Handout

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAKIKINIG

ANG KAHULUGAN NG PAKIKINIG


Ang pakikinig, samaktwid, ang pagunawa sa kahulugan ng mga tunog na napakinggan. Nangangahulugan ito ng
pandinig nang layunin - ang pagunawa sa kahulugan ng mga salita at pangungusap na naririnig. Inuunawa ang mga
katotohanan at ideya na nakapaloob sa mga salitang napakinggan.

ANG PAGKAKAIBA NG PAGDINIG AT PAKIKINIG


PAGDINIG (HEARING)
Tumutukoy ito sa ating kakayahang marinig ang anumang tunog sa pamamagitan ng ating mga tainga.

PAKIKINIG (LISTENING)
Isang proseso ng pag-iisip na may layuning unawain ang kahulugang nakapaloob sa mga tunog na
pinakikinggan ang pakikinig.

Bagama’t magkaiba ang pagdinig at pakikinig, magkaugnay ang dalawa sapagkat hindi maaring mangyari ang
tunay na pakikinig kung walang pagdinig. Preliminaryong hakbang sa pakikinig ang pagdinig.

ANG PROSESO NG PAKIKINIG


Sinabi ni kline (2006) na ang pakikinig ay isang kompleks na proseso. Ito ay dumaan sa tatlong magkakasunod na
hakbangin: Pagdinig, Atensyon at Pag-unawa.

PAGDINIG
- Ang unang hakbang sa pakikinig ay ang pagdinig. Ito ay tumutukoy sa pagtanggap ng tunog (salita, parirala o
pangungusap na nagdadala ng mensahe. Ang tunog ay nagmumula sa isang ispiker o tagapagbigay ng
mensahe. Ang mensahe ay dinadala sa paraang pasalita, at tinatanggap naman ito ng tagapakinig.
ATENSYON
- Ang ikalawang hakbang sa pakikinig ay ang atensyon. Hindi lamang natin naririnig ang tunog na nagmumula sa
ispiker, bagkus, itinutuon natin ang ating atensyon sa mensaheng ihinahatid ng tagapagsalita.
PAG-UNAWA

- Ang pinakahuli subalit pinakamahalagang proseso ng pakikinig ay ang pagunawa. Ang pag-unawa sa verbal at di-
verbal na aspekto ng pagsasalita ay tunay ngang nagpapalalim sa ating pag-unawa sa mensaheng nais ihatid sa
atin.

Ang pakikinig bilang isa sa apat na makrong kasanayang pangwika ay nagtatapos sa pagunawa sa mensaheng nais
ipabatid ng nagsasalita.
SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG

1. Mga Pisikal na Salik


Ang mga pisikal na nakakaimpluwensya sa pakikinig ay maaring may kinalaman sa sarili ng tagapakinig o
kaya may kaugnayan sa mga panlabas na bagay.

MAY KINALAMAN SA SARILI PANLABAS NA BAGAY


a. Ingay sa paligid
a. Pagkapagod Nagsisilbing hadlang sa mabisang
Mahirap makinig kapag tayo ay pagod. pakikinig ang ingay sa paligid
(maingay na katabi sa klase, hugong
ng electric fan o aircon, dumadaang
mga sasakyan sa labas o eroplano, at
iba).
b. Karamdamang Pisikal b. Temperature
Ang sakit tulad ng lagnat, sipon, ubo o Ang sobrang init sa kapaligiran (sa
mas malalala pang karamdaman ay klasrum) ay nakakaapekto sa atin
nagsisilbing hadlang sa mabisang habang tayo ay nakikinig.
pakikinig.

c. Kapansanan sa pandinig (hearing c. Pananamit, paraan ng pagsasalita


disabilities) at boses ng ispiker.
Ang pagkakaroon ng kapansanan sa May mga pagkakataong ayaw nating
pandinig o maaaring pagkabingi ay makinig sa isang ispiker dahil sa
isang suliranin sa proseso ng pakikinig. hindi maayos o baduy niyang
pananamit.

