Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

                                                                   Pamaraang Pabuod 


 
I. LAYUNIN 
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 
a. Natutukoy ang kahulugan ng Ponemang Suprasegmental at ang mga uri nito
b.Naipakikita ang kahalagahan ng paggamit ng mga uri ng Ponemang Suprasegmental
c. Nagagamit ang tamang haba, tono, antala at diin sa paglikha ng isang maikling tula
II. PAKSANG ARALIN 
     Paksa:  Mga Ponemang Suprasegmental 
Sanggunian: Liezl Radin Borlasa, MA. ED. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 
     Kagamitan: Telebisyon, bidyo, larawan, at visual aids               
 
III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain 
   

Panalangin   Panginoon, maraming salamat po sa umagang ito


Lahat ay magsitayo para sa panalangin na at pinagkalooban mo po kami ng panibagong
pangungunahan ni Ace.   buhay. Nawa’y magkaroon kami ng maraming
  kaalaman at karunungan na magagamit namin sa
  aming buhay. Pag-ingatan niyo po ang bawat isa
  at ilayo niyo po kami sa sakit at kapahamakan.
  Amen. 
   
 
Pagbati    
Isang magandang araw, Grade 11- Parthenos!  Magandang araw rin po, Ma’am Marian! 
   
 
 
Pagtala sa mga lumiban  (Inaasahang sagot ng mga mag-aaral)

Mayor, ilan ang lumiban ngayong araw sa klase?  Dalawa po Ma’am, si Kenneth Estrella at Lucky Inalisan
  po. 
 
Ang mga mag-aaral na pumasok sa araw po na ito ay
llan lahat ang mag-aaral na pumasok ngayon? apatnapu’t apat.  
 
 

B.Balik aral 
 
Sino ang hindi pa nakakapunta sa Eat Bulaga? Ako po Ma’am! Kami po! 
 
Marami o halos lahat, gusto niyo bang pumunta?   Opo!
 
Hindi ko man kayo madala sa pinaka studio nila,
huwag kayong mag-alala dahil makakasama natin Handa na po Ma’am!
ang mga dabarkads. Handa na ba kayo?

(Gagayahin ang sugod-bahay gang at tatabihan ng


guro ang mga mag-aaral na sasagot)
(Inaasahang sagot ng mag-aaral)

Ano ang buong pangalan? James Cruz po.


Ilang taon ka na? 17 years old po
Ano ang napili mong strand at bakit? Pinili ko po ang ICT dahil mahilig po ako sa
computer
Ngayon, para sa huling tanong, ano ba ang huling Ang ating huling paksa ay tungkol sa
paksang ating tinalakay? Ponemang Segmental. 
   
 
   
   

Maaari mo bang ibahagi ang Ang Filipino ay may dalawampu’t isang ponemang
natutunan mo rito? segmental — labing-anim sa mga ito ay katinig at
lima naman ang patinig. Magiging makabuluhan ang
isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang
kinasasamahan nito sa sandaling ito ay alisin,
palitan, ilipat o idinagdag. 

C.Panlinang na Gawain

Pagganyak: Pagsasadula

(Papangkatin sa apat na grupo ang klase)

Panuto: Sa pamamagitan ng skrip na ibibigay ng


guro sa bawat grupo, magkakaroon ng pagsasadula
ang mga mag-aaral.

(Babanggitin ng guro ang pamantayan o Rubrics)

Pamantayan:

Maayos at makapukaw-pansin na pagsasadula-


30 puntos
Wastong pagbigkas ng mga salita o linya- 50
puntos
Partisipasyon ng bawat miyembro- 30 puntos
Na may kabuuang 100 puntos. Mayroon lamang
kayong 3 minuto para mag-usap at maghanda at 2
minuto para itanghal. Ang sinumang grupo na
maingay at magulo ay mababawasan ng puntos.
Unang grupo:

Tagapagsalaysay: Gabi na nang maluto ng


nanay ang sinigang na may gabi na nilahukan
ng pang-asim na galing sa puno ng sampalok
kaya ito ay puno ng asim. Ibinigay ito ni Kaye
bandang hapon sa asawang Hapon.

