Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

FILIPINO 12

Unang Markahan – Modyul 5:

PAGSULAT NG BIONOTE

https://www.google.com/search?q=pagsulat+ng+bionote&safe=active&sxsrf=ALeKk03C2jVD8mfkD
1_L91hqBeGGwdtCxw:1593995288194&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi7m7SXr7fq
AhVIBKYKHVvvBdkQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=625#imgrc=tMiPKERYQ8I9eM
Filipino – Ikalabing-isa/ Ikalabing-dalawang taon
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Pagsulat ng Bionote

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: JULIE ANN B. RIVERA
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)

Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
SHS

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 5:

PAGSULAT NG
BIONOTE
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang

(AKADEMIKO) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsulat
ng Bionote.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsulat ng Bionote.
Ang mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig ang naging batayan ng
Kagawaran ng Edukasyon upang iagapay sa mga pagbabagong ito ang mga tulad
ninyong mag-aaral sa pamamagitan ng patuloy na pagrerebisa at pagpapaunlad ng
kurikulum. Dahil sa mabilisang pag-usad at pagbabagong nagaganap sa ating lahat
naniniwala ang may-akda na higit na kakailanganin ninyong mga mag-aaral sa
Senior High ang mga makabagong pamamaraan sa paglinang ng mga kasanayang
nabanggit. Binibigyang-diin ng modyul na ito ang pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating lilinang sa mga kakayahang pagpapahayag tungo sa epektibo,mapanuri at
maayos na pagsulat sa napiling larangan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo o kaya naman ay
magsaliksik. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang iyong maisaisip at

maiaplay ang mga aralin sa iyong paghahanda para sa iyong tatahakin na
kurso sa kolehiyo. Ito ay narito upang matulungan ka na malaman ang bionote
bilang isang halimbawa ng akademikong sulatin. Ang saklaw ng modyul na ito
ay nagbibigay pahintulot na magamit sa iba’t ibang pagkakaton sa iyong
pagkatuto. Ang wikang ginamit sa modyul na ito ay kinikilala ang iba’t ibang
antas ng wikang alam ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inihanay upang
makasunod sa pamantayang daloy ng mga paksa sa aralin ng bawat taon.

Ang Nilalaman ng Modyul na ito ay:

Aralin 5 – Pagsulat ng Bionote
Kahulugan at Kalikasan ng Bionote
Halimbawa ng Bionote
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat Bionote

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa Modyul na ito, inaasahang

ikaw ay:
1. Nakakasusulat nang maayos na akadamikong sulatin
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin.
At para lubos mong maunawaan ang mga gawaing nakapaloob dito, narito
naman ang mga detalyadong layunin ng ating aralin:
1. Natutukoy ang mga katangian ng bionote.
2. Nabibigyang-kahulugan ang layunin ng bionote kaugnay sa
paglalathala.
3. Nakasusulat ng bionote batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit
ng wika.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga katanungan sa bawat

bilang. Bilugan ang letra ng tamang kasagutan.

1. Isang maikling talang pagkakakilanlan sa pinakamahalagang katangian

ng isang tao batay sa kanyang mga nagawa
A. sulating akademiko C. sintesis
B. abstrak D. bionote

2. Panauhang pananaw na ginagamit sa pagsulat ng bionote.

A. unang panauhan C. ikalawang panauhan
B. ikatlong panauhan D. lahat ay maaaring
gamitin

3. Salitang Griyego na pinagbatayan ng salitang bionote.

A. biography C. autobiography
B. curriculum vitae D. graphy

4. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang bionote MALIBAN sa

_________.
A. Maikli ang nilalaman
B. Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw.
C. Sumusunod sa piramideng paraan ng pagsulat
D. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian

5. Lahat ay mga bahagi at halimbawa ng bionote MALIBAN sa _____

A. Layunin niyang makatulong sa mga kabataang mahihirap sa
hinaharap.
B. Layunin ng pag-aaral na makatulong sa mga nahihirapang mag-
aaral
C. Nakapagsasagawa na ng maraming palihan para sa mga mag-aaral
D. Nagtatag ng mga organisasyong pangkampus.

2
Aralin

5 Pagsulat ng Bionote

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat kahon. Lagyan ng tsek ang
patlang kung ito ay bahagi ng isang sintesis at ekis naman kung hindi.

