Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Sa Lawa

Oral Reading Score: the number of words – number of miscues X100


number of words

Example: Pedro’s Performance in Oral Reading


No. of words in the passage: 65
No. of miscues: 15

Computation: 65-15 = 50 x100 = 76.9%


65

Pedro’s rating in oral reading is 76.9% - FRUSTRATION

Sa Lawa
SA LAWA
Pumunta sa lawa si Tito.
Kasama niya si Lina sa lawa.
Malayo ang lawa.
Nakita nila ang palaka sa lawa.
Nakita nila ang bibe sa lawa.
Nakita rin nila ang buwaya.
Naku! Ang laki ng buwaya

Mga Tanong:
1. Sino-sino ang nasa lawa?
a. sina Tito at Lina
b. sina Tito at Tita
c. si Lina

2. Ano-ano ang mga nakita niya sa lawa?


a. mga halaman
b. mga insekto
c. mga hayop

3. Ano ang hitsura ng buwaya?


a. maliit
b. malaki
c. maganda

4. Ano ang naramdaman ni Tito nang makita ang buwaya?


a. nagulat
b. nagalit
c. nalungkot

5. Ano kaya ang ginawa ni Tito?


a. lumangoy
b. naglaro
c. sumigaw

0-2 - Frustration 3-4 - Instructional 5 - Independent


SI MILA
Si Mila ay nakatira sa bukid.
Maraming hayop sa bukid.
Marami ring halaman sa bukid.
Maraming alagang hayop si Mila.
May alagang baboy si Mila.
May alaga din siyang baka at kambing.
Sa mga hayop niya, ang manok niya ang kanyang paborito.
Tiko ang pangalan ng manok niya.
Si Tiko ay kulay pula at puti.
Siya ang gumigising kay Mila tuwing umaga.
Masaya si Mila kapag naririnig ang tilaok ni Tiko

Mga Tanong:

1. Sino ang may alaga?


a. si Mila
b. si Olla
c. si Tiko

2. Saan nakatira si Mila?


a. sa zoo
b. sa Maynila
c. sa probinsya

3. Ano ang alaga ni Mila?


a. isda
b. buwaya
c. tandang

4. Paano ginigising ni Tiko si Mila sa umaga?


a. tumatahol
b. tumitilaok
c. umiiyak

5. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?


a. Ang Tandang ni Mila
b. Ang Kambing ni Mila
c. Hayop sa Gubat

0-2 - Frustration 3-4 - Instructional 5 - Independent

MAGPALIPAD TAYO NG
SARANGGOLA
Maganda ang panahon. Gustong maglaro ni Niko. Niyaya ni Niko na maglaro ang
kakambal na si Noli. Pumunta ang kambal sa labas. May dala silang mga saranggola.
Makukulay ang mga saranggola ng kambal.
Pinalipad agad nila ang mga saranggola. Mataas ang lipad ng
saranggola ni Niko.
Napansin ni Niko si Noli. Malungkot ang mukha ni Noli habang
nakatingin kay Niko.
“Halika, tuturuan kita kung paano paliparin ang saranggola.” sabi ni Niko.
Tumingin si Noli. Ipinakita ni Niko kay Noli kung paano magpalipad. Ilang saglit pa,
nakangiti na si Noli.
“Salamat, Niko,” wika niya.
“Maraming salamat mga bata. Natatapos agad ang gawain kung nagtutulungan,” sabi
niya.

Mga Tanong:
1. Saan pumunta ang mga bata?
a. sa labas
b. sa paaralan
c. sa simbahan

2. Ano ang gusto nilang gawin?


a. kumain
b. maglaro
c. magpahinga

3. Anong panahon kaya magandang magpalipad ng saranggola?


a. maaraw
b. mahangin
c. maulan

4. Bakit kaya tinuruan ni Niko ng tamang paglipad si Noli?


a. Walang sariling saranggola si Niko.
b. Nasira ang hawak na saranggola ni Niko.
c. Hindi mapalipad ni Niko ang saranggola niya.