Kylla: Kumusta, masarap ba?


Asawang Hapon: Oo babe, napakasarap!
Kylla: Naku, mabuti naman pinaghirapang
lutuin 'yan ni Nanay para sa 'yo paborito mo
raw kasi 'yan.

Tagapagsalaysay: At masayang kumain na nga ang


mag-asawa ng hapunan.

Pangalawang grupo:

Tagapagsalaysay: Dumating ang pinsan nila


Kenneth at Jake mula sa Amerika. Nag-uusap usap
sila sa sala.
Johnlloyd: Uy insan, kumusta?

Nathan: I’m good naman.

Junywen: Nathan, bakit may benda ‘yang kamay


mo?

Nathan: Ah, nalaglagan kasi ako ng kutsilyo. Ang


daming ngang dugo no’n e.

Johnlloyd: Ah Nathan, hindi ‘yon du.go, dugo ‘yon.

Nathan: Ay hehe sorry. Hindi pa kasi ako fluent in


speaking Filipino e.

Junywen: Okay lang ‘yan, tuturuan ka na lang namin


sa susunod. Kain muna tayo.

Tagapagsalaysay: Umalis na ang magpipinsan sa


sala at pumunta sa kusina para kumain.

Pangatlong grupo:

Tagapagsalaysay: Ang mga magto-tropa ay tahimik


na nakaupo sa klasrum habang hinihintay ang guro.
Si Jayvee ay nagsusulat, si Izumi ay naglalaro sa
cellphone, at ang iba ay nakayuko.

Jayvee: Izumi, naka-connect ka ba sa hotspot ni


Joel? Mabilis?

Izumi: Mabilis.

Jayvee: Totoo?

Izumi: Totoo.

Jayvee: Bakit ba ang tipid mo kausap?

Izumi: Naglalaro kasi ako pre, mawawasak na base


namin.

(Tsaka lamang lumingon si Jayvee kay Izumi)

Jayvee: Ay hahaha sorry pre.

Tagapagsalaysay: Ilang minuto lamang ang lumipas


at dumating na ang kanilang guro.

Pang-apat na grupo:

Tagapagsalaysay: Kasagsagan ng araw ng pasko.


Ang mag-anak ay masayang kumakain.

Ivy: Nanay, Joana, kumain na rin kayo!


(Papasok naman si Joana at Nanay)
Sean: Akala ko kung sinong Nanay ang dumating
dahil ang rinig ko ay “Nanay Joana”
Ivy: Hay nako, Sean. Ang sabi ko “Nanay, Joana”
hindi “Nanay Joana”
Sean: Hahaha sorry, nagagalit ka agad e.
(Papasok naman ang ibang mga bisita at babati ng
“Maligayang Pasko!”)

Tagapagsalaysay: At masayang kumain at nagsalo


salo ang mag-anak sa araw ng Pasko o kaarawan ng
Panginoon.
(Pagkatapos magtanghal ng bawat grupo,
magbibigay ng premyo ang guro kung sinong
pangkat ang may pinakamataas na puntos batay
sa pamantayan)

Paghahawan ng Sagabal

Panuto: Isaayos ang mga nakagulong titik upang 1. MALUMANAY- paraang mahinahon at dahan-
mabuo ang tamang salita. dahan.
2. MALUMI- Ito’y pagbigkas ng dahan-dahan at ito ay
(Tatawag ang guro ng apat na mag-aaral para may impit na tunog sa dulo ng mga salita.
sumagot sa pisara) 3. MARAGSA- pagbigkas nang tuloy-tuloy.
4. TULDIK- ay isang glipo na dinadagdag sa isang titik.
1. MLAUAMYNA- paraang mahinahon at dahan-
dahan.
2. MAUILM- Ito’y pagbigkas ng dahan-dahan at ito ay
may impit na tunog sa dulo ng mga salita.
3. MRAAGAS- pagbigkas nang tuloy-tuloy.
4. TLUIDK- ay isang glipo na dinadagdag sa isang titik.

Pagganyak na tanong: 
 
1. Ano ang Ponemang Suprasegmental?

2. Ano ang posibleng mangyari kung wala ang


Ponemang Suprasegmental?