_____1. Naniniwala si Smith (2017), _____6. Gising na anak ni Juan!

na ang pagsali sa extra-curricular Itindig nating muli ang gumuhong
activity ay makatutulong sa moralidad ng mga pag-asa ng
pagpapalawak ng kasanayan at bayan! Bangon mga anak ni Juan!
kakayahan ng isang mag-aaral.
_____7. Ang bullying ay tumutukoy
_____2. Nakapagsulat na ng sa aksyon na isinasagawa ng isang
maraming aklat si Friedman tao o grupo ng mga tao sa isang mas
Quesnay (2012) sa larangan ng mahinang indibidwal na kung saan
akademikong pagtatagumpay gaya minamaliit, sinasaktan, o hinihiya
ng pagsali sa mga extra-curricular ang kanyang pagkatao sa harap ng
activity na napatunayan na sa iba pang tao (Villar,2016).
mahabang panahon.
_____8. Upang maisakatuparan ang
gawaing ito, itinatakda ang mga
_____3. Ayon kay Lyra O. Pascual sa sumusunod na mga gawain o
kasalukuyan may dalawang bilyong hakbangin.
tao ang aktibong gumagamit ng
social media sa buong mundo. _____9. Ayon kay Jayson Rivera
Pinaliit nito ang mundo, inuulan (2016) Facebook, Twitter, Yahoo,
tayo ng maraming impormasyon at Tumblr. Ilan lamang ang mga
mas malawak na kaalaman. nabanggit sa napakaraming social
networking sites na kumakalat
_____4. Ayon naman sa ABS-CBN ngayon sa internet. Maraming
News (2018) patok ang social kabataan ang nahuhumaling dito.
media lalo na sa mga kabataan.
Ayon sa pag-aaral ng Times nasa _____10. Ayon sa mga mananaliksik
11 milyo na kabataan mula 2011 mahalaga ang pag-aaral sapagkat
ang tumigil na sa paggamit ng makatutulong ito sa marami.
facebook.

_____5. Layunin nito na mabigyan

ng lalong kahusayan at kaalaman
ang mga mag-aaral sa larangan ng
pananaliksik.
3
Tuklasin

SAGUTAN ANG PORMULARYONG PANSARILI

Panuto: Punan ng mga hinihinging impormasyon ang pormularyo. Talakayin
bakit ito mahalaga para sa iyong identidad.

PORMULARYONG PANSARILI

Buong Pangalan: _________________________________________________________

Palayaw: _________________________________________________________________
Kapanganakan: __________________________________________________________
Edad: ___________________________________ Kasarian: ______________________
Magulang: Ama: _________________________ Hanapbuhay: __________________
Ina: ___________________________ Hanapbuhay: __________________
Tirahan: __________________________________________________________________
Antas ng Edukasyon sa kasalukuyan: _____________________________________
Paaralang Pinapasukan sa kasalukuyan: __________________________________
Kinahihiligang Asignatura: ________________________________________________
Kinahihiligang Gawain: ___________________________________________________
Natatanging Kasanayan: __________________________________________________
Pinapangarap na Propesyon: ______________________________________________

Kahalagahan nito para sa iyong identidad: __________________________________

____________________________________________________________________________

Pokus na Tanong

1. Ano ang bionote?

2. Ano ang kahalagahan ng bionote sa mga tagapakinig at sa paglalathala
ng mga teksto?
3. Paano napauunlad ng bionote ang larangan ng pagsulat?
4. Bakit mahalagang maunawaan ang pagsulat ng bionote?

