Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

FILIPINO GEN-ED

1) Kami ang kabataang siyang magiging pag-asa ng bayan.


a. Pagtula
b. Pagtatanong
c. Pagtkoy
d. Pasasalamat
2) Sabihin ang gawa ng pagsasalitang ito, “Iwasan ang
imburnal, may nagtatrabaho”.
a. Pagtukoy
b. Pagkukuwento
c. Babala
d. Pasasalamat
3) “Oo. Ate, ________ na muna ako nang tubig”.
a. umaakyat
b. umakyat
c. mag-akyat
d. mag-aakyat
4) Ikaw naman kasi nagpahuli ka pa.
a. Pagkontrol ng kilos ng iba
b. Paglikha
c. Pagbibigay ng impormasyon
d. Pagbabahagi ng damdamin
5) “Hoy, Michelle! Tigilan mo muna ang ________ at kumain
ka muna”.
a. Lalabhin
b. Lalabhan
c. Paglaba
d. Paglalaba
6) Ang tinawag na madamdaming mananaysay ni Carmen
Guerrero Nakpil ay si –
a. Virgilio S. Almario
b. Teodoro A. Agaoncillo
c. Teo S. Baylen
d. Alejandro Abadilla
7) Ito ay isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng
ating Mahal na poong Hesukristo at masasabing parang
PASYONG itinatanghal sa entablado. Ito ay ang –
a. Moro-moro
b. Senakulo
c. Karagatan
d. Duplo
Ang mga sumusunod maliban sa isa, ay ilan sa mga akdang
pampanitikang nagdala ng malaking impluwensya sa buong
daigdig.
a. Ang Koran
b. Ang Divina Comedia
c. Ang Banal na Kasulatan
d. Ang Romeo at Julieta
9) Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Isang guro na lalaking anak na bunso ni Marcia si John.
b. Isang guro na si John, ang bunsong anak ni Marcia si John.
c. Isang guro na bunsong lalaking anak nni Marcia si John.
d. Isang guro na si John na bunsong lalaking anak ni Marcia.
10) Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Ang pabrikang pinagtatrabahuan nila malapit sa amin ay
bago’t malaki.
b. Ang bago’t malaking pabrikang pinagtatrabahuan nila ay
malapit sa amin.
c. Ang pinagtatrabahuan nilang malapit sa amin ay bago’t
malaking pabrika.
d. Ang pabrikang malapit sa amin, bago’t malaki ay
pinagtatrabahuan nila.
11) Kami ay nakikipagsapalaran sa lunsod. Ano ang ayos ng
pangungusap?
a. Di-karaniwan
b. Karaniwan
c. Walang paksa
d. Walang pandiwa
12) Ang mahalagang ambag ni Severino Reyes sa dulang
Tagalog na ang hangarin ay reporma sosyal at patriotismo ay
ang –
a. Ang kalupi
b. RIP
c. Walang Sugat
d. Puso ng Isang Pilipino
13) Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Nagpapabata ang pulbos sa kutis na Clinique.
b. Nagpapabata sa kutis ang pulbos na Clinique.
c. Nagpapabata ng mukha sa kutis ng pulbos na Clinique.
d. Nagpapabata sa kutis ng mukha ang pulbos na Clinique.
14) Ikinalulungkot ko ang mga nangyayari.
a. Paghula
b. Pagsagot
c. Paghingi
d. Pagtatanong
15) Piliin ang gawi ng pagsasalita: Ipinadala niya ang mga aklat
sa mga kaklase.
a. Direksyon
b. Aktor
c. Sanhi
d. Layon
16) Piliin ang gawi ng pagsasalita: Kasiyahan ko nang makita
kayong nagmamahalan.
a. Pangarap
b. Pagkontrol ng kilos
c. Pagkuha ng impormasyon
d. Pagbabahagi ng damdamin
17) Ang kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at
Zamora sa panitikang Pilipino ay ________.
a. nanatiling masigla ang diwang Pilipino.
b. nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.
c. natutong lumabag sa batas at lumaban sa maykapangyarihan
ang mga Pilipino.
d. naimpluwensyahan ang diwang alipin ng mga Pilipino.
18) “Sa Lunes na pala tayo pupunta sa Subic. Ano ang
________ mong pagkain?” tanong ni Lito.
a. nadala
b. dinala
c. dadalhin
d. dinadala
19) Isa sa mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang tao ay
ang pagtitiwala sa sarili. Ang taong wala nito ay nagiging
mahiyain. Ibinababa ang kanyang sarili, mahirap magtagumpay
sa kanyang mga hangarin at nananatiling naiinggit lamang. Ang
pangunahing kaisipan ay matatagpuan sa ________.
a. Ikalawang pangungusap.
b. Ikatlong pangungusap.
c. Ikaapat na pangungusap.
d. Unang pangungusap.
20) Ipinagmalaki mo siya BAHAG naman pala ANG kanyang
BUNTOT. Ang ibig-sabihin ng may malaking titik ay
________.
a. kuripot
b. mahiyain
c. duwag
d. traydor
21) Walang tubig kahapon. Ito ay pangungusap na ________.
a. walang pandiwa
b. walang paksa
c. may panaguri
d. may paksa
22) Ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng MI ULTIMO
ADIOS ni Jose Rizal ay si ________.
a. Emilio Jacinto
b. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio
d. Rafael Palma
23) KUMATHA ANG MAKATA NG TULA. Ang kaganapan
ng pandiwa sa pangungusap na ito ay ________.
a. layon
b. tagaganap
c. pangnakaraan
d. ganapan
24) Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taun-taon.
Higit na marami ang maralitang nangangailangan ng salapi at
dunong. Ang nagsasalita ay ________.
a. kuripot
b. maramot
c. praktikal
d. matipid
25) Pinakamahalagang nobelang Pilipino sa maraming taon na
nalimbag noong 1906 at tumalakay nang masinsinan sa paksang
puhunan laban sa paggawa at sa sosyalismo ang ________.
a. Kundangan
b. Ang Panggingera
c. Salawahang Pag-ibig
d. Banaag at Sikat
26) Piliin ang gawi ng pagsasalita: Ayokong sumusunod sa mga
sinasabi mo.
a. pakiusap
b. babala
c. pagtanggi
d. pamungkahi
27) Ang mga sumusunod maliban sa isa ay mga sagisag-panulat
ni Marcelo H. del Pilar. Ito ay ang ________.
a. Pupdoh
b. Dolores Manapat
c. Kinting Kulirat
d. Piping Dilat
28) Ang tanyag na manunulat na may sagisag-panulat na Dimas-
alang at Laong-Laan.
a. Jose Rizal
b. Jose Corazon de Jesus
c. Jose Garcia Villa
d. Jose dela Cruz
29) Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay
nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro.
b. Ang mga kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan
at nagtatakbuhan sa lansangan.
c. Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa
lansangan kung maliwanag ang gabi.
d. Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at
nagtatakbuhan sa lansangan.
30) Ikaw ba ang dapat sisihin sa nangyari?
a. Pagbati
b. Pagsasadula
c. Pagbibigay ng impormasyon
d. Pakikipagkapwa

ANSWERS:
1. C
2. C
3. D
4. D
5. D
6. B
7. B
8. D
9. B
10. B
11. A
12. C
13. B
14. C
15. A
16. D
17. B
18. C
19. D
20. C
21. A
22. C
23. B
24. C
25. D
26. C
27. C
28. A
29. C
30. D

You might also like