Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

MODYUL 15: XI.

MGA EPEKTIBONG DULOG AT ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG


BAHAGING PANGKAYARIAN
A. Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng
Bahaging Pangkayarian
B. Bahaging Pangkayarian
a. Pang-angkop
b. Pangatnig
c. Pantukoy
d. Pang-ukol

BILANG NG LINGGO: 15
ORAS NA ILALAAN: 3 oras
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapamalas ang kahusayan sa pagtuturo ng Filipino gamit ang wikang Filipino at
mother tongue at akmang dulog sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa wikang Filipino
ayon sa kahingian ng K-12 kurikulum;
2. Nakakapili, nakakalikha at nakakagamit ng kagamitang panturong nakaugat sa
local na kultura;
3. Nakakapili, nakakalikha at nakakagamit ng mga akmang pagdulog sa pagtasa at
pagtaya sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa wikang Filipino; at
4. Natutukoy ang iba’t-ibang bahagi ng pangkayarian.

PAMPAGKATUTONG NILALAMAN
MGA EPEKTIBONG DULOG AT ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG BAHAGING
PANGKAYARIAN
Introduksyon
Angdulog o lapit ay isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng
wika, pagkatutoat pagtuturo.

Pagtatalakay
A. Mga Epektibong Dulog nat Estratehiya sa Pagtuturo Bahaging
Pangkayarian
• Ang pamamaraan naman o estratehiya ay tumutukoy sa
pangkalahatangsistematikong pagpaplano na binubuo ng mga hakbang batay
sa isang dulog (Anthony(1963) halaw kay Badayos, 98)
o Patuklas na Lapit
▪ Ang lapit o dulog na ito aytumutukoy sa pabuod napamamaraan
ng paggabay sa mga mag-aaral sa pagtalakay atpag-oorganisa
ng mga ideya atpagproseso nito. Ito aymakatutulong sa mga
mag-aaralupang gamitin ang mga ideyangnatutunan sa
pagtuklas ngpanibagon ideya.

o Konseptwal na Lapit
▪ Binibigyang-diin nito angkognitibong pagkatuto: pagkatutosa
nilalaman at pagtamo ngkaalaman. Kinasasangkutan itong
paglikom ng sapat na mgaideya o konsepto.

o Unified Approach
▪ Ang dulog na ito aysumasangkot sa prosesongkognitibo gaya
ngpagkukompara, pag-uugnay-ugnay, pagtukoy sa sanhi
atbunga, paghula sa posiblengresulta at maging sinstesis ngisang
paksa. Nilalayon nito namalinang ang mga mag-aaral nasuriin at
busisiin angpangkalahatan o kabuuan ngmga bagay-bagay.

o Dulog Istruktural
▪ Naniniwala and dulog na ito naang pagkatuto ng wika ay
maykinalaman sa paglinang ng ugalio gawi. Samakatwid,
inaalamang istruktura ng wika at batayditto ay sinasanay ang
mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-uulit at pagsasaulo.

o Dulog Audio-Lingual
▪ Ang lapit na ito ay gumagamitng teyp rekorder, larawan,pelikula,
slides upang mapadaliang pagkatuto ng wika.

• Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagtuturo ang pag-gamit ng mabubuting


pamamaraan ng pagtuturo. Nakasaalay sa mabuting pamaraan ng pagtuturo
ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral at pagtuturo
ng guro.
• Walang isang paraan lamang na masasabing sadyang mabisa para sa lahat ng
uri ng paksang aralin o isang pamamaraan kaya na angkop gamitin sa lahat ng
pagkakataon. Kaya ang guro ang nagbabalak at nagpapasya sa pamamaraang
kanyang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang makamtan
ng mag-aaral, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mag-aaral at
gayon din sa uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo.

o PAMARAANG PABUOD O INDUCTIVE METHOD


▪ Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo
kaugnay ng pagbubuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang
paaglalahat o generalization. Ang pamamaraang ito, kung minsan
ay tinatawag na “Limang Pormal na Hakbang sa Pagtuturo” o dili
kaya ay “Herbatian Method” sapagkat ipinakilala ito sa larangan
ng pagtuturo ni Herbert. Sinasabi rin ito na nagsimula sa
nalalaman patungo sa hindi nalalaman. Nagsisimula sa mga
halimbawa patungo sa tuntunin kaya’t nasasabing ito ay egrule
na pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay may limang hakbang
1) paghahanda o preparation, 2) paglalahad o presentation, 3)
paghahambing at paghalaw o comparison and abstraction, 4)
paglalahat o generalization at 5) paggamit o application.