4
Unawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang Pagsulat ng Bionote at pagkatapos
ay sagutan ang mga kasunod na tanong.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga batayang kaalaman sa pagsulat at
PAGSULAT NG BIONOTE
Angpagkatapos
bionote ayaynabuosagutan angsamga kasunod na tanong
mula salitang biography na galing sa salitang Griyego. Ang bio ay
binibigyang-kahulugan
Panuto: Basahin sa Filipino na buhay
at unawaing samantalang
mabuti ang mga angbatayang
graphia naman ay tala.
kaalaman sa Sa pagsasanib ng
akademikong
dalawang salita mabubuo ang salitang biography o tala
pagsulat at pagkatapos ay sagutan ang mga kasunod na tanong:ng buhay. Ito ay tumutukoy sa mahabang
salaysay ng buhay ng isang tao. Kung ganon masasabi natin na ang bionote ay tala sa buhay na dapat
tandaan dahil ang bio ay buhay samantalang ang note ay dapat tandaan.
Ayon kay Garcia, 2017 ang bionote ay isang maikling talang pagkakakilanlan sa
pinakamahalagang katangian ng isang tao batay sa kanyang mga nagawa. Kalimitan itong binabasa
upang ipakilala ang isang tagapagsalita ng palatuntunan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng ideya ang
mga tagapakinig kung ano ang kakanyahan ng panauhing tagapagsalita sa loob ng sandaling panahon
lamang. Ginagamit din ang bionote sa paglalathala ng mga journals, magazines, antolohiya, aklat at iba
pangPag-unawa
publikasyon na sanangangailangan
Binasa ng pagpapakilala ng manunulat o ng sinumang kailangang
pangalanan.
Pag-unawa
Para naman sa saWord-mart,
Binasa 2006 ang bionote ay isang maikling dalawa o tatlong pangungusap
na inilalarawan ang may-akda at naksulat sa ikatlong panauhan. Sa K to 12 Senior High School Applied
Panuto:
Subjects Sagutin
Filipino saatPiling
ipaliwanag
LaranganangAkademik,
mga sumusunod sa buongng
2013 binigyan pangungusap.
kahulugan ang bionote bilang isang
maikling tala ng personal na impormasyong ukol sa isang awtor
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang anyo at katangian ng akademikong sulatin? o manunulat. Maaari rin itong makita
sa likuran ng pabalat ng libro at kadalasa’y may kasamang litrato
_____________________________________________________________________________ ng awotr.
Bakit nga ba tayo nagsusulat ng bionote? Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng bionote?
_____________________________________________________________________________
Ang_____________________________________________________________________________
bionote ay isinusulat upang ipaalam sa iba hindi lamang ang karakter kundi maging ang
kredibilidad sa larangang kinabibilangan ng isang awtor. Ito ay isang paraan upang ipakilala ang sarili
_____________________________________________________________________________
sa mga mambabasa o tagapakinig. Ginagamit ang bionote para sa personal profile ng isang tao tulad ng
_____________________________________________________________________________
kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya kaya naman maituturing din natin ito
2. Bakit
bilang isangmahalaga
marketingang tool.akademikong
Sa pamamagitan sulatin
ngsa buhaynaitatanghal
bionote ng mga mag-aaral
ang mga na pagkilala
tulad mo?at mga natamo
_____________________________________________________________________________
ng isang indibidwal sa kanyang larangang kinabibilangan.
_____________________________________________________________________________
Kadalasan taglay ng isang bionote ang mga sumusunod:
_____________________________________________________________________________
1. Personal na impormasyon (buong pangalan, pinagmulan, edad, buhay kabataan
_____________________________________________________________________________
hanggang kasalukuyan)
_____________________________________________________________________________
2. Kaligirang pang-edukasyon (paaralan, digri, karangalan, taon ng pagtatapos)
3. Anu-anong 3. katangian
Ambag saang dapat mong
Larangang taglayin upang
Kinabibilangan magkaroon
(parangal, ng kasanayan
kontribusyon sa pagsulat ng
at adbokasiya)
akademikong sulatin?
Inihahalintulad ang bionote sa curriculum vitae (biodata) at talambuhay (autobiography) subalit
_____________________________________________________________________________
malaki ang kaibahan ng mga ito sa anyo at kalikasan ng bawat isa. Ang bionote ay maikli dahil siniksik
_____________________________________________________________________________
ang_____________________________________________________________________________
mga impormasyon sa pagsulat ng maiikling paglalahad at itinatampok lamang ang mga highlights
ng _____________________________________________________________________________
kabuuan ng pagkakakilanlan. Hindi ito kagaya ng talambuhay (autobiography) na detalyadong
isinasalaysay ang mga detalye at impormasyon hinggil sa buhay ng isang tao. Habang ang curriculum
_____________________________________________________________________________
vitae na tinatawag ding biodata ay naglalaman ng mga personal na impormasyon na ginagamit lamang
_____________________________________________________________________________
sa paghahanp
4. Bakit mahalagang malamantrabaho.
ng mapapasukang at maunawaan ng mga mag-aaral ang mga layunin ng Akademikong
Pagsulat?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
KATANGIAN NG BIONOTE
_____________________________________________________________________________
Taglay ng bionote ang mga sumusunod na katangian:
1. Maikli ang nilalaman – Sikaping paikliin ang isusulat na bionote. Mangyaring
isulat lamang ang mahahalagang impormasyon na kailangan at iwasan ang
pagyayabang.