5. Anong uri ng kapatid si Niko?


a. maasikaso
b. magalang
c. matulungin

6. Bakit napangiti na si Noli sa katapusan ng kuwento?


a. Napalipad na niya ang saranggola.
b. Binigyan siya ng premyo.
c. Nanalo siya sa paglalaro

0-3 - Frustration 4-5 - Instructional 6 – Independent


ISANG PANGARAP
Kasama si Jamil, isang batang Muslim, sa sumalubong sa pagdating
ng kanyang tiyuhin.

“Tito Abdul, saan po ba kayo galing?” tanong ni Jamil.

“Galing ako sa Mecca, ang banal na sambahan nating mga Muslim.


Bawat isa sa atin ay nangangarap na makapunta roon. Mapalad ako dahil
narating ko iyon.”
“Bakit ngayon po kayo nagpunta roon?”

“Kasi, isinasagawa natin ngayon ang Ramadan, ang pinakabanal na


gawain ng mga Muslim. Pag-alala ito sa ating banal na aklat na tinatawag na
Koran. Doon ipinahayag na sugo ni Allah si Mohammed.”

“Alam ko po ang Ramadan. Nag-aayuno tayo at hindi kumakain mula


sa pagsikat ng araw hanggang hapon.”

“Oo. Isang paraan kasi natin ito upang ipakita ang pagsisisi sa nagawa
nating kasalanan.”

“Pangarap ko rin pong makapunta sa Mecca,” sabi ni Jamil

Mga Tanong:
1. Saang banal na sambahan nanggaling si Tito Abdul?
a. sa Mecca
b. sa Israel
c. sa Jerusalem
d. sa Bethlehem

2. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?


a. Bibliya
b. Koran
c. Misal
d. Vedas

3. Ano ang pakiramdam ni Tito Abdul nang makarating siya sa Mecca?


a. nagsisi
b. napagod
c. nasiyahan
d. nanghinayang

4. Ano ang natupad sa pagpunta ni Tito Abdul sa Mecca?


a. ang pangako kay Allah
b. ang plano na makapangibang-bansa
c. ang tungkulin na makapagsisi sa mga kasalanan
d. ang pangarap na makapunta sa banal na sambahan

5. Anong katangian ang pinapakita nina Tito Abdul at Jamil?


a. magalang
b. masunurin
c. maalalahanin
d. mapagbigay

6. Ano ang tingin ni Jamil sa kanyang Tito Abdul?


a. Mahusay siyang maglakbay.
b. Siya ay isang mapagmahal na ama.
c. Isa siyang masipag na mamamayan.
d. Siya ay isang magandang halimbawa.

7. Ano ang tinutukoy sa kuwento?


a. ang mga tungkulin ng mga Muslim
b. ang pagmamahalan sa pamilya
c. ang pamamasyal ni Tito Abdul
d. ang kagandahan ng Mecc

0-3 - Frustration 4-6 - Instructional 7 – Independent

TAGTUYOT HATID NG EL NIÑO

Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito, bumababa ang water level at nagkukulang sa suplay ng tubig
sa mga anyong tubig, gaya ng mga ilog at batis. Nagkukulang din sa suplay ng tubig sa mga imbakan gaya ng
La Mesa Dam na matatagpuan sa Lungsod Quezon at Angat Dam sa Bulacan. Ang mga ito ang pinagkukunan
ng tubig sa Kamaynilaan at sa mga karatig probinsya nito.

Malaki ang epektong dulot ng El Niño sa buhay ng tao. Kukulangin ang suplay ng tubig na inumin, pati
na rin ang gagamiting tubig para sa iba pang pangangailangan.

