Summative Test 2022 Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kapatagan National High School

Kapatagan, Lanao del Norte


SUMMATIVE TEST
FILIPINO 11

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Ginagamit sa pakikipag-usap at pinarating na mensahe sa kapwa.


a. behikulo b. wika c. aralin d. saligang batas
_____2. Ang mga sumusunod ang halimbawa ng wastong kahulugan ng wika MALIBAN sa
a. Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang
nauukol sa lipunan ng mga tao.
b. Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang
kahulugan, kabuluhan at interpretasyon sa pamamagitan ng
mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga,
nakasulat man o binibigkas.
c. Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan.
d. Ito ay mga salitang nahahawakan o hindi nahahawakan ng ginagamit sa bawat paaralan.
_____3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng wika?
a. pakikipagtsismisan sa tindera
b. pagsusulat ng liham sa kamag-anak na nasa ibang bansa
c. pagpapahinga sa dalampasigan kasama ang barkada
d. panonood ng pelikula
_____4. Sa teoryang ito, ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan?
a. Bow-wow c. yo-he-ho
b. pooh pooh d. tata
_____5. Ang sumusunod na bansa ay ang nagpapatupad ng Monolingguwalismo MALIBAN sa _____.
a. Pilipinas b. Pransya c. Japan d. England
_____6. Ano ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa?
a. Monolingguwalismo b. Bilingguwalismo c. Multilingguwalismo d. Trilingguwalismo
_____7. Paano mo makikilala ang isang taong bilingguwal?
a. May sapat siyang kakayahan sa apat na makrong pangkasanayang pangwika.
b. Magaling siya sa paggamit ng dalawang wika at tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong
wika.
c. Magaling siya sa kasanayang pagkanta at pag-awit.
d. Nakatuon siya sa pagsasanay ng dalawang makrong kasanayang pangwika, ang pagbasa at
pagsulat.
_____8. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang ay ___.
a. Unang wika b. Pangalawang wika c. Tagalog d. Pangatlong wika
_____9. Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag tungkol sa Edukasyong Bilingguwal?
a. Ito ay tumatalakay sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa dalawang wika.
b. Ito ay ang magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo mula Grade 1 pataas.
c. Ito ay pagpapatupad ng Filipino bilang pangalawang wika at ang Ingles naman bilang pangtlong wika
d. Ito ay pagtuturo sa mga asignatura gamit ang una at pangalawang wika.
_____10. Ang wikang itinalaga ng DepEd upang magamit bilang wikang panturo mula kindergarten hanggang
Grade 3.
a. Filipino b. Mother Tongue c. Ingles d. Tagalog
_____11. Bakit ang bansang Pilipinas ay napabilang sa mga bansang nagpapatupad ng Multilingguwalismo?
a. dahil sa tatlong napiling katawagan ng wikang pambansa nito
b. dahil sa dami ng lahi at tribong kinalakihan ng mga Pilipino
c. dahil sa paggamit ng mother tongue bilang isa sa mga wikang panturo ng bansa
d. dahil sa mahigit 150 wika ang ginagamit nga mga taong naninirahan dito
_____12. Ang mga ito ang dalawang opisyal na wika sa ating bansa ayon sa itinadhana ng ating Saligang Batas
ng 1973.
a. Tagalog at Inlges b. Cebuano at Tagalog c. Filipino at Tagalog d. Pilipino at Ingles
_____13. Bakit kinailangan ng ating bansang magkaroon ng isang wikang pambansang magagamit at
maunawaan
ng nakararaming Pilipino?
a. sapagkat patuloy na lumalaganap ang pagtaas ng populasyon ng ating bansa
b. sapagkat ang mga Pilipino ay gumagamit ng humigit-kumulang 150 wika na maaaring maging hadlang sa
pagkakaunawaan at pagkakaisa
c. sapagkat tanging bansa na lang natin ang walang wikang pambansang ginagamit
d. sapagkat kailangang magkaroon tayo ng sariling pagkakilanlan bilang mga Pilipino

Kilalanin kung sa anong barayti ng wika napabilang ang mga pahayag sa ibaba.

__________________ 14. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa
unahan. Narinig niya sa sapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay at grading sheets. Mula
ritoy alam niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
__________________ 15. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a. “ Dana” ang
mga salitang charot, bigalou at iba pa.
__________________ 16. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na
kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “ Magandang Gabi, Bayan!
__________________ 17. Nagtatagalog din ang mga taga-Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng
mga taga- Metro Manila.
__________________ 18. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes.
Tumutukoy ito sa gamit nilang pananggalang sa init ng ulan.
__________________ 19. “Handan a ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang
programang Rated K.
__________________ 20. Habang nakahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at nakatatawa
ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang
mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal na paraan nila sa
pagsasalita.

Suriin kung anong gamit ng wika ang sumusunod na sitwasyon.

__________________ 21. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang layuning
masugpo ang kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
__________________ 22. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa pagkakaroon ng
kasunduan upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa
West Philippine Sea.
__________________23. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang niyang
pumunta sa silid-aklatan upang magsaliksik.
__________________ 24. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang kinalabasan ng
kanyang luto dahil matamang sinunod niya ang pamaraan ng pagluto nito.
__________________ 25. Nahirapan si Caeli sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman nagsimula
siyang magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan.

You might also like