5
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw – Tandaan na ang bionote at iba
pang akademikong sulatin ay laging nasa ikatlong panauhan kahit pa sarili ang iyong
inilalarawan.
Halimbawa: Si Julie Ann B. Rivera ay nagtapos ng BSE Major in Filipino (2002)
at MAT-Filipino (2012) sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang
guro sa Filipino at Research sa Senior High School ng Mataas na Paaralang North
Fairview.
3. Kinikilala ang mga mambabasa – Isaalang-alang ang mga mambabasa sa pagsulat
ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan,
kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
Halimbawa: Ikaw ay nakasulat ng aklat at pinagagawa ka ng bionote para ilagay
ditto. Ilagay kung ano ang klasipikasyon at kredibilidad mo sa pagsulat ng isang
aklat.
4. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian – Piliin lamang ang
mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote.
Halimbawa: Si Juan ay guro, manunulat, negosyante, environmentalist, chef.
Kung si Juan ay papasok bilang guro sa panitikan, hindi na kailangang banggitin
sa bionote ang kanyang pagiging negosyante at chef.
5. Gumagamit ng baligtad na piramide sa pagsulat – Ang pagsulat ng bionote ay
katulad ng pagsulat ng balita at iba pang obhektibong sulatin na inuuna ang
pinakamahahalagang impormasyon kaya ginagamit ang baligtad na piramide sa
paraan ng pagsulat. Ito ay dahil marami sa atin ang nagbabasa lamang ng unang
bahagi ng sulatin. Tingnan mabuti ang daloy ng mga impormasyon sa baligtad na
piramide.
Pinakamahalagang Impormasyon

Mahalagang Impormasyon

Di-gaanong mahalagang impormasyon

6. Binabanggit ang degree kung kinakailangan – Banggitin ang degree ng ipinakikilala

upang maipakita ang kredensyal nito. Siguraduhin lamang na aangkop ito sa layunin
ng isinusulat na bionote.
Halimbawa: Kung si Juan ay mayroong PHD degree at nagsusulat ng mga artikulo
kaugnay ng pagtuturo, mahalagang maisulat ito sa kanyang bionote.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Hindi masama ang paminsan-
minsang pagbubuhat ng bangko lalo na at kailangan ito upang mapatunayan ang iyong
kapabilidad at kredibilidad subalit siguraduhin lamang na tama at totoo ang mga
impormasyon na isusulat. Iwasan ang pag-iimbento ng mga impormasyon para lamang
bumango ang pangalan. Tandaan na ang ganitong pamamaraan ay di-etikal at maaaring
makasira ng iyong reputasyon.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE

Sina Brogan at Hummel, (2014) ay nagbigay ng mga panukalang hakbang sa pagsulat ng
bionote. Isa-isahin natin ang mga ito:
1. Tiyakin ang layunin – Ang layunin ang magsisilbing gabay kung anong mga
impormasyon ang mahalagang isama at mula rito ay matutukoy mo rin ang paraan kung
paano ito ilalahad nang maayos. Kapag tiyak na ang layunin matutumbok mo ang mga
detalyeng nararapat na mabasa o marinig ng mga tao.
6
2. Pagdesisyunan ang magiging haba ng bionote na susulatin – Mahalaga na
mapagdesisyunan kung gaano kahaba ang bionote na susulatin dahil madalas may
kahingian ang mga organisasyon na humihingi nito.
3. Gamitin ang ikatlong panauhang pananaw – Ito ay makatutulong upang maging
obhektibo ang isusulat na bionote. Ang pananaw na ito ay nakatutulong upang hindi
maging mayabang o nagbubuhat ng sariling bangko ang dating ng pagpapakilala lalo na
at ang inilalahad dito ay ang pinakamahahalagang tagumpay na natamo.
4. Simulan sa pangalan – Nagkakaroon agad ng katauhan ang taong ipinakikilala at unang
marerehistro sa kamalayan ng mga mambabasa o tagapakinig ang pangalan ng
ipinakikilala. Ito ay mahalaga sapagkat pangalan ang pinaka-importanteng matandaan
ng mga tao bilang isang propesyonal at saka pa lamang ito susundan ng mga ginawa at
natamo nito.
5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan – Mahalagang mabanggit na ang ipinakikilala
ay kabilang sa isang komunidad o isang larangan na may kaugnayan sa propesyon niya.
Sa pamamagitan nito lalong tataas ang antas ng pagtitiwala ng mga tao kaugnay ng
ipinakikilala.
6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay –Tanging ang mga nakamit at nagawa
lamang na may kaugnayan sa mambabasa o tagapakinig ang kailangang isama sa isusulat
na bionote. Piliin lamang ang mga impormasyong ibibilang na maaaring makapagpataas
ng antas ng pagkilala sa taong ginagawan ng bionote.
7. Idagdag ang mga di-inaasahang detalye – Idagdag sa bionote ang mga detalye na wala
sa kamalayan ng target na mambabasa o tagapakinig. Ito ay makatutulong upang
magkaroon ng “element of surprise” ang pagpapakilala na isang magandang teknik
upang mapukaw ang interes ng target na mambabasa o tagapakinig. Tiyakin lamang na
ito ay maiuugnay sa okasyon o pangangailangan ng pagpapakilala.
8. Isama ang Contact Information – Makabubuting isama ang impormasyon kung paano
posibleng makipag-ugnayan sa taong ipinakikilala upang mapalawak ang network sa
propesyon at makonsulta ang paksa ng bionote ukol sa kahusayan sa larangang
kinabibilangan, Kabilang dito ang email, social media account, personal na numero o
numero ng telepono sa trabaho. Sa ganitong paraan mapadadali ang ugnayan ng
ipinakikilala sa mga tao.
9. Basahin at isulat muli ang bionote – Pagkatapos magawa ang bionote, basahin ito nang
malakas. Sa pagbasa mo, makikita mo ang mga dapat pang ayusin, tanggalin man o
dagdagan. Makikita mo rin kung naging epektibo ba ang ginawang paglalahad.
Pagkatapos nito, maaari rin itong ipabasa sa iba upang mas lalong masuri ang ginawa.
Mula sa iyong personal na puna at sa puna ng iba muli itong isulat.