o PAMARAANG PASAKLAW O DEDUCTIVE METHOD


▪ Ang pamaraang pasaklaw ay kabaligtaran ng pamaraang pabuod.
Samantalang ang pamaraang pabuod ay nagsisimula sa mga
halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang
pamaraang pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahat ng
tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa kaya may
taguring “rule” o “rule of example”. May limang hakbang ito 1)
panimula o introduction, 2) pagbibigay ng tuntunin o katuturan o
giving of rules/generalization 3)pagpapaliwanag ng tuntunin o
interpretation of the rule, 4) pagbibigay ng halimbawa o giving
examples 5) pagsubok o testing.

o PAMARAANG PABALAK O PROJECT METHOD


▪ Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo ng
Edukasyong Panggawain. Angkop din naming gamitin sa
pagtuturo ng anumang asignatura na may nilalayong magsagawa
ng proyekto. Sa pamamaraang ito, nalilinang sa mga mag-aaral
hindi lamang sa kakayahan at kasanayang pagpaplano, sa
pagsusuri, sa pagpapahayag at sa pagpapasiya kundi gayundin
naman ang mga kapangkat at ang kakayahan sa pagtanggap ng
puna nang walang pagdaramdam o sama ng loob. Ito ay may apat
na hakbang 1) paglalayon o purposing 2) pagbabalak o planning
3) pagsasagawa o executing 4) pagpapasiya o evaluating/judging.

o PAMARAANG PAGTUKLAS (Discovery Method)


▪ Ang pamaraang pagtuklas ay isang pamaraaan ng pagtuturo na
bukod sa nagdudulot ng kawilihan ay humahamon pa sa
kakayahan ng mga mag-aaral. Ang pamamaraang ito ay
nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na siyang
makatuklas ng kaalaman, konsepto, kaisipan, simulain at
paglalahat. Ang mga mag-aaral ay aktibong kasangkot sa
pagtuklas ng karunungan at hindi basta na lamang taagatanggap
ng kung anu-anong mga idinidikta sa kanilang mga kaisipaan at
kaalaman.

o PAMARAANG PROSESO (Process Approach)


