Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KABANATA 1

PAGSUSURING SITWASYONAL

Pagsusuring Sitwasyonal

Ang pananaliksik o imbestigasyon ay ang "sistematikong pagsusuri o

pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa." Malikhain at sistematikong gawain

ang pananaliksik, na ginagawa upang lumawak ang kaalaman." Saklaw nito ang

pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa

nang husto ang kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu. Maaaring maging isang

pagpapalawak sa kaalaman ang layunin ng isang pananaliksik. Madalas itong

isinasagawa sa mga paaralan at pamantasan, gayundin sa pribadong sektor (bilang bahagi

ng kanilang research & development). Layunin ng mga mananaliksik na tukuyin kung

de-kalidad ba ang isang instrumento, mainam ba ang isang pamamaraan, tama ba

ang eksperimento, o di kaya'y totoo ba ang isang panukala at teorya.

Ayon kay Labrador (2018), ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng

mga totoong impormasyon na humantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sapamamagitan

ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman. Dahil ang pananaliksik ay

isang mahabang proseso na kung saan ito ay nangangailangan ng mahabang oras at

panahon upang magawa ng matagumpay ang isang pag-aaral. Itoay naglalayong

makadiskubre ng bagong kaalaman na makakatulong sa bawat indibidwal, maging

solusyon sa suliranin na kung saan ang pag-aaral na gagawin ay magiging kasangkapan

sa pagtuklas ng solusyon sa isang problema, umunlad ang sariling kamalayan sa paligid


at tumutuklas ng kakayahan ng isang indibidwal na kung ano ang mga na kaya niyang

gawin, at mapabatid ang lawak ng kaalaman sa isang partikular na bagay dahil ito ay

humahamon sa kung paano niya iaanalisa at iintindihin ang mga impormasyon at datos na

makakalap mula sa kanyang respondante. Simula sa pag-iisip ng paksa at titulo hanggang

sa pangangalap ng mga datos at impormasyon upang makabuo ng isang mahusay na

papel napananaliksik. Ninanais nitong sagutin ang mga tanong ng mga mananaliksik at

magbigay ng dagdag kaalaman sa mga mambabasa nito at sa mga susunod pa na mga

mananaliksik.

Napakahalagang pag-aralan ang pananaliksik hindi lamang sa mga mag-aaral

kundi sa iba’t-ibang uri ng tao. Saklaw nito ang napakaraming benepisyo para sa

ikabubuti ng pamumuhay ng tao sa iba’t- ibang larangan. Ginagamit ang pananaliksik

upang mabigyang solusyon ang isang suliranin, makadiskubre ng bagong kaalaman,

konsepto, at impormasyon. Sa pamamagitan ng pananaliksik, umuunlad at mapapalawak

ang sariling kaalaman ng mga mag-aaral, lumalawak ang karanasan, at nalilinang ang

tiwala sa sarili (Balasan, 2017).

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga naging karanasan sa paggawa ng

pananaliksik ng mag-aaral ng Batsilyer ng Sining sa Filipino. Sa pamamagitan ng

pananaliksik na ito, lalawak at lalalim ang kanilang karanasan hindi lamang tungkol sa

partikular na paksang pinag-aaralan kundi sa lipunang nagsisilbing konteksto ng kanyang

pananaliksik.

Ayon kay Gladys (2015), ang pananaliksik ay mahalagang sangkap sa buhay ng

tao, sapagkat daan ito sa modernong pamumuhay. Isa itong batayan ng pag-angkat ng
estado sa kahit anong aspeto ng pamumuhay, isa sa mga isinusumite ngmga mag-aaral sa

kolehiyo para s kanilang kurso, nagbubukas ito ng oportunidad sa iba’t ibang larangan,

dahil ang pananaliksik ay nakakapagbigay ng mga solusyon at impormasyon sa mga

suliranin ng isang o ng isyung nais solusyunan ng mgamnanaliksik. Ang pananaliksik ay

pag-aaral sa isang paksa na kung saan nagbibigayng sapat na impormasyon para

masolusyunan ang paksang pinagaaralan.

Balangkas ng pag-aaral

Ang Batsilyer ng Sining sa Filipino (Bs Fil) ay isang pang-apat na taon na kurso

kung saan pinag-aaralan ang istruktura ng wikang Filipino. Layunin ng programang ito

na pataasin ang kamalayan ng etnikong pagkakakilanlan ng mga estudyante.

Ang likha seryeng panayam para sa Maka-Filipinong Pananaliksik ay isang

inisyatibang binuo ng mananaliksik upang mahasa ng mga mag-aaral ng Batsilyer ng

Sining sa Filipino ang kanilang kasanayan sa pananaliksik mula sa lente ng Araling

Filipino.

Ang masilayan at makadaupang palad ng bahagya ang tagumpay na hinahangad

na makamtan ng bawat isa ay talaga namang isang malaking prebilihiyo. Ang maabot at

mapasaiyong bisig ito ay tila langit para sa sinuman ngunit hindi maipagkakaila na

naririyan ang mga magsisilbing balakid o hadlang na kung minsan sinasabing kakambal

na ng pag-abot ng tagumpay. Gayunpaman hindi maipagkakaila na ang mga ito ay siyang

magsisilbing daan din upang matuto habang binabaybay natin ang ruruk ng

tagumpay.kinakailangan ng mag-aaral na payabungin ang kasanayang ginamit sa pagbuo


ng isang papel pananaliksik, gaya na lamang ng pagsulat. Ang kasanayang ito ay

kinakailangan ng sapat na oras at panahon upang ito’y mapag-aralan ng mabuti.

