon ng bawat tao.
5.Hindi na kailangan ang wikang Filipino para sa pag-unlad ng ating bansa.
New Era University
No. 9 Central Ave., New Era Quezon City
KOLEHIYO NG EDUKASYON

MASUSING BANGHAY-ARALIN
Para sa pagpapakitang-turo sa Komunikasyon at Pananaliksik

Araw ng Pagpapakitang-turo: ika-12 ng Nobyembre, 2019


Baitang/Seksyon: 11-STEM (A501)
Oras: 10:30 – 11:30 ng umaga

“Wikang Global ang Wikang Filipino


at
Wikang Filipino sa Social Media”

Inihanda ni:
Noriezyn D. Pabello
BSEd-Filipino
Gurong Nagsasanay

Binigyang Pansin nina:


Gng. Marlita D. Nilo
Gurong Tagapagsanay

Dr. Elena A. Habon


Gurong Tagapagmasid

You might also like