Narito ang isang halimbawa ng bionote:

JULIE ANN B. RIVERA – Nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in

Filipino (2002) at Master of Arts in Teaching Filipino (2012) sa Pamantasang Normal ng
Pilipinas. Naging part-time Instructor III sa Pamantasang Normal ng Pilipinas
(September,2017 – September, 2018) at labing isang taong guro sa pribadong paaralan bago
siya lumipat sa pampublikong paaralan noong Mayo, 2013. Isa rin siyang academic tutor sa
loob ng halos sampung taon sa iba’t ibang tutorial center. Co-author ng mga aklat sa Filipino
pangkolehiyo na ginamit sa Cavite State University. Naging miyembro siya ng Pambansang
Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) at kasalukuyang miyembro ng
Sanggunian sa Filipino (SANGFIL). Naging kalahok at delegado siya sa ilang serye ng mga
pambansang kumperensiyang pangwika at kasalukuyang nagtuturo ng Filipino at
Pananaliksik sa North Fairview High School na may ranggong Teacher III-SHS.

7
Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin at ipaliwanag sa buong pangungusap ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Ano ang naging batayan ng pinagmulan ng salitang bionote?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Kailan gumagawa o sumusulat ng isang bionote?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Ano ang kahalagahan ng bionote sa mga tagapakinig at sa paglalathala ng
mga teksto?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Paano napauunlad ng bionote ang larangan ng pagsulat?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
5. Bakit isinusulat ang bionote sa ikatlong panauhan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
6. Bakit mahalagang maunawaan ang pagsulat ng bionote?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Suriin

I-VENN-DIAGRAM MO NGA
Panuto: Gamit ang Venn-Diagram, ipaliwanag ang mahahalagang
pagkakatulad at pagkakaiba ng bionote, autobiography at bio-data.
Pagkatapos bumuo ng konklusyon kaugnay ng ginawang paghahambing.

BIONOTE

BIODATA AUTOBIOGRAPHY

8
Konklusyon:

___________________________________________________________________________________

Pagyamanin

SUBUKIN MONG BUUIN

Panuto: Narito ang mga impormasyon o detalye ng isang tao, ayusin ang mga
ito para makabuo ng isang bionote.

