Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Krisk Norbert G.

Tadeo
12- ABM
Filipino sa Piling Larangan

EDSA: PEOPLE POWER REVOLUTION (buod)

Enero 22-25, 1986. Apat na araw na pangyayaring hindi makalilimutan ng mga tao, ang araw na
nangyari ang peoples’ power revolution.

Sa unang- araw, Enero 22, 1986, nag umpisa nang magtipon- tipon ang mga tao sa EDSA sa
labas ng kampo crame na siya ring araw kung saan tumiwalag si Juan Ponce Enrille na noo’y
defense minister sa ilalim ng diktadurya ni pangulong Ferdinand Marcos at si Fidel Ramos na
rating Vice chief of staff sa Arm Forces of the Philippines (AFP).

Sa ikalawang- araw, Enero 23, 1986, pinukaw ng panawagan ni Jaime Cardinal Sin ang mga
mamamayang Pilipino na siyang isang naging dahilan at lalo pang dumami ang mga tao a EDSA
na sumama upang mapatalsik sa kinauupuan ang dating pangulong si Ferdinand Marcos Sr. Sa
araw ding iyon , nagsidatingan ang mga militar sakaya ng mga nagsilalakihang mga tankeng
gamit sa pakikipagdigmaan.

Sa Ikatlong- araw, Enero 24, 1986, nagbanta ang kampo ni pangulong Marcos na ito ay aatake sa
mga tao, sa kanyang pagbabanta, ay siya ring patuloy na pagdami ng bilang ng mga tao na
sumusuporta sa pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos. Hanggang sa dumating na ang araw ng
rebolusyon.

Enero 25, 1986 ang huling araw ng rebolusyon. Ayon kay Jose Antonio Custodio isang historian
at defense analyst, “ peoples’ number are increasing, at wala ng atrasan pa” habang parami nang
parami ang mga tao. Ang military o sundalo na nasa panig ng pangulong Ferdinand Marcos ay
nagtaas ng puting bandila na siyang simbolo na sila ay sasama rin sa pagpapatalsik sa diktador na
si pangulong Ferdinand Marcos. Ang puso ng mga tao at ang pagmamahal sa bayan ay nanaig
sapagkat sila ay namulat sa katotohanan na ang Marcos ay ang dahilan ng paghihirap ng mga
mamayang Pilipino sa panahong iyon.

Dahil sa lakas ng pwersa ng mga mamayang Pilipinong sumosuporta sa rebolusyon, tila hindi na
sumikat ang kay Ferdinand Marcos. Sa huling araw ng rebolusyon, ang kampo ni Marcos ay nag
pa-planong umatake sa kampo crame ngunit ito ay naudlot ito dahil nalaman ng kabilang panig
ang plano at ito ang naging dahilan upang hindi ituloy ang surpresang pagsalakay.

Alas sinko ng umaga sa huling araw ng rebolusyon, nag desisyon si Marcos na hindi bababa sa
pwesto, ngunit halos tatlumpong minuto ang nakalipas, nagbigay na ng go signal ang pangulo sa
kanyang pamilya na sila ay aalis na sa Malacanang sa araw rin na iyon. Habang ng panig ni Cory
Aquino ay naghahanda na para sainagurasyon bilang isang ganap na bagong pangulo ng
Pilipinas. Samantala nagbabantay naman ang mga tao sa kadahilanang sila ay atakihin ng ng
kampo ni Marcos upang pigilan ang inagurasyon. Banang alas-10 ng umaga, nanumpa bilang
pangulo si Cory Aquino kay Senior Justice Claudio Teehankee.
Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin, na ang Pangulong Marcos na siyang handa nang
umalis sa Malacanang ay hindi natuloy bagkus pinili nitong manatili sa Malacanang na siya ring
dahilan ng paghahanda niya para sa kanyang sariling inagurasyon bilang isang pangulo ng
Pilipinas. Bandang alas- 11:55 ng umaga, nanumpa rin bilang pangulo si Marcos at ang kanyang
live coverage sa kanyang inagurasyon at pinutol at nalaman na sabay sabay pinaputukan ang mga
transmitter channel ng gobyerno. Bilang tugon, gumamit ng movie cameras para kunan ang
panunumpa nito sa pagka pangulo at pagkatapos nito ay lumabas si Marcos sa balkonahe upang
magpakita sa kanyang mga taga suporta.

Sa mga pangyayaring naganap sa panahon ng EDSA people power revolution, nananig pa rin
ang demokrasya at nanalo ang mga tao laban sa Diktador na Marcos. Marahil maraming mga
hindi magagandang nangyari noong panahon nd EDSA revolution, ngunit kung ang pagmamahal
ng mga tao sa bayan mananaig pa rin ang mamayang Pilipino.

You might also like