Kasaysayan NG Retorika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kasaysayan ng Retorika sa Gitnang

Panahon/Midyibal at Renasimyento

Sa gitnang panahon, ang retorika ay isang sabdyek ng trivium o tatlong sabdyek na peliminari
ng pitong liberal sa sining ng mga unibersidad, kasama ang grammar at lohika. Ang mga
pangunahing midyibal na awtoridad sa retorika ay tatlong iskolar sa ikalima, ikaanim at
ikapitong siglo: sina Martianus Capella, isang awtor ng isang ensayklopidya ng pitong
liberal na sining ( aritmitik, astronomi, dyometri, musika, gramar, lohika, at retorika);
Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus, isang historyan at tagapagtatag ng mga monastery
na umakda ng InstitutionesDivinarum et Humanarum Lec-tionum; at si San Isidore isang
kastilang arsobispo na nagkompayl ng isang akdang ensayklopedik tungkol sa ancient
world. Sa panahong ito, ang retorika ay nakasumpong ng praktikal na aplikasyon sa tinatawag
na tatlong “artes”: paggawa ng sulat, pagsesermon at paglikha ng tula.

Sa panahon ng Renasimyento (ika-14 hanggang ika-17 siglo), ang pag aaral ng retorika
ay muling ibinatay sa mga akda ng mga klasikal na manunulat tulad nina Aristotle, Cicero at
Quintillian. Ilang mga kontemporaryong disertasyon ang inilikha sa panahong ito kabilang ang
The Art or Crafte of Thethoryke ng Inglaterong punongguro at manunulat na si Thomas Wilson.
Noong ika-16 ns siglo, nakilala sina Pierre de Courcelles at Andre de Tonquelin, mga
retorisyanong Pranses. Sa buong panahon ng Renasimyento, ang retorika ay itinakdang
sabdyek sa mga kolehiyo at unibersidad na may kalakip na pagsasanay sa publiko at mga
kumpetisyon na nakatulong upang panatilihing buhay ang pratika ng retorika.

You might also like