-Kasalukuyang Puno ng Departamento ng mga Wika at Pangmadlang

Komunikasyon sa ilalim ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham sa Cavite
State University – Indang, Cavite at guro sa Filipino sa loob ng 15taon.
-Nagtapos ng BSE Filipino sa Adamson University at MA Pagtuturo sa
Filipino (2012) sa Pamantasang Normal ng Pilipinas
-Aktibong miyembro ng Teacher Organization of the Philippine Public Sector
(TOPSS), Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
(PSLLF), Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) at
Association of Private School Administrator (APSA) Filipino Center of
Excellence.
-Kasalukuyang kumukuha ng PhD Filipino sa Pamantasang Manuel L.
Quezon – Maynila.
-Marilou Silan Matilla

______________________________________________________________________________

9
Isaisip

DUGTONG DUGTONG NANG MABUO ANG KONSEPTO

Panuto: Tapusin ang pahayag upang makabuo ng sariling konsepto kaugnay
ng araling tinalakay.
Noong una akala ko ay___________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Subalit ngayon, napatunayan kong______________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Isagawa

I-BIONOTE MO NGA
Panuto: Pumili ng isang taong hinahangaan mo sa iyong larangang nais
pasukin pagdating sa kolehiyo, magsaliksik kaugnay ng kanyang buhay at
pagkatapos gawan ito ng bionote. Gawin ito sa short bond paper at isama sa
ipapasang modyul. Mamarkahan ang ginawa batay sa mga sumusunod na
pamantayan:

Batayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ------------------------------------------------------------------10pts.
Gramatika ------------------------------------------------------------------10pts.
Nasunod ang mga hakbang/ dapat tandaan sa pagsulat ---------- 10pts.
Organisayon (Pagkakaugnay-ugnay ng pangungusap) ---------------5pts.
Kalinisan at kaayusan ng nalikha ----------------------------------------5pts.
_______________________________________________________________________
Kabuuan----------------------------------------40pts.

10
Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang WASTO kung ang pahayag ay tama at
DI-WASTO naman kung ito ay mali.
_______________1. Ang bionote ay nabuo mula sa salitang biography na galing sa
salitang Griyego.
_______________2. Ayon kay Garcia, 2017 ang bionote ay isang maikling talang
pagkakakilanlan sa pinakamahalagang katangian ng isang tao batay sa kanyang
mga nagawa.
_______________3. Ang bionote ay katulad lamang ng curriculum vitae at
autobiography.
_______________4. Ang bionote ay isinusulat upang ipaalam sa iba hindi lamang
ang karakter kundi maging ang kredibilidad sa larangang kinabibilangan ng isang
awtor.
_______________5. Ang bionote ay gumagamit ng unang panauhang pananaw sa
pagsulat.
_______________6. Piramide ang paraan ng pagsulat ng bionote.
_______________7. Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang na may kaugnayan
sa mambabasa o tagapakinig ang kailangang isama sa isusulat na bionote.
_______________8. Ang pagbanggit ng mga karanasan at tagumpay na hindi sa iyo
ay maituturing na etikal sa pagsulat ng bionote.
_______________9. Sa pagsulat ng bionote, mahalagang mabanggit na ang
ipinakikilala ay kabilang sa isang komunidad o isang larangan na may kaugnayan
sa propesyon niya.
______________10. Simulan ang bionote sa mahahalagang tagumpay na nakamit ng
taong pinapangalanan.
______________11. Piliin lamang ang mga kasanayan o katangian na angkop sa
layunin ng iyong isususlat na bionote.
______________12. Idagdag sa bionote ang mga detalye na wala sa kamalayan
ng target na mambabasa o tagapakinig upang magkaroon ng tinatawag na”
element of surprise”.
______________13. Hindi na kailangang isaalang-alang ang mga mambabasa sa
pagsulat ng bionote.
______________14. Iwasan ang pagsasama ng personal contact information ng
taong ipinakikilala upang manatili itong ligtas.
______________15. Ang bionote ay kailangang maikli lamang.

11
Karagdagang Gawain

BIONOTE MO, ISULAT MO

Panuto: Mula sa mga mahahalagang impormasyong itinala mo sa unang bahagi
sumulat ng isang bionote. Isaalang-alang ang mga bagay na dapat tandaan sa
pagsulat ng bionote.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Sanggunian

1. Garcia, Florante C. (2017). PINTIG Senior High School Filipino sa Piling

Larang (Akademik). Quezon City. SIBS Publishing House.
2. Villanueva, Voltaire et.al (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademik at Sining). Quezon City. VIBAL Publishing House.
3. Constantino, Pamela C. et.al (2016). Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Manila. REX Book Store.
4.https://www.academia.edu/35233966/Mga_Hakbang_sa_Pagsulat_ng_
Bionote
5. https://www.slideshare.net/CookiesAlajar/bionote-80249815

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

12
13

You might also like