Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

KARUNUNGANG

-BAYAN
Ano ang
Karunungang-
bayan?
KARUNUNGANG-BAYAN – Ang
karunungang-bayan ay isang
sangay ng panitikan na
nagpapahayag ng mga kaisipan at
paniniwala. Ito ay sumasalamin
sa mga pagpapahalaga,
karanasan, at tradisyon sa isang
kultura.
1. Salawikain
2. Sawikain
3. Kasabihan
4. Bugtong
1. Salawikain
Ang salawikain ay isang
patalinghagang pahayag na
ginagamit ng matatanda
noong unang panahon upang
mangaral at akayin ang mga
kabataan sa mabuting asal.
Mga Halimbawa ng Salawikain

1. ‘Aanhin pa ang damo,


Kung patay na ang kabayo.’

2. ‘Pag ang tubig ay magalaw, Ang


ilog ay mababaw.’
Tandaang ito ay sinasambit gamit
ang matatalinghagang salita. Ibig
sabihin, HINDI LITERAL ang
pagpapakahulugan o ang nais
nitong ipabatid. Kailangan mong
gamitin ang iyong kritikal na pag-
iisip upang malaman ang nais o
ibig ipakahulugan nito.
May TALINHAGA
SUKAT at TUGMA
2. Sawikain
Ang pagsasawikain ay isang paraan
ng pagsasalita na hindi gumagamit ng
mararahas na salita upang maiwasan
ang makasakit ng damdamin. Ang
sawikain samakatuwid, ay masasabing
mga salitang eupemistiko, patayutay o
idyomatiko na ginagamit upang maging
maganda ang paraan ng pagpapahayag.
Halimbawa ng Sawikain

Bagong tao- ibig sabihin binata

Ang bagong tao na anak ni aling


Maria ay nanliligaw sa dalagang
anak ni Mang Kardo.
Ilan pang mga halimbawa
- parang natuka ng ahas- natulala
- itaga mo sa bato- pakatandaan
- malayo sa bituka- hindi malubha
- mahaba ang kamay- magnanakaw
- matigas ang ulo – hindi masunurin,
pasaway
Tandaan!
Ang sawikain ay matalinghaga
at hindi tuwirang pahayag,
pinagaganda nito ang paraan
ng pagpapahayag, at binubuo
lamang ito ng ilang salita o
parirala.
May TALINHAGA,
Pahayag lamang
3. Kasabihan
Ang kasabihan ay kahalintulad din ng
salawikain na mga pahayag na nagbibigay
pangaral tungkol sa kilos, gawi, at pag-
uugali ng mga tao at kadalasang may
sukat at tugma rin ito ngunit ang
kasabihan ay iba sa salawikain sa
dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga
talinghaga bagkus payak lamang ang
pagpapakahulugan ng mga ito.
Mga Halimbawa ng Kasabihan
1. ‘Ubos-ubos biyaya,
Bukas nakatunganga.’
2. ‘Sa panahon ng kagipitan,
Nakikita ang kaibigan.’
3. ‘Nasa Diyos ang awa,
Nasa tao ang gawa.’
4. ‘Ang edukasyon ay pahalagahan,
Ito’y susi sa iyong kinabukasan.’
Tandaan!
Ang kasabihan ay nagtuturo
ng mabuting pag-uugali,
kadalasang may sukat at
tugma, at literal, tahasan o
payak ang
pagpapakahulugan.
WALANG TALINHAGA,
SUKAT at TUGMA
4. Bugtong
Ang BUGTONG ay isang uri ng
palaisipan na nasa anyong patula.
Ang mga bugtong ay kadalasang
patungkol sa pag-uugali, pang-araw-
araw na buhay, at mga bagay o
gamit na makikita sa paligid.
Mga Halimbawa ng Bugtong
1. Ayan na! Ayan na!
‘Di mo pa nakikita.
SAGOT:
Hangin
2. Malambot na parang ulap,
kasama ko sa pangarap.

SAGOT:
Unan
Tandaan!
Ang bugtong ay isang palaisipan
na nasa anyong patula at
tungkol sa pag-uugali, pang-
araw-araw na buhay, at mga
bagay o gamit na makikita sa
paligid.

You might also like