Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nagsimula ang kwento sa pagtungo ni Aling Marta sa pamilihan upang bumili ng paboritong pagkain ng

kanyang anak na nagtapos sa high school. Nang pumasok siya sa pamilihan, nabangga siya ng isang madungis na
batang lalaki. Pinagalitan ni Aling Marta ang madungis na batang lalaki at pagkatapos ay agad na siyang tumungo kay
Aling Godyang upang mamili ng kanyang mga bibilhin. Dumukot si Aling Marta sa kanyang bulsa upang kunin ang kanyang
kalupi, ngunit wala ang kanyang kalupi. Naalala niya ang bumangga sa kanyang madungis na batang lalaki at agad niya itong
hinabol sapagkat ito ay hindi pa nakakalayo. Inakusahan niya ang bata na kinuha at ninakaw ang kanyang kalupi at tumawag
pa ng pulis ngunit sinabi ng bata na wala namandaw sa kanya ang kalupi at hindi naman daw siya ang kumuha
nito. Ipinilit pa rin ni Aling Marta na ang madungis na batang lalaki ang kumuha ng kalupi kaya pumunta sila sa outpost
ng pulis. Sinaktan ni Aling Marta ang madungis na batang lalaki dahil gusto niya itong paaminin. Nagpumiglas ang batang
lalaki at tumakbo patungo sa maluwang na daan ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang humaharurot na
sasakyan. Bago mawalan nghininga ang bata, sambit pa rin niya na hindi siya ang kumuha at nagnakaw ng kalupi at wala
silang makukuha sa kanya. Tuluyang pumanaw ang madungis na bata at sa pangyayaring iyon ay iniisip pa rin
ni Aling Marta na ang nangyari sa bata ay kapalit ng pagkuha ng kanyang kalupi. Umalis si Aling Marta at nangutang muna
upang makabili. Pag uwi niya ay nagtataka na nagtanong ang kanyang anak sa kanya kung kung saan niya nabili
ang ulam na dala-dalaniya gayong naiwan naman nito ang pitaka sa bahay. Namutla si Aling Marta sa nalaman tungkol
sa kanyang naiwang kalupi at nawalan ito ng malay habang paakyat ng hagdanan na nababagabag tungkol sa nangyari sa
bata.

You might also like