Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Chapter 16

Lumabas na ako sa room namin matapos kong basahin ang message niya at pinuntahan siya.
Tinanong ko kung nasaan siya at sinabing nandoon parin siya sa pool area. Pagkadating ko
‘don ay madilim na at tanging siya lamang ang tao. Naka-upo siya at naka-tingin sa tanawin
habang naka-tukod ang kanang kamay sa likod niya. Hindi niya ako nilingon kahit rinig ang mga
yapak ko.
Tumabi ako sa kaniya at tuminingin sa tanawin. Rinig ang hampas ng dagat at may mga tao
kang makikita na naglalakad sa tabi nito. Madaming ring bituin na makikita sa langit. Ang buwan
ay natatakpan ng kaunting ulap na mas nagpaganda dito.

“Anong pag-uusapan natin?” Tanong ko ng hindi siya tinitignan. Nakita kong nakatitig lang siya
sakin pero hindi ko siya nililingon.

Natatakot ako na mas mahulog pa sa kaniya sa oras na tumingin ako sa mata niya.

“Kahit sulyap mo hindi mo maibigay ‘no?” Tumawa siya at umiling. “Timothy is so fucking lucky.”
Tinignan ko siya ng nagtataka at may inis sa mata. “Ano bang sinasabi mo?!”

Habang ang mata ko ay nagpapakita ng taka at inis, ang kaniya naman ay lungkot at sakit.

“Wag kang umasta na parang may gusto ka sakin,” Kasi umaasa ako. Gusto kong isunod ang
mga salitang ‘yan pero ayokong masaktan. May girlfriend na siya.
He licked his lips and ran his fingers through his hair while nodding. “Oo,” Nanlaki ang mata ko
at tumingin sa kaniya. “Gusto kita.”
I scoffed. “N-no… You have a girlfriend,” Kumunot ang noo niya.
“What are you talking about? Ikaw ang gusto ko, bakit ako maggi-girlfriend ng iba?” Napaiwas
ako ng tingin sa sinabi niya.
“Queenie,” Tanging sinabi ko.
“Tyler’s cousin. She’ just my frien-“
“But she kissed you!” Sigaw ko habang pinipigilan ang sarili sa pagluha. “Kaibigan mo pero
hinalikan ka? Kaibigan mo pero lagi kayong magkasama? Nakahawak pa sa kamay mo palagi?
Sige, ngayon mo sabihin sakin na magkaibigan lang kayo!” Madilim ang mga mata niya habang
nakatingin sakin at malalim ang iniisip.
“Are you jealous?” Napatigil ako. Nakatitig lang ako sa kaniya habang masama ang tingin sa
kaniya.
“So what if I am?!” His eyes widened. “Nagseselos ako! At nakakainis lang kasi wala naman
akong karapatan,” Humina ang boses ko sa huling sinabi ko. Iniwas ko ang mata ko sa kaniya
dahil lumuluha na ako.

Gusto kong sabihin sa kaniya na layuan si Queenie kung hindi nga sila mag-girlfriend pero alam
kong mali ‘yon. May pinagsamahan din sila. I don’t want to be that girl na palalayuin yung lalake
sa babae when I know that they have good memories. Naiintindihan ko ‘yon, basta alam nila
yung limits nila. Pero in our situation, I don’t have the rights to be jealous. Maybe, I have
because I have feelings for him, but I don’t have the rights to demand.

“Hindi kami ni Queenie and that’s the truth. You can ask Tyler. About the kiss, I didn’t expect
that, too,” Page-explain niya. “Matagal na kaming magkakilala. Lagi siyang ganon sakin pag
magkasama kami. Hindi ko siya pinigilan sa paghawak sakin kasi sanay na din ako… pero hindi
ko alam na nagseselos ka pala. Madison, kung alam ko lang pinigilan ko na siya. Kung alam ko
lang, hindi na ako papayag na hawakan niya ako ng ganon.”
“No,” Iling ko. “You don’t have to do that.” Kumunot ang noo niya. “Matagal na kayong
magkakilala at matagal niyo na ‘yon gawain, believe me or not, I understand that.”
“D-Do.. do you l-like me?” Utal niyang tanong at parang nahihiya pa. I bit my lip to prevent
myself from laughing. “Wag mo’kong tawanan. Ayoko lang umasa,” Sabi niya at sinamaan ako
ng tingin.
“What do you think?” Pang-aasar ko.
“I want to hear it from you,” Seryosong sabi niya. Ngumiti naman ako at tumingin ng deretso sa
mata niya.
“I like you... Gusto kita,” Kinagat niya ang ibabang labi niya at tumingala. Hinalikan niya ang noo
ko at niyakap ako.

