Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Gawaing Papel sa Pagkatuto

Filipino 8

Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________________ Petsa: _______________________
Guro: ____________________________________________________________________

Pagsulat ng Talatang Naglalahad ng Sariling Pananaw

MELC: Naisusulat ang talatang: -binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap -


nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan -nagpapakita ng simula, gitna, wakas (F8PU-Ig-h-
22).

PAGSULAT NG TALATANG NAGLALAHAD NG SARILING PANANAW


Talata
Ang talata ay lipon ng mga pangungusap na paunlad na bumubuo at
nagpapahayag ngkaisipan. Ang bawat pangungusap ay kailangang magkakaugnay
tungkol sa pangunahing kaisipano paksa ng talata. Malimit ang nasa unahan o hulihan
ang paksang pangungusap. Ito ang naglalaman ngdiwa ng talata.

Sa pagsulat ng isang talata, tandaang mahalagang unawaing mabuti ang paksang


tatalakayin. Sa bahaging ito, susulat ka ng talatang naglalahad ng iyong sariling pananaw.
May tatlong bahagi ang talata na dapat na pag-isipang mabuti:

1. Simula
Ang unang pangungusap ay dapat na maglahad ng paksang tatalakayin. Ang panig
na paninindigan ay linawin kaagad sa ikalawang pangungusap.
2. Gitna
Ang sumusunod na pangungusap ay para sa mga katawan at paliwanag na
magpapatibay ng panig na sinasang-ayunan. Maglahad ng tatlo o higit pang pahayag
na kaugnay nito.
3. Wakas
Ibuod ang mga inilahad na katwiran. Muling ilahad ang iyong panig sa
pamamagitan ng isang matibay at madamdaming pahayag.

Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan, Binagong Edsiyon 8 p. 105


Gawain I
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung
ang pangungusap ay wasto at kung MALI palitan ang salitang may salungguhit ng wastong
sagot. Isulat ang sagot sa puwang bago ang bilang
__________1. Ang nobela ay lipon ng mga pangungusap na paunlad na bumubuo at
nagpapahayag ngkaisipan.
__________2. Ang gitna para sa mga katawan at paliwanag na magpapatibay ng panig na
sinasang-ayunan.
__________3. Ang wakas ay tumutukoy sa pangungusap na maglahad ng paksang tatalakayin.
__________4. Ang talata ay mayroong limang mahahalagang bahagi.
__________5. Muling mong ilalahad ang iyong panig sa sa wakas na bahagi ng talata.

Gawain II
Panuto: Basahin ang sumusnod na mga pangungusap. Bumuo ng isang talata sa pamamagitan ng pagsasaayos ng
mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa ibaba.

1. Ikatlo, iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo.
2. Sa huli, kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo
muna ang health facility.
3. Ikalawa, takpan ang iyong ubo at bahing.
4. Una, uugasan nang madalas ang iyong mga kamay. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
5. Pagkatapos, iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo.
Gawain III

Panuto: Bumuo ng isang talata. Tiyaking maayos ang pagkakahanay ng mga kaisipan. Pagtuunan ng pansin ang
simula, gitna, at wakas ng iyong talata. Malaya kang makapamili ng anumang paksa batay sa iyong interes at lawak
ng iyong kaalaman.

Rubrik sa Pagsulat ng Talata


5 4 3 2 1
Balarila
Wastong gamit ng wika/salita
Baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap

Hikayat
Paraan gn pagtalakay sa paksa
Lohikal na pagkakaayos ng mga pangungusap
Pagkakaugnay ng mga ideya.
Nilalaman
Lawak at lalim ng paglakbay sa paksa.

5- Pinakamahusay

4- Mahusay

3- Katanggap-tanggap

2- Mapaghuhusay

1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na pananaw

Inihanda ni

ALBERTO C. AÑOVER JR.


Guro sa Filipino 8, E.J. Estipona HS
Gawain I Gawain II Gawain III
1. talata 1. 4 Maaaring magkakaiba-iba
2. tama 2. 3 ang mga sagot.
3. simula 3. 1
4. apat 4. 5
5. tama 5. 2
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like