Paglalahad 
   
Handa na ba kayong makita sila Alden at Maine?   Opo!
Malapit niyo na silang makita, ngunit bago ‘yan ang  
ating aralin ngayong araw ay tungkol sa  
Ponemang Suprasegmental. 
 

Bigkasin nang wasto ang mga pahayag batay sa mga 1. Totoo? Maganda ka?
Totoo, maganda siya. 
bantas na ginamit at ipaliwanag kung ano ang
 
ipinagkaiba ng dalawang pahayag. 
2. Matalino? Siya? 
 
  Matalino siya.   
   
  3. Mahal ka niya? 
Mahal ka niya. 
   
   
Anong napansin niyo sa inyong binasa?  (Inaasahang sagot ng mag-aaral)
(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral)  
Napansin ko po na magkakaiba ang bawat
pagbigkas dahil sa mga panandang ginamit Ang
pagkakaiba nito ay una: tono ng pagbigkas,
pangalawa ay mga panandang ginamit.  Ang
unang pahayag ay nagpapahiwatig ng
pagtatanong, walamg kasiguraduhan at parang
nagdududa. Sa pangalawang pahayag naman ay
nagpapahiwatig ng pangangatuwiran at ang
dating nito sa atin ay sigurado. 

Salamat sa pagsagot. Kapag sinabi ng Dabarkads na  


“The One” ang sagot mo ay tama at kapag “Kwek-  
kwek” ibig sabihin ay may iba pang tamang sagot.  
 
 
(Ipapakita ang maikling video galing sa Bawal
 
Judgmental)  
 
Tama ang iyong kasagutan, napakagaling.  
 
 
 
   Sa araw-araw na pakikisalamuha sa  kapwa, sa
  pakikipag-usap ay binibigkas natin ang mga salita ayon
  sa nais nating iparating sa kausap sa pagbigkas ay
mapapansing may pagbaba at pagtaas ng tinig upang
 
mas lalong maunawaan ang nais ipabatid.  
Sino ang gustong magbasa?   
 
Ang Suprasegmental ay ang pag-aaral ng tamang
 
bigkas ng salita upang maibigay ang ibayong
 
  kahulugan at ang paggamit nito nang tama sa
  pangungusap. 
   
   
   
 
 
 

 
  (Inaasahang sagot ng mag-aaral)
Maraming salamat sa pagbabasa. 
 
 
Sa paggamit ng Suprasegmental malinaw na Para sa akin po, ang isa sa mga uri ng Ponemang
naipapahayag ang damdamin, saloobin at kaisipang Suprasegmental ay ang intonasyon. Dahil po dito
nais ipahayag ng nagsasalita. Sa tingin niyo ano naipapahayag po ng nagsasalita ang kaniyang
ang mga uri nito, ipaliwanag ang kasagutan. emosyon.

Itanong natin sa mga Dabarkads, kung tama ang


kasagutan mo.

(Ipapakita ulit sa telebisyon ang maikling bidyo


galing sa Bawal Judgmental)

Napakahusay!

Ngayon, isa-isahin natin ang mga uri nito


nito.  Pakibasa po.  A) bu.kas -  nangangahulugang susunod na araw
  bukas - hindi sarado

  B) bu.hay – kapalaran ng tao 


       buhay- humihinga pa  
   
  Ang unang uri ay ang:  

1. Haba o length
Pakibasa po ang nasa telebisyon.
1) Haba o length - ito ay tumutukoy sa haba ng
  bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig.
  Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para
  sa pagkilala sa haba.

Ngayong nalaman na natin ang kahulugan ng


Haba, maari ba kayong magbigay ng mga (Inaasahang sagot ng mga mag-aaral)
halimbawa nito?
Ang halimbawa ko po ng haba ay:
1. pa.so- pagkasunog ng balat dahil sa apoy
paso- babasagin o gawa sa goma na
pinaglalagyan ng halaman
Magaling!

Ngayon, nandito si Maine upang turuan tayo sa


pangalawang halimbawa.