2. Bakgrawn
May mga bagay na sinasabi ng ispiker na hindi natin nauunawaan o kaya nabibigyan ng maling
pag-unawa’t interpretasyon dahil hindi natin lubos na naiintindihan ang mga salitang ginagamit niya.

ANG MGA LAYUNIN NG PAKIKINIG

Nakikinig ang tao para tumanggap ng mensahe, makapag-ukol ng atensyon , maayos na mainterpret o
matuklasan ang kahulugan ng mensahe, matandaan ang narinig, at maka-pagbigay ng kasagutan. Efektibo ang
pakikinig kung malinaw na nakukuha ng tagapakinig ang mensahe at mabigyan ito ng tiyak na kahulugan kaya
naman nasasagot na mahinusay ang tagapagsalita o kausap.

ANG KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

Batis ng kaalaman ang pakikinig. Ang taong masinsing makinig ay hindi lamang nakakaangkin ng malawak
na kaalaman, gayundin, tumitindi ang kakayahan niyang umunawa.

IBA PANG KAHADLANGAN SA MABISANG PAKIKINIG

Naaafektuhan ang mahusay na pakikinig ng mga sumusunod na bagay:

1) Lugar at Kapaligiran
a) Ang arkitektura ng bilding. Sa diretsong dingding, malakas at tuluy-tuloy ang dating ng boses. Kailangan,
samaktwid, ang pagtataya rito.
b) Marumi at mabahong hangin.
c) Sukat ng silid. Pagmasyadong malaki, malakas na boses ang kailangan, nakakapamaos, nakakapagod;
kapag sobrang liit naman, mainit, di-komfortable.
2) Oras. Ang mga oras sa pagitan ng pagkagutom at pag-aantok ay matitinding kalaban ng pakikinig.
3) Mga kagamitan at Tsanel
a) May diferensya ang elektrik fan, masyadong maingay ang motor at elisi, nakakainis.
b) Mga problemadong kagamitang de koryente’t pang-elektroniko gaya ng mikrofono at teyp rekorder.
4) Distansya. Pag malayo ang kausap, anumang sigaw di-maririnig, marinig ma’y bahagya’t di pa maintindihan. Pag
sobrang lapit naman, nagkakailangan.
5) Kasarian. Sobrang madetalye magsalita ang mga babae tumatagal ang usap kaya kinababagutan ng mga lalaking
tagapakinig na sobra namang napakamainipin.
6) Edad. Di pa gaanong konsentrado ang mga kabataan sa pakikinig kaya madaling mabaling sa ibang bagay ang
atensyon.
7) Timbre ng Boses. May mga boses na nakatutulig talaga sa natural na pagsasalita.
8) Dami ng Bilang. Pag siksikan, maalinsangan at maingay.
9) Kultura. Sinasabing ang mga amerikano ay mas apresyativ na manood kasi madaling pumalakpak.
ANG MGA DAPAT TANDAAN SA EFEKTIBONG PAKIKINIG

1) Alamin ang layunin sa pakikinig.


2) Iwasan ang magpaunang hatol at magkaroon ng obhektibong pananaw sa tao at paksang papakinggan.
3) Huwag umasa nang labis sa pakikinggan.
4) Ituon ang buong atensyon sa nagsasalita.
5) Magdala ng mga kinakailangang kagamitan para sa pagtatala at maingat, matalino’t mapamaraan itong gawin.
6) Sikaping maisabalangkas o kaya’y maisabuod lamang ang pinakinggan.

ANG MGA URI NG PAKIKINIG AYON SA LAYUNIN

Bawat tagapakinig ay may kani-kaniyang layunin sa gawang pakikinig at ito’y ang mga sumusunod:

1) Kaswal. Pampakondisyon lamang kaya’y pampalipas-oras na nakagawiang pakikinig ito.


2) Imformal. Karaniwan na ang ganitong uri ng pakikinig sa mga estudyante na tipong napipilitan lamang dahil may
dapat isagawang rekisito ng isang kurso.
3) Kritikal. Kaakibat ng uring ito ang pagiging analitikal, ebalwativ at apresyativ.

