I. Panimula Pamagat: Orpheus at Eurydice May-akda: Ang may akda ng kuwentong ito ay si Poblius Ovidius Naso o “Ovid”. Si Ovid ay isang manunula na taga-Roma. Siya ay isa sa tatlong pinakasikat na “Cononical Poets of Latin Literature”. Walang nakalagay kung sino ang nagsalin ng kuwentong ito sa wikang Tagalog. Uri ng Panitikan: Ang uri ng panitikan ng akdang ito ay mitolohiya. Bansang Pinagmulan: Ang akdang ito ay mula sa bansang Greece. Layunin ng Akda: Layunin ng akdang ito ay ang magbigay ng kaalaman tungkol sa pag-ibig at sa buhay. Kung saan, ang akdang ito ay naglalahad na habang nariyan pa ang ating mga mahal sa buhay, ipakita at iparamdam na natin sa kanila ang ating pagmamahal at pag- aalaga. Inilalahad din ng akdang ito na matuto tayong magtiwala at tumanggap ng tunay na nangyayari sa buhay natin.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Paksa ng Akda: Makabuluhan ang akdang ito na kung saan ipinahihiwatig nito ang mensahe tungkol sa buhay at sa pag-ibig na siyang simbolismo ng mga Diyos at Diyosa na tauhan ng akdang ito. Mga Tauhan sa Akda: Orpheus — Siya ang pangunahing tauhan sa kuwento. Siya ay anak nina Calliope at Apollo. Siya ay may katangi- tanging kakayahan sa musika na namana niya sa kaniyang mga magulang, magaling rin siya sa pagtugtog ng lyre/kudyapi na kung saan nahahalina n‘ya lahat ng bagay sa mundo sa pamamagitan lamang ng pagtugtog niya nito. Eurydice — Siya ang babaeng napangasawa ni Orpheus na kung saan, matapos ang ilang masayang taong pagsasama nila ay siya ay namatay nang dahil sa kagat ng natapakan niyang ahas. Apollo — Siya ang ama ni Orpheus, ang Diyos ng musika. Calliope — Siya ang ina ni Orpheus. Cerberus — Ang mabangis na asong may tatlong ulo na taga-bantay papasok sa Mundong Ilalim. Hades — Ang hari ng Mundong Ilalim. Persephone — Ang reyna ng Mundong Ilalim. Tagpuan / Panahon: Ang tagpuan ng kuwento ay sa Mundong Ilalim. Ang kuwento ay nagtagpo sa panahong Circa 530 BC. Balangkas ng mga Pangyayari: Sa simula ng kuwento, ipinakita na ikinasal sina Orpheus at Eurydice ngunit namatay si Eurydice dahil natuklaw siya ng isang ahas at dito na nabigo si Orpheus at nagsimulang magdalamhati. Sa aking opinyon, hindi ito ang katangi-tanging panimula ng isang kuwento sapagkat nagbibigay ito ng ideyang hindi ito magkakaroon ng magandang katapusan. Ngunit noong ipinagpatuloy ko ang pagbabasa, nalaman ko na isa pala itong kuwento na may nakakaawa at walang masayang katapusan. Kulturang Masasalamin sa Akda: Ang kulturang masasalamin sa akda ay ang kultura ng mga Griyego dahil sa mga Diyos at Diyosa na makikita/mababasa natin sa akda. Kilala ang nga Griyego sa kanilang paniniwala tungkol sa mga Diyos at Diyosa.