Kahapon= 213 (pag-aalinlangan) 


Maine: Magandang araw, Parthenos! Kahapon= 231 (pagpapatibay, pagpapahayag) 
Dumako na tayo sa pangalawang uri. Pakibasa ang  
mga halimbawa. Maaring niyong gamitin ang talaga= 213 (pag-aalinlangan) 
bilang na 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at talaga= 231 (pagpapatibay, pagpapahayag
bilang 3 sa mataas.  
 
 
 
 

Ang pangalawang uri ng Ponemang 2) Ang tono.  Ito ang taas-baba na iniuukol sa
Suprasegmental ay ang tono. Pakibasa po. pagkabigkas ng pantig ng isang salita upang higit
na maging mabisa ang pakikipag-usap natin sa
ating kapwa. Sa pagsasalita ay may mababa,
katamtaman at mataas na tono.
 
(Magbibigay ng mga salita si Maine at babasahin 1. Mabilis- pagpapahayag
ito ng mga mag-aaral batay sa hinihinging tono o Mabilis- pag-aalinlangan
intonasyon)
  2. Totoo- pagtatanong
Totoo- pagpapahayag

Napakahusay!

(Sa pagkakataon na ito makakasama na rin natin si


Alden, upang samahan tayo sa talakayan)

Alden: Hello, Parthenos! Hello Ma’am Marian, Hi 3) Ang diin ay bahagyang pagtaas ng tinig sa
Maine! Ngayon ay dumako naman tayo sa isang pantig ng salitang binibigkas. Ito ay may
pangatlong uri. Ang diin ay bahagyang pagtaas ng apat na uri.
tinig sa isang pantig ng salitang binibigkas. Ito ay  
may apat na uri.
1. bayabas, watawat, marami 
Puwede niyo bang basahin?

Alden: Maraming salamat! Ito ang halimbawa ng


(3.1) Malumanay- binibigkas ito nang mabagal.
Maaring nagtatapos sa patinig o katinig ang mga
salitang malumanay.  

Maari ba kayong magbigay ng halimbawa? (Inaasahang sagot ng mga mag-aaral)

Halimbawa:tao, silangan, nanay


Maine: Hi Alden, kumusta na, kumain ka na?

Lola Nidora: Psst, ano ‘yan? Nandito kayo para


turuan ang Parthenos. Hindi makipag ligawan ha.

Maine: Ay haha si Lola naman sorry na, okay balik


na ulit. Para sa pangalawang uri ng diin. Puwede 1. pusa, puso, bawi 
niyo bang basahin?  

 
Magaling!

 
Sa pagbanggit ng mga halimbawa, napansin natin
na ito ay binibigkas nang mabagal ngunit may diin
sa huling pantig ng salita. Ito ay tinatawag na (3.2)
Malumi 
 

Sino ang nais magbigay ng halimbawa para sa (Inaasahang sagot ng mga mag-aaral)
maluming diin?
  Halimbawa: balita, lahi
 
 Alden: Para sa pangatlong uri ng diin, babasahin
ko ang halimbawa at pagkatapos ko ay kayo
naman.

Halimbawa: Bilis, alis, balat Halimbawa: Bilis, alis, balat


 
(Inaasahang sagot ng mga mag-aaral)
Alden: Napapansin niyo na ang pagbigkas sa mga  
salita ay tuloy-tuloy at ang diin ay nasa huling Halimbawa: lapis, balot, papel, bumili
pantig. Ito ay ang (3.3) Mabilis na diin. Maari ba  
kayong magbigay ng halimbawa para rito?
 

Alden: Mahuhusay!

Maine: Para sa pang-apat na halimbawa ng diin,


babasahin ko ulit ang mga halimbawa at
pagkatapos ay kayo naman. Halimbawa: sawi, wala, hinto  

Halimbawa: sawi, wala, hinto   (Inaasahang sagot ng mga mag-aaral)

Anna: Batay sa mga halimbawa, ito ay binibigkas


nang mabilis na may diin sa huling pantig ng salita. Halimbawa: yugto, dugo, butiki, bigo
Nagtatapos lamang sa patinig ang mga salita na
ito. Ginagamitan ito ng tuldok na pakopya (^)
Ito ang tinatawag na 4.4 Maragsa. Maari ba
kayong magbigay ng halimbawa para rito?