11pm na at nandito kami sa pool area. Ang ibang mga babae ay naglalangoy ay kami nina
Alexa, Vernise, Risch, Ate Anne, at Amaris ay nandito lamang at nakikikain ng pulutan sa mga
lalakeng nag-iinom. Si Ate Anne at Risch ay nakiki-inom din sa kanila. Si Queenie naman ay
kasama sa naglalangoy at kinakausap ito nina Jellah.

“Nasan ng apala si Geoffrey?” Tanong ni Amaris at tsaka ko lang napansin na wala siya tsaka si
Tim.
“Nasa room namin. Naga-grind sa cod. Magle-legendary na daw siya ‘e,” Ani Isaiah.
“Sus. Bulok naman niya maglaro ‘e. Asa sa random,” Sabi ko at nagtawanan naman sila.
“Hoy sinong bulok?! Ano 1v1 tayo, Madison?” Rinig kong dating ni Geoffrey.
“Pa-legendary ka muna,” Pagyayabang ko. Nakakapagyabang ako dahil kaibigan ko naman sila
at Legendary na ako sa codm. Tumingin sakin si Cole na katabi ko at tinaasan ako ng kilay.
Tinaasan ko din naman siya ng kilay.
“Nagco-cod ka?” Tanong niya at tumango naman ako.
“Kayabangan,” Ani Geoffrey at nag-shot. “Pabuhat, Madi,” Humagalpak kami ng tawa at inasar
nina Stephen ito.
“Kina Isaiah ka magpabuhat. Nagpapa-semi pa ako diyan sa Snipe ‘e,” Turo ko kay Isaiah.
Magyayabang ‘to, for sure.
“Ako lang ‘to, Madison,” Inirapan ko siya. “Si Amaris magaling mag shotgun,” Turo din niya kay
Amaris at umangal naman ito.
“Kung mag-trio nalang kaya kayo, jusko! Five man na para sure win,” Singit ni Alexa at tumango
naman ako. Nakita ko na katabi ni Alexa si Tyler sa kaliwa nito. Si Kirby at Bryant naman ay
nakita kong kausap nina Isaiah.

Mas maganda kasi pag five man kayo. Hindi natin masasabing sure win pero may cooperation
kayo at pag defeat, tatawanan niyo lang.

“Mamaya rank tayo. Kaming bahala sayo,” Pagyayabang ni Vernise.


“Rank mamaya. Suicide tayo para balik Master IV si Geoffrey,” Pinakyuhan kami ni Geoffrey.

Naramdaman ko na bumigat ang upuan ko at nakita ko sa kaliwa ko ang kamay ni Cole. Naka-
akbay ang mga kamay niya sa upuan ko, so parang inaakbayan niya na din ako. Nag-init ang
pisngi ko at hindi pinansin ‘yon. Nakita ko naman sina Ate Anne na may pang-aasar na tingin at
inirapan ko lang sila.

“’Nasan nga pala si Timothy?” Kani-kanina pa kasi kaming naka-tambay dito at ngayon ko lang
napansin na wala siya.
“Nasa kwarto, nanonood movie,” Tumango nalang ako kahit medyo binabagabag ako. Hindi ko
alam kung bakit ako nagi-guilty. Wala naman siyang gusto sakin ‘e.
“You good?” Tumingin ako kay Cole at tumango habang naka-ngiti, ngumiti naman siya pabalik
at tinangal ang akbay niya sa upuan ko. Nag-lean siya sa table at kinuha ang shot glass niya at
shinot ito.
“Madison, baka matunaw,” Ken teased and I just made a mocked face.
Alas dose na kami natapos at yung ibang boys ay nalasing na. Si Cole naman ay tipsy lang
dahil konti lang naman ang ininom. Bago ako matulog ay tinext muna ako ni Cole na lumabas
sandali para halikan ako sa noo. Nag-toothbrush daw muna siya para mahalikan ako sa noo.
Kinikilig ako, puta.
Nakahiga na ako sa kama at handa nang matulog kaso may humampas sakin ng unan.
Putangina.

“Gago, sino yon?!” Umupo ako sa kama ko at handa ng makipag-hampasan pero lahat sila ay
nakapalibot sakin at nakatingin. “Problema niyo?”
“Bakit may pahalik sa noo, mare?” Biglang sabi ni Eunice at napanguso naman ako. Binatukan
naman ako ni Ate Anne na nasa gilid ko.
“Tangina, landi mo, gago!” Sigaw ni Risch na nasa baba ng kama, nakaharap sakin.
“Inggit ka lang,” Asar ko sa kaniya at inirapan lang ako nito. “Ganda ko kasi,” Pagkasabi ko ‘non
ay nakatanggap na naman ako ng hampas at batok. Mga walangya!
“Pero ano na nga? Kayo na ba ha? Shuta, pupunta lang naman ako kitchen ‘e tapos paglingon
ko may ganon na ganap?” Pagre-reklamo ni Alexa. Gusto mo sabihin ko kay Tyler ‘yon?
Syempre hindi ko sasabihin ‘yan. Takot ko nalang dito.
“Ano lang… uhm… MU?” Pati ako hindi sigurado ‘e. Hindi naman kami nagsabi ng “I love you”
kanina ‘e.

