Bilang estudyante ang kahalagahan ng pagbasa ay napakahalaga para
sa lahat dahil dito nagsisimula ang pagkatuto ng isang tao. Ito ay mahalaga dahil ang mga tao ay nakakakuha ng kaalaman at karunungan tungkol sa mundo at nakakakuha ng maraming impormasyon sa pamamagitan ng pagbabasa. Kaya may iba't ibang uri ng panitikan na makapagbibigay ng aral na magagamit ng mga tao. Ang pagbabasa ay nakakatulong sa mga tao na magkaroon ng kamalayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan ay mahalaga dahil ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan ay nagbibigay saatin ng maraming impormasyon,ang pagbabasa ay nagpapalawak ng ating bokabularyo. Habang nagbabasa tayo ng libro, natututo tayo tungkol sa kultura at kaugalian ng bansang pinanggalingan. Ang pagbabasa ay nagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga tao dahil sa mga karakter na ating binasa. Ang pagbabasa ay nagpapalawak ng imahinasyon ng mambabasa.Sa pag- aaral, gagawa tayo ng bagong libangan na magpapasaya saatin.
Napakahalaga ng pagbabasa dahil marami tayong matututunan. Ang
pagbabasa ay maaaring magbigay saati ng karagdagang kaalaman o palawakin ang iyong kaalaman. Ang pagbabasa ay makakatulong saatin na makahanap ng mga sagot sa marami sa mga tanong sa buhay. Isa pang kahalagahan ng pagbabasa ay ang pagbabasa ay nagpapatalino saatin at nagpapatalas ng ating isipan. Ang pagbabasa ay nakakaalis din ng pagkainip o pagkabagot kapag tayo ay nalulungkot. Ang pagbabasa ay magdadala saatin sa mga lugar na hindi natin pa napupuntahan, na iniisip na naroon tayo habang nagbabasa tayo. Ang pagbabasa ay nagpapalawak ng ating pananaw sa buhay.