ANG MGA KATANGIAN NG KRITIKAL NA PAKIKINIG

Ang kritikal o mapanuring pakikinig ay may layuning tayahin ang mga bagay na naririnig mula sa ispiker.
Kinakailangan sa kritikal na pakikinig ang pag-unawa at pagsusuri sa mensaheng narinig. Ang mga sumusunod na
kundisyon ang nagpapatunay sa may mapanuring pakikinig.

1) May kakayahang maipakita ang lohikal na kaugnayan ng mga detalye sa mga pangunahing ideya na bumubuo sa
paksang tinatalakay;
2) May kakayahang magbigay ng tumpak na hinuha (hypothesis);
3) May kakayahang tukuyin ang mga mahahalaga at hindi mahahalagang detalye;
4) May kakayahang ihiwalay ang katotohanan sa pawang opinion lamang:
5) May kakayahang hatulan o husgahan ang relabiliti o katunayan ng informasyong iprinisinta ng ispiker;
6) May kakayahang magpasya kung ma1 kabuluhan ang mensaheng nais ipabatid ng ispiker, at
7) May kakayahang magpahalaga sa katotohanang nakapaloob sa mensahe ng ispiker.

DALAWANG MAHAHALAGANG KASANAYAN SA KRITIKAL NA PAKIKINIG


1) Pagrevyu at Pagrevyu habang nakikinig
Inaantisipeyt o hinuhulaan natin ng matalino ang pinatutunguhan ng sinasabi ng ispiker o ang
kanyang susunod na punto.
2) Pagbabalangkas habang nakikinig
Bilang kritikal na tagapakinig tinutukoy natin ang layunin at tesis o pangunahing ideya (main idea) ng
ispiker.

ANG MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAKINIG

Bibihirang matagpuan ang isang mahusay na tagapakinig na nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

 Interesado sa pinag-uusapan o sa paksang tinatalakay


 Nakakakilala ng mga pangunahing idea
 Nagbibigay-atensyon sa paraan ng pagpapahayag at itsura ng nagsasalita o interlokyutor
 Kalmado, hindi emosyunal sa ilang sensitibong paksang sumusulpot
 Hindi nagtatangkang sapawan ang kaisipang inihahayag ng nagsasalita.
 Hindi nagsasalita para sa pansariling kapakanan o pagpapakitang-gilas ng sarili

Ang mga kabaliktaran naman ng mga kababanggit, samaktwid, ang mga katangian ng isang di-marunong makinig
na karaniwang hindi natututo, kaya’y mahina sa pakikipagkomunikasyon.
ANG MGA PAALALA PARA MAGING MAHUSAY NA TAGAPAKINIG

 Ibigay ang iyong buong atensyon sa taong nagsasalita.


 Siguraduhing nakafokus ang iyong isipan sa sinasabi ng nagsasalita. Huwag hayaang lumihis ang ito sa pinag-
uusapan.
 Hayaang tapusin muna ng nagsasalita ang kanyang sinasabi bago sumabat o magtanong.
 Tapusin muna ang iyon pakikinig bago magsalita. Ang pag-iisip kung ano ang iyong sasabihin pagkatapos
magsalita ang ispiker o kausap ay patunay na hindi ka nakikinig sa kanya.
 Bigyang atensyon ang mga pangunahing ideya na sinasabi ng ispiker. Ito ang mahahalagang puntos na bibigyang
diin ng ispiker.
 Magtanong kung hindi malinaw ang iyong pagkakaunawa sa sinasabi ng ispiker.

ANG TATLONG KAILANGANIN O REKISITO SA PAGPAPAUNLAD NG KAHUSAYAN SA PAKIKINIG


Mapahihinusayan ang pakikinig ng isang tao kung bibigyang-pansin ang mga sumusunod na kailanganin:

I. Maglaan ng nababagay o kondyusiv na kapaligiran, iyong malayo sa ingay at iba pang mga mga nakakadistrak o
nakakasira ng atensyon, sa gayon, malakas na nakapagsasalita para sa lahat ang interlokyutor.
II. Pumili ng mga paksang kaiinteresan ng mga nakikinig.
III. Magbigay ng mga katangi-tanging pagsasanay para mapaunlad ang kakayahang makinig.

You might also like