III. Pagsusuring Pangkaisipan
Mga Kaisipan / Ideang Taglay ng Akda: Ipinahahayag ng akda na dapat ay hindi tayo nagdadalawang-isip upang hindi tayo magsisi sa huli. Magsisi man tayo o hindi, dapat ay sinisigurado natin ang mga desisyon na ating gagawin kasama na rin ang pagtitiwala at pagtanggap. Ipinakikita rin ng akda na walang mas hihigit pa sa kapangyarihan ng pag-ibig. Estilo ng Pagkakasulat ng Akda: Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay pasalaysay. Maraming bersiyon ang kuwento nina Orpheus at Eurydice ngunit ang pinakasikat ay ang kuwentong ito na isinulat ni Ovid. Madali lang basahin ang kuwento sapagkat epektibo ang paraan ng paggamit ng mga salita dito. At hindi rin ito gaya ng ibang nobela na may maraming mga kabanata. Bisa sa Isip: Para sa akin, maganda ang akdang ito sapagkat naimpluwensiyahan niya ang aking pag- iisip o utak sa pamamagitan ng mga mensahe nito na may kinalaman tungkol sa buhay at pag-ibig. Bisa sa Damdamin: Sa usapin sa damdamin naman, habang binabasa ko ang kuwento ay nadadama ko ang kalungkuta‘t pagdadalamhating nadarama ng bidang si Orpheus noong mamatay ang kaniyang minamahal na si Eurydice.
IV. Buod
— Si Orpheus, ang anak nina Calliope at
Apollo, ang Diyos ng musika, ay may katangi-tanging kakayahan sa musika na namana niya sa kaniyang mga magulang. Siya ay magaling sa pagtugtog ng lyre/kudyapi at ang lahat ng bagay sa mundo ay nahahalina kapag siya ay tumutugtog nito. Isang araw, may nakilala siyang babae na nagngangalang Eurydice. Nagbighani siya sa kagandahan nito. Siya at si Eurydice ay umibig sa isa‘t isa at sa ilang masayang taong pagsasama nila‘y nagpasiya silang magpakasal. Ngunit ito rin pala ang dahilan ng pagkakahiwalay nila sapagkat sa araw na iyon, si Eurydice ay namatay dahil natuklaw siya ng natapakan niyang ahas. Nang mamatay si Eurydice ay doon nagsimula ang kalungkutan at pagdadalamhati ni Orpheus. Tumutugtog siya ng lyre/kudyapi at kumakanta upang ipahayag ang kaniyang kalungkutan. Ngunit hindi na niya kayang kontrolin pa ito kung kaya‘t naisipan niyang pumunta sa Mundong Ilalim upang ibalik si Eueydice sa kaniyang piling. Noong nagpunta siya, nakaharap niya ang bantay papasok sa Mundong Ilalim, si Cerberus, at pinatugtog niya ang kaniyang lyre upang mapaamo‘t papasukin siya nito. Noong makapasok siya nakaharap niya si Hades at Persephone, ang hari‘t reyna ng Mundong Ilalim. Pinatugtog niyang muli ang kaniyang lyre at nadala sina Hades at Persephone mula sa emosyong nadarama mula sa narinig na tugtog ni Orpheus. Dahil sa nangyari, sumang- ayon si Hades na si Eurydice ay maaring mabuhay muli kasama si Orpheus palabas ng Mundong Ilalim. Ngunit ito ay may kaakibat na kondisyon. Hindi kailanman maaaring tumingin sa likuran si Orpheus habang nakasunod sa kaniya si Eurydice hanggang sa makarating sila sa Mundong Ibabaw. Nag-umpisang maglakbay ang dalawa at noong kinausap ni Opheus si Eurydice ay hindi siya narinig nito kung kaya‘t hindi ito sumasagot. Noong malapit na sila sa Mundong Ibabaw, nagsimulang magduda si Orpheus kung nasa likuran niya pa ba si Eurydice at hindi siya niloloko ni Hades kung kaya‘t siya‘y tumalikod at dahil doon, naglaho si Eurydice at muling napunta sa Mundong Ilalim. Sinubukan ni Orpheus na muling bumalik sa Mundong ilalim ngunit hindi niya nagawa sapagkat walang nabubuhay ang maaaring makapasok sa mundong iyon nang dalawang beses.