 
Napakahusay!

Maraming salamat, Alden at Maine! Mabuhay


kayo!

Alden at Maine: Salamat Ma’am Marian at salamat


din Parthenos!
 
 
Ngayon, dumako na tayo sa huling uri ng Halimbawa: 
Ponemang Suprasegmental, Pakibasa po ng 1. Hindi umulan kahapon
halimbawa.   Hindi, umulan kahapon.
 
  2. Brix, James nga pala ang pangalan ng boyfriend ko.
  Brix James nga pala ang pangalan ng boyfriend ko.
   
   
 
   
 
(Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung (Inaasahang sagot ng mag-aaral)
ano ang napansin sa mga halimbawa)  
Napansin ko po na dahil sa kuwit, maaring magbago
ang kahulugan ng isang pangungusap.
 
 
 
 
 
Tumpak at napakagaling! Ang ating panghuling uri Ang antala o hinto ay isa sa mga ponemang
ng Ponemang Suprasegmental ay … (ipapabasa ng suprasegmental. Ito ay tumutukoy sa saglit na
pagtigil o paghinto sa pagsasalita upang mas malinaw
guro ang nasa telebisyon)
na maipahayag ang mensahe. Ang paghinto ay
maaaring sa umpisa, gitna o dulo ng pangungusap.
Kuwit (,) ang ginagamit para sa antala o hinto.   

Ngayon nalaman na natin ang antala o paghinto,


(Mga inaasahang sagot ng mag-aaral)
maari ba kayong magbigay ng mga halimbawa?
1. Si Tita, Lena at ako ang dumalo sa handaan.
Si Tita Lena, at ako ang dumalo sa handaan. 
 
2. Hindi darating ang mga kaibigan ko.
Hindi, darating ang mga kaibigan ko.

Pagpapalawak ng Kaalaman
Panuto:  Mula sa apat na grupo kanina, sagutan ang  
mga tanong na nakapresenta sa telebisyon sa  
pamamagitan ng pagsuot ng mga letra o salita.  
Pagkatapos ma-ispel o maibaybay ang tamang  
 
sagot sabay-sabay nila itong bibigkasin na may
tamang haba, diin, tono at antala.

Haba 
 
1.  Matayog at ______ sa may Parang 
_____ na ang balde kung kaya’t dapat mo na itong 1.  Matayog at PU:no sa may Parang.
isalin.  pu:NO na ang balde kung kaya’t dapat mo
  na itong isalin. 
2. Ang nasagasaang pusa ay _____ pa.   
Hay ____ nga naman, parang life.  2. Ang nasagasaang pusa ay bu:HAY pa. 
  Hay BU:hay nga naman, parang life. 
Tono   
   
1. Mayaman= pagtatanong  
Mayaman= pagpapahayag  1. Mayaman= 213 
  Mayaman= 321 
2. Magaling= pagpupuri   
Magaling= pag-aalinlangan  2. Magaling= 213 
  Magaling= 123 
   
Diin   
   
1. Bago ang takipsilim   
Isang tao na nakatira sa Japan  hapon 
  hapon 
 
2. Pampaasim sa lutuin. 
Paglabas ng mga kinain mula sa bibig  sukà  
  suka  
Antala  
 
 
 
 
  Hindi siya si Jose 
 
1. Hindi, siya si Jose. 
1.Pagtanggi na hindi siya si Jose 
2. Hindi siya, si Jose. 
2. Pagtukoy na hindi ang katabi ngunit ang  
tinutukoy ay si Jose   
   
   
 
Kasama si Tita Ren Marie Joy at ako    
   
1. Pagtukoy na kasama ang kaniyang tiyahin, ang 1. Kasama si Tita, Ren, Marie, Joy, at ako. 
tatlong kaibigan at ang kaniyang sarili.   
   
2. Pagtukoy na kasama ang kaniyang Tita Ren, ang 2. Kasama si Tita Ren, Marie Joy at ako.
isang kaibigan at ang kaniyang sarili. 