Ano? Hindi magjowa pero naga-“I love you”-han? Walang label, ganon? Tss. Sakit lang hanap
niyo, mga mare.

“Pota, parang mga bata. Ano, elementary?!” Ani Jellah. Inasar naman nila ito na siya daw ang
elementary.
“Hindi naman ako nagmamadali,” Sagot ko sa lahat ng tanong nila.

Totoo naman ‘yon. Ayoko ng minamadali yung ganto lalo na’t mga bata pa kami. Madami pa
kaming oras. Why not enjoy it? Ayokong mag-plano dahil baka ma-disappoint lang ako pag
hindi nangyari. Pero kung nagplano ka at hindi nga nangyari, remember that God has a different
plan for you at yun ang worth it.

“Paano si Timothy?” Angge asked. Napa-tahimik ako at hindi alam ang sasabihin. Binuka ko
ang bibig ko para magsalita pero walang lumalabas.
“Do you still like him?” Tanong pa ni Alexa at umiling naman ako agad. Tinaasan pa ano nito ng
kilay.
“Hindi na nga,” Sagot ko. “Alam niya na gusto ko si Cole,” Sa sinabi kong iyon ay nanlaki ang
mata nila except kay Jellah.
“Gago?!” Sigaw ni Risch. Tumango ako at sinabing kanina lang ay nagusap kami. “Hindi mo ba
nahahalata?”
“Ang alin ba?” Nabi-bwisit na’ko ha.
“Teka, ano ‘yon? Hindi ko rin gets,” Binato nila ng unan si Jellah at tinawanan ko lang sila.
“May gusto sayo si Timothy, manhid kang gaga ka!” Binatukan ako ni Ate Anne.

Kailangan talaga manakit? Pag kinikilig, nananakit? Pag natatawa, nananakit? Shuta!

“Mga issue kayo. Walang gusto ‘yon sakin!”

Hindi sila naniwala sa sinabi ko at pinayuhan pa ako na kausapin si Tim bukas. Sinabi ko
naman sa kanila na wala talagang gusto sakin si Tim at ayaw nila maniwala. Sayang daw kami
ni Tim sabi ni Eunice dahil manok niya daw ang lalake. Ako naman yung magjo-jowa kaya ‘e.
Char!
Kinabukasan ay lahat kami ay nasa room namin para tumambay dahil hindi daw nila trip maligo
ng mainit. Ang iba ay nanonood sa sala at kami ay nandito sa lamesa para buhatin si Geoffrey
sa rank. 5-man kami. Si Isaiah, Geoffrey, Alexa, Angge, at ako. Kakatapos lang namin mag-
breakfast at dinemonyo agad kami ni Geoffrey. Si Tim at Queenie ay nasa sala kasama ng iba
kong mga kaibigan. Si Tyler at Cole ay kasama namin dito at nag-uusap lang sila.

“SND tayo,” Ani Alexa.


“Ala! Kaka-pressure naman pag Last Man Standing ‘e,” Reklamo ni Atengge.
“Akong bahala sayo,” Binato namin ng tissue si Isaiah sa sinabi niya. Cringe ampotek!
“Snipe ako ha. Tangina, walang mags-smoke ah, sinasabi ko sainyo!” Pananakot samin ni
Geoffrey. ‘Tas siya unang mamamatay ‘no? Awit.

Start na at nakita kong pinapanood ako ni Cole maglaro. Medyo na-pressure ako pero
pinagpatuloy ko padin ang paglalaro.
“Ay puta nasa likod ko!” Alexa. “Nasa ‘A’, magp-plant ata ng bomb,” Turo niya samin at pumunta
naman ako ‘don. Bago pa ako makapunta ay nagplant na nga ang kalaban.
“Ninja defuse mga mare!” Sabi ko at nagtawanan sila.
3v3 na. Habang nakikipag-barilan sina Angge at Isaiah ay nagpa-smoke ako sa bomba at
dinefuse ‘yon. Amin ang score at nabawi naman ng kalaban ang sunod. 4-4 ang standing at
kami nalang dalawa ni Alexa ang buhay. Tatlo pa sa kalaban ang buhay at nasa kanila ang
bomba. Nasa ‘A’ ako at pumunta naman sa ‘B’ si Alexa kaso bigla siyang namatay.

“Tangina!” Sabi ko at tinawanan nila ako.