Hindi lamang tao ang mahihirapan sa epekto ng tagtuyot. Kung kulang ang tubig, magkakasakit ang
mga hayop at maaari rin silang mamatay.Ang tubig ay kailangan din ng mga halaman at kagubatan. Maraming
apektadong taniman kung kulang ang patubig. Dahil sa sobrang init, maaaring mag-apoy ang mga puno na
nagdudulot ng sunog.
Isang malaking tulong sa panahon ng El Niño ay ang pagtitipid ng tubig. Iwasang aksayahin at gamitin
ang tubig sa hindi mahahalagang baga

Mga Tanong:
1. Ano ang nangyayari kapag may El Niño?
a. tagtuyo
b. red tide
c. ipu-ipo
d. bagyo

2. Maliban sa tao, ano-ano pa ang maaapektuhan sa El Niño?


a. hayop, halaman at gubat
b. hangin, lupa at buhangin
c. bato, semento at tubig
d. ulap, araw at bituin

3. Ano ang HINDI nagaganap kapag tagtuyot?


a. pag-ihip ng hangin
b. pag-ulan
c. pagdilim
d. pag-araw

4. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao kapag El Nino?


a. giniginaw
b. masigla
c. naiinitan
d. nanlalamig

5. Bakit kaya maaaring maraming magutom kapag tagtuyot?


a. Magkakasakit ang mga tao.
b. Tatamarin magluto ang mga tao.
c. Kukulangin ang tubig sa pagluluto.
d. Hindi makapagtatanim ang magsasaka.

6. Bakit kayang mahalaga na mabasa at maintindihan ang talatang ito?


a. para maiwasan ang pagkakaroon ng El Niño
b. para magtulungan sa pagtitipid ng tubig
c. para magkaroon ng lakas ng loob
d. para hindi maging handa sa tag-ulan

7. Ano ang HINDI nakasaad sa seleksyon?


a. ang dahilan ng El Nino
b. ang mga epekto ng El Nino
c. ang maaaring gawin kapag may El Nino
d. kung sino at ano ang apektado sa El Nino

0-3 - Frustration 4-6 - Instructional 7 – Independent


BUHAYIN ANG KABUNDUKAN
Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating kapaligiran. Taglay nito ang mga
punungkahoy na nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga halaman na
nakalulunas ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.

Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil ng erosyon o pagguho ng lupa
dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed para sa sapat na pagdaloy ng tubig.

Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating lugar na pinamumugaran ng
mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga
punungkahoy, marami na ang nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang pook.

Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR),


ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-aalaga ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay
nabigyan ng solusyon. Ang reforestation o muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga pinutol o namatay na
mga puno ay isa sa mga programa ng DENR. Maraming tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang
panahon na manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga kabundukan

Mga Tanong:
1. Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng tao?
a. bato
b. ginto
c. lupa
d. punungkahoy

2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?


a. pagsunog ng puno
b. pagtanim ng puno
c. pagputol ng puno
d. pagparami ng puno

3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga puno?


a. Naliligaw sila sa gubat.
b. Wala silang matitirahan.
c. Nakakain sila ng ibang hayop.
d. Madali silang nahuhuli ng tao.

4. Ano ang salitang kasingkahuluganng pagguho ng lupa? (Literal)


a. erosyon
b. kalamidad
c. reforestation
d. watershed

5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol


ng mga puno ng kagubatan?
a. mapagbigay
b. masipag
c. sakim
d. tamad

6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?


a. maiiwasan ang tagtuyot
b. maiiwasan ang pagbaha
c. maiiwasan ang pag-ulan
d. maiiwasan ang pagbagyo

7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang Kabundukan:


______________________________________”
a. Magtanim ng Mga Puno
b. Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon
c. Ilipat sa Kapatagan Ang Mga Halaman
d. Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak

8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha


sa kapatagan?
a. Sa kabatagan na babagsak ang ulan.
b. Kapag wala ng puno, madalas na ang pag-ulan.
c. Wala ng mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.
d. Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.
0-3 - Frustration 4-7 - Instructional 8 – Independent

You might also like