(Ang lahat ng grupo na mauunang sumagot nang


tama ang siyang mananalo at bibigyan ng “prize”
ng guro.)
Paglalahat 
   
Ngayong tapos na nating talakayin ang paksa, ako ay (Inaasahang sagot ng mga mag-aaral)

may katanungan:
Layunin ng Ponemang Suprasegmental na matukoy
1. Ano ang Ponemang Suprasegmental? ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng
nagsasalita.

Para po sa akin, kung wala ang Ponemang


2. Ano sa tingin niyo ang posibleng mangyari kung Suprasegmental maaring hindi magkaintindihan ang
wala ang Ponemang Suprasegmental? dalawang nag-uusap. Magkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan na maaring magdulot ng tampuhan

o away.

Tama ang lahat ng inyong kasagutan. Bigyan ng 5


palakpak ang sumagot!

Para lubos kong malaman kung naintindihan niyo.


May isa pa ulit tayong aktibidad.
Panuto: Mula ulit sa 4 na pangkat. Kumpletuhin ang
mga hinihinging salita o pangungusap upang
makalikha ng maikling tula. Basahin ito sa harap
pagkatapos.
(Bibigyan lamang ng 3 minuto ang bawat grupo)
Sa aking paglalakad nakakita ako ng magandang paso
Sa aking paglalakad nakakita ako ng magandang ___
Hindi ko namalayan na ako ay nadikit sa tambutso at
Hindi ko namalayan na ako ay nadikit sa tambutso at ako'y na pa.so
Agad akong umuwi upang ito'y gamutin ngunit
ako'y na ______ umulan at ngayo'y damit ay basa
Agad akong umuwi upang ito'y gamutin ngunit Binigyan ako ni Nanay ng pamahid, tinignan ko ang
umulan at ngayo'y damit ay ______ produkto at Colgate ang basa
Binigyan ako ni Nanay ng pamahid, tinignan ko ang Sinabi ko na hindi si Jenna ang may kasalanan
produkto at Colgate ang _____ Hindi si Jenna ang may kasalanan
Sinabi ko na hindi si Jenna ang may kasalanan Ngunit sabi nila si Jenna talaga ang may sala
___________________________________ Hindi, si Jenna ang may kasalanan
Ngunit sabi nila si Jenna talaga ang may sala Siya ang may kasalanan? Siya ang may kasalanan.
__________________________________
Siya ang may kasalanan? Siya ang may kasalanan.

(Pagkatapos sagutan at basahin ang tula ng bawat


pangkat. Oobserbahan ng guro kung tama ba ang
pagkakabigkas at paggamit ng haba, diin, tono at
antala)

Pagpapahalaga   
   
Paano niyo maisasabuhay ang paggamit ng Ako po Ma’am 
ponemang suprasegmental? Naranasan mo na ba  
hindi maintindihan ng kausap dahil hindi niya ito  
narinig, puwede mo ba ito ibahagi sa klase?   
   
   
 
Sige, anak. 
  May klase kami noon at naghahanda para sa role
  playing, no’ng nakita ko na tapos na ang unang
  grupo.
  Sinabihan ko ang isa kong ka-grupo ng “tayo na”
  ngunit pabulong lamang. Nagbiro siya na ang
  pagpapakahulugan ko ay “kami na” o kami ay
  magkarelasyon na ngunit ang aking nais ipabatid ay
  tumayo na dahil kami na ang sunod na grupo. 
Salamat, Kyle. Napakahusay.   
 
  Mahalaga po ito dahil base sa sagot ng aking
Ngayon, ano naman ang kahalagahan ng Ponemang kamag- aral, nagkaroon sila ng hindi
pagkakaunawaan kung kaya’t ang diin, hinto, haba
Suprasegmental sa pakikipag-ugnayan? at antala ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan o
pakikipag-talastasan.

Mahusay! Bigyan niyo ang inyong sarili ng “Ang


galing clap”
 
 
IV. PAGTATAYA 
 
Para sa L.A.S no. 21, kopyahin at sagutan ito sa
inyong kuwaderno.

V. TAKDANG ARALIN 
      Panuto: Isulat at sagutan sa inyong kuwaderno 

Inihanda ni:
Marian Joy M. Ybañez

You might also like