“Clutch!” Sigaw nila.
“Gago, sa tingin niyo kaya ko ‘tong i-clutch?” Sabi ko habang pumupunta na sa ‘B’.

Nakita ko sa gilid ko si Cole na naka-tingin sakin kaya na-concious ako. Napansin ‘yon ng mga
kaibigan ko.

“Galing mo,” Bulong niya sakin at napakagat ako ng ibabang labi ko.
“Pare, awa mo na, pag-focusin mo muna. Magle-legendary na ako,” Humagalpak kami ng
tawanan sa sinabi ni Geoffrey. Triny kong wag pansinin si Cole sa gilid ko at nagfocus sa
paglalaro.

Winstreak kami at tuwang tuwa si gago dahil Legedary na daw siya. Magb-br daw sila at hindi
na ako sumali dahil tinatamad na ako. Nakinood nalang ako kina Tim at tumabi kay Vernise.
Nakita kong tumayo si Tim at tinanong ko siya kung saan siya pupunta at sinabing tatambay
daw sa lobby. Tinanong ko kung pwedeng sumama at pumayag naman siya.
Sumama ako sa kaniya dahil gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung may gusto
nga ba siya akin o wala. Mabait sakin si Timothy kahit nalaman niyang may gusto ako sa
kaniya. Hindi ata ako magiging masaya kay Cole kung alam kong may nasasaktan ng dahil
sakin. Lalo na kung si Timothy ‘yon.

“What’s up?” Sabi niya pagkaupo namin sa upuan.


“What’s down?” Napailing siya sa sinabi ko at tumawa lang ako.

I like Timothy since Grade 11. Pag nakikita ko sila ni Sofia, I will get jealous, yes, pero hindi
katulad ng kay Cole at Queenie. Nagseselos ako pero hindi nagtatagal yung pagseselos ko.
Natatanggal sa isipi ko ‘yon. Pero yung kay Cole, parang ayaw tantanan yung utak ko. Maya’t-
maya iniisip ko sila. Hindi ako makatulog sa gabi kakaisip. This is different.
“Tim...” Tawag ko sa kaniya at tumingin siya sa’kin. “Kakapalan ko na yung mukha ko.”
“Palagi naman makapal mukha mo ‘e,” Nagulat ako sa sinabi niya at muntik ng ibato ang unan
na hawak ko kung hindi lang nakatingin samin yung staff.
“Sama ugali,” Tinarayan ko siya. “Pero… may gusto sana ako itanong,” I smiled awkwardly.
“Shoot.”
“Do you like me?” Diretsong tanong ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko ngunit nakabawi
agad.
“Why do you ask?” Umiwas siya ng tingin sakin at tumingin sa labas.
“Uhm… baka kasi meron tapos makikita mo kaming magkasama ni Cole tapos magselos ka.
Hay, ang ganda ko kasi,” Kapal mukha kong sabi at nakatingin lang siya sakin ng hindi
makapaniwala.
He chuckled. “Sorry to burst your bubble, but I don’t have feelings on you,” He said while
looking intently into my eyes.

Puta, buti naman! Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya at iniba na ang usapan. Kinamusta
ko sa kaniya si Sofia at okay naman daw silang dalawa. Still friends. Well, that’s good. Kung
pinagseselosan ko sila dati, ngayon, ship ko na sila. Ngayon ko lang narealize na ang cute pala
nila.
Pagkatapos ng paguusap namin ay bumalik na kami sa room at kinausap ko si Cole at sinabi sa
kaniya na may pinagusapan lang kami ni Timothy. Pagkatapos namin mag lunch ay naglangoy
lang kami dahil bored na daw sila. Si Risch lang ang maarte dahil mainit daw sa pool. Hindi
naman ako naglangoy dahil tinatamad ako.

Naka-handa na ang mga gamit namin at ready na kaming umalis. Si Jellah lamang ang
pumipigil sa’min dahil sobrang bagal niyang kumilos. Nga-ngayon palang siya nag-aayos ng
gamit. Naka-ilang sermon siya, syempre, kay Risch pero natapos din naman agad. Sa
sasakyan ako ni Cole nakasakay at ang iba ay kina Geoffrey at Isaiah. Si Queenie ay kay Tyler
sasabay at si Timothy naman ay may sariling sasakyan.
Pagkadating ko sa bahay ay inayos ko muna ang mga gamit ko at nagpahinga na ng maayos.
Wala pa kaming pasok bukas and the day after, meron na. Bago ako matulog ay tumunog ang
cellphone ko at tinignan ko kung sinong nag-message. Natulog ako ng mahimbing at ng may
ngiti sa mga labi.

Cole: Thank you. I’m not gonna promise anything, but I’ll try my best to make you the happiest
girl on earth.

You might also like