▪ Ang process approach ay ginagamit sa pagtuturo ng mga
asignatura sa aghaam at iba pang disiplina. Ito ay isang pagdulog
na ang binibigyang- diin ay hindi ang pagkakamit ng mga
mag0aaral ng maraming kabatirang ipasasaulo sa kanya kundi
manapa’y ang pag angkin ng mga mag-aaral ng mga batayang
kasanayang intelektuwal na kailangan niya sa pagkatuto.
B. Bahaging Pangkayarian
a. Pang-angkop
▪ Ang pang-angkop o ligatura (Ingles: ligature) ay ang mga kataga, na
bahagi ng pananalita, na nag-uugnay sa panuring (modifier, katulad ng
pang-uri at ng pang-abay) at salitang tinuturingan.
▪ Sa ibang salita, ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang
naglalarawan at inilalarawan. Halimbawa nito sa pangungusap ay;
"Nasira ang tulay na kawayan.", "May maraming dahong luntian dito.",
"Malayang nakakalipad ang Ibon."
▪ Uri ng Pang-angkop
- na
• Ito ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa
unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng
panuring.
• Halimbawa: mapagmahal na tao
- -ng
• Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga
patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
• Halimbawa: mabuting nilalang
- -g
• Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa n.
Ikinakabit ito sa unang salita.
• Halimbawa: huwarang mamamayan
b. Pangatnig
▪ ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala, sugnay o pangungusap.
▪ Sa balarilang Filipino, ang pangatnig ay maaring magbukod (katulad ng
"o," "ni", "habang" at "maging"), manalungat (katulad ng "ngunit,"
"habang" at "bagamat"), maglinaw (katulad ng "kaya," "kung" at
"gayon"), manubali (katulad ng "kapag" at "sana"), magbigay halintulad
(katulad ng "kung saan" at "gayon din"), magbigay sanhi (katulad ng
"sapagkat" at "dahil") at magbigay ng pagtatapos (katulad ng "sa
wakas" at "upang").
▪ Halimbawa
- at
• Ito ay ginagamit na pang-ugnay sa dalawang salita, parirala o
pangungusap na pagkaugnay.
- ngunit, subalit, pero, datapwat, kaso
• Ito ay ginagamit na pang-ugnay ng dalawang kaisipang
magkakontra o magkasalungat.
- o
• Ito ay ginagamit na pang-ugnay ng mga salita o kaisipang
pinagpipilian.
c. Pantukoy
▪ Ang pantukoy ay ang katagang ginamit sa pagpapakilala sa pangngalan.
Itoay tinatawag na article sa Ingles. Ito ay may dalawang uri: ang
pantukoy na pambalana at pantangi.
▪ Dalawang Uri ng Pantukoy:
- Pantukoy na Pambalana
• Ito ay tumutukoy sa pangngalang pambalana tulad ng "ang" at
"ang mga."
• Halimbawa: Ang mga prutas na dala ni Lola ay matamis.
- Pantukoy na Pantangi
• Ito ay tumutukoy sa pangngalang pantangi o tiyak na ngalan.
• Ito ay ang si,sina,ni nina kay, kina.
• Halimbawa:
˚ Si Luis ay nagtatanim ng halaman.
˚ Handa na ang dami nina Jose at Luis para sa Linggo.
d. Pang-ukol
▪ Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita na ipinapahayag ang mga
ugnayan sa panahon o lawak (sa, sa ilalim, patungo sa, bago) o
pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap (ng, para sa). Isa
itong morpema na nauuna sa mga pangkat na salitang pangngalan at
panghalip na nagdudulot ng kaganapan (complement) o pagbabago sa
parirala.
▪ Kapag ginagamit sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan nito sa
pamamagitan ng paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan,
panahon at iba pa.
▪ Sa Grammarng Filipino o English, ang katawagang pang-ukol at iba pang
bahagi ng pananalita ay nilikha ni Lope K. Santos na kanyang sinulat sa
aklat na Balarila ng Wikang Pambansa.
▪ Sa balarilang Ingles, tinatawag ang pang-ukol bilang preposition o
postposition (kapag pinagsama ay tinatawag na adposition ngunit mas
malawak na kilala bilang preposition lamang). Ang preposition ay
nangunguna bago ang kapunuan o complement samantalang ang
postposition ay pagkatapos ng complement.
▪ Ito ang ilan sa mga halimbawa ng mga pang-ukol sa Filipino at Tagalog:
- Ng — nagbigay ng ugnayan sa pagitan ng isang bahagi at ng isang
kabuuan. Halimbawa: anak ng bayan
- Sa — inuukol ang isang bagay ay nakakabit at nakasuporta sa isa
pang bagay. Halimbawa: kamay sa balikat
- Ni/nina — nagmamarka ng pagmamay-ari o nagmamarka ng
panityrtyeryetsariling pangalan. Halimbawa: isang pelikulang
pinagbibidahan nina Alden at Nadine; bahay ni Jose
- Ayon sa — ginagamit upang iukol ang mga pananalitang
tinryeudggran ng isang may kapangyarihan o isang sanggunian.
Halimbawa: Ayon sa mga hurado, ako ang nanalo.
- Para sa — ginagamit upang ipahiwatig ang gamit ng isang bagay.
Halimbawa: libreng gamot para sa masa.
Buod
Sa aralin na ito ating natalakay ang mga epektibong dulog at estratehiya sa
pagtuturo ng bahaging pangkayarian na kailangang malaman ng mga mag-aaral at
natalakay ang iba’t-ibang bahagi ng pangkayarian at mga halimbawa at maging uri ng
bawat bahagi ng pangkayarian.

SANGGUNIAN:
1. Forxado, A. R (2020) Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya:
Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino.
https://www.scribd.com/document/471665150/Modyul-1-sa-Pagtuturo-ng-
Filipino-sa-Elementarya-New
2. Gallo, R. V., et.al.(2020). Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I. Sampaloc,
Manila. Rec Book Store, Inc.
3. Salitang Pangkayarian (2020). https://www.youtube.com/watch?v=xSTsXh4Nd34

Inihanda ni:

REYMALYN D. COMA, LPT,MAED


English Instructor

Sinuri at Inaprubahan ni:

ANGELO K. LAHINA, LPT, MAT


Program Head, Teacher Education

You might also like