Samantala, upang magabayan ang klase sa kolaboratibong pananaliksik, ginamit

ang modelo ng pagtuturo ng pananaliksik ni Department of Education. (February 2017).

Ayon sa kanila, may apat na pamamaraan para maengganyo ang mga mag-aaral na

bumuo ng kanilang mga pag-aaral (aresearch-led o pagalam sa mga research trend sa

disiplina; research-oriented o pagdebelop sa mga kasanayan at teknik sa pananaliksik;

research-oriented o pagdebelop sa mga kasanayan at teknik sa pananaliksik; research-

based o pagbuo ng pananaliksik; at research-tutored o pakikilahok ng mag-aaral sa mga

diskusyong pampananaliksik. Bagaman ang konteksto ng modelong ito ay para sa mga

kumuha ng undergraduate degree sa kolehiyo at pamantasan, minarapat ng mananaliksik

na gamitin ito upang maihanda na rin ang mga mag-aaral sa mga kahingiang kasanayang

pampananaliksik sa lalong mataas na edukasyom.

Ayon kay Enriquez, Virgilio. (2018), ang pananaliksik ay isang maingat,

masistematiko at obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng mga

balidong katotohanan, makabuo ng kongklusyon, at makalikha ng mga simulaing

kaugnay ng tinukoy na suliranin ng ilang larangan ng karunungan.

Ayon naman kay Nuncio, Rhoderick V. at Elizabeth Morales-Nuncio. (2019), ang

pananalikisik ay isang masistematiko at obhetibong pag-aanalisa at pagtatala ng

mgakontroladong obserbasyon na maaaring tumungo sa paglalahat, simulain, teorya at

mga konsepto na magbubunga ng prediksyon sa pagkilala at posibleng kontrol sa mga

pangyayari.
And disenyo sa pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinili ng

mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa

mga mag aayos at lohikal na paraan. Ito ang nagtitiyak na masasagot ng pananaliksik ang

suliranin at matutupad ang layunin na itinakda nito.

Ayon kin Healey, Mick and Alan Jenkins. (2019) ang disenyo ng pananaliksik

ang detalyadong balangkas kung paano isasagawa ang imbestigasyon. Kadalasang

nilalaman nito kung sa paanong paraan mangangalap ng datos ang mananaliksik kung

paano gagamitin ang napiling instrumento at ang mga pamamaraan kung paanong

susuriin ang datos.

Ang suliranin ng pananaliksik ang nagtatakda sa uri ng disenyong gagamitin ng

mananaliksik. Kailangang tiyakin na ang kabuuang disenyo ay lohikal na sasagot sa

mahahalagang tanong ng pananaliksik.

Ayon kay Enriquez, Virgilio (2018) kung mailalatag nang maayos ng isang

mananaliksik ang sistema at disenyo ng pananaliksik tiyak na makakamit nito ang

sumusunod; Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at

mapangangatwiran ang pagkakapili nito. Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis ng

mga naunang pag-aaral na may kinalaman sa paksa at suliranin ng ginagawang

pananaliksik.Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga haypotesis na pinakasentral sa pag-

aaral. Epektibong matutukoy at mailalarawan ang datos na kailangan sa pagsubok ng mga

haypotesis at maipaliliwanag kung paanong makakalap ang mga datos na ito at

mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin upang alamin kung tama

o mali ang mga haypotesis.


Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na

imbestigasyon ng ibat-ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng

matematikal estadistikal at mga teknik na pamamaraanna gumagamit ng komputasyon.

Kadalasang ginagamitan din ito ng mga nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa

pananaliksik gaya ng sarbey eksperimentasyon-at pagsusuring estadistikal.

Ang pag-access ng impormasyon at paggamit ng silid-aklatan ay mga kasanayang

unang pagkakataon na dapat na matagumpay na nakuha ng mga mananaliksik. Ang mga

mag-aaral ay nahaharap sa mga hamon tungkol sa pag-access ng impormasyon (Howard

at Garland 2015). Ang lahat ng mga mag-aaral ay inaasahang sasailalim sa Library

Orientation sa simula ng kanilang unang akademikong taon. Gayunpaman, napakaliit ng

napakaraming impormasyong ito na inihatid sa kursong Oryentasyon ng Aklatan na ito

ang pinoproseso at pinanatili para makuha kapag nagsimula ang mga mag-aaral sa

kanilang pananaliksik pagkalipas ng tatlo o apat na taon.

Ayon kay Maria Kathrina 0, (2022) Malaki ang ambag ng pananaliksik sa

pagbabago ng ating buhay, mula sa pag-unlad ng teknolohiya, pagdebelop ng mga

bagong gamot at aparatu sa larangan ng siyensya, pagpapakilala ng iba’t ibang inobasyon

sa pagkain at istilo sa fashion, at maging sa larangan ng edukasyon.

You might also like