Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Francesca Benitez

Stem 12

Face-to-Face Ep. 1065

Pangangabit nabuko dahil sa Orange panty na ginawang panyo

Ang unang pumasok sa eksena ay si Aling Bule, siya ay kaibigan ni Lordes o mas kilalang Aling
Inday. Kanyang iniulat kung paano niya nasaksihan ang pangangaliwa ng kinakasama ni Aling inday.
Sumunod na pumasok sa eksena ay si Aling inday, kaniyang inihayag ang kanyang saloobin kung ilang
beses niyang nahuli ang kanyang kinakasama na si mel, ang pinakamamalang huli niya dito ay ang
ebedensyang nakuha niya sa bulsa ng pantalon ni mel na kulay orange na panty. Ngunit kahit huling huli
na tinanggi pa rin ito ni mel at nang kanyang kabit. Ang kanyiyang idinahilan kay Aling inday ay ito ang
kanyang pamunas sa kanyang sipon. Si Aling belen ang tinutukoy na kabit ni Mel, siya ay mas matapang
at proud pang sinusulot si Mel kay Aling Linda. Ang kanyang dahilan ay dahil gumagantio lang din siya sa
kanyang asawang nangangaliwa sakanya. Si Bartolome ang kanyang sinasabing kinakasama niyang
nangangaliwa din. At ang nakahuli kay Bartolome at sa kabit na nagngangalang Myla ay si edelyn, siya
ang nakasaksi ng pag sisiping sa tambak ng mga basura si Bartolome at si Myla. Inilahad pa ni Bartolome
na pagod na siya kay Belen at mas mahal niya na si Myla. Ngunit si Myla ay kasalungat ang sinabi, hindi
niya mahal si Bartolome at trabaho niya lamang ito. Sa huli noong sila ay pinapili kung sino na ang gusto
nilang makasama sa buhay, si Mel ay pinili ang kayang kinakasama na si Aling Inday, ngunit si Belen at
Bartolome ay nanatiling matigas at walang pinili na kahit sino. Ang munting payo para sa lahat ay kung
ayaw mong masaktan at makasakit, huwag kang kumapit sa may sabit.

You might also like