Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Heograpiya ng Asya

Ayon sa ilang
dalubhasa sa
heograpiya, ang tawag
sa rehiyon kung saan
nakapaloob ang
Europa at malaking
bahagi ng Asya ay
Eurasia dahil isang
malaki at
magkadugtong na
kontinente lamang ito.
Heograpiya ng Asya
Sa kasalukuyan, ang
paghahati sa Europa at
Asya sa hilagang bahagi ay
batay sa Bulubundukin
ng Ural. Ito ay makikita sa
Russia at nahahati ang
bansa sa European Russia
at Asian Russia.
Saan pa matatagpuan
ang mga hangganan ng
Asya?
Heograpiya ng Asya
Heograpiya ng Asya
Laki at Lawak ng Asya
Ang Asya ay may lawak na humigit-
kumulang 44,579,000 kilometro kuwadrado.
Halos katumbas nito ang pinagsama-samang
lawak ng Australya, Hilagang Amerika, at
Timog Amerika. Dahil sa laki at lawak nito,
maraming natatanging anyong tubig at
anyong lupa ang matatagpuan sa kontinente.

Ilan sa mga kilalang ilog sa Asya ay ang Huang Ho, Tigris at


Euphrates, Ganges, Irrawady, Mekong, Jordan, at Yangtze. Ang
mga ito ay ginagamit ng mga Asyano sa paglalakbay at sa
paghahanapbuhay. Ang ilan sa mga ito ay itinuturing na sagrado
o banal katulad ng Ilog Ganges sa India.
Heograpiya ng Asya
Isa sa pinakamahabang bulubundukin sa Asya ay ang Himalayas na
mayroong haba na umaabot sa 1,500 milya. Dito rin matatagpuan ang
Bundok Everest na siyang pinakamataas na bundok sa buong mundo sa
ibabaw ng lupa. Ito ay may taas na halos 8,848 metro.

The Himalayas Mount Everest


Heograpiya ng Asya
Sakop din ng Asya ang bahagi ng Pacific Ring of Fire, isang lugar sa
Pasipiko na puno ng mga bulkan dala ng pagtatama ng mga plate. Dahil dito,
maraming bulkan sa mga karatig-bansa ng Ring of Fire, kabilang na ang
Pilipinas at Indonesia, na pawang mga arkipelago.

Pacific Ring of Fire Mapa ng Indonesia at Pilipinas


Pinagmulan ng Pangalan ng Asya
Pinaniniwalaan na ang pangalang “Asya” ay nagmula sa salitang
Akkadian na “asu” na nangangahulugang “lugar na sinisikatan ng araw,
bukang liwayway, o silangan.”
Samantala, ang pangalang “Europa” ay mula naman sa salitang
Aegean na “ereb,” nangangahulugang “lugar na nilulubugan ng araw o
kanluran.”

Marahil binigyan ito ng natatanging pangalan sapagkat nasa kanluran ang mga
Griyego, Romano, at Akkadian na nagbigay ng pangalan sa kontinente. Nasaksihan nila na
ang araw ay sumisikat sa direksiyong silangan kung nasaan ang Asya. Tandaan lamang na
noong unang panahon, ginamit ng mga Griyego at Romano ang salitang ito upang tukuyin
lamang ang Anatolia (bahagi ngayon ng Turkey) o Asia Minor hanggang sa silangang bahagi
ng Dagat ng Mediterranean.
Pinagmulan ng Pangalan ng Asya

Si Pliny, isang manunulat na


nabuhay noong sinaunang kabihasnan sa
Roma, ang nagpasimulang tukuyin ang
buong kontinente bilang “Asya.” Sa
panahon ng panggagalugad o eksplorasyon
sa labas ng Europa, ang pangalang “Asya”
na ang ginamit bilang pantukoy sa buong